H ANGGANG sa makabalik sila sa daungan sa likuran ng mga bato ay nanatiling walang kibo si Michelle. Habang nasa wheelhouse siya kanina at sinisikap igiya ang yate sa gitna ng malalaking alon ay nanatili ito sa barandilya at hindi alintana ang mahinang ulan na bumabasa rito. Nanatili itong nakatitig sa pinanggalingan nila bagaman halos hindi na iyon matanaw.
Ngumiti lang ito nang mula sa itaas ng wharf ay patakbong bumababa si Catherine sa hagdanang bato.
“Mommy... Daddy...”
Sa gitna ng tila pantalang kahoy ay nagsalubong ang dalawa. Tumingkayad si Michelle at niyakap ang bata. “I miss you, Mommy. Sabi ni Yaya Henny ay naglayag kayo. You didn’t wait for me,” may tampong sabi nito.
“We haven’t been long at the sea, sweetie,” Adrian said from behind Michelle. “Lumalakas ang alon at ulan, so we decided to go back. Look at you, sinagasa mo ang ambon. Baka sipunin ka.”
The girl smiled sweetly at her father. “Then Mommy would stay home and take care of me, wouldn’t you, Mommy?”
“Siyempre naman. But I don’t want you to catch cold. So, tara na sa itaas.” Nilinga siya ni Michelle and saw her poignant smile that tugged at his heart.
Adrian sighed. Kinarga niya ang anak at inakbayan si Michelle at magkasama silang tatlong pinanhik ang batong hagdan patungo sa itaas. Hindi niya naiintindihan ang nangyari dito kani-kanina lang. Lalo nang nakagulo sa isip niya ang matinding lungkot at tila nagpa-panic nitong kilos.
Dahil na rin kay Catherine kaya inabot ng gabi si Michelle at doon na rin naghapunan. Hinilingan din ito ni Catherine na basahan ni Michelle ng paborito nitong kuwento nang nasa silid na nito ang bata.
Adrian watched his daughter and Michelle together. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakahilig sa headboard habang binabasahan si Catherine ng kuwentong pambata.
Hindi niya kayang ipaliwanag ang damdamin niya habang nakamasid sa dalawa. Para bang natural na naroroon si Michelle bilang ina ng anak niya. There were women in the past who had tried to trap him through her daughter. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabaitan dito. But Catherine had not shown interest. Maliban kay Harriet, his daughter had never been taken in by any woman.
“Is she asleep?” he asked from the doorway.
“Sshh...” ani Michelle at maingat na tumayo mula sa kama. Kinumutan ang bata at hinagkan sa noo at saka dahan-dahang lumabas. Umatras si Adrian upang makabig nito pasara ang pinto.
Kinabig niya ito payakap. Itinaas ang mukha nito at hinagkan sa ilong. “Would it be too much if I ask politely that you put me to sleep, too?”
She chuckled and gave a playful jab at his chest. “It’s almost seven-thirty. Take me home, Mister.”
“Michelle...” he whispered huskily, his hunger showed in his eyes.
“So I told you I am easy,” she said grinning at him. “But not this easy. Let’s go, lover boy.” Itinulak siya nito at nagpaunang lumakad patungo sa hagdan.
He gave an exaggerated groan and followed her as he watched the sway of her hips.
ALAS-OTSO nang makarating sila sa cottage. “Thank you for a wonderful afternoon, Adrian,” she said, smiling softly.
“Did you really have a wonderful afternoon, Mitch?” he asked seriously. “Kanina sa dagat ay parang biglang may nangyaring hindi ko maunawaan.”
Pumormal siya at nagbuntong-hininga. “Hayaan mo na iyon. It has nothing to do with you. Sa ibang pagkakataon marahil ay maipaliliwanag ko sa iyo.” Binuksan niya ang pinto ng Hi-Lux at bumaba.
Adrian did the same thing. At tulad ng dati ay kinuha nito ang susi sa bag niya at lumakad sila patungo sa cottage nang mapahinto sa paghakbang niya si Michelle.
“B-bukas ang pinto?” aniya nang makitang nakaawang iyon. “Isinara ko iyan kaninang umalis tayo. You... you saw me lock my door.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Adrian at sa malalaking hakbang ay nauna na sa kanya sa balkon. Pinanhik nito ang tatlong baitang na hagdan at itinulak ang pinto pabukas.
Behind him, Michelle gasped in horror.
ANG MGA gamit niyang mga nakakahon at nasa isang sulok lang ng cottage ay bukas lahat at nakasabog ang mga damit at gamit niya sa sahig ng cottage.
Nilampasan niya si Adrian at lumakad sa gitna ng mga nakakalat niyang gamit patungo sa silid. At dahil wala namang nakalagay doon kahit na isang kahon ay ang laman ng closet ang hinalungkat nang lahat. Napaungol siya nang makita ang laptop niyang nakabagsak sa sahig.
