noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 11

Ch. 12 / 30 May 31, 2025

N ORIEN gave her a long look. Nasa anyo nito ang pag-aatubili. Pagkuwa’y, “Well, I might as well tell you the whole story. Kung mahigit isang linggo ka pang mananatili rito sa cottage ay malalaman mo rin naman mula sa ibang mga tagarito na makakausap mo.” Tinungo nito ang bamboo bench at naupo na tila ba gugugol ng mahabang oras ang sasabihin nito.

Michelle held her breath. Sinikap niyang huwag makita sa mukha niya ang excitement. But her knees were buckling. Tinungo niya ang hagdan at naupo sa unang baitang.

“Mahigit tatlong buwan na mula nang mawala si Harriet.”

Kung hindi sa may dagat nakatingin si Norien habang nagsasalita ay malamang na nakita nito ang matinding pagkamangha sa mukha niya.

“A-ano ang ibig mong sabihing ‘mula nang mawala’?”

“Sa mismong araw ng ikalimang taong anibersaryo ng kasal nila ni Mr. de Alegre ay umalis si Harriet at mula noon ay hindi pa siya bumabalik.”

She was stunned. Nag-uunahan ang mga tanong sa isip niya. She opened her mouth to say something but couldn’t find the right words. Kung may inaasahan man siyang marinig tungkol sa biological mother niya ay hindi ang ganito.

“Virgilio was devastated,” patuloy nito kasabay ng malalim na paghinga. “Tatlong buwan na itong walang humpay sa pagparoo’t parito sa Maynila at karatig-lugar upang hanapin ang asawa subalit parang bulang biglang naglaho si Harriet.”

“M-Mrs. de Alegre left her husband?” For another man? she thought sourly.

“Kung ang ibig mong sabihin ay kung sinadyang iwan ni Mrs. de Alegre ang asawa niya at sumama sa ibang lalaki,” Norien said as if reading her thoughts, “ay walang makapagsabi. Pero hindi ako, o ng kahit na sinong nakakakilala sa kanya, ang naniniwalang gagawin ni Harriet iyon. She’d loved her husband to distraction.”

“So... what happened?”

“Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking palaisipan ang pagkawala ni Mrs. de Alegre. Maliban sa suot niya nang araw na iyon ay wala itong dala kahit na ano.”

“H-hindi ba ipinahanap ni Mr. de Alegre ang asawa niya?”

“Investigators were hired. Just a few days ago, Adrian went to Manila to hire a new bunch of investigators. Mga bagong imbestigador na kahalili ng dati na walang mai-report. Nonstop ang paghahanap kay Mrs. de Alegre at nakahandang magbayad kahit magkano si Virgilio sa makapagtutukoy sa asawa niya, buhay o patay. Araw-araw ang anunsiyo sa mga peryodiko sa nakalipas na tatlong buwan.”

Michelle closed her eyes tightly. Sinisikap alalahanin ang mga artikulo sa peryodikong binasa ni Emma nang araw na atakehin ito. Ngayon niya naalala na hindi kailanman nagbabasa ng peryodiko si Emma. Ayon sa ina ay puro patayan at krimen lang naman ang laman niyon. Now she realized it was because of what happened to her many years ago.

Pero nang araw na iyon ay nagkataong nakalatag ang peryodiko sa mesa at marahil ay may nakita itong naging dahilan upang atakehin.

Hindi kaya ang anunsiyo sa pagkawala ni Harriet ang dahilan ng atake ni Emma? She would never know that now.

“Are you all right?” nababahalang tanong ni Norien.

Her eyes snapped open. Umiling. “Nagbabadyang sumumpong ang migraine ko. But it’s okay. Ituloy mo ang sinasabi mo.”

“Sa una’y inisip ni Virgilio na nagtungo lang si Harriet sa Maynila tulad ng lagi nitong ginagawa. Halos buwan-buwan na nagtutungo sa Maynila si Harriet.”

