noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 5

Ch. 6 / 30 May 31, 2025

T WENTY minutes later she was out of the bank. Inilagay ni Michelle ang chocolate box sa dashboard at pagkatapos ay inilabas ang kotse sa parking lot.

Habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap siya sa kahon ng tsokolate. May hinala siyang ang laman niyon, kung ano man, ay may kinalaman sa lihim ng pagkatao niya. Kung sino ang totoong ama niya. Why else would her mother keep a box in a bank without her and Amador’s knowledge?

Sinulyapan niya ang relo sa dashboard. Alas-dos. Ni hindi siya nakapaghapunan kagabi at wala rin siyang almusal maliban sa isang tasang kape kaninang umaga. Nakaramdam na siya ng gutom. Wala siyang ideya kung saan siya patungo.

Isa-isang gumuhit sa isipan niya ang mga kaibigang maaaring matuluyan kahit ang magpalipas man lang ng magdamag. Pero siya na rin ang kusang tumatanggi. She couldn’t impose. Maliban pa sa hindi niya gustong malaman ng iilan niyang kaibigan ang tungkol sa kinahinatnan ng buhay niya. She couldn’t take their pity.

With a pain in her heart, she tried to erase Dexter’s image from her mind. She just felt so empty and maudlin every time she thought of him. Pero kailangang tanggapin niyang nagkamali siya ng lalaking minahal. Hindi matatanggap ng mga magulang ni Dexter ang pagkatuklas sa lihim ng mama niya.

Itinuloy ni Michelle ang sasakyan sa SM North Edsa at ipinasok sa covered parking lot. Nang maiparada iyon ay hinayaan niyang buhay ang makina para sa air-condition. Pagkatapos ay inabot ang chocolate box at kinalas ang tali at binuksan iyon habang tila mababasag ang dibdib niya sa lakas ng tambol niyon.

Tatlong sobre ng sulat ang laman ng kahon. Ang isa ay birthday card. At mga larawan. She counted them. Limang mga lumang larawan ng isang bata. Binasa niya isa-isa ang sulat-kamay na nakalagay sa likod ng mga larawan.

Anna Vida at one month old; Anna Vida at six months; Anna Vida at one year old; Anna Vida at two years old; Anna Vida at three and a half years old.

Tinitigan niya ang mga larawan. Ang isang larawan ng bata sa edad na tatlong taon at kalahati ay hindi nalalayo ang anyo sa mga larawan niya noong apat na taong gulang siya.

Sino ang batang ito?

Ang mga sobre ay naninilaw na sa matagal na pagkakatago. Naka-address ang mga sulat sa mother niya sa maiden name pa nito. Nangangahulugang dalaga pa ang mama niya nang ipadala ang mga sulat na iyon sa isang lugar sa Sampaloc.

Bawat sulat ay may iisang return address sa left corner. Harriet Palermo, Donsol, Sorsogon...

Sino ang Harriet Palermo na ito? Had she heard the name before? It sounded familiar. At sino ang mga nasa larawang ito? Sino si Anna Vida?

Sa nanginginig na kamay, inilabas niya ang card mula sa sobre at binasa.

Dearest Emmaline,

Kumusta na ang aking si Anna Vida? I missed my daughter so much. Today’s her fourth birthday. I am sending you a little cash through Money Order. Please buy my daughter a small gift from me. I want it to be a small Hello Kitty picture frame at ilagay mo roon ang larawan niya.

Then please buy her the most beautiful cake in the world and tell her that I love her so much....

Michelle sucked in her breath painfully. Sinulyapan ang petsa sa kanang bahagi ng card. Ang mismong ikaapat na taon ng kapanganakan niya!

May alaalang kumislap sa isip niya.

“Ingatan mo ang picture frame na iyan, Michelle, hanggang sa pagtanda mo...”

Siyam na taon siya nang sabihin iyon ni Emma. Naka-frame sa lumang Hello Kitty frame ang larawan niya noong four years old siya. And she had considered that frame one of her treasured possessions. Nilinga niya ang likod ng kotse, ang kinaroroonan ng mga bagahe niya. Naroon ang mga lumang album nilang mag-anak na dinala niya.

Dinampot niya ang isa pang envelope. The card and the letters were a month apart.

Dearest Emmaline,

How’s my Anna Vida? Alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko hindi dahil tumatanaw ka ng utang-na-loob sa akin dahil karamay mo ako sa lahat ng dinanas mo sa kriminal na iyon at nang pagtawanan at tuyain ka ng lahat. But because we are more than just friends, Emmaline. Para na tayong magkapatid.

I am so sorry that I can’t send for my daughter yet.

My mother’s health is so fragile. She had blood cancer.

At si Itay ay malimit nang sumpungin ng sakit. Ikamamatay niya ang katotohanang nagkaanak ako sa anak ng kaaway niyang mortal...

Then Michelle took another letter and read it. Ang dibdib niya’y gusto nang mabasag sa matinding kaba at sakit na nararamdaman.

