S ABAY-SABAY ang pagsalakay ng matinding kaba at ang walang katiyakan sa dibdib ni Michelle. Ililiko ba niya ang sasakyan patungo sa mismong asyenda?
Nasa ganoon siyang agam-agam nang mula sa road bend sa unahang daan ay natanaw niya ang paparating na pulang Toyota Tamaraw. Bumagal ang pagtakbo niyon nang malapit na sa kanya dahil hindi naman kalaparan ang daan.
Nakita niyang sinenyasan ng pasahero ang driver na huminto. Tumigil ang Toyota Tamaraw sa mismong tabi ng sasakyan niya. Bumukas ang bintana sa bahagi ng passenger seat at isang bata at magandang babae ang sumungaw.
“Hi,” bati nito na nang matitigan siya ay sandaling natigagal. Kahit ang driver sa tabi nito, a good-looking young man, ay kinakitaan din ng pagkamangha.
“Oh, my God, and I thought you were... Hindi bale na...” Iwinasiwas nito ang kamay at tuloy-tuloy sa pagsasalita. “Sa asyenda ba ang tungo mo?” Inilabas nito ang ulo sa bintana at sinipat siya nang husto.
The woman was a beauty. Her hair, a dyed chestnut brown was cut short in style. Her eyes were soft brown. Contacts, Michelle mused.
“Good morning,” bati niya.
Ang kasunod na ginawa ng babae ay binuksan ang pinto ng Toyota Tamaraw at bumaba at lumapit sa sasakyan niya. She looked very young. Baka mas bata sa kanya nang dalawang taon. She was a petite woman and yet with boobs Michelle would kill to have. The denim jeans she wore was stretched beyond the fabric’s limit. It hugged the woman’s whistle-bait figure.
May tawag sa ganoong katawan—voluptuous. Michelle glanced at the woman with silent envy.
“Sino ka?” diretsong tanong nito. “I mean, may kailangan ka ba sa Hacienda de Alegre? Hindi mo naitatanong ay malapit kong kaibigan ang may-ari ng asyenda,” pagbibigay-impormasyon nito.
Michelle smiled. Pero wala siyang mahagilap na sasabihin. She couldn’t even find one word to start with. Sa halip, binuksan niya ang pinto at lumabas. Umatras nang isang hakbang ang dalaga upang hindi makaabala sa pagbaba niya.
“Isa ka bang local tourist?” muling tanong nito. “Ako nga pala si Norien Belarmino.” Inilahad nito ang kamay sa kanya at lumingon sa loob ng Tamaraw. “Siya naman si Ansel.”
Tinanggap niya ang kamay nito at nginitian ang dalawa. “Michelle Verano. Sa Hotel Olivar ako nakatuloy.”
“Oh.” Puno ng kahulugan ang isang salitang iyon.
Michelle ignored it. She looked around her. Wala namang matatanaw kundi mga puno ng niyog, mga puno ng abaka, at ang malaking puno na nasa likuran ng arko.
“Ano ang tawag sa punong iyan?” she asked curiously.
“Ah. Kaya ka ba huminto ay dahil naakit ka sa puno ng pili na iyan?” Norien laughed good-naturedly. “Matanda pa sa akin ang punong iyan at laging hitik kung mamunga.”
She smiled back. “I realized I like this place,” aniya. “Kung sa hotel ako mananatili ay may-kamahalan. May alam ka bang mauupahan nang mura lang sa loob ng isa hanggang dalawang linggo?”
The young woman was thoughtful. Then with a spark in her eyes turned to look at the driver of the Tamaraw. “I just know of a place. Hindi ba, Ansel?” Her eyes were soft as she looked at the young man who smiled back.
“ANO BA ang sinasabi nitong batang ito, Adrian?” tanong ni Virgilio de Alegre at nilingon si Catie sa likuran kasama ang yaya.
“It is true, Uncle Vir,” said the girl sleepily. “Just go and see this lady. She’s so pretty like...” Her voice trailed off. Then, “I hit her with my ball... and she didn’t shriek and get mad like Tiya Odette did when I hit her with my ball.”
