noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 6

Ch. 7 / 30 May 31, 2025

M ICHELLE started at the sound of a deep, masculine voice. Lumingon siya kasabay ng pagpatay ng driver sa makina ng sasakyan nito at bumaba. The driver was tall and big. His face was shadowed against the pale light from the post.

“Bakit ka nakaupo sa damuhan sa dilim?” the man asked again in that almost familiar voice. At bago pa makuhang magsalita ni Michelle ay muli itong nagtanong. “Sa iyo ba ang sasakyang iyan?” He stared at the vehicle a little warily.

Tumango siya. May pag-asang umusbong sa dibdib. Mabilis siyang tumayo. “N-na-flat ang gulong ko sa likuran,” she croaked.

“Hindi ba ang mas unang dapat gawin ay ang pumasok sa restaurant at humingi ng tulong kaysa maupo sa dilim at umiyak na lang?” he said, now there was amusement in his tone.

“I... I...” Hindi siya makahagilap ng sasabihin. Plano naman niya iyon, kaya lang parang gusto na muna niyang bigyang-daan ang mga hinanakit niya sa buhay.

“At hindi ka dapat nagbibiyaheng mag-isa,” idinagdag nito sa banayad na pagsaway nang matiyak na wala siyang kasama. “May flashlight ka ba?”

She opened her mouth to say she had no idea, pero bago makalabas ang salita sa bibig niya ay umiling ito na tila nahuhulaan ang isasagot niya. Tumalikod ito at bumalik sa sariling sasakyan, an expensive four-wheel drive pickup truck. Binuksan nito ang passenger side at may kinuha mula roon.

Ilang sandali pa’y pabalik na uli ito sa kinaroroonan niya hawak ang isang malaki at heavy duty flashlight. “You can hold this for me while I change your tire,” he said, handing her the flashlight.

Michelle liked the sound of the man’s voice in the dark. It was so male and there was a sexy lilt to it. She was about to reach for the flashlight when the man sucked in his breath as he had the chance to stare at her for the first time.

“It’s you!”

Sandali siyang nalito sa sinabi at naging reaksiyon nito. Inilayo ng lalaki ang flashlight pero sapat upang pareho nilang makita ang isa’t isa nang hindi nasisilaw.

A handsome face who had mocked her only two days ago was right in front of her. Natanto ni Michelle na ito ang lalaking nakatagpo niya sa elevator sa office building ng abogado ni Amador. Ito rin ang muntik na nilang mabangga ni Dexter noong nakaraang araw nang palabas na sila ng motel sa Pasig. The man whose nearness unnerved her.

She sighed as she didn’t know what to say. Talk of the world being small.

“Where’s that gentleman lover of yours?” he asked sarcastically, putting emphasis on “gentleman.” Tuluyang nawala ang palakaibigang tono nito.

Michelle was too weary to have a word war with this man who seemed haughty from the very first time they’d met.

“Kailangan din naman naming maghiwalay paminsan-minsan, hindi ba?” she said, a fake smile on her lips.

His face was grim as he raked a leering eyes on her slender body. Michelle groaned and raised her hands in the air. “Look, kung tutulungan mo akong palitan ang tire ko, ipagpapasalamat ko nang malaki. Kung hindi naman—” She shrugged “—no big deal.” Nilinga niya ang dako ng restaurant. “Baka may mahihingan ako ng tulong doon nang walang maraming sinasabi.”

He breathed harshly. Pabagsak nitong iniabot sa kanya ang malaking flashlight na muntik pa niyang mabitiwan sa pagkabigla. Tumalikod ito at binuksan ang likuran ng kotse niya. Narinig niya ang pagdausdos ng patong-patong niyang mga gamit. He heard him mutter a curse as he tried to catch one heavy box from falling.

“What the hell are these boxes?” tanong nito na hindi naman naghihintay ng sagot at nilingon siya. “Nasaan ang tire wrench mo? Ang jack?”

“It... it must be here somewhere,” she said in a mixture of confusion and embarrassment. “I really had no idea. I mean... I never expected a flat tire. Halos apat na buwan pa lang ang sasakyang iyan mula nang—”

“Hindi ibig sabihin niyon ay hindi ka na magkakaroon ng aberya! You don’t even have the common sense to have your tired checked before traveling this far!” he snapped and Michelle winced in the dark.