“Why?” wala sa loob niyang tanong. “I mean, bakit madalas siyang magtungo sa Maynila?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “Oh, shopping most probably.” She shrugged her shoulders. “Who knows. Baka dinadalaw kaya ang mga dating kaibigan doon.”

Could she have been looking for her daughter? she thought with mixed emotions. At si Virgilio de Alegre, alam ba nito na nagkaanak si Harriet sa ibang lalaki bago nito ito pinakasalan?

“Something must have happened to her...” Michelle said more to herself. “C-could she be... dead?” she asked in a trembling voice. But her mind and heart refused to believe that.

“Gusto kong sabihin na sana naman ay hindi. But it has been three months. So, maaaring ganoon na nga,” Norien said with a tinge of sadness in her voice. “Hindi naman uncommon ang holdup. Maaaring nanlaban siya at napatay. Itinago ang katawan para hindi na makita o kung ano pa mang haka-hakang lumalabas sa bibig ng mga tao. Pero hindi gustong tanggapin ni Virgilio ang bagay na maaaring patay na ang asawa. Umaasa siyang isa sa mga araw na ito ay babalik si Harriet.”

“M-maybe he just wanted closure. Na sana’y malaman man lang niya kung ano talaga ang nangyari sa asawa niya.” Michelle felt like crying. Pero sinikap niyang huwag makita sa mukha niya ang ano mang damdamin sa posibilidad na maaaring patay na si Harriet de Alegre.

“Totoo. Mas madaling tanggapin kung alam ng lahat kung ano ang talagang nangyari.”

“A-ano ang opinyon ng mga magulang at kamag-anak ni Mrs. de Alegre?” Nilakipan lang niya ng kaunting interes ang tinig.

“Naunang namayapa ang ina ni Harriet, bata pa lang ako, at pagkalipas naman ng ilang taon ay sumunod ang itay niya. At maliban sa mga magulang ay wala nang iba pang kamag-anak si Harriet sa bayang ito. At kahit sa Donsol dahil tagaroon ang inay niya.”

Ang huling sinabi ni Norien ay nagpalis sa bahagyang alinlangang ina niya si Harriet. Disappointment and sadness enveloped her. Kung hindi na magbabalik pa si Harriet ay walang dahilan para manatili siya sa El Paraiso.

But what about her father?

Marahil ay titigil siya sa Donsol ng ilang araw pagkaalis doon upang kahit paano ay alamin kung sino ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan kay Harriet. Sa pamamagitan niyon ay baka matukoy niya ang tunay na ama.

And when she found out, it didn’t matter if he would recognize her. Gusto lang niyang malaman bago siya babalik sa Maynila. He might have had his own family now.

“Hey.” Hindi namalayan ni Michelle na nakatayo na si Norien at nasa harap na niya. Hinawakan siya nito sa braso. “Huwag mong masyadong isipin ang ikinuwento ko. Totoong ang pagkawala ni Harriet ay nagdudulot ng kalungkutan sa mga nakakakilala rito at kay Virgilio. Tama ka, dahil walang closure hanggang ngayon.”

Napilitan siyang ngumiti. “It must be my migraine. Couple with I know how it feels to have lost someone you love...”

Nakakaunawang tumango si Norien. “Of course. Nawalan ka lang ng mga magulang. If it is of any consolation, alam mo kung ano ang nangyari sa kanila. Si Virgilio ay walang ideya kung ano ang nangyari kay Harriet. Anyways, let’s drop the subject of Harriet. Malapit nang dumilim, Michelle. I am inviting you to dine with us.”

“Salamat, pero—”

Iwinasiwas nito ang kamay. “I don’t take no for an answer. Dadalawa lang kami sa bahay. I want you to meet my mother. At may gamot ako sa bahay para sa migraine.”

ALAS-SINGKO ng hapon kinabukasan ay nasa dagat si Michelle. Napakalayo na niya mula sa dalampasigang malapit sa cottage niya. Nakita niya ang halos hindi na mabasang karatula na “No Trespassing—Dangerous” sign na nakapako sa isang marupok nang kahoy na nakabaon sa buhangin.