Dearest Emmaline,

I missed my daughter so much. Walang gabing hindi ako umiiyak sa pag-iisip ko kay Anna Vida. Sana’y kaya kong gawan kaagad ng paraan ang lahat ng mga suliraning nasa harap ko ngayon. Naka-confine ang aking ama sa ospital habang isinusulat ko ito. Naghahalili sila ni Inay sa paglabas-masok sa ospital. Paano ko ba masasabi sa kanila na habang nasa Maynila ako at pinagsisikapang pag-aralin sa kolehiyo ay nagtatagpo kami ni Mac?

Sana’y narito si Mac, Emmaline. Natitiyak kong hindi niya pababayaan ang aming si Anna Vida. Pero nasa ibang bansa siya. Tuluyan na siyang inilayo ng mga magulang niya sa akin nang tanggihan niyang pakasalan ang gusto nila para sa kanya. Ni hindi nalaman ng mahal ko na nagkaanak kami. Ni hindi ko alam kung saan ko siya susulatan...

Hindi niya namamalayang umaagos ang mga luha niya malibang pumatak ang mga iyon sa papel at kumalat ang tinta sa mga salitang nakasulat doon. Isinandal niya ang ulo sa headrest.

Emma had always been Emma in all her records. Had her mother changed her name? Hindi imposible iyon sa trabaho ni Amador bilang abogado. Pinaiksi ba nito ang pangalan upang huwag maugnay sa nangyaring rape dito?

And who was Harriet Palermo? At sino ang sanggol sa mga larawan?

Walang ibang inalagaang bata si Emma kundi siya. Or Digna Verano would have told her.

Bumaba ang mga mata niya sa mga sulat. Bawat letra ay puno ng matinding pangungulila at pananabik para kay Anna Vida. Kahit sa sulat ay nararamdaman niya ang paghihirap ng Harriet na ito.

Muli ay ang pagguhit ng eksena sa isip niya. She was fifteen. Nagliligpit ng mga gamit si Emma at nakita ni Michelle ang isang lumang litrato na nakausli sa isang lumang album. Hinugot niya iyon at tinitigan.

“Sino ang katabi mo rito sa picture, Mama?” she asked. Tiningnan niya ang likod at binasa ang nakasulat doon. 1980, Harriet and Emmaline. “I wasn’t even born yet. And why Emmaline?”

Mula sa pag-aaral para sa ituturo kinabukasan ay nag-angat ng mukha si Emma. Nang makita ang larawang hawak niya ay bigla nitong hinablot iyon.

“Hindi mo dapat pinakikialaman iyan!” Madaliang ipinasok nito ang larawan sa bag nito.

“Who’s Harriet?”

Emma stared at her for a long moment. Then she sighed. “Harriet’s my best friend in college.”

“Where is she now?”

Inalis nito ang salamin sa mga mata at inihilig ang sarili sa swivel chair at tumitig sa kawalan nang matagal bago sumagot. “I... I have no idea,” she said. “We’ve lost contact when I married your father.”

Nagkibit siya ng mga balikat at humakbang palabas ng study nang tawagin siya nito.

“My parents died when I was young, Michelle. Lumaki ako sa girl’s town at nang eighteen ako’y nagtrabaho ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa unibersidad na pinapasukan ko sa gabi. Harriet became my friend...”

“Why are you telling me that again?” she asked, amused. Hindi lang niya miminsang narinig kay Emma ang gayon.

“Because I may not be what you expect of me as a mother. But I want you to know that I love you. Ikaw ang pumuno sa kakulangan ng aking pagkatao.”

She frowned. That declaration, at least, was new. Hindi showy ang mama niya pagdating sa emosyon at naantig ang damdamin niya. Lumapit siya at niyakap at hinagkan ito. Emma stiffened. Napilitan siyang kumawala.

Now Michelle knew why her mother could not cope with physical declaration of love. Iyon ay dahil sa nangyaring pagsasamantala rito. She wondered how had her marriage with Amador survived? Marahil ay hindi mahalaga kay Amador ang kawalan ng pagtugon ni Emma. Sapat nang pag-aari nito ang asawa.

“I love you, too, Mama.” She remembered telling Emma. Then she frowned. “What about Papa? Hindi ba mahalaga rin siya?”

May ilang sandali itong pinalipas bago sumagot. “Amador loves me... a kind of love that is almost suffocating. But nobody loved me the way he does, Michelle. And he provides for us... for you. And that is all that matters.” Nagsasalita ito na tila ba sarili ang kinakausap.

Ngayon niya lubos na naiintindihan ang tunay na relasyon ng mga magulang. Tinanggap ni Emma ang uri ng pag-ibig ni Amador dahil sa status symbol. Higit sa lahat ay para din sa kanya.

Hindi niya kayang pasubaliang mahal siya ni Emma. At hindi niya gustong bigyan ng puwang ang kaisipang hindi niya ito tunay na ina. Subalit naghuhumiyaw sa harap niya ang mga katotohanan.

Emma had never borne a child!

