“T HIS is horrible,” usal ni Dexter habang iniisa-isa ang mga newspapers clippings na kasintanda na yata ni Michelle.
Hindi siya sumagot at sa halip ay ipinagsalikop niya ang mga braso sa katawan. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat maramdaman sa mga sandaling iyon. Tila namamanhid ang buong katawan niya.
Tinitigan niya si Dexter habang binabasa nito ang captions sa ibaba ng larawan sa malakas na tinig na gusto niyang takpan ang mga tainga. Disgust was all over his face. Michelle expected compassion from him for her mother but she saw none.
Mahabang sandali ang lumipas na walang usapang namagitan sa kanilang dalawa. Pagkuwa’y binitiwan nito ang mga clippings at tinitigan siya.
“Aalis na muna ako,” he said. He looked so distant and cold. Tila bigla’y estranghero ang tingin ni Michelle dito.
“D-do you really have to go?” aniya sa maiiyak na tinig. More than ever she needed him now. Iyong manatili ito roon, hawakan ang kamay niya at ibigay ang balikat nito para sa kanya ay sapat na.
“Take a rest, Michelle. I have an appointment this afternoon with my father. Tatawagan kita mamayang gabi.”
Tuloy-tuloy itong lumabas ng balkon patungo sa pinagparadahan ng Mercedes-Benz nito. Hindi siya lumingon kahit nang marinig niya ang tunog ng papaalis nitong sasakyan. May pakiramdam siyang may malaking pagbabagong magaganap sa relasyon nila dahil sa mga ipinahayag ni Digna Verano tungkol sa pagkatao niya. The coldness that she felt almost numbed her senses. Sa mabigat na mga hakbang ay pumasok siya sa kabahayan.
Memories of her childhood flashed into her mind. Ang mama niya... ang papa niya. Ngayon niya naintindihan kung bakit hindi tulad ng ibang ama si Amador.
May mga pagkakataon pa ngang pinagseselosan niya ang ina dahil sa pagiging malambing at masuyo ni Amador dito. Pero pagdating sa kanya’y wala siyang natatandaang kinandong o hinagkan siya nito. At kung dinaluhan man nito ang mga pagtatapos niya sa elementarya at high school, iyon ay dahil lamang sa pagbibigay kay Emma.
Pero pinunan ni Emma ang kakulangan ng pagtingin ni Amador sa kanya. Though not showy, Emma had loved her in her own way.
Tila may toneladang bakal na nakadagan sa dibdib ni Michelle nang pumanhik siya sa hagdan. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Digna Verano para manatili sa bahay na iyon.
Then her thoughts went back to Dexter. Naapektuhan ba ito sa natuklasan tungkol sa totoong pagkatao niya? O tulad niya’y nabigla rin lang ito? Madali bang i-off and on na tila switch ng ilaw ang pag-ibig nang ganoon lang?
Pinalis niya ng likod ng palad ang mga luhang malayang umagos sa mga pisngi niya.
NANG gabing iyon, ang inaasahang tawag mula sa kasintahan ay hindi dumating. Nagpadala siya ng text messages dito pero walang reply. Magkasama ang takot at kapaitan sa puso niya, natulog si Michelle nang malapit na ang bukang-liwayway.
Gayunma’y maaga pa rin siyang nagising kinabukasan. Kailangan niyang ibagahe ang mga gamit nilang mag-ina sa araw na iyon. Habang nagkakape ay nagsimula siyang mag-empake. Patapos na siyang ibagahe ang ilang gamit ni Emma nang marinig ang busina ng sasakyan ni Dexter sa labas ng gate.
Ibinaba niya sa mesa ang mug ng kape at puno ng kasiyahang nagmamadaling lumabas upang pagbuksan ng gate ang kasintahan. She smiled at him widely.
“Hi.”
“Hi yourself,” he said, smiling back. Hindi ito bumababa ng sasakyan. “Halika, lumabas tayo.”
Napaangat ang mga kilay niya at niyuko ang sarili. Naka-denim walking shorts, puting T-shirt na may mukha ni Elvis Presley sa harapan, at nakasandalyas lang siya.
“You look fine to me, Michelle,” he said appreciatively. “That is one of the many things I love about you. Kahit na ano ang isuot mo ay nagmumukha kang prinsesa.”
