noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 7

Ch. 8 / 30 May 31, 2025

M ICHELLE was bone tired and so sleepy. She had been driving for twelve hours straight. Ang pahinga lang niya sa pagmamaneho ay nang pumasok siya sandali sa restaurant matapos mapalitan ng estranghero ang gulong ng SUV niya.

Sandaling gumuhit sa isipan niya ang guwapong mukha nito at inanalisa ang kakaibang nararamdaman niya sa bawat pagtatagpo nila. Pero nang maisip ang kasungitan ng lalaki ay agad din niyang pinalis ang anyo nito sa isip niya.

Ayon sa waitress sa restaurant ay Daet na ang susunod na bayan. Maliban sa kape ay wala na siyang in-order pang iba at pinag-aralan na lang ang guidebook. She didn’t feel hungry. Kanina, or technically kahapon, bago siya umalis ng Maynila ay dumaan siya sa Le Coeur de France at bumili ng Danish at ilang bottled water. Iniisip niyang kainin na lang iyon sa daan. Pero wala siyang nagalaw isa man sa mga biniling pastries.

Nakatutok ang buong pansin at isip niya sa dinadaanan. To her surprise, she was actually enjoying the picture-postcard sceneries. She had never travelled this far and had never been anywhere in the Philippines all her life. She’d been to Baguio once in her lifetime. Nakarating siya sa Hong Kong at Thailand. Then four months ago, on her parents twentieth anniversary, to Canada.

Sa lahat ng biyaheng nagawa niya sa labas ng bansa ay kasama niyang palagi sina Amador at Emma. Pero hindi sa saan mang probinsiya o alin man sa magagandang lugar sa Pilipinas.

Hindi gusto ni Emma na magbakasyon sila sa magagandang summer places, lalo na sa katimugang Luzon. O kahit sa mga kilalang lugar tulad ng Boracay at Palawan.

Michelle hadn’t understood that all her life. Dahil kahit ang school field trips ay hindi siya pinahihintulutan ni Emma na sumama. Binabayaran ng ina ang mga iyon at nagdadahilan sa mga teachers at professors. Iniisip niyang dahil nag-iisa siyang anak ay baka nag-aalala si Emma na sumama siya sa malalayong lugar.

Now, she didn’t know anymore.

Though she must be insane to have traveled to this place by herself. Muntik na siyang maaksidente kanina nang sumabog ang gulong niya, pangalawa sa loob lamang ng isang linggo. Pero desidido siyang gawin iyon. Isa pa, kung hindi siya naulila ay baka hindi rin niya nagawa ang biyaheng iyon. Gusto niyang malaman kung ano ang kaugnayan niya sa mga sulat na itinago ni Emma.

Ano man ang kahihinatnan ng pagtungo niya roon, at least hindi niya sisisihin ang sariling hindi inalam ang tungkol sa pagkatao niya.

At kung hindi sa uri ng sasakyang minamaneho ni Michelle ay baka katakutan niya ang biyaheng ginawa, lalo na nang magsimulang lumalim ang gabi. Bago pa ang Nissan X-Trail. It was Amador’s gift to his wife on their twentieth anniversary more than four months ago. The tour to Vancouver was a bonus. Ang flat tire ay hindi inaasahan. Baka may salbaheng naglagay ng pako sa daan.

Sinulyapan niya ang relo sa dashboard. Alas-dos kinse ng madaling-araw. Kung magtatagal pa siyang nagmamaneho ay malamang na makakatulog na siya sa manibela sa pagod. Kailangang makita niya ang hotel na sinasabi ng gasoline boy.

Fifteen minutes later, tinawid na niya ang maikling tulay na limang dipa lang yata ang haba. Underneath must be a creek. Wala siyang nakikita sa dilim maliban sa tinutumbok ng headlights niya. Sa magkabilang bahagi ng daan ay naaaninag niya ang mga nagtatayugang halaman at puno. Other times, she would be afraid to travel in a place like this.

A few minutes later, in the middle of a dark and deserted country gravelly road, she saw the flashing sign of Hotel Olivar. Tila apoy iyon na nagsisilbing liwanag sa kadiliman ng paligid. Nakahinga siya nang maluwag. Ilang sandali pa’y ipinapasok na niya ang kotse sa parking lot.

May mga sasakyan siyang nakikitang mga nakaparada. Marahil, kung hindi sa mga local at foreign tourists ay sa mga biyahero. Ipinarada niya ang X-Trail sa harap ng dalawang palapag na hotel. Nahahapong pinatay niya ang makina at saka inabot ang malaking bag sa passenger seat.

Isa iyon sa maraming mamahaling bag ni Emma. A Prada. Another expensive gift from Amador. Kung hindi lang sa nasundot niyang pride ng matandang Digna Verano ay natitiyak niyang hindi nito gugustuhing dalhin niya ang mga mamahaling designer shoes and bags ni Emma. Maingat sa mga gamit nito ang ina kaya halos mukha pang bago ang mga iyon.