Nanlulumong tumingkayad siya at dinampot iyon. Kung tuluyang nasira iyon ay hindi na siya makabibili pang muli ng panibagong laptop. Mahal pa iyon kaysa sa naipon ni Emma sa bank account nito.
Dinukot ni Adrian sa bulsa ng pantalong maong ang cellphone at may tinawagan. “Come to Michelle’s cottage. Right now.” He turned it off. Muling ibinalik iyon sa bulsa ng pantalon.
Her shocked eyes met Adrian’s which were chilled to dark, unfathomable pools. “May nawala ba?” he asked in a voice that like his eyes, chilled her. Hindi pa niya nakita ang ganitong tahimik subalit mapanganib nitong anyo.
“I... I don’t know yet.” Bumalik siya sa sala. Napuna niya ang easel niya na nakatumba. Dali-dali niyang inayos iyon, tinitigan kung nasira ang ipininta niya kagabi dahil nakataob iyon sa sahig. Subalit maliban sa pagkakabagsak niyo’y wala namang nasira kahit alinman sa mga canvas niya na nakasandal sa dingding.
Then she noticed her paint box at ang ilang gamit niya sa pagpipinta na nasa isang sulok ng munting sala. They were untouched. Nilinga niya ang mga kahon at ang mga laman niyong nakasabog. Ang kahon na naglalaman ng mga kuntil-butil niyang gamit tulad ng picture frames, crystals, small figurines, at kung ano-ano pang memorabilia ay halos hindi lumabas sa kahon bagaman makikitang iyon man ay hinalungkat din.
Pagkuwa’y nakita ni Michelle ang mga photo albums niya na nakakalat sa sahig hindi-kalayuan sa kahong pinanggalingan niyon. Lahat ng apat niyang malalaking albums ay nakalabas. Kasama ang mga iyon sa kahon ng mga memorabilia niya. Bukod-tanging ang mga album lang ang inilabas.
Sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa niyang dinampot ang mga iyon. Isa-isang sinuri. “W-why would a thief be interested with my photo albums?”
“Paano mo nalaman?” Adrian asked. The anger in his voice was controlled.
“Lahat ng laman ng mga kahon ay nakasabog maliban sa kahong pinanggalingan ng mga albums. These photo albums were on top. It seemed na nang makita niya ang mga ito’y kinuha at tiningnan. Halos matanggal ang ilang pahina at— Oh!”
“What?” Napahakbang ito palapit sa kanya at tumingkayad sa tabi niya at tiningnan ang hawak niyang album.
“L-lahat ng mga larawan ko noong maliit pa akong bata’y nawala lahat!” Her voice quivered, on the verge of tears. “Why?”
Hinawakan siya ni Adrian sa magkabilang balikat at itinayo at pagkatapos ay niyakap. Ang nagbabantang mga luha ay tuluyang kumawala.
“I cannot believe somebody did this...” umiiyak niyang sabi.
Kung ano man ang isasagot ni Adrian ay napigil sa biglang pagsungaw ni Norien. “Ano ang nangyari dito? Bakit nakasabog ang mga gamit mo, Michelle?” Pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa kanilang dalawa at sa mga gamit.
Hinarap ito ni Adrian. “Iyan mismo ang dahilan kung bakit pinapunta kita rito, Norien,” wika nito sa hindi itinatagong galit. “Kung sino man ang pumasok ay may sariling susi sa cottage na ito!”
Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae at natuon pareho sa pinto. “P-paano mo nasabi iyan?”
Si Norien ang sumagot na ang mga mata’y nakatutok sa pinto. “Hindi nasira ang lock. Ibig sabihin ay gumamit ng susi ang sino mang pumasok dito.”
“She could have... picked the lock. It’s possible.”
“Possible, yes,” ani Adrian. “Pero mataong lugar ito, Michelle. At ang kasunod na cottage ay swimming pool lamang ang pagitan mula rito. At may umookupa roon. Kung magnanakaw ang pumasok ay may makakapuna sa kakaibang kilos nito. Sa tingin mo, masasabi mo ba kaagad kung anong mahalagang bagay sa iyo ang nawala?”
“Natitiyak kong wala. Maliban sa...” She couldn’t say more. Her throat hurt from tension. Ang gusto na lang niyang gawin ay umiyak nang umiyak. Ano ba ang nangyayari sa buhay niya?
“Maliban sa ano?” Norien asked.
“Michelle’s photos when she was little.”
“Iyon lang ang ninakaw sa iyo?” Norien exclaimed incredulously. “That’s... absurd. At bakit iyong mga litrato mo noong bata ka pa ang kinuha?” Nang masuyod ng tingin ni Norien ang mga gamit niya ay lalo pang nalito at nagtaka ito. “B-bakit dala-dala mong lahat ang mga gamit mo sa bahay ninyo? I-I never thought na personal mong mga gamit ang laman ng mga kahong iyan...” Nagtatanong ang mga mata nito nang ituon sa kanya.