Pero naiintriga siyang malaman kung bakit natapos ang baybayin sa bahaging iyon at kung ano ang mayroon sa kabila ng mga batong bundok na tila nagsilbing pader sa resort at sa kabilang bahagi.

Namamaybay siya sa gilid ng batong bundok at damo na dalawang talampakan lang ang lapad at na kapag nadulas ay babagsak sa tubig na ang mga bato ay malinaw niyang nakikita. Nangunyapit siya sa mga ugat ng kahoy na nakausli sa gilid ng batong bundok.

Ang mga alon ay humahampas sa batuhan at inaabot siya ng tilamsik ng tubig. Sa itaas niya ang matarik na batong bundok na may tumubong di-kilalang mga punong-kahoy. It must be fifty feet to the top. Ang mga ugat ng malalaking puno ay naglilitawan at tila ano mang sandali ay mabubunot mula sa mga bato at babagsak sa kanya.

Natitiyak niyang hindi inaabot ng mga turista ang bahaging iyon. It could be dangerous. Ang panganib ay malamang na parehong mula sa dagat na natitiyak niyang malalim na sa bahaging iyon, at sa bundok na nasa likuran niya. Maaari iyong gumuho. But she didn’t care. She hadn’t been in places like this. Not once in her life. Para sa kanya ay isa iyong karanasan at maaaring hindi na maulit, lalo at nagbabalak na siyang magpaalam kay Norien.

Natanaw ni Michelle ang hilera ng malalaking bato patungo sa gitna ng dagat. Nagmistula iyong daungan. Ang dulo ay pinakamalaki at pinakamataas. Iyon ang tinumbok ng mga paa niya. Magkakadikit naman ang mga bato at sa tantiya niya ay madali ang pumanhik patungo sa pinakadulo.

Matatalim ang mga bato dahil kumakapit doon ang ilang maliliit na talaba. Subalit makapal ang sole ng rubber shoes niya at may mga nakausling batong maaari niyang kapitan papanhik.

Makalipas ang ilang sandali ay narating niya ang dulo. Bigla siyang napaupo sa nakaangat na bato nang sa palagay niya ay itutumba siya ng malakas na daluyong ng hangin. Nasisiyahang pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib at pinagmasdan ang buong paligid.

This was paradise. Until a few days ago, hindi niya kailanman naisip o natantong nais niyang manirahan sa ganitong uri ng kapaligiran. But she did. She loved the place and if it was possible to stay here for the rest of her life, she would gladly do so.

But as it is, she had to go back to Manila soon. Tomorrow or the next day. Kailangan niyang magsimula ng panibago.

Itinaas ni Michelle ang mamahaling binoculars na nakasabit sa leeg upang suyurin ng tingin ang karagatan, umaasang makakakita ng whale sharks. It was October. At ayon sa mag-inang Odette at Norien ay ngayon ang panahon ng migration ng mga whale sharks.

The thought of Odette Belarmino took the smile from her lips. Mrs. Belarmino dismissed her resemblance to Harriet as if it was of no consequence. Natural lang iyon dahil nagkita na sila nito sa hotel at noon lang binanggit sa anak.

Kung paanong palakaibigan si Norien ay kabaliktaran naman ng ina nito. At ipinagtataka ni Odette ay ang pananatili niya sa cottage na tatagal ng dalawang linggo. Ayon dito, walang turistang tumagal nang ganoon katagal sa lugar na iyon.

Sa buong hapunan ay mabibilang ang salitang lumabas sa bibig ni Mrs. Belarmino. It was as if her mind was elsewhere. Subalit nang mabanggit ang pangalan ni Adrian ay biglang naging alerto ito.

“Magkakilala sila ni Adrian, Mama, bago pa nag-checked in sa hotel si Michelle.”

