B UMABA si Michelle ng kotse niya at ginalugad ng tingin ang buong paligid. Katanghalian subalit malamig ang dapyo ng hangin sa balat niya. Ni hindi makalusot ang mainit na sinag ng araw sa pagitan ng mga siwang ng malalaking puno.
“The place is eerie,” aniya nang matitigan ang guho ng parola. She shivered a little. Nilinga niya ang kasama na nakatayo sa tabi niya at nakangiti. Itinulak nito pasara ang pinto ng kotse sa passenger side.
“Sekondarya lang ang tinapos ko kaya hindi ko gaanong naiintindihan ang sinabi mo, Michelle. Pero kung ang ibig mong sabihin ay nakakatakot ang lugar na ito ay oo. Iyon ang impresyon ng nakararami noong kabataan ko. At magpasahanggang ngayon.”
Napalingon siya rito, gustong mapahiya. “H-hindi ko nais na maka—”
Iwinasiwas nito ang kamay. “Hindi ako madaling mainsulto. Huwag mong bigyan ng halaga iyon. Kayong mga kabataan ay nasanay nang magsalita ng salitang banyaga. Kahit si Norien.”
Hindi nakaila sa kanya ang pagkagiliw sa tinig nito nang banggitin ang pangalan ni Norien. Ibinalik niya ang mga mata sa pagsuri sa magubat na paligid. Ang guho ay tinutubuan na ng kung ano-anong damong gumagapang. For all she knew, pinamamahayan na ang lugar na iyon ng makamandag na mga hayop.
“Hindi nabanggit ni Adrian na may daan patungo rito. Akala ko ba’y walang nagtutungo rito?” Humakbang siya patungo sa nakitang kapirasong clearing. Hinawi niya ang mga damong hindi naman kataasan at naghanap ng patag na lugar para maitayo ang easel.
“Alam mo naman ang mga lalaki, gusto lagi tayong pinoprotektahan. Pero kung napansin mo, wala naman talagang daan. Nahawi lang ng kotse mo ang mga damo.”
“Kunsabagay nga. Pero sana’y maipinta ko rin ang ibaba ng bangin. Kailangan nga lang na sa dagat ako manggagaling.” Inuga-uga niya ang easel at nang matiyak na hindi iyon gagalaw ay inilatag ang canvas.
“Santisima!” wika nito na ikinalingon niya rito. “Nalimutan ko ang telepono ko sa bahay. Maaari ko bang mahiram ang telepono mo? Gusto kong tawagan si Virgilio at sabihing hindi ako makakasabay sa tanghalian. Magkasama sila ni Adrian sa munisipyo.”
“Sure.” Dinukot niya sa bulsa ang telepono at iniabot dito.
She started to dial, then as if she remembered something, she said, “Alam mo bang may daan mula sa guho patungo sa dagat, Michelle?”
Her eyes flew to her. Naisip na niya iyon kanina nang makita ang mga larawan. Pero hindi mula sa guho kundi mula sa dagat. But it made sense. Kung may daan mula sa dagat ay lalong mayroon mula sa guho patungo sa dagat.
“Gusto kong makita ang daan patungo roon,” she said determinedly and excitedly. Ang dibdib niya’y nagsimula nang kumabog. Natitiyak niyang iyon ang lugar sa panaginip niya.
“Aba, eh, di unahin na muna natin ang pagpasok sa guho dahil baka humapon ay wala nang liwanag na makakapasok sa mga siwang.”
Nagpauna itong humakbang patungo sa guho, hinahawi ang matataas at makakapal na damo. Michelle did the same thing. Her excitement was too intense that her chest felt like bursting anytime.
Hesitantly, sumunod siya sa loob. Naaabot pa ng liwanag ng araw ang bahaging kinatatayuan nila dahil malapit lang iyon sa guwang. Sarisaring amoy ang nalalanghap niya. Ang amoy ng guho, ng kung ano-anong agiw na karaniwan sa lugar na hindi nagagamit, at ng amoy ng dagat.
“May hagdanang bato sa bandang kaliwa mo patungo sa ibaba,” wika nito.
Hagdanang bato!
Of course! She had dreamed that. Seeing the place through the eerie darkness reminded her of a catacomb she had watched in a movie.
Michelle would have asked her companion how she knew about the stairs but that would be stupid. The old woman grew up in this place.
“M-madilim,” aniya matapos ang ilang hakbang patungo sa kanan. Hindi na gaanong umaabot doon ang liwanag mula sa mga siwang ng guho.
“Ang tinutumbok mo’y ang hagdanang bato na karugtong ng hagdan mula sa itaas ng parola.” Hinawakan siya nito sa braso. “Mag-iingat ka at ang bahaging ito’y nasirang dingding. Isang hakbang pa at nahulog ka na sana.”
Napasinghap siya at napaatras. Nasa likod niya ito. Wala siyang nakikita sa kadiliman. Natatakot siya at hindi na gustong ituloy ang paghahanap sa hagdan subalit ang pagnanais na lutasin ang misteryo ng panaginip niya’y nanaig.
“Pero huwag kang mag-alala, makakarating ka rin sa ibaba,” wika nito, humihigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Itinuring niya iyong pag-iingat upang hindi siya mahulog. “Alam mo bang hindi ako ang tunay na ina ni Virgilio, Michelle?”
“W-what?” Surprised, sinikap niyang lumingon dito subalit nasa likuran niya mismo ito.
Tumawa si Celestina at nag-echo sa buong kaguhuan. “Binatilyo si Virgilio nang mamatay ang ina. At labis na nanimdim si Fred. Anak ako ng kusinera nila at malimit tumulong sa aking ina sa malaking bahay. Mahigit na akong treinta at wala pang asawa dahil nangarap akong makapag-asawa ng mayamang tulad ni Fred de Alegre...”