“Hey, Mister...” Ang tangka niyang pagtaas ng tinig ay lumabas na pagak. “You don’t know what I am going through. W-wala kang karapatang sigawan ako...” And to her horror and embarrassment, she burst into tears.

“Aw, shit. Double shit.” He almost groaned and then he raised his hand toward her but it froze in the air. He took a deep harsh breath. “Just what I need. A crying baby!” he murmured almost repentantly.

“I’m... sorry...” she hiccuped, brushed her tears angrily with the back of her hands. Hindi siya makapaniwalang bumulalas siya ng iyak sa harap ng estrangherong ito. But she was vulnerable and at the end of her tether. The last thing she needed was an irritable man to be snapping at her... no matter how gorgeous.

He exhaled harshly. Muling itinaas ang kamay patungo sa kanya at muli ring ibinaba. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod patungo sa sasakyan nito.

Sinundan ito ng tingin ni Michelle. Ano ang gagawin niya kung itinuloy ng estranghero ang balak na pag-abot sa kanya upang aluin siya?

You would have cried a river and make a fool of yourself. That’s what you would do.

Oh, well, it wasn’t that bad to pour out on that massive chest, wika ng kabilang isip niya, suddenly remembering his warmth and his male scent.

Pagbalik nito’y may dala na itong tire wrench, jack, at isang portable mechanic’s creeper. Inilatag ng lalaki sa ilalim ng sasakyan niya ang rubber creeper at sumuong at humiga roon. Agad siyang yumuko upang ituon doon ang liwanag. A couple of minutes more and he took out her spare tire.

“May tatlong malalaking pako sa gulong mo,” wika nito sa walang emosyong tinig matapos maikabit sa ilalim ng sasakyan niya ang flat tire. “Ipa-vulcanize mo iyan sa casa pagdating mo sa Maynila.” Niyuko nito ang flashlight sa kamay niya at inabot.

She gave it back to him. And when his fingers touched hers, she jolted. Agad niyang binitiwan ang flashlight. It was as if a live wire touched her skin. Napatitig ito sa kanya na tila ba ito man ay naramdaman din iyon. Nagyuko siya ng ulo at umiwas ng tingin.

“T-thank you very much,” she said sincerely.

He didn’t say a word. Tumalikod ito at bumalik sa sariling sasakyan. Ilang sandali pa’y iniliko na nito ang pickup truck pakanan nang hindi man lang siya nilingon. Nanatili siyang nakatayo roon hanggang sa mawala sa kadiliman ang sasakyan nito.

Despite the rudeness, the man was unmistakably very attractive. Sana’y nagkakilala sila sa isang mas kaaya-ayang sitwasyon, hindi iyong nakita siya nitong palabas ng motel kasama ni Dexter. Not that she wanted another man in her life right now. But she would still prefer a good image. Kahit hindi siya personal na kilala nito.

Lumakad siya patungo sa sariling sasakyan at pinaandar papasok sa di-kalayuang parking lot. Pagkatapos ay bumaba at lumakad patungo sa restaurant.

ADRIAN cursed himself as he drove his vehicle through the dark road. He was usually a very charming and patient man. Hindi niya maintindihan ang sarili sa nagiging attitude niya sa tatlong pagkakataong nagtagpo sila ng babaeng malaki ang pagkakahawig kay Harriet.

Natitiyak niyang umiiyak na ito nang malingunan niya kaninang palabas siya ng parking lot. Anong klaseng babae ang basta na lang mauupo sa madilim na tabing-daan at iiyak dahil na-flat-an?

A woman who always relied on a man to do everything for her. And in return, she would be there to fulfill her duty so ever willingly—and that was definitely in bed, the place where a woman of her kind should be. The thought brought a bitter taste in his mouth.

And yet, minutes ago, he had wanted to pull her in his arms and promise to make things right for her.

Stupid thought. Glad he caught himself in time.

Gumuhit sa isip ni Adrian ang nangingitim nitong mga mata na tila ba ilang araw nang hindi natutulog. Muli niya iyong napansin kanina nang tamaan ng liwanang ng flashlight ang mukha nito. Naroon na iyon noong una silang magtagpo sa building niya. And then there was the look of vulnerability and sadness in her eyes.

Was she truly pregnant and had her boyfriend ditched her?

Umigting ang mga bagang niya nang muling maalala kung anong uri ng lalaki ang boyfriend nito.

Well, a woman like her deserved a man like her boyfriend, he thought with prejudice.