Kumunot ang noo ni Adrian at sinipat ang naghihikab na anak sa likuran mula sa rearview mirror. “Hindi mo sinabi sa aking tinamaan mo siya ng bola?” His tone was reprimanding.
“Sorry, Daddy. Paghagis ko ng bola `ando’n siya.” Humilig ito sa panggitnang armrest.
“Kay Michelle ka humingi ng paumanhin, Catherine.”
“Who’s Michelle?” Virgilio’s confused look darted his way.
“The woman my daughter’s telling you about. We... we’ve actually met in Elena’s Restaurant... you know, that roadside restaurant a mile before reaching Daet.” Sinulyapan niya sandali si Virgilio na tumango. Kung nanggagaling sila sa Maynila ay karaniwan nang doon sila naghahapunan kahit lampas na sa oras.
“Really?” There was just a slight curiosity in Virgilio’s voice.
“The woman had a flat. Tinulungan kong magpalit ng gulong. Hindi ko inisip na sa El Paraiso ang tungo niya. She’s a guest at the hotel.”
“So. Ano ang sinasabi nitong batang ito tungkol sa guest natin? Bakit interesado si Catie na makita ko ang babaeng ito?”
Inilabas na muna ni Adrian ang Hi-Lux sa parking lot ng airport bago sumagot. “Kahawig siya ni...” He paused for a second, “Harriet. At malaki ang naging epekto kay Catie nang makita siya.”
Virgilio went still at the mention of his wife’s name. Pagkuwa’y nilingon ang bata na inaayos na ng yaya dahil nakakatulog na.
“Harriet had been both a mother and grandmother to your daughter. It is understandable that Catherine misses her so much. We both miss Harriet.” There was a catch in Virgilio’s voice.
Walang maisagot si Adrian doon at itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Parehong nagdusa at nangulila sina Virgilio at Catherine sa pag-alis ni Harriet.
“Kahawig bang talaga?” Virgilio said after a while.
A muscle in his jaw twitched. Tumango siya. “Pretty much. It was like looking Harriet twenty or so years ago. Oh, well, ang kaibahan, this woman’s tall, slim, and fair. While Harriet when young, though beautiful, was dark and on the heavy side.”
Virgilio frowned. “Who is she?”
Adrian shrugged. Ang magandang mukha nito nang matitigan niya sa elevator ay gumuhit sa balintataw niya, kasabay niyon ay pagguhit ng anyo nito nang lumabas ito mula sa motel sa Pasig kasama ang lover nito. Hindi niya matiyak kung bakit may galit siyang kinikimkim.
Dahil ba sa hindi niya maipaliwanag na reaksiyon ng katawan niya tuwing nakikita ito?
O dahil nakita niyang galing sa loob ng motel ang dalawa? If that was the reason for his animosity with the woman, then he was being ridiculous. Firstly, it was none of his business. Secondly, karaniwan nang ginagawa ng mga magkasintahan ang ganoon.
He couldn’t be too self-righteous. Kahit siya’y ginagawa ang ganoon sa mga babaeng napaugnay sa kanya.
O marahil dahil sa kawalang-ingat ng boyfriend nito na muntik na nilang ikaaksidenteng pare-pareho kung hindi niya agad natanaw ang paglabas nito mula sa hotel garage. That must be it. Dahil kung naaksidente sila at nakasakit siya ay tataglayin niya ang guilt sa budhi niya bukod pa sa isang malaking kaabalahan iyon para sa kanya.
Another thing was her strong resemblance to Harriet. Ikinamangha ni Adrian nang husto iyon. Hindi maiwasang pumasok ito sa isip niya nitong nakalipas na dalawang araw mula nang una silang magtagpo.
At dahil nasa El Paraiso ngayon ang babae ay malamang na magtagpo ito at si Virgilio. Magdudulot lang ito ng higit pang kapaitan at pagdaramdam para sa huli. At iyon ang hindi niya mapapayagan. Virgilio and Catie had suffered enough.