She smiled wanly. “Thanks. At this moment, gusto ko munang lumabas at mag-isip, Dexter.” Nilinga niya ang kabahayan. “Sandali lang at magsasara ako.” Masigla siyang bumalik sa loob. She was deeply pleased. Lahat ng nangyari kahapon ay biglang naging magaan. Binale-wala ni Dexter ang natuklasan tungkol sa pagkatao niya.
IPINASOK ni Dexter ang Mercedes-Benz sa loob ng makipot na garahe ng isang motel sa Pasig. Agad din iyong sumara nang makapasok ang sasakyan.
“Dexter, bakit dito tayo nagpunta?” Inikot ni Michelle ang paningin sa kapirasong garahe na sa isang sulok sa may unahan ng kotse ay isang hagdanan. Bigla ay parang kinakapos siya ng paghinga.
Pinatay nito ang makina ng sasakyan at masuyo siyang nginitian. “Ang sabi mo’y kailangan mong mag-isip at magpahinga, honey. This is the right place where you can both think and rest.” Itinaas nito ang braso at inakbayan siya, pinipisil ang kabilang balikat niya.
Napauklo si Michelle. Kung ang mga paghawak-hawak at mga akbay nito sa nakalipas na ilang araw mula nang mamatay ang mga magulang niya ay nagdulot sa kanya ng kapanatagan ay taliwas sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Tila ba sawa ang lumilingkis sa kanya at sinisikil ang paghinga niya.
Maliban doon ay naninibago siya sa iginagawi nito. Sa loob ng mahigit isang taong pagiging magkasintahan nila ni Dexter ay hindi minsan man ito nagmungkahing lumampas sila sa dapat lampasan.
Dexter had always wanted a virgin wife. Lagi nitong sinasabi na gusto nitong maging perfect ang unang gabi ng kanilang kasal. Isa iyon sa mga bagay na hinahangaan niya rito. He was a gentleman, cultured, and refined. Now, she suddenly realized, Dexter was an elitist snob. Hindi ito nakikihalubilo sa mga kaibigan niyang mas nakabababa sa kanila ang kabuhayan.
Nabibilang ito sa nakaririwasang angkan na may sinaunang pamantayan. Ang ama nito ay congressman at ang ina naman ay isang konsehal at abala sa mga gawaing panlipunan. At si Dexter na nagtapos ng Abogasya nitong nakalipas na taon ay naghihintay na lang ng resulta ng Bar exam.
Sa nakalipas na mga araw ay natiyak niya sa sariling si Dexter ang pinagkuhanan niya ng lakas. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung wala ito. But now, she wasn’t so sure anymore. Mula kahapon ay naramdaman na niya ang biglang pagbabago nito.
Pero hindi ba at kahapon din lang naman nagsimulang magbago ang lahat sa buhay niya?
“Dexter, please. All I want is for us to talk,” she said wearily. “For you to hold my hand and tell me that you love me...” at tiyakin sa aking nariyan ka, lalo na sa mismong sandaling ito na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
“We’ve done talking, honey,” wika nito at ginagap ang kamay niya at pinisil. “And of course, I love you. Pero gusto kong makapagpahinga ka. Tingnan mo ang ilalim ng mga mata mo at nangingitim na sa ilang araw na pagpupuyat.”
“Kung pahinga ang kailangan ko’y hindi tayo dapat umalis ng bahay. At alam mong napakarami kong gagawin. You could have offered to help me pack. Tatlong araw lang ang ibinigay na taning sa akin ni Lola Digna mula kahapon. Narinig mo naman iyon, `di ba?”
Ang inaasahan niya mula rito ay ang tiyakin na may matutuluyan siya sa sandaling umalis siya sa bahay na kinagisnan at kinalakhan na niya, hindi ang pagtungo sa lugar na iyon.
“Michelle, don’t you think it’s time for us to know each other... intimately?” he said in a gentle and persuasive voice ignoring what she said. “Matagal na tayong magkasintahan...” Binuksan nito ang pinto sa bahagi nito upang bumaba subalit hinawakan niya ito sa braso at pinigilan.
“Nalilito ako sa ginagawa mong ito,” wika niya kasabay ng pag-iling. “Please, let us get out of this horrible place!”
“Michelle—”
“Please, Dexter. Hindi ito ang sagot sa mga suliraning kinakaharap ko. Dadagdagan lamang ng binabalak mo ang patong-patong kong problema.”