“B-bakit ninyo sinasabi sa akin ang bagay na ito?”
“Magiging kapamilya ka na at dapat mong malaman iyon. Nakapagtatakang hindi nabanggit sa iyo ni Adrian. Kunsabagay, hindi naman mahalaga pa iyon dahil bata pa si Virgilio nang mga panahong iyon at ako na ang kinilala niyang ina.” Bahagya itong natawa. Tawang may kakaibang tono.
“Minsang nalasing si Fred ay sadya ko siyang pinasok sa silid niya. Hinintay kong datnan kami roon ng aking ina at ni Virgilio mismo. Na siyang nangyari.”
Michelle could imagine the scenario clearly in her mind. Ang ipinagtataka niya’y kung bakit sa lugar na iyon nito sinasabi sa kanya ang bagay na iyon. Katunayan, noong araw na nananghalian sila ni Adrian sa bahay-asyenda ay mahaba ang pagkakataon nilang pag-usapan iyon.
“Pinakasalan kayo ni... ni Lolo Fred?”
“Tama ka, hija,” she said softly, na tila ba sa loob sila ng bahay-asyenda nag-uusap at nakaupo sa drawing room. “Pero sa nakalipas na mga panahon, ay ang mama pa rin ni Virgilio ang minahal niya. Ang dating kasintahan ni Lucio Palermo. Hindi ko maintindihan ang mga lalaking de Alegre pagdating sa katapatan...”
Naririnig ni Michelle ang ismid sa tinig nito. Na tila ba ang pagiging tapat ay isang malaking kapintasan. “Kahit si Virgilio ay ganoon din. Hindi miminsang sinulsulan ko si Fred na hikayatin si Virgilio na pakasalan si Odette. Alam mo bang anak ko si Odette at apo ko si Norien?”
Napasinghap siya. That genuinely surprised her even more. Dahil hindi man lang naipahiwatig ni Norien iyon. “B-bakit ho tayo dito nagkukuwentuhan sa dilim? Ang sabi ninyo’y gumuho ang dingding sa lugar na ito at maaari tayong mahulog sa ibaba?” tanong niya at sinikap umatras subalit nakaharang ang likod ni Celestina.
Isang mahabang buntong-hininga ang kumawala rito. “Sana’y hindi mo na pinlanong magtungo sa El Paraiso, Michelle. Inuulit mo lang ang kasaysayan. Tulad ni Harriet, aagawin mo kay Norien si Adrian. Hindi ko mapapayagan iyon, tulad ng hindi ko mapapayagang makasal sina Beverly at Adrian noong araw...”
“A-ano’ng ibig ninyong sabihin?”
Tumawa ito. The kind of laugh that was as eerie as the place. Nagsimulang gumapang ang kilabot sa katawan niya. May kinalaman ba ito sa pagkamatay ng ina ni Catherine?
“At kinasusuklaman ko si Fred sa pagpayag niyang makasal sina Virgilio at Harriet. Hindi niya dapat sinang-ayunan iyon!” She hissed behind her.
Nagsimulang gumapang ang kilabot sa katawan ni Michelle. Pilit niyang pinakakawalan ang kamay mula sa pagkakahawak ni Celestina subalit malakas ito. Nagsikap siyang makaatras sa kinatatayuan niya at pilit itinutulak ang matanda.
“Inaapura mo ang pagbagsak mo sa ibaba, Michelle!” wika nito at bago pa siya makagawa ng hakbang paatras ay buong-lakas siyang itinulak nito patungo sa malalim na kadiliman.
MICHELLE screamed as she fell into the dark abyss. Naririnig niya ang alingawngaw ng baliw na tawa ni Celestina. It must have been a few seconds before her body hit the ground but it seemed forever.
Napaungol siya sa sakit ng pagkakabagsak niya. Sa ilang sandali’y nagdilim ang lahat sa kanya. But she would not succumb to darkness. Mabilis na gumana ang survival instinct niya. She’d be damned if she allowed the crazy woman to kill her!
Sinikap niyang huwag mawalan ng malay at nanatili nang ilang sandaling hindi kumikilos. She breathed slowly and tried to gather her thoughts. Dinama ng kamay niya ang kinabagsakan. Buhangin. Sa buhangin siya bumagsak. Sa malambot at tuyong buhangin!
“Mabubulok ka riyan, Michelle!” sigaw ni Celestina. “Sa pagkakataong ito’y hindi ako magbibigay ng pagkakataong mabuhay ka pa nang matagal. Mabubulok kang kasama ng ina mo!”
“Ha... hahanapin ako ni... Papa at ni Adrian!” she shouted back but her voice came out as croak.
“Tulad din ng paghahanap ni Virgilio kay Harriet.” Her laugh’s echo bounced the walls of the ruins. “Hinayaan kong mabuhay ang ina mo nang ganito katagal upang ipadama sa kanya ang sakit na naramdaman ni Odette nang lantaran itong tanggihan ni Virgilio! Dahil sa pagtanggi ni Virgilio ay napilitang pumatol sa masamang lalaki ang anak ko!”
“Hinayaan kong mabuhay ang ina mo nang ganito katagal...”
Bago pa makarehistro sa isip niya iyon ay muli itong sumigaw. “Mamamatay ka kasama ng ina mo! Iyon ay kung hindi pa siya patay. Dalawang araw ko na siyang hindi hinahatiran ng pagkain!” Muling tumawa si Celestina. Tawang unti-unting humihina at palayo nang palayo. Nangangahulugang palabas na ito ng guho.