noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 10

Ch. 11 / 30 May 31, 2025

I KATLONG araw ni Michelle sa El Paraiso Resort. At dahil may ilan din namang turista ang nasa beach, may nakapansin sa mga canvas na naka-display sa ibaba ng cottage. Some of her paintings were haphazardly leaning against the bamboo railings.

At namangha pa siya nang may ilang foreigners ang nagpahayag ng pagnanais na bilhin ang ilan sa mga paintings niya. She had politely turned them down. Na ang mga gawa niya ay pansarili. She couldn’t believe that her paintings were that good that some wanted to buy them.

At kahapon ng hapon ay nakapagsimula na siyang magpinta para sa panibagong subject—ang puno ng pili na nakita niya papasok sa Hacienda de Alegre. She might not become a master but she believed she could paint, and paint she would. Her professor, a famous local painter himself, had told her that she was a talented pleinairist. Na sa takdang-panahon, kapag nasanay na siyang gamitin ang paintbrush at oil, she’d be famous and soon would have her own gallery.

She had laughed at the compliment and was so pleased. Hindi niya maaaring ikonsidera na appreciation sa mga gawa niya ang mga ilang foreigners na nagnanais bilhin ang ilang paintings niyang nakasandig sa balkon. Karaniwan na’y bumibili ang mga taong ito ng painting hindi dahil may alam sila sa art, kundi basta nagustuhan lang nila ang subject at magsisilbing souvenirs sa pagbabalik sa sariling bansa.

Nang hapong iyon ay ipinagpatuloy niya ang pagpinta sa puno ng pili. Sinisikap niyang iguhit iyon sa ilalim ng panghapong araw. She added a touch of more orange to her brush and applied it to the canvas. Gayunman, hindi niya makuha ang nais niyang resulta na pagliliyab ng papalubog na araw.

She groaned. Ibinagsak niya ang paintbrush sa inis.

“So. Mula sa hotel ay dito ka nagtuloy.”

Napasinghap si Michelle at mabilis na lumingon. Sa biglang pag-atras ay nadagil niya ang easel ng paa niya at bumuway iyon. Instinctively, yumuko siya upang saluhin ang easel kasabay ang malalaking hakbang ni Adrian na may ganoon ding layunin.

Nang mag-angat ng katawan si Michelle ay tumama ang noo niya sa ulo nito. Napaungol siya sa sakit at binitiwan ang easel. Ganoon din ang ginawa ni Adrian at hinarap siya.

“I... I am sorry. Hindi ko sinasadya,” ani Adrian at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. “Tingnan ko nga.” Hinawakan nito ang kamay niya at inalis iyon sa pagkakatutop sa noo niya.

Little zings of electricity shot up her arm. Iyon ay sa kabila ng pagkaabala sa bahagyang sakit na nararamdaman sa noo niya. Michelle told herself that her reaction was ridiculous. The man was very much married!

Iniwas niya ang mga mata mula sa mukha nito at hindi sinasadyang natuon naman ang paningin niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. They were very nice—large, with long, tapered fingers and neatly trimmed nails. A sprinkling of dark hair dusted the back of each knuckle.

She tried to recall what her naughty friends had said about a man with big hands. And as she remembered, she blushed to the roots of her hair. Nagyuko siya ng ulo, kinakabahang mabasa nito ang nasa isip niya, which was silly. Fantasizing a married man wasn’t exactly her cup of tea, for goodness’ sake!

As lovely as it was standing there with his one hand on hers and one on her forehead, she extricated her hand. The electrical charge went away. Good.

She took a deliberate step in retreat.

“I’m sorry,” he said again. “Hindi ko akalaing magugulat kita. Teka sandali at ihahanap kita ng yelo—”

“No!” awat niya rito. “Hindi na kailangan. Hindi naman ganoon kasakit.”

“Namumula ang noo mo at malamang na mamantal,” he said in a flat voice but his eyes told otherwise. Naroon ang bahagyang pag-aalala. Muling natuon ang mga mata nito sa noo niya. Then his eyes moved past her eyes, past her nose, and down to her lips and lingered there for a while before raising his eyes to hers.

“I am not that fragile. Huwag kang mag-alala.”

Hindi ito sumagot o marahil ay hindi makahagilap ng sasabihin. He looked a bit perplexed as he gazed at her. Well and good. Hindi iyong lagi na lang siya ang naiilang tuwing nagtatagpo sila.

But even with the distraction of her slightly bruised forehead, Michelle couldn’t help the delightful feeling of seeing him again.

He is married.

I am only admiring the man!