She was Harriet Palermo’s daughter. Ipinagkatiwala kay Emma dahil sa mga pangyayaring hindi magawang bigyan ng kalutasan ni Harriet. And where was Harriet? Sa mga sulat ni Harriet ay nararamdaman ni Michelle sa puso niya ang matinding pananabik at kapaitan nito na nawalay ang anak. Pero bakit hindi na siya nito binalikan? Bakit tuluyan siyang ipinaubaya kay Emma?

Tinitigan niya ang return address sa mga envelope. Donsol, Sorsogon.

Sandali lang siyang nag-isip. Katalinuhan man o hindi, she decided to travel to Donsol today, saan mang bahagi ng lupa iyon. Walang dahilan para hindi niya gawing bumiyahe. She had no place to go. At wala pa siyang maisip na plano para sa buhay niya sa mga sandaling iyon kung saan ang isip niya ay litong-lito sa mga nangyari at sa natuklasan.

Not to mention the big gaping hole Dexter had left in her heart.

Kung saan man naroroon ang Donsol ay madali na iyon. Ikinagagalak ni Michelle na ipinaglaban niya ang sasakyan. Pinatay niya ang makina at bumaba. Puno ng determinasyong lumabas siya ng parking lot upang magtungo sa pinakamalapit na bookstore para sa bibilhing guidebook.

If indeed this Harriet Palermo was her mother, she wanted to know why she had never came back for her. Ano man ang dahilan ay aalamin niya.

MULA sa tahimik na pagmamaneho ay biglang may sumagitsit at pumutok sa likuran ng kotse ni Michelle at nagpaekis-ekis iyon. Sa kabila ng biglang takot ay hinigpitan niya ang hawak sa manibela. Then she slowly veered her car to the right side of the road flashing her signals at the same time.

Napasinghap siya sa kaba nang sabay-sabay na magbusinahan ang ilang sasakyang nasa likuran niya sa biglang pagbaling niya sa kanan. Bale-walang nilampasan siya ng humahagibis na mga sasakyan na ang headlights ay nakasisilaw sa kadiliman ng gabi.

Hindi niya balak ihinto ang sasakyan sa gilid ng madilim na daan. Natitiyak niyang walang hihinto sa kanya. Sinikap niyang kabigin at ipaabot iyon sa roadside restaurant na natatanaw niya ang maliwanag na signboard ilang yarda sa unahan. Subalit ni hindi niya naipanhik sa mismong parking lot ang sasakyan kundi sa may gilid lang ng daan.

Pinatay ni Michelle ang ignition at mabilis na bumaba. Bagaman bahagya nang umabot sa kanya ang ilaw sa restaurant ay nagpapasalamat pa rin siyang nadala niya sa malapit doon ang sasakyan. She looked around her. Maliban sa iilang commuters ay madilim ang buong paligid. Kung may establisimyento man maliban sa restaurant ay malalayo base na rin sa mga signboards na nakikita niyang kumikislap sa magkabilang bahagi ng highway.

Sa kapirasong liwanag mula sa di-kalayuang poste sa harap ng restaurant ay isa-isa niyang sinilip ang mga gulong at napaungol siya nang makitang nabalatan ang gulong niya sa kanang likuran. Kung mabilis ang pagpapatakbo niya at hindi buo ang isip nang mag-swerve ang sasakyan ay malamang na naaksidente siya.

She sighed desperately. Nilinga ang restaurant na marahil ay humigit-kumulang sa dalawampung yarda mula sa kinatatayuan niya. Sa parking lot niyon ay iilan lang ang nakikita niyang nakaparadang sasakyan at kahit paano ay makakahingi siya ng tulong. Pero susubukan niya munang kayaning palitan ang gulong.

Yumuko siya at sinilip ang reserved tire na nasa ilalim ng Nissan X-Trail. Oh, God. She groaned in frustration as she lifted herself and kicked the flat tire. Then she walked hopelessly toward the inner right of the hard shoulder. Nakakita siya ng nakatumbang puno ng niyog at nanlulumong naupo roon.

Para makuha ang reserbang gulong ay kailangan niyang gamitan iyon ng tire wrench. At ni wala siyang kaide-ideya kung nasaan ang mga tools sa kotse niya. At sa dami ng mga nakatambak sa loob ay malamang na ilalabas niyang lahat ang mga iyon bago makita ang hinahanap.

Nag-init ang sulok ng mga mata ni Michelle. The past weeks were the worst time of her life. And as if life felt it hadn’t done enough damage by killing her parents, dinagdagan ng isa pa—si Dexter. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ito tumatawag. Kahit man lang magsabing tapos na sa kanila ang lahat. And this was the man who had proclaimed his love and promised to marry her.

And now she was in a dark hard shoulder in a nowhere land to find the truth about herself and with a busted tire she didn’t think she had the strength to change.

Tinakpan niya ang bibig upang hindi kumawala ang paghikbi. She was busy trying to stop her tears and to ward off self-pity that she didn’t hear the sound of an engine coming out of the parking lot from the nearby restaurant.

“May problema ba, Miss? Maaari ba akong makatulong?”