noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 21

Ch. 22 / 30 May 31, 2025

“I FOUND a P.O. box key in my mother’s jewelry box. No one knew that she had kept a box and a little money in the bank. At sa loob ng box ay may isang birthday card at dalawang sulat para kay Mama. Pawang nanggaling sa isang Harriet Palermo at ang address ay sa Donsol.”

Adrian’s face was unreadable but Michelle could sense tension from him. “Where are... these letters?”

“S-sa glove compartment ng kotse ko. Naroon din ang ilang pirasong mga alahas ko. I thought it would be safer there. At kung titingnan ko ang mga gamit ko ngayon, tama akong doon sa kotse nailagay ang mga iyon.”

His mouth twitched in a shadow of a smile. “Where’s your car keys?” Sinulyapan niya ang Prada bag niya na nasa gilid ng pinto na inilapag niya roon kanina. Lumakad si Adrian patungo roon at kinuha sa loob ang susi ng kotse niya. Walang kibo itong bumaba.

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng kotse. Ilang sandali pa’y pumapanhik na uli ito hawak ang tatlong sobre. “Would you mind if I read these letters?”

She shrugged her shoulders. Sandali lang nitong dinaanan ng mga mata ang mga sulat na hindi naman mahahaba. Pagkatapos niyon, maliban sa ilang halakhakan ng mga kabataang maririnig mula sa dalampasigan ay napakahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.

“Harriet was a Palermo before she married Virgilio,” Adrian said quietly.

She raised her eyes to him. “Naisip ko na rin iyan. Kaya lang may mga bagay sa sulat niya na hindi ko maintindihan. Tulad ng kung ano ang kaugnayan ko sa kanya. Ganoon din kung bakit ko siya kahawig. Was she my mother’s sister... o pinsan kaya? Sino ang batang—”

“You already know the answers to that, do you?”

Hindi siya sumagot. She bit her lip, harder this time that she almost drew blood. Her eyes sparkled with unshed tears. Nang akmang hahakbang palapit sa kanya si Adrian ay itinaas niya ang isang kamay.

“No, please. I can’t stand it if you’ll hold me. I don’t wanna cry. I’ve been doing a lot of that lately.” Tumaas ang dibdib niya sa paghugot ng hininga at sa pagpipigil na pumatak ang mga luha niya. “Nang malaman kong nakapag-asawa si Harriet... at na wala na siyang mga magulang... at na umalis siya at... at na marahil ay hindi na magbabalik dahil baka... baka...” Hindi niya makuhang ituloy ang karugtong ng sasabihin.

“That Harriet could be dead already,” Adrian finished for her.

Tumango siya. “Pinlano ko nang bumalik sa Maynila. Naisip ko lang na tumigil sandali sa Donsol. Gusto ko rin namang malaman kung sino ang tunay kong ama.” When Adrian opened his mouth to say something, she stopped him. “No. Wala akong balak magpakilala. Tiyak na may iba na rin siyang pamilya. Gusto ko lang siyang makita bago man lang ako bumalik sa Maynila.”

“Sweetheart,” Adrian said softly, “forget about going back to Manila. Wala ka nang babalikan doon. Sa nakikita ko sa mga kahong dala mo, hindi mo intensiyon na bumalik pa.”

“No, you’re wrong. Ang dahilan kung bakit dala-dala ko ang mga iyan ay dahil wala na akong bahay na mapag-iiwanan. My car’s my house now until I find a cheap apartment as soon as I get back to Manila. My mother’s things are in storage.”

“Pinag-usapan na natin iyan, Michelle. Binibigyan kita ng pagkakataong makapagsimula dito sa El Paraiso, as my wife, and—”

She raised her chin, her eyes sharp as she looked at him. “You are so arrogant that you think I have all the advantages when you offered me that ‘wife-job.’ Lalo mo na sigurong naisip iyan ngayong nalaman mong wala akong uuwian.”

“Hindi ba?” There was a soft glow in his eyes and his voice had a teasing sound on it.

Ang kapirasong iritasyong naramdaman niya ay iglap na naglaho. “I... have something to offer you, too,” she said, suddenly shy. “Kapag nakasal na tayo ay mapapasaiyo din naman ang pinakamahalagang bagay sa akin, ah. O, wala na tayo sa m iddle a ges para pahalagahan iyon. Just as it may not be that important to you. But to me it is.” Her voice though quivering had a touch of pride in it.

Now he was smiling and her heart went overdrive. “And what exactly would that be?”