The whole package was every woman’s dream. Shaggy dark hair, tall, athletic build with broad shoulders and long legs. And a truly striking face. He wasn’t movie-star handsome but he was certainly gorgeous. His power lay in his dark and cold eyes. Na tila ba ang bawat titig ay tumatagos hanggang buto at walang maaaring ilihim dito.

Oh, my God! Now she believed there were other ways of drowning than the deep waters. She felt she was going under.

“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya, ipinilig ang agiw sa utak. “Bakit hindi ko narinig ang sasakyan mo?” Michelle asked.

“Sa bukana ako pumarada. Besides, you were busy,” wika nito na ang tinutukoy ay ang pagpipinta niya.

Nilinga nito ang paligid, at pagkatapos ay lumakad patungo sa muntik nang bumagsak na canvas na nasa easel at inayos iyon. He studied the painting. At kung hindi nagkakamali si Michelle ay kislap ng appreciation ang nakikita niya sa mga mata nito.

“Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang puno ng pili na nasa bukana papasok sa asyenda.”

“It is.”

“You are very good. Pati ang papalubog na araw ay buhay na buhay.”

She frowned at the compliment. Para sa kanya ay kulang pa ang pagliliyab ng araw. Pero hindi niya iyon isinatinig. Ang papuri nito ay may himig ng sinseridad sa kabila ng muling pagtiim ng mga panga nito nang lingunin siya.

“News travel fast,” he said in that cold and deep voice. Tuluyang naglaho ang ano mang bahid ng palakaibigan at pag-aalala sa tinig. “Dito ka nga raw nagtungo nang mag-check out ka sa hotel.”

“So?”

“Alam mong gumagawa ka ng balita, Miss Verano.”

“Is that a compliment? At paano mo nalaman ang pangalan—oh. The hotel records.”

“I am not referring to your physical attributes,” he said. “Though I can’t say I have complaints in that department.” He raked her body with leering eyes.

No matter how it was delivered, it was still a compliment. Twice in a row. She was pleased. Sa kabila ng attitude ay hindi naman pala maramot sa papuri ang lalaking ito. At alam ni Michelle na may mga bahid siya ng pintura sa cutoffs niya at sa puting T-shirt. She wouldn’t know if she had a paint on her chin as she always did. Suddenly feeling self-conscious, she wished she had known that they would meet again today.

She could have, at least, powdered her nose, or combed her unruly hair—na sa kasalukuyan ay lalong gumugulo dahil inililipad ng hangin. Gayunma’y natitiyak niyang walang epekto ano man ang magiging anyo niya sa lalaking ito na nakabalot yata ng yelo ang buong pagkatao.

He has a wife. Don’t you ever forget that.

Oh, well, ang bahagyang pag-aalala nito sa pagkakatama ng noo niya sa ulo nito ay medyo totoo naman. And there was that fleeting moment when he gazed at her lips.

You wish! she taunted herself. Hindi dahilan ang ginawa ni Dexter para maakit ka sa isang may-asawang tao, gaano man kagandang lalaki!

“I won’t be attracted to a married man!” unwittingly, she spoke her thoughts aloud.

“What are you talking about?”

Her eyes flew to him. Nararamdaman na niya ang paggapang ng init sa mukha niya. She would die of embarrassment.

“I... I wasn’t myself. May biglang pumasok sa isip ko. I am sorry.” She braved his eyes. Walang emosyon iyon habang nakatitig sa kanya.

Tumaas ang kamay nito patungo sa mukha niya subalit huminto iyon sa ere at muling ibinaba. “You have a trace of paint on your chin,” he said.

“`Can’t help it. Sometimes I hold my brush between my teeth when my two hands aren’t enough. Ano nga pala ang gusto mong tukuyin doon sa sinasabi mong gumagawa ako ng balita?”

Muling bumalik ang pagdidilim ng mukha nito. “Don’t play dumb, Michelle. Alam mong balita sa buong El Paraiso ang pagiging hawig mo sa asawa ng may-ari ng Hacienda de Alegre. Nakarating din sa akin na inusisa mo ang serbidora sa restaurant nang umagang iyon.”

“I had to know,” she said defensively. “People are staring at me as if I came from outer space.”

“So, why are you here, Michelle Verano? Napakaraming magagandang lugar sa buong Southeast Luzon, but why specifically El Paraiso?”

She blew a stray curl away from her face irritably. “Hindi kita naiintindihan!” she snapped. “May batas bang nagbabawal sa pagtungo ko rito? Should have I gotten a passport in coming here?”