“If you said she looks like Harriet then I believe you,” ani Virgilio makaraan ang ilang sandali. “Isn’t it ironic? A Harriet-look-alike at the hotel. How old is she? Baka si Harriet na nagpabata ng mukha. Alam mo na, uso ngayon iyan. And Harriet could pass for thirty-five.”
“Don’t go there, Virgilio,” he almost snapped. “This woman is very young. Twenty-two... twenty-three.”
“That young?” ani Virgilio na sa sarili sinasabi at sandaling tumanaw sa malayo na tila may hinahagilap sa isip.
“She is also a rich man’s daughter. Kung ang pagbabasehan ko ay ang sasakyang gamit niya—bagong-bagong Nissan X-Trail 250. Not to mention the Prada bag.”
Sukat doon ay ibinalik ni Virgilio ang tingin sa kanya. Then he chuckled, easing some of the tired lines on his face. “Only gays notice a woman’s bag, or shoes, Adrian. At kung mayroon man akong siyento porsiyentong natitiyak sa iyo ay ang katotohanang hindi ka iyon.”
“Naisip ko rin ang naisip mo lang ngayon. Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin siya nang husto kanina sa hotel.” He smiled wryly. Hindi niya gustong sabihing nagtagpo na sila nito sa penthouse at sa Pasig. “The designer bag was too big for me not to notice.”
“I am intrigued. Sa hotel tayo tumuloy at gusto kong makilala ang babaeng ito.”
Tatlong oras ang biyahe pabalik sa hotel. Hindi maamin ni Adrian na kaya bumilis ang pagmamaneho niya ay dahil gusto niyang makitang muli ito. Subalit pagdating sa hotel ay ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang malamang nakapag-check out na si Michelle. Kahit si Catie na gumising ay napaungol.
“I wanna see her again!” pahikbing sabi ng bata.
“It’s all right, honey,” Virgilio said soothingly. “Baka sa ibang araw ay magbakasyong muli ang babaeng look-alike ni... ni Auntie Harriet.”
“I miss Auntie!”
“We all do, honey,” Virgilio said painfully.
“Matagal na bang nakaalis ang guest, Lester?” tanong ni Adrian sa pang-umagang receptionist.
“Humigit-kumulang ay kalahating oras na siyang nakaalis, Sir,” sagot ng empleyado.
His face remained expressionless as he hid well the disappointment. Kung ganoon ay hindi plano ng babaeng iyon ang magbakasyon sa El Paraiso at malamang na nagpalipas lang ng ilang oras hanggang mag-umaga. Marahil ay tutuloy ito sa Catanduanes o kung saan mang lugar na dinarayo pa ng mga turista.
Hinarap niya si Virgilio. “So. Ihahatid na ba kita sa asyenda o dito ka na muna?”
“Ihatid mo na ako sa bahay, Adrian. Gusto ko munang magpahinga,” Virgilio said, looking tired and old in his forty-seven years.
Tumango si Adrian at nagpaunang lumakad palabas ng hotel.
MICHELLE could not believe her luck. Si Norien Belarmino ang manager sa magandang beach resort na iyon. At isa sa limang malalaking cottages na nakaharap sa malawak na karagatan ay pinaupahan sa kanya sa hindi naman kamahalang halaga. That was not surprising since it was off-season. Ang pagpapaupa sa cottage nang may-kamurahan ay bahagi pa rin ng negosyo kaysa manatiling bakante nga naman.
Actually, sa limang malaking cottages, ay iisa lang ang okupado. Pinili niya ang panghuling cottage na malayo sa apat. Sa wari ay bagong karagdagan ang cottage.
Marahil ay mga dalawampung yarda sa likuran ng cottage ay ang katamtamang laki ng swimming pool na tila higanteng paa ng tao ang hugis. Kanina ay may natanaw siyang tatlong foreigners na naglulunoy sa pool.
Sa harap naman ng malalaking cottages, na nahaharangan ng mga puno ng niyog at malalagong halaman ay maliliit na cottages na yari sa pawid at kawayan. Sa ibaba pa, hindi kalayuan sa dalampasigan, ay may mga kubol para sa mga nagpapalipas lang ng kalahating araw sa dagat.