Muli niyang itinaas ang mukha rito. “I lied to you about me being an easy lay. And contrary to what you think... there were no ex-lovers. Not even with Dexter who promised to marry me. Iyon ang dahilan kaya nagagalit siya nang lumabas kami sa... sa lugar na iyon. He never got farther than the garage.”

Ang ngiti sa mga labi ni Adrian ay naglaho. Muling namagitan ang nakakailang na katahimikan. Ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay tulad sa isang palaso. Piercing her. She met his eyes squarely.

“Come here, baby,” he said softly, so softly. And yet it was a command that needed to be obeyed.

Alanganin siyang tumayo at humakbang palapit dito. She stopped a feet away from him but his hand snaked through her waist and pulled her not so gently and rammed her against his chest.

Nakulong si Michelle sa pagitan ng mga binti nito. She could feel the slow hardening of his sex and she hissed in her breath. Labis na pagpipigil sa sarili ang ginawa niya upang hindi ipaggitgitang higit ang katawan sa pagkalalaki nito. Pero hindi na niya kailangang gawin pa iyon. Ito mismo ang naghapit sa kanya rito, grinding his rock-hard sex against her thighs.

Pagkuwa’y itinaas nito ang baba niya at tinitigan siya. His mouth scant away from hers. Hininga na nito ang hinihinga niya. And she truly believed that Adrian was his life force. Na kung wala ito ay baka tila siya lobo na inaalisan ng hangin.

“Though I demand loyalty and fidelity, I am not particular about a woman’s virginity, baby,” he whispered against her lips, torturing her with butterfly kisses. “But I am a territorial man. And I take great pride in knowing no man had ever been to the territory that would be mine soon.”

Bago niya maitaas ang mga kamay sa leeg nito upang hagkan ito ay tumunog ang cellphone ni Adrian na ikinagulat niya at mabilis na kumawala mula rito. Reluctantly, he let her go. May iritasyong kinuha nito sa bulsa ang cellphone at sinagot.

“Yes... Kung ganoon ay hintayin na ninyo ako. Pauwi na ako. At kailangan ko rin kayong makausap.” He turned his cellphone off and looked at her worriedly. “Michelle, sumama ka sa akin pabalik sa bahay. Doon ka na muna. Nag-aalala akong iwan ka ritong mag-isa.”

Umiling siya. “Walang mangyayari sa akin dito, Adrian. Pero hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ninakaw ang mga larawan ko.”

“Gusto ko ring malaman kung bakit,” he said. “Nasa bahay si Virgilio at ang panibagong dalawang private investigators na siya kong sinadya sa Maynila noong una tayong magkita. Mag-usap tayong muli bukas. Narito ako bago makapananghali.” Hinawakan siya ni Adrian sa baba at hinagkan sa mga labi. “Everything will soon be all right, Michelle. I promise.”

She believed him.

“SAAN mo narinig ang balitang iyan?” napatayong bigla si Odette, muntik nang bumagsak ang pinggan nito kung hindi naagapan ni Norien.

“Maupo kayo, Mama,” ani Norien na umikot ang mga mata. “You are overreacting. Tulad ng narinig ninyo ay magpapakasal sina Adrian at Michelle.”

“Hindi maaari, Norien!” galit nitong sabi. “Hindi maaaring magpakasal sa ibang babae si Adrian. Kayo ang dapat na magkatuluyan!”

Nilunok muna niya ang pagkain bago bale-walang sinulyapan ang ina. “Mama, bakit kailangang ipagpilitan mo kami ni Adrian sa isa’t isa gayong para lang magkapatid ang turingan namin?”

“At sino ang gusto mo, Norien?” singhal nito sa nanlilisik na mga mata. “Ang hampaslupang si Ansel? Ano ang maidudulot niya sa atin gayong mahirap din siya at tauhan lang ni Adrian?”

May-kapaitang nagyuko ng ulo si Norien. “Nagmamahalan kami ni Ansel, Mama.”

“At mapapakain ba tayo ng pagmamahalan ninyo? Hindi ba malinaw sa iyo na nakasanla kay Virgilio ang lupain nating ito? Na kung hindi dahil kay Celestina ay malamang na matagal na tayong walang tinitirhan?”

“Hindi ko kasalanang nagpaloko kayo sa lalaking iyon at hayaang isugal lahat ang kapirasong ari-arian natin. At nang maubos ay basta na lang kayo iniwan nang malaki ang tiyan!”

Nanlaki ang mga mata ni Odette. Minsan ma’y hindi nag-alsa-boses si Norien nang ganito sa ina. Minsan ma’y hindi niya ito sinisi na pumatol ito sa isang lalaking wala namang ipinangako maliban sa mga patagong kaligayahan na ang resulta ay siya. Pilit niyang itinatago ang kapaitan ng isang itinuturing na “anak sa pagkakasala.”