“I-it’s a long story, Norien. Saka ko na sasabihin sa iyo. Pero iyong kung bakit ang mga larawan ko noong bata pa ako ang ninakaw ay hindi ko kayang sagutin iyan. Actually, iyong mga larawan ko mula noong tatlong taong gulang ako hanggang...” Tumingkayad siya at dinampot ang album at binuklat muli “... anim na taong gulang ako.”
“But why? Ano ang gagawin ng magnanakaw sa mga litrato mo?”
Ang akmang pagsagot ni Michelle ay napigil ng muling pagsasalita ni Adrian. “Nandito ka ba maghapon?”
“I came around eleven-thirty. Nasa opisina lang ako at nagtutuos ng mga accounts.” She was frowning. “Hindi ko alam na magkasama kayong umalis.” Nagdududang pinaglipat-lipat nito ang paningin sa kanila.
“Maliban sa iyo, sino pa ang may duplicate keys sa mga cottages?”
“Ako lang, Adrian. And I don’t believe somebody had taken the keys from my drawers. I was there the whole afternoon.” Tinitigan nito si Michelle na ang mga mata ay sindak pa ring nakatitig sa mga gamit. “Minsan ma’y hindi pa nangyari ito, Michelle. Ikinalulungkot ko. Hayaan mo at ipapaalam ko sa mga pulis ang bagay na ito.”
“Hindi na kailangan...” Mabilis siyang humarap dito. “H-hindi ko lang maunawaan kung bakit kinuha niya ang mga larawan ko.”
Muli siyang inabot ni Adrian at kinabig. “It’s okay,” he whispered in her ear. “We’ll get to the bottom of this. Meantime, since I can see now that all your belongings were in those boxes, I believe you have your birth certificate with you.”
“Adrian—”
“I want it now, Michelle. Ibibigay ko sa abogado ko ngayong gabi. Para bukas ay madaling maasikaso.”
“Ano ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa?” asked Norien, puzzled.
“Well, it isn’t a secret anymore since I’ve told Virgilio and Tiya Celestina this morning—”
“Oh, Adrian! You did?” Michelle exclaimed wearily.
Tumango ito. Nilinga si Norien na naguguluhang nakatitig sa kanilang dalawa. “Hindi ko gustong ianunsiyo ang bagay na ito sa iyo sa mga sandaling ito, Norien...” Nilinga nito ang mga nakakalat na gamit ni Michelle. “Pero mabuti nang malaman mo na rin. I am marrying Michelle.”
“What?!” Shock spread through Norien’s face.
“Anyway, maaari kang tumayo bilang witness, kung tatanggapin mo.”
Sarisaring emosyon ang nagsasalimbayan sa mukha ni Norien. She was stunned... and then the disbelief... then her eyes sparkled. She walked toward Adrian and hugged him.
“Oh, Adrian! I am so happy for you! I really do.” Pagkuwa’y binalingan nito si Michelle. “Hindi ko itatanong kung paano nangyaring nasilo mo ang confirmed bachelor ng paraisong ito, Michelle. Ang gusto ko na lang gawin ay batiin kayo. I am genuinely surprised. But you said you two have met before. So, noon pa mang una kayong magkita ay may namamagitan na sa inyo...”
“Norien, I only—”
“You’re right, Norien,” putol nito sa gusto niyang sabihin. “Bago pa nagtungo si Michelle dito ay tatlong beses na kaming nagtagpo.” In a way, that was partly true, pero hindi sa paraang gusto nitong iparating kay Norien.
“I hope you will be happy this time, Adrian,” she said sincerely. Nilinga nito si Michelle at kinamayan. “Maliban sa iyo’y walang inalok na pakakasalan si Adrian, Michelle. Marami nang naglatag ng patibong para masilo iyan subalit walang nagtagumpay. You are one lucky lady.”
Tinanggap ni Michelle ang pakikipagkamay nito habang inaanalisa ang anyo ni Norien. Kahit sinong mahusay na artista ay hindi kayang iarte ang kasiyahang nagdaan sa mga mata nito. She was honestly happy for Adrian... for them.
Nag-ring ang cellphone ni Norien sa bulsa at agad nitong sinagot iyon. Pagkatapos ay nagpaalam sa kanila. “See you both later. Some couples are checking out, Adrian.” Nilinga nito ang mga gamit ni Michelle, then she sighed and shook her head regretfully.
“Did you have to tell her that?” naguguluhang tanong niya nang makaalis si Norien. “I... I thought you would let me think about it for a couple of days?”