It was a tourist beach resort and she was glad to have found this place. At dahil may mga mangilan-ngilang local at foreign tourists na naroroon ay natitiyak niyang kapani-paniwala ang dahilan niya para sa pagtigil ng dalawang linggo roon habang disimulado niyang inaalam ang tungkol sa pagkatao niya.
Nahihinuha ni Michelle na wala sa El Paraiso si Harriet. So she would rather stay for a week or two weeks tops and wait for her biological mother—kung saan man ito naroroon. She could even meet Harriet’s parents, if they were still alive, or perhaps some relatives. She realized now that her biological mother had married a wealthy man.
Pabuntong-hiningang sinuri niya ang kapaligiran. Ang cottage niya at ang apat pa ay yari sa kahoy, bato, kawayan, at yerong bubong. All five cottages were coated with pale yellow paint and mahogany brown for door jambs, window frames and sills. Ang bubong ay may pinturang kulay-kalawang.
May-kalakihan ang limang cottages na magkakasya ang anim hanggang walong tao. Para iyon sa pamilya kung hindi man sa grupo ng magkakaibigan. May isang silid, banyo, sala, dining-cum-kitchen. Pinong kawayan ang sahig na matatanaw ang buhangin sa ibaba sa pagitan ng mga maliliit na siwang.
It was fully furnished! she thought with amusement. May pandalawahang kama na may kutson sa loob ng maliit na silid, isang silya at maliit na tokador. The pieces of furniture in the medium-size bedroom were all made from bamboo cane and were painted in white. The closet was even smaller. May nakita siya sa loob niyon na dalawang pirasong unan at isang puting kumot. Mga nakabalot sa clear plastic para hindi madumihan.
Well, hindi niya kailangan ang mga iyon. She had her own pillows and blanket at the back of her car. Personal ang mga iyon na hindi niya magawang iwan sa bahay ni Digna Verano.
Dalawang hakbang mula sa pinto ng silid niya ay ang kusina/kainan. May pang-apatang mesang kahoy na may puting f ormica top at apat na silya. May kalang de-uling sa isang kapirasong kitchen counter at maliit na stainless steel sink.
Lumakad si Michelle patungo sa isang maliit na pinto na natitiyak niyang banyo. Gingerly, she pushed the door open. Bumungad sa kanya ang kuwadradong banyo na ang toilet bowl at shower area ay walang pagitan. Puti ang tiles sa dingding at sahig. Malinis lahat. At may shower. At least.
Isinara niyang muli ang pinto at hinarap ang ibang bahagi ng cottage. Maliban sa rattan bench at round coffee table, ang munting receiving area na humigit-kumulang ay dalawang dipa mula sa dining-cum-kitchen ay hubad sa ano mang kasangkapan. Ang mga malalaking bintana ay yari sa glass jalousies.
Ang buong cottage ay tipikal para sa mga nagnanais manatili ng magdamagan o hanggang ilang araw. Three steps down, ang covered porch na nakapaikot sa harap ng cottage ay yari sa kawayan at bato. Para sa kanya ay iyon ang redeeming feature ng cottage. Maitatayo niya roon ang easel at ilang canvases niya.
She sighed happily, albeit tired, as she again looked around the beauty of the place. Ang kalang de-uling ay kailangang maisantabi. She had not had the slightest idea how to use that. At kung matutuhan man niya, wala siyang balak pahirapan ang sarili dahil hindi naman siya mananatili roon nang matagal.
Mamaya ay tutungo siya sa bayan at bibili ng ilang malalaking bote ng mineral water. That would be sufficient. As to food, natitiyak niyang hindi mawawalan ng canteen ang resort na iyon. She wouldn’t mind eating cafeteria foods for a week or two weeks at the most.
Hindi praktikal kung bibili siya ng gamit kung hindi naman siya magtatagal. Pagkuwa’y lumakad siya pabalik sa X-Trail upang ibaba ang ilang kahong kakailanganin niya sa susunod na mga araw.