Isang sapilitang ngiti ang pinakawalan nito. “Gusto mo bang bumalik tayo sa bahay n’yo? Of course, I should have thought of that. Sa silid mo’y nasa atin lahat ng privacy. Ang nasa isip ko kasi ay gusto mong lumayo kahit sandali sa bahay ninyo...”
“Hindi sex ang sagot sa lahat ng nangyayaring ito sa akin ngayon.” Her voice was tired and weary and yet determined. Tiniyak niyang makatagos iyon sa kung ano mang kaisipang umiiral sa kasintahan sa mga sandaling iyon.
Naglaho ang ngiti nito. His face was grim as he gave her a long stare. Pagkatapos ay nagpakawala ng marahas na buntong-hininga at muling isinara ang pinto at bumusina nang malakas. Mayamaya pa’y isang boy ang lumitaw mula sa kung saan. Sinenyasan ito ni Dexter at sandali pa’y muling umangat ang gate.
Umarangkada paatras si Dexter at marahas na nagmaniobra at pagkatapos ay mariing tinapakan ang silinyador palabas ng compound ng motel. Mabilis at dire-diretso ito sa kabilang lane na ang intensiyon ay kumaliwa.
Sa sulok ng mga mata ay nakita ni Michelle ang paparating na sasakyan mula sa kanan at tutumbukin sila. Siya ang tatamaan ng dumarating na sasakyan dahil nasa kanang bahagi siya.
“Dexter!” she screamed.
NAKABIBINGI ang pag-ingit ng mga preno ng dalawang sasakyan. Both vehicles stopped. Ang malaking bumper ng higanteng silver gray Toyota Hi-Lux pickup truck ay halos gahibla ang layo sa right fender ng Mercedes-Benz ni Dexter na hindi pa nakuhang makakaliwa at nasa pagitan ng dalawang lane.
Michelle closed her eyes and silently offered her thanks as she took a deep breath. Relief made her feel weak. Muntik na silang maaksidente. And she had just buried her parents days ago!
She shivered. Natitiyak niyang kung hindi nakapagpreno ang driver ng Hi-Lux ay malamang na napahamak sila. Lalo na siya na nakadelantera sa paparating na four-wheel drive. Katunayan, kung wala ang seat belt na hindi naman niya tinanggal mula pa kanina ay baka nga nasubsob siya sa dashboard sa biglaang pagpreno ni Dexter.
Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang pagmumura ni Dexter. Binuksan nito ang pinto at bumaba. Umikot ito sa kabilang bahagi niya at salubong ang mga kilay na tumingkayad at sinipat ang right fender. Nakita niyang bumukas ng pinto ng Hi-Lux at bumaba ang driver niyon.
Balak niyang tawagin na lang si Dexter tutal wala namang nangyari at kasalanan naman nito ang muntik-muntikanang aksidente. Pero tila naubusan siya ng lakas sa nangyari at matindi pa rin ang kabang dumadagok sa dibdib niya.
Sa sulok ng mga mata’y nakita niyang sa kanya palapit ang driver ng kabilang sasakyan. Diniinan niya ang buton para bumaba ang salamin ng bintana sa tabi niya.
“Miss...” came a baritone but cold voice. “Nasaktan ka ba?” Walang totoong malasakit sa tinig nito, ang naroon ay obligadong pagtatanong.
Gayunpaman, tumingala si Michelle upang tiyakin dito na hindi siya nasaktan. Kahit paano ay siya ang unang nilapitan ng lalaki samantalang ang sariling kasintahan ay mas naunang alalahanin ang kotse. Pero ang anumang salitang nais niyang sabihin ay napigil sa lalamunan niya nang makita kung sino ang muntik na nilang makabanggaan.
“Ikaw?” anas ng lalaki.
“Oh.” Napahawak siya sa dibdib niya. Ito ang lalaking nakatagpo niya sa building ng law office noong isang araw. Ang lalaking kahit paano ay gumawa ng daan patungo sa isip niya.
“Well, I suppose I now have an idea why you almost fainted,” he said sarcastically. “I have guessed correctly. You are pregnant.” Ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya sa nang-iinsultong paraan, pagkuwa’y sumulyap sa pinanggalingan nilang motel at kumibot ang mga labi sa malisyosong ngiti.
For a while, Michelle went blank as she tried to register what the man said. She opened her mouth to say something, subalit bago pa makalabas ang tinig niya ay nabaling ang atensiyon nilang pareho kay Dexter na nagsalita.