He sighed wearily. Nilinga nito ang mga canvases niya, pagkatapos ay ang kabuuan ng cottage. “How long will you stay in this cottage?”

“Why do I have this feeling that you are trying to send me packing?” she said irritably. Pagkatapos ay wala sa loob na dinuro niya ang dibdib nito. “But then nothing short of murdering me would make me leave this town, Mister—” Hinuli nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. “Until...” She cleared her throat. There was that zing again. “Until... I am done and ready.” Dahan-dahan niyang binawi ang kamay.

Na pinakawalan naman nito. “Done? Done what?”

She smiled at him sweetly. “After I am done painting a whale shark.”

Isang maluwag na buntong-hininga ang pinakawalan nito. But his voice still held warning when he spoke next. “You are stirring trouble, Michelle.”

“Why? Because I happened to look like a certain Harriet de Alegre? Where is she anyway? Kung kalat na ang balitang may kahawig siya sa katauhan ko, hindi ba mas normal na reaksiyon na makilala niya ako?”

“Iyan ba ang intensiyon mo? Ang makaharap at makilala ka ni Harriet de Alegre?”

Umiwas siya ng tingin. She couldn’t be that transparent, could she? “A-ano ang ibig mong sabihin?”

“Who are you really, Michelle Verano?” he asked seriously, staring at her intently. “May alam ka ba tungkol kay Harriet para samantalahin mo ang pagiging magkahawig ninyo? Nagkakilala ba kayo sa Maynila noong parati siyang nagtutungo roon? Nabasa mo ba sa peryodiko ang pagkawala niya?”

“Hindi ko naiintindihan ang gusto mong sabihin. Hindi ko alam kung bakit malaking issue na magkahawig kami. Tulad nga ng sabi mo, maraming tao ang magkakahawig. Now, kung wala ka nang iba pang kailangan ay magliligpit na ako ng mga canvas.” Sinimulan niyang damputin isa-isa ang mga painting upang ipasok sa loob ng cottage nang lapitan siya ni Adrian at hawakan sa braso sa pagkabigla niya.

“Adrian! Ano ang ginagawa mo rito?”

Mabilis na pinakawalan nito ang braso niya at pareho nilang nilingon ang pinagmulan ng tinig. Si Norien Belarmino.

“Hello, Norien,” bati ni Adrian at iglap na nawala ang animosity sa mga mata nito. The corner of his lips twitched upward in a lopsided smile.

Michelle gasped softly. Why, the man knows how to smile!

So, sa kanya lang ito masungit.

“Nabalitaan mo na pala ang pagtigil ni Michelle dito sa cottage,” Norien said, a fondness in her voice for the man. “Nagkakilala na ba kayo ni Adrian, Michelle?” tanong nito sa kanya.

“Ah, yes. Kung `di ako nagkakamali ay pang-apat na naming pagtatagpo ito.”

Umangat ang mga kilay ni Norien sa tangkang pagtatanong subalit naunahan ito ni Adrian. “Tatlong araw na siya rito sa resort, Norien, pero ni hindi mo naibalita sa aking nangungupahan siya rito,” he accused.

Norien smiled. “C’mon, Adrian. Kailan pa nangyaring sinasabi ko sa iyo kung sino-sino ang umuupa sa cottage? It isn’t as if I had the cottage rented to someone unscrupulous.”

“Alam mong hindi iyon ang gusto kong sabihin.”

“Tungkol sa pagkakahawig nila ni Mrs. de Alegre ang gusto mong tukuyin,” Norien said. “Alam ko namang malalaman mo kaagad. Sinabi ni Michelle na tumuloy siya nang ilang oras sa hotel.”

Michelle rolled her eyes. Pinag-uusapan siya ng mga ito na para bang wala siya roon. “Hello, guys, I’m here.”

That earned her a sharp look from Adrian. “Babalik na ako sa hotel, Norien,” he said. Pagkuwa’y tumaas ang mga mata nito sa noo niya at bahagyang lumambot ang mukha nito. “I’ll send someone from the canteen to bring ice.” Tumalikod na ito.

“Para saan ang ice?” pahabol na tanong ni Norien.

Si Michelle ang sumagot. “Nagulat niya ako sa biglaang pagsulpot niya at muntik nang bumagsak ang easel. Pareho naming tinakbo at nagkabungguan kami.”

“Oh. Ako na ang bahala sa yelo, Adrian!” sigaw nito sa papalayong lalaki. Pagkatapos ay ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. “Asahan mong bukas-makalawa’y si Virgilio naman ang magiging bisita mo. Perhaps out of curiosity.”

Nahinto ang pagdampot niya sa canvas. “Virgilio?”