“Sweetheart, alam kong hindi ka tatanggi. Napatunayan ko iyan ngayon lang mismo. Bakit kailangan ko pa ang magdamag para sa sagot mo?” he said arrogantly. “Tulad ni Norien, hindi ko inakala na mga gamit mo ang laman ng mga kahong iyan. That they were painting materials passed my mind. Hindi ko na gaanong binigyan ng pansin. Narito sa cottage na ito ang lahat ng pag-aari mo. Wala kang babalikan pa sa Maynila.”
Pagkabanggit sa mga gamit niya ay muling bumalik ang panlulumo kay Michelle. Humakbang siya patungo sa rattan bench at naupo.
“Why would somebody want my pictures as a child, Adrian?”
Tinitigan siya ni Adrian nang matagal. “Are you sure you really don’t know?”
“A-ano ang ibig mong sabihin?”
“Let’s be honest with each other, Michelle.” He held her in place with his gaze. “Ano ang layunin mo sa pagtungo sa El Paraiso? Bakit dito, of all places? At kung nagbabakasyon ka lang ay bakit dala mong lahat ang mga gamit mo? Sa nakikita ko’y iyan na ang kabuuang pag-aari mo...”
“Hindi ko alam kung ano ang gusto mong marinig na kasagutan ko sa mga sinasabi mo, Adrian,” she said wearily. Nag-init ang sulok ng mga mata niya at nilinga ang labas ng cottage sa pamamagitan ng nakabukas na pinto.
Binuhay ng tanong na iyon ang dahilan kung bakit wala na siyang babalikan pa sa Maynila. Ang pait at hapdi ng damdamin sa pagkamatay ng mga magulang. And Dexter’s betrayal. Although that part almost didn’t hurt her anymore.
Dumako sa may bintana sa kanang bahagi niya si Adrian at binuksan ang mga jalousies at sumandal sa pasimano. “Magpapakasal tayo, Michelle. The soonest would be three or four days from now. Hindi ko binibiro ang bagay na iyan at wala akong balak na magdalawang-isip. Though my first and foremost reason is my daughter Catherine, I honestly like you...
“Oh, ‘like’ is an understatement. I can’t even explain to myself what is it about you that affected me so much like no other. You’re like fingernails dragging across the chalkboard...” He paused. “That is a compliment,” he added quickly when she frowned.
“While my life is an open book to almost everyone in this town,” patuloy nito, “which you can check anytime, I know nothing about you. Hindi kaya sa palagay mo ay ito ang tamang pagkakataon para malaman ko? Huwag mo nang isama ang ex-lovers mo. Maaari ko nang hindi mapakinggan iyon.” The last two sentences were uttered with anger and malice.
She bit her lip. Magkasama sila kahapon at kanina. But this was the closest thing she would get from him in terms of courtship and proposal. For Adrian, marrying her was a job offer. Magpasalamat na siyang kahit paano’y inamin nito ang atraksiyon sa kanya, sexual or otherwise.
Napakalalim ng hiningang pinakawalan ni Michelle bago siya nagsimulang magsalita. Inulit uli niya ang ilang detalye tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya na nasabi na noong hapunan sa bahay ni Virgilio de Alegre. She told him Amador’s tolerance and indulgence of her because of Emma. Emma’s fatal heart attack that led to Amador’s death. At pagkatapos ay ang pagbasa ng abogado sa mga ari-arian nito.
“My parents left me nothing. Kahit ang bahay kung saan ako nagkaisip at lumaki. Iyon ay pag-aari ni Digna Verano, my father’s mother.”
Lumalim ang guhit sa noo ni Adrian. “But she was your grandmother!”
She smiled bitterly. Ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento. Humihinto lang siya sandali upang bigyang-daan ang pagmumura ni Adrian pagdating sa ginawa ni Dexter nang malaman ang tungkol sa uri ng pagkatao niya.
“Oh, I got the car. Sa huling sandali ay nagamit ko ang ilang taon ko sa pre-Law...”
He was staring at her in stunned silence.
“At iyong kotseng ibinangga ni Papa ay kasalukuyang inaayos ng abogado ang insurance. Natitiyak kong mapupunta iyon sa akin. I need that money to start my life again... and also my mother’s pieces of jewelry, sa sandaling mabawi iyon ng mga abogado.” She finished with a nonchalant voice, itinatago ang pananariwa ng kapaitan at sakit sa dibdib.
“And so your reason for coming to this place was purely coincidental,” he said after a while in gentler voice. “Na kaya ka nakarating dito ay dahil itinuro sa iyo ng boy sa gas station dahil sa pagkakahawig mo kay Harriet.”
Guilt crossed her eyes. Nagyuko siya ng ulo, her hands on her lap. “T-that’s not entirely true, Adrian,” she said softly that Adrian almost didn’t hear it.
“What do you mean?”