Sa maliit na bayang iyon na magkakakila-kilala ang mga tao ay isa iyong tatak na tiniis niya. Subalit dahil hindi siya itinuring na iba ni Adrian at binigyan ng magandang trabaho na siyang dahilan upang makapag-aral siya at makatapos, ay unti-unti nang naglaho ang batik na iyon. Pinangalagaan ni Adrian ang pangalan niya at ipinagtatanggol siya sa mga alingasngas.

For a while, Norien thought she was in love with him. Kaya naman hindi niya inaawat ang ina sa ginagawa nitong pagrereto sa kanilang dalawa. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Ansel at doon niya natanto ang tunay na damdamin kay Adrian. She had loved him as a brother, as someone she could lean on, as her protector.

“Alalahanin mong ang lalaking sinasabi mo’y ama mo. At kung magsalita ka’y parang hindi ikaw ang ipinagbuntis ko!” Odette cut into her thoughts.

“Mama, kung ako ang tatanungin n’yo ay wala akong pakialam sa sinasabi ninyong ama ko! Nang maubos niya sa sugal ang pinagsanlaan ng kapirasong lupain natin, na pinahintulutan ninyo, ay bigla na lang naglaho. At heto ako at nagdurusa sa tsismis ng mga tagarito. Kung hindi ninyo pinatulan ang lalaking naligaw lang dito sa atin, disin sana’y pinakasalan kayo ni Virgilio de Alegre!”

“Nakikinig ka sa mga sinasabi ni Celestina! Hindi ako pakakasalan ni Virgilio kahit na hindi pa ako nagkaroon ng kaugnayan sa walanghiyang ama mo! Labis ang pagkahibang niyon kay Harriet mga bata pa lang kami.” Nabahiran ng kapaitan at pagkasuklam ang tinig nito. “Kahit nang sabihin ni Fred de Alegre na aalisan siya ng mana’y hindi natigatig si Virgilio. Mas nag-alala si Harriet para sa kanya. At nagmukha akong kahiya-hiya.”

Pabuntong-hiningang tinapos ni Norien ang pagkain. She regretted mentioning Virgilio’s name. Paulit-ulit na lang ang usapang iyon.

“Kung ako sa inyo, Mama, ipagpapasalamat ko nang may lalaking nagnanais na pakasalan ako kahit na mahirap. Ipagpasalamat mo rin na pakakasalan ako ni Ansel at hindi basta kakatagpuin lang nang lihim. Marahil ay may katwiran si Virgilio na ayawan ka kahit noong mga bata pa lang kayo.”

“Aba’t ang walanghiyang babaeng ito! Kailan ka pa natutong sumagot-sagot sa akin, Norien?”

Nang sabihin sa akin ni Adrian na magpapakasal siya kay Michelle, sagot niya na hindi isinatinig. Iyon ang nagpalakas ng loob sa kanya. Ang anunsiyo ni Adrian ay nag-alis ng batong nakadagan sa dibdib niya. Batong inilagay doon ni Odette.

Tuloy-tuloy siya palabas ng dining room. Kinuha ang cellphone niya sa sala upang tawagan si Ansel. Ang balak na pagpapakasal nina Adrian at Michelle ay nagbigay sa kanya ng dahilan upang ipakipaglaban ang pag-ibig nila ni Ansel.

Kung lumingon siya’y nakita sana niya ang matinding poot sa mukha ng ina.

IPINARADA ni Michelle sa harap ng cottage ang X-Trail at matapos patayin ang ignition ay lumabas. Sa halip na sa cottage magtuloy ay lumakad siya patungo sa baybayin. It was ten o’clock in the morning. The sky was clear and cerulean blue. Ang tubig sa dagat ay tahimik at kalmante. Tila ba hindi lumakas ang ulan kahapon at lumaki ang mga alon.

Kung siya ang masusunod ay gusto niyang puntahan ang pinanggalingan nila ni Adrian kahapon. Subalit nakikita niyang naguguluhan ito sa ikinilos niya. Siya man ay hindi maintindihan ang nararamdaman pero natitiyak niyang nasa guho na iyon ang kasagutan sa lahat ng mga panaginip niya.

And who was the woman in her dreams? In her heart she felt as if she needed her. It was ridiculous to be affected with her dreams. But they were not just ordinary dreams. Bata pa man siyang munti ay may mga panaginip siyang hindi niya maipaliwanag. Tila laging may tumatawag sa kanya. Pero ang mga panaginip na iyon ay itinuring niyang isa sa mga masasamang panaginip na karaniwan na sa tao.