“Hey,” singhal nito, nakatingkayad pa rin sa may fender ng Mercedes-Benz at hindi nila makita dahil natatakpan ng malaking hood ng Toyota Hi-Lux. “Tingnan mo ang ginawa mo. Muntik mo nang madale ang fender ko, ah!” Hindi ito humihingi ng paumanhin at sa halip ay sinisisi pa ang driver ng Hi-Lux.
Lumabas siya ng kotse at bahagyang umatras ang lalaki upang hindi tamaan ng pinto. “Dexter, please,” pakiusap niya at akmang lalapit dito subalit bumuway siya. The near-accident made her felt wobbly. Agad na dalawang malalaking kamay ang humawak sa magkabilang upper arm niya.
Just as the first time he held her. The man’s scent, warm and masculine, assaulted her senses that Michelle gasped. Ang mga kamay nito sa balat niya ay nagdadala ng kakaibang init na hindi niya maunawaan.
Stunned, she raised her eyes to him and their eyes locked. Something happened that Michelle couldn’t begin to fathom.
Abruptly, the man broke the spell. “Easy,” he said. “Nahihilo ka ba dahil normal sa kalagayan mo ang mahilo o nasaktan ka sa nangyari?” Sa pagkakataong iyon ay may kaunting bahid na ng pag-aalala sa tinig nito. His eyes went down to her stomach.
Oh, my God! The man thought she really was pregnant!
Bago siya makasagot ay sumigaw si Dexter na tumayo mula sa pagkakatingkayad. Agad siyang binitiwan ng lalaki at napasandal siya sa pinto ng kotse.
“Damn it, Michelle! Tingnan mo at gahibla na lang at didikit na ang bumper niya sa fender ng Mercedes ko!”
“Your lover has to review Driving 101,” pabulong na sabi ng lalaki na sinulyapan siya, yet his eyes lingered on her face... then moved down to her lips. Then a muscle on his jaw twitched. “Hindi siya dapat nagmamaneho nang walang pagsasaalang-alang sa kalagayan mo.”
She glanced away and tried to control the shivery feeling. “Walang damage na nangyari, Dexter. Let’s get out of here. We are causing traffic.” Naiilang na nilinga niya ang ilang sasakyang unti-unti nang dumarami sa likuran ng Hi-Lux at kahit sa kabilang bahagi ng lane dahil nag-uusyuso ang mga ito.
“Tama ang girlfriend mo, Mister,” wika ng lalaki sa superyor na tinig. “At kung ako sa iyo, mas mag-aalala ako sa kanya kaysa sa Mercedes ko,” panunuya nito kasabay ng paglingon sa motel na pinanggalingan nila. “At isipin na lang na magkasama kayong...” Sinadya nitong ibitin ang sinasabi. Pero maliwanag ang gustong ipakahulugan nito na ikinapamula ng mga pisngi ni Michelle.
Matalim ang mga matang itinuon ni Dexter sa lalaki. Hindi iyon ang uring ipagpaparaan ang sinabi ng driver. Pero may nahiwatigan marahil itong kakaiba sa pagkakatitig din ng lalaki, huwag nang idagdag pang malaki, mataas, at brusko ang anyo nito, ipinasya ni Dexter na umikot na lang pabalik sa driver’s seat.
Pinihit nito ang ignition at pagkatapos ay paarangkadang iniatras ang Mercedes at nagmaniobra. Malalim ang hiningang pinakawalan ni Michelle. Nilingon niya ang lalaki at nakitang nakatitig ito nang mataman sa kanya. Wala na ang nang-uuyam na anyo kanina nang lingunin nito ang motel na pinanggalingan nila. Kung tama ang analisasyon niya, ang nasa mga mata nito ay kalituhan.
She was still shaken and not to mention embarrassed. Malinaw namang nakita sila ng lalaki kung saan sila nanggaling. Pero hindi nangangahulugan iyong hindi niya napuna ang kakaibang tibok ng dibdib niya sa pagkakitang muli rito. The man was very good-looking. He was tall, very dark, and broad-shouldered. His shaggy hair curled around his collarbone. At marahil ay hindi nalalayo kay Dexter ang edad nito.
Nang sulyapan niya ang sideview mirror, naroon pa rin ito sa kinatatayuan at sinusundan sila ng tingin.