N AGULAT pa si Michelle nang hawakan siya ni Adrian sa likod ng siko at akayin palapit sa portico kung saan nakatayo si Virgilio. Ang init mula sa kamay nito na naglandas sa braso niya’y nakabawas kahit paano sa kabang nararamdaman.
“Damn it, but your teeth are chattering!” puna nito at sandali silang huminto sa paglakad at tinitigan siya nang matagal. “What are you so nervous about?”
“I hate dining with strangers without my designer’s gown,” she said cheekily. “That must be it.”
He breathed harshly. Humigpit ang mga daliri nito sa likod ng siko niya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang mula sa likod ni Virgilio ay lumitaw si Catherine na kumawala mula sa yaya at patakbong lumapit sa kanila.
“Daddy!”
“Hi, honey.” He ruffled the girl’s hair.
Catherine’s eyes were on Michelle. “She’s the lady that looked like Auntie. You brought her back!”
“Nangako ako, hindi ba?”
“Hello,” bati ni Michelle.
“My name’s Catherine. What’s yours?”
Yumuko siya. “Mine’s Michelle.”
Kumislap ang mga mata ng bata. “I’m glad you came. Sabi ni Daddy, sa cottage ka nakatira. Ayaw mo ba sa hotel?”
Michelle swallowed. “No. I-it’s just that I... I love the seaside.”
“Nakita mo na si Miss Michelle, honey,” ani Adrian. “Doon ka na muna kay Yaya Henny.”
“Daddy, please, I want to—”
“A promise is a promise.”
The girl pouted. Matamang tinitigan nito ang ama. “Bukas pupunta ako sa cottage.” The girl raised a determined chin as if challenging her father.
Umangat ang mga kilay ni Adrian sa amusement. “And how are you going to do that?”
“I will ask Yaya Henny to take me there. I wanna see Michelle again tomorrow.”
“All right, I’ll take you to the cottage,” Adrian promised and wondered why he did.
“Promise?”
“Cross my heart and hope to die.”
Catherine smiled widely. Muling bumaling kay Michelle. “Kiss kita.”
“Oh, sure.” Naiilang na tumingkayad si Michelle at tinanggap ang yakap at halik nito.
“Goodnight, Miss Michelle. `Night, Daddy.” Pagkatapos nitong humalik sa ama ay tumakbo na ito pabalik sa yaya na nasa likod ni Virgilio. “`Night, Uncle Vir.”
“`Night, pumpkin.”
Sinundan ni Michelle ng tingin ang bata sa pagpasok nito sa loob ng bahay dahil hindi niya alam kung saan niya itutuon ang paningin. Nang tumikhim si Virgilio ay napilitan siyang tumingin dito, sapat upang manumbalik ang kabang nararamdaman niya.
“Salamat sa pagpapaunlak mo sa aking imbitasyon, Miss Verano,” anito.
“Like I have a choice,” wika niya sa sarili na napalakas. She always bubbled when nervous.
Umangat ang mga kilay ni Virgilio, kumibot ang mga labi sa pagngiti at inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya. “Adrian did a little arm twisting?”
Ikinulong ni Virgilio sa dalawang palad nito ang kanyang mga kamay. It warmed her. “Not exactly, Sir,” she said, embarrassed. “It’s nice meeting you, though.”
“Tayo na sa loob, hija,” anyaya nito at atubiling pinakawalan ang kamay niya.
Muli ay hinawakan siya ni Adrian sa likod ng braso at inakay papasok. Nasa kalagitnaan sila ng sala nang matanawan ni Michelle ang isang matandang babaeng bumababa mula sa malaki at tila pamaypay na hagdanan na tila reyna. Ang buhok ay nakapusod at kasinlaki yata ng beinte-singko ang mga perlas sa magkabilang tainga.
“May bisita ba tayo, Virgilio?”
“Mama,” ani Virgilio na tumingala.
Napasinghap ang matandang babae nang matitigan nang husto si Michelle. Ang isang kamay nito ay nasa balustre at ang isa’y itinutop sa dibdib.
Napaatras si Michelle, ang likod niya’y bumangga sa dibdib ni Adrian. “Relax, Michelle,” bulong nito. “Hindi kumakain ng tao si Tiya Celestina.”
She moved a step forward and dismissed the delicious tingling of her nerves when her back touched his chest. Itinuon niya sa matandang babae ang pansin.
Agad itong nakabawi sa pagkabigla at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan at lumakad patungo sa kanila. The old woman studied her with obvious interest and curiosity.
“Good evening, Tiya Celestina.”
“Hello, Adrian,” magiliw nitong sagot pero hindi inaalis ang mga mata kay Michelle. “At sino naman ang magandang dalagang ito?”
“Si Michelle Verano, Mama. Nagbabakasyon siya rito,” pagpapakilala ni Virgilio. “Siya ang ikinukuwento sa inyo ni Catie noong isang araw. Michelle, my mother, Celestina de Alegre.”
“G-good evening, Ma’am...”
“Sa unang tingin ay kamangha-mangha ang pagkakahawig mo sa aking manugang, hija,” she commented.
Michelle smiled at the old woman. Biyuda na ang mama ni Virgilio ayon kay Norien. Ang asawa nito ay namayapa may isang taon na ang nakalipas. Though Celestina de Alegre looked younger for someone who must probably in her late sixties.
Kaharap niya ngayon ang pamilya ng tunay niyang ina. At maliban kay Adrian ay mainit ang pakikiharap sa kanya nina Virgilio at Celestina.