Isa pa’y malalayo ang agwat ng mga panaginip. Mga taon ang pagitan kaya hindi niya gaanong binibigyan ng halaga. The dreams, now she realized, had always been a woman crying in anguish. At mula nang dumating siya sa El Paraiso ay hindi lang minsan siyang nanaginip—iisang uri ng panaginip. Na kung noong bata pa siya ay hindi niya mawari at matandaan, ngayon ay nagiging malinaw.

What are these dreams all about?

“Hey, honey...”

Agad napalingon si Michelle sa pamilyar na tinig. Si Adrian, a few feet away from her. Questions in his dark eyes. She smiled and walked toward him, at pumaloob sa naghihintay nitong mga bisig. She hadn’t expected him to be this early but she was glad he was here now.

She reveled at the warmth of his chest. Nilanghap niya ang init na nagmumula sa katawan nito na para bang nagbibigay-buhay yaon. Paanong sa mga bisig nito’y nakadarama siya ng kapanatagan at kaligtasan? Kung hindi inaagaw ng mga panaginip at ng guho ang isip niya’y natitiyak niyang magiging maligaya siya sa piling ni Adrian. Kahit na walang pag-ibig na magmumula rito. Marahil ay magagawa niyang linangin at patubuin iyon sa paglipas ng panahon.

Marahil ay sapat na ang pagmamahal niya rito.

She went still. Pagmamahal niya para dito? Did she love him already? This soon? When Dexter’s— She shook Dexter’s image from her mind. Hindi na mahalaga ang huli sa kanya. Katunayan ay wala nang pait na dala ang alaala rito.

Adrian raised her face to him and looked at her worriedly. “Have you been crying? I saw your shoulders shake. What is, honey? Naiisip mo pa rin ba ang lalaking iyon?”

Her smile was poignant and tiptoed and kissed him. “Sinong lalaki ang tinutukoy mo? Mayroon bang iba?” she murmured in his mouth. My God, she could believe that she loved this man already. And that loving him made her heart ache.

Adrian kissed her back. With equal hunger. Subalit agad din siyang pinakawalan at inilayo siya nang bahagya. “Whoa. I would take it to mean that you missed me already,” he said in an amused tone, but the fire in his eyes scorched her.

“There’s nothing I would want to do but kiss you and make love to you the whole afternoon, Michelle, but we have a visitor.” Inakbayan siya nito at ang kanang braso niya ay nakakapit sa baywang ni Adrian habang lumalakad sila pabalik sa cottage.

“Bisita?” she querried. “Sino? At akala ko ba’y mamaya ka pa makapananghaling darating?”

“Nagmamadali si Virgilio na makarating kaagad dito.”

“Si Mr. de Alegre?” Tumingala siya rito. “Bakit mo kasama si Mr. de Alegre?”

“Malalaman mo mamaya kapag nagkaharap kayo.” Sumulyap ito sa cottage, naroon si Virgilio sa balkonahe at naghihintay sa kanila. His hands were on his pockets. “I would have told you about this last night but I want to tell him first.”

“Kukunin mo siyang sponsor sa kasal natin?” she teased.

“That and more.” He grinned as his eyes caressed her face.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Kung dadayain ni Michelle ang sarili ay iisipin niyang may damdamin si Adrian sa kanya. Pero si Dexter man ay tinititigan siya tulad ng mga titig ni Adrian sa kanya—which could be construed as lust.

Napaungol siya nang lihim. Paano niya naisip na ihambing si Adrian kay Dexter? The two men were poles apart.

“I couldn’t see two people more in love,” ani Virgilio nang nasa bungad na sila ng balkon. The smile on his face was strained as his eyes studied Michelle’s face.

“Good morning, Sir,” bati niya, hindi gustong bigyan ng kahulugan ang unang sinabi nito pero may kasiyahang gumuhit sa kanyang dibdib.

“Hija...” Inabot nito ang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito tulad ng una nitong ginawa, maliban sa pagkakataong iyon ay tila gusto siya nitong hilahin at yakapin.

“May... kailangan po ba kayo sa akin?”

Tumingin ito kay Adrian. His eyes imploring. “I-I can’t do this, Adrian. I don’t even know what to say.”

Pinaglipat-lipat niya ang mga mata sa dalawang lalaki. Adrian’s eyes met hers. His smiling, hers confused.

“Michelle, gusto kong pormal na ipakilalang muli sa iyo si Marcus Virgilio de Alegre. Tinatawag siya ni Harriet ng ‘Mac,’ her endearment for Marcus.”