Ipinagpasalamat ni Michelle na naging matapang siya sa paghaharap nilang iyon ni Digna Verano nitong nakalipas na tatlong araw. Desperasyon ang nagpangyari upang harapin niya ito tungkol sa alin ang dapat na mapasakanyang pag-aari ni Emma. When she thought she had nothing left, now she had the four-month-old car. At marahil ay tatanggapin niya ang bayad ng insurance sa BMW ni Amador na sumalpok sa truck.

A tired smile tugged at her lips at the thought. You win some, you lose some.

Binuksan niya ang passenger door sa likod at mula sa dalawang maletang naroroon, kasama ang ilang gamit na basta na lang niyang itinambak, ay hinila niya ang mas maliit na maleta mula sa ilalim. She secured the vehicle and walked toward the hotel entrance.

Bago ang hotel kung ang pagbabasehan ay ang pintura at floor tiles. Disente at malinis, at hindi na rin nalalayo sa mga three-star hotel sa Kamaynilaan. Lumapit siya sa desk at banayad na tumikhim. Ang receptionist na nakayupyop sa counter ay unti-unting nag-angat ng mukha.

“Good morning,” bati niya.

The man must be in his late twenties. Nakaputing polo shirt at itim na pantalon na malamang ay uniporme. Inihilamos nito ang mga palad sa mukha at pagkatapos ay sinuklay ng mga daliri ang buhok. Nahihiyang tumingala ito sa kanya.

“`Morning, Ma’am. a no po’ng—” He gasped, then in a shock whisper, “Mrs. de Alegre?”

HINDI matiyak ni Michelle kung paano kikilos sa naging reaksiyon ng lalaki. Isang pag-uulit lamang iyon sa nakita niya sa mukha ng gasoline boy kanina. Nagsalubong ang mga kilay niya sandali. Then she saw him blink and rub his eyes. Na tila ba gusto nitong tiyaking hindi ito dinadaya ng paningin.

“P-pasensiya na po kayo,” he apologized but the shock on his face was still evident.

“I need a room. I will be staying for... for a few days.”

“Of course, Ma’am,” nagmamadaling sabi nito at halos matumba ang silya sa biglaang pagtayo. “May... kasama po ba kayo?” Sumulyap ito sa may entrada ng hotel, expecting a companion.

“Nag-iisa lang ako.” Pasulyap-sulyap ito sa kanya habang kinukuha ang register book. “Ipinagkamali mo ba ako sa iba?” she asked, mildly curious. She had caught the name he uttered in shock, something like “de Alegre.”

Bahagya nang tumango ito. Nakita niyang napahiya ito at yumuko sa libro. She shrugged it off. Ang magkaroon ng kamukha ay natural na marahil sa tao. Minsan, depende rin iyon sa tumitingin.

Nang muli itong mag-angat ng mukha’y naroon na ang propesyonal na ekspresyon na laan para sa lahat ng hotel guests. “Ano po ang pangalan ninyo?”

“Michelle Verano.”

Isinulat nito ang pangalan niya. “Kailangan po namin ng paunang bayad, Ma’am...” May inusal itong halaga. “We only accept cash, Ma’am. Wala pa po kaming card machine.”

Kinuha ni Michelle mula sa bag ang wallet at naglabas ng pera at ibinigay sa clerk. Pagkatapos gumawa ng resibo ay iniabot nito ang kopya at ang susi ng silid habang patuloy sa matamang pagtitig sa kanya.

“Room 20, Ma’am, second floor, sa bandang kanan po pagkapanhik ninyo. Gusto po ba ninyong dalhin ko ang maleta ninyo?”

“No, thanks. Hindi naman mabigat ito.” Tumalikod na siya patungo sa hagdanang hindi naman kalayuan sa counter.

Isang sitting room ang nabungaran niya pagkapanhik. May mahabang corner sofa at isang katamtamang laki na nakaharap at isang kuwadradong coffee table. At ang hagdang pinanhik niya ay paikot at patungo sa itaas. Marahil ay may apartment sa itaas na hindi niya napuna dahil mula sa ibaba ay natanaw niyang hanggang dalawang palapag lang ang hotel.

Nilinga niya ang kanang bahagi ng pasilyo at agad nakita ang numero ng silid niya. Ilang hakbang iyon mula sa sitting area at sa tingin niya ay ang huling silid sa palapag na iyon.

Sinusian ni Michelle ang pinto at itinulak iyon pabukas. Ang antiseptic na amoy ng silid ang nalanghap niya, tulad din ng amoy ng mga hotel na tinutuluyan nila kapag lumalabas sila ng bansa ng mga magulang.