MADILIM ang buong paligid at walang natatanaw si Michelle kahit na anong establisimyento na may ilaw maliban sa gasoline station na nasa unahan niya. Oh, well, it was two o’clock in the morning and she had no idea what town it was.

Ang mga mata niya’y natuon sa isang lalaking nakasandal sa isang poste at patamad na nagtuwid ng katawan. Itinapat niya rito ang sasakyan at binuksan ang salamin sa passenger side. Pupungas-pungas na tumayo ang boy.

“Gas, Ma’am?” awtomatiko ang tanong nito at inaantok pang hinanap ng mga mata ang bukasan ng tangke ng gasolina niya.

“Magandang umaga,” bati niya. Itinodo niya ang pagbaba sa salamin at inihilig ang katawan patungo sa bintana sa passenger side upang marinig siya ng gasoline boy. “Magtatanong lang ako kung saan maaaring tumuloy sa bayang ito?”

Lumingon sa paligid ang boy na tila ba natatanaw nito mula sa kadiliman ang itinatanong niya. Nang ibalik nito ang tingin sa kanya ay bigla itong natigilan, napanganga at nanlaki ang mga mata kasabay ng pag-atras. May ilang beses itong kumurap.

“Hey...” Nagsalubong ang mga kilay ni Michelle sa reaksiyon ng lalaki. “Gusto ko lang malaman kung may matutuluyang hotel dito. Anong bayan nga pala ito?”

“N-nasa Donsol po kayo, Ma’am,” sagot nito at titig na titig sa kanya.

Nasa Donsol na siya! Nakahinga siya nang maluwag. All she had to do was find a place to stay. “May matutuluyan bang lodging house dito sa Donsol?” she asked again.

Mula sa pagkatigagal ay alanganing humakbang muli ang lalaki palapit sa bintana ng kotse niya at sinipat siya. “D-dito po sa Donsol ay mga cottages lang,” wika nito, kinumpirma ang nabasa niya sa guidebook. “Pero sa bayan po ng El Paraiso ay may isang hotel, Ma’am. Malinis po.”

“El Paraiso?”

“Iyon po ang katabing bayan ng Donsol, ma’am. Mas maraming komportableng matutuluyan doon. Kung may sadya po kayo dito sa Donsol ay madali naman pong bumiyahe mula roon pabalik dito. Mula po sa Olivar Hotel ay wala pa pong kalahating oras depende sa pagmamaneho ninyo.”

She was too tired to argue. Pagbibigyan niya ang boy at bukas o mamaya pagkapahinga ay maghahanap siya ng tutuluyan sa Donsol.

“Paano ang pagtungo roon?”

“Kumaliwa po kayo sa may krus na daan. Paglampas po ninyo sa maikling tulay ay El Paraiso na. At madali naman pong makita ang hotel dahil maliwanag naman po ang karatula ng Hotel Olivar bukod sa wala naman pong ibang building doon kundi iyon.”

She smiled tiredly. “Salamat.”

“Natitiyak kong magugustuhan ninyo ang hotel,” nagmamadaling sabi nito.

Muli niyang itinaas pasara ang salamin at inilabas sa gasoline station ang sasakyan.

Samantala, ang boy ay nanatiling nakatulala sa kinatatayuan nang lapitan ng kasamahan at tapikin sa balikat. “Bakit hindi nagpagasolina iyon?”

“Nagtanong lang kung saan ang pinakamalapit na matutuluyan dito.”

“Inirekomenda mo ba ang mga kubo?”

“Sa Hotel Olivar ko siya itinuro.” Ipinilig niya ang ulo, hindi matiyak kung tama ang ginawa. “Baka naalimpungatan lang ako, pero ang tingin ko talaga doon sa babae ay si Mrs. de Alegre.”

“Ow? Baka nagbalik na.”

Umiling ang gasoline boy. “Bata pa ang driver. Parang bumatang Mrs. de Alegre. At dayo lang.”

Ngumisi ang kasamahan at tumalikod. “Kung sa cottage ni Aling Doring mo itinuro iyon, nagkakomisyon ka pa.”

Humugot ng malalim na hininga ang boy. Malayong-malayo sa komisyon ang nasa isip niya. Nakasunod pa rin ang mga mata niya sa pinatunguhan ng sasakyan kahit na itinago na iyon ng dilim. Dahil kung hindi siya dinadaya ng mga mata kanina ay malamang na gumawa ng ligalig ang presensiya ng babaeng estranghera sa buong Hotel Olivar.