“Iyon ang napuna ko noong magkita tayo sa hotel. Pero ang impresyon na ibinigay sa akin ni Adrian ay hindi sinasadya ang pagkikita ninyo sa may baryo malapit sa Daet,” anito.

“Nagkakilala na po kami ni Adrian bago pa iyon, Mrs. Belarmino. Sa Olivar Building sa Pasig. Naroon ho kasi ang opisina ng abogado ng mga magulang ko.”

Natilihan si Odette sa sinabi niya. Tinitigan siya nang makahulugan. “Magkababata sina Adrian at Norien, Michelle. Malapit sila sa isa’t isa. At umaasa ang lahat na—”

“Ano ba, Mama!” naiiritang putol ni Norien sa sinasabi ng ina. “Bakit ba ayaw mong tigilan iyan? Hayaan mong si Adrian ang maghanap ng babaeng gugustuhin niya.”

Nahinto sa pagsubo si Michelle. “Hindi ba may-asawa si Adrian?”

Sabay na napatingin ang mag-ina sa kanya. Norien laughed. “Adrian’s not married, Michelle. Has never been married. Pero muntik na niyang pakasalan ang mama ni Catherine kung hindi nangyari ang aksidenteng sanhi ng ikinamatay nito.”

“Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa maharot na Beverly na iyon, Norien!” saway nito, muli siyang sinulyapan. “Mga bata pa sina Adrian at Norien ay umaasa ang lahat na sila ang magkakapangasawahan, Michelle.”

If that wasn’t a warning then Michelle didn’t know what to make of that statement. Pero hindi inalis ng disimuladong babalang iyon ang kasiyahang nadama niya na malamang walang asawa si Adrian.

“Ang mama talaga!” nakatawang sabi ni Norien at umabot ng ulam. “Para lang kaming magkapatid ni Adrian.”

Naningkit ang mga mata ni Odette. “Gawin mo ang bahagi mo, Norien. Baka dumating ang araw na makatagpo ng hindi karapat-dapat si Adrian ay pagsisihan mo.”

Norien rolled her eyes and smiled at Michelle conspiratorially.

Oh, well. Tila magkaiba ng isip ang mag-ina. Pagkuwa’y pumasok sa isip ni Michelle ang lalaking kasama ni Norien sa Tamaraw noong unang araw niya sa asyenda. It was obvious that the two were lovers.

Iyon na rin naman ang kabuuan ng usapan kagabi sa hapunan sa mga Belarmino. Kasama niya uling bumalik sa cottage si Norien. Iwinaksi niya sa isip ang mga Belarmino at itinuon sa karagatan ang atensiyon.

She fervently hoped she could see one whale shark. Nakahanda na ang digicam niya para doon. Kasinlaki lang halos iyon ng cellphone at inalis niya sa bulsa ng capri pants niya. In fact, naghahalili sa mga mata niya ang binocular at digicam. She was taking pictures around her.

Mahigpit na ipinagbabawal ang malalakas na flashes ng mga camera sa whale sharks, ayon sa mga karatulang nakahambalang sa buong resort. But her digicam’s flash wouldn’t scare the whale sharks away. Ni hindi nga halos napapansin ang kislap niyon.

Ilang minuto nang iginagala ni Michelle ang binocs niya sa tahimik na karagatan subalit kahit kapirasong pahiwatig ng dagat na may mga whale sharks ay wala pa rin. The water remained calm. Ang papalubog na araw ay nagsisimula nang magbigay ng iba’t ibang kulay sa repleksiyon nito sa dagat.

Then her binoculars caught something she thought familiar. Itinuon niya iyon sa kaliwang bahagi niya. Sa bahaging paikot ang baybayin at higit pang matatarik ang bundok. Wala nang maaaring daanan kundi sa dagat mismo. Higit pang makapal ang mga punong nakakapit sa bato. At sa pinakamataas na bahagi ay natanaw niya ang isang... Hindi niya matukoy. Was it a house?

She was about to zoom her binocs when she was startled by, again, a familiar voice.

“Michelle!”