Katamtaman ang laki ng silid at off-white ang pintura ng mga dingding at kisame. Ang wrought-iron semi-double bed ay may kubrekama sa mapusyaw na asul. Ganoon din ang kulay ng punda ng dalawang unan at ang nakatuping kumot. May bedside table sa magkabilang tagiliran na ang isa’y may lampshade at ang kabila’y may ashtray na malaki. Sa gilid, sa tabi ng bintanang may asul na blinds ay may mesa, na tulad ng kama, ay yari sa itim na wrought iron at dalawang silya na ganoon ding yari at disenyo.

Ang sahig ay malalaking glazed tiles na ang disenyo ay tila yaong sa wood parquet. May maliit na closet at serviceable na tokador. Nasiyahan siya sa kabuuan ng silid. Ipinatong niya ang maliit na maleta sa mesa at pagkatapos ay pinasok ang banyo at sinuri.

Even the toilet and bath were to her satisfaction. They were small but with shower area. At sa isang bahagi malapit sa pinto ay ang vanity counter na sa gilid ay may malinis na tuwalya. Ang kulay ay katulad din ng sa kubrekama at mga punda ng unan, in powder blue.

Inilabas ni Michelle ang lahat ng mga gamit na kailangan at naglinis ng katawan at pagkatapos ay nagpalit ng pantulog. Pagkatapos niyang buhayin ang aircon ay nahiga siya sa kama. Ang malinis na amoy ng almirol sa punda ng unan ay sapat na upang ganyakin siyang makatulog kaagad. Na siya niyang inaasahan dahil hapong-hapo ang katawan niya... maging ang damdamin niya. Huwag nang idagdag na wala siyang diretsong tulog magmula nang maospital si Emma.

Hindi niya gustong mag-isip subalit mailap ang antok sa kabila ng pagod. Kung bakit biglang umahon ang agam-agam sa dibdib niya gayong ilang oras na lang ang hihintayin at maaari na niyang simulan ang pagtatanong-tanong.

She thought of her parents. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Sariwa pa rin ang sakit na nadarama niya sa pagkawala ng mga magulang... ni Emma, lalo na. Sakit na hinaluan ng takot at walang kasiguruhan. Dahil bigla’y hindi siya nakatitiyak kung tama ang ginawa niyang pagtungo sa malayo at estrangherong lugar na iyon.

“HELP me, please!”

“Where are you? It’s too dark and cold in here.”

“I... am here,” said the voice that was getting weaker and weaker.

“Keep on talking! Don’t stop. I must find you!” she shouted. Ang mga kamay niya’y kumakapa sa mga batong dingding habang tila bulag siyang bumababa sa paikot na hagdang-bato.

Sa di-kalayuan ay naririnig niya ang nagngangalit na hampas ng mga alon sa karagatan, nilulunod ng mga iyon ang tinig na naririnig niya na pahina na nang pahina.

“Hey, where are you?” muli niyang sigaw. Unti-unti ang pagkadama niya ng panic dahil hindi na naririnig ang tinig. Muli niya itong tinawag subalit bumabalik sa kanya ang alingawngaw ng tinig niya....

Michelle gasped for air as she opened her eyes. Her heart was racing like a horse in a gallop. Pero nanatili siya sa ganoong tila paralisadong ayos ng ilang sandali bago rumehistro sa isip niya na nananaginip siya.

Pagkuwa’y hinayon ng mga mata niya ang bintanang salamin na naka-frame sa wrought iron. Maliwanag na sa labas. It was morning. And she was in a hotel room. A sense of déjà vu engulfed her. Alaala ng halos ganoon ding panaginip ay nagpipilit na makaalpas sa alaala niya. Three months ago, sa huling linggo nila sa Vancouver. Tila iyon magkaugnay.

Pinutol ng tili at tawa ng bata ang pagsisikap niyang alalahanin ang unang panaginip.

Kinapa niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table at tiningnan ang oras. Napasinghap siya nang makitang alas-diyes na ng umaga!

Mahabang oras ang itinulog niya. Pero bakit tila hapong-hapo siya? At sa kabila ng lamig mula sa air-condition ay nararamdaman niya ang pawis sa noo. Tila galing siya sa isang paglalakbay. She almost rolled her eyes at the simile. Dahil mahigit sa labindalawang oras siyang naglakbay mula Maynila hanggang El Paraiso.

Tumayo si Michelle at tinungo ang banyo upang maligo. She was impressed. May mainit na tubig na tumatakbo sa isa pang gripo.

Ilang sandali pa’y nasa harap na siya ng salamin at inaayos ang sarili. Kinuha niya ang malaking bag at susi ng silid at tinungo ang pinto upang lumabas. Mag-aalmusal muna siya sa ibaba. Siguro naman ay may restaurant ang hotel na iyon. Ang pagkaisip sa pagkain ay nagpakalam sa sikmura niya. She hadn’t eaten since yesterday morning.

Hustong nakalabas siya ng silid nang isang bola ang nakita niyang patungo sa kanya. Reflexively, she caught the ball before it hit her.