“Virgilio de Alegre. Harriet’s husband. Natatandaan mo iyong bungad ng asyenda kung saan tayo nagtagpo?” Wala sa loob siyang tumango. “Pag-aari ni Mr. de Alegre ang asyenda.”

“Natitiyak kong mas ang curiosity ni Mrs. de Alegre sa akin kaysa kay Mr. de Alegre, hindi ba?” Sinikap niyang bahiran ng amusement ang tinig at ngumiti. Sinimulan niyang samsamin ang mga canvas.

“Kung narito siya ay malamang na ganoon,” sagot nito at mabilis na dinugtungan, “Alam mo, asahan mo nang kukuha ka ng atensiyon sa pananatili mo rito. Marami ang magtataka kung bakit ang isang look-alike ni Harriet ay makikita sa bayang ito.”

Hindi niya gustong magsinungaling pero hindi pa niya magawang ipaalam kahit kanino ang dahilan kung bakit naroroon siya.

Nagkibit si Michelle ng mga balikat. “Nitong nakalipas na mga araw ay nakita ko kung paano tumitigil sa paglalakad ang ilang tao para lang titigan ako.”

“They can’t help it. Si Adrian na lang, halimbawa. He is so protective of Mr. de Alegre. Para na niya itong nakatatandang kapatid. At dahil kasalukuyang wala si Harriet, ang presensiya mo ay magsisilbing asin sa sugat ni Mr. de Alegre. At iyon ang hindi gugustuhin ni Adrian.”

“Adrian’s daughter said her auntie left. What did she mean by that?” Mabilis niyang iwinasiwas ang kamay at kunwari ay, “Oh, forget it. Ayokong isipin mong inuusisa ko ang pribadong buhay nila. I just can’t help it. People are staring at me as if I am an alien.”

“It’s all right. Naiintindihan kita. Totoo nga lang na nakakagulat na makakita sa El Paraiso ng kahawig ni Harriet. Mapagkakamalan kayong mag-ina.”

She opted to give a half-truth explanation. “I... just lost both my parents. Wala pang dalawang linggo ang nakalipas nang... nang sabay silang ilibing. Si Mama ay dahil sa atake sa puso. Almost half an hour later, nabangga ang sasakyan ni Papa sa isang truck. Hindi niya nakayanan ang pagkamatay ni Mama...” Her voice broke.

“Oh, I’m sorry, Michelle!” Norien exclaimed. Puno ng sinseridad at simpatya ang tinig nito.

Nilinga niya ang dagat at sinikap na huwag pumatak ang mga luha. Natuklasan man niyang hindi niya totoong mga magulang sina Amador at Emma ay naroroon pa rin ang pait at sakit sa pagkawala ng mga ito. Lalo na ang mama niya.

“Poor dear,” Norien added. “At iyan ang dahilan kung bakit ka narito sa El Paraiso... upang pawiin ang pamimighati sa sabay na pagkawala ng mga magulang mo.” It was more of a statement than a question. “May mga kapatid ka pa ba?”

“I am an only child.” She shrugged her shoulders and blinked back the tears. “I bought a guidebook, look for a place to go. Donsol’s famous whale sharks caught my attention. So here I am. I will paint those whale sharks if I ever happen to see them. And I intend to see one before I left El Paraiso.”

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Norien. “Pero bakit hindi mo pinili ang mga cottages sa Donsol?”

“Sa gas station sa Donsol, nang itanong ko sa boy doon kung saan ako maaaring tumuloy ay itinuro niya ang Hotel Olivar. Sa paraan ng pagsasalita niya’y walang disenteng paupahan ang Donsol.”

“Oh.” Tumango-tango si Norien. Then she chuckled. “Malamang nang makita ka ng boy doon ay nagulat at naisip na mandamay ng iba.”

Natawa rin siya. “Hindi ko binalak na maging focus ng attention ng lahat dahil lang kamukha ko ang Harriet de Alegre na ito. Marami namang tao ang magkakahawig.”

“Totoo naman,” anito. “Katunayan, kung pakakatitigan kang mabuti ay hindi naman ganoon kaprominente ang pagkakahawig ninyo ni Mrs. de Alegre. At kung naririto siya ay baka hindi gaanong bigyang-pansin ng mga tao ang pagiging magkahawig ninyo. Oh, they will surely notice, pero hindi tulad ng kung paano naging big deal ngayon. Kaso, dahil nga wala siya ay iba ang naging reaksiyon ng lahat.”

“Nakabakasyon ba si Mrs. de Alegre?” she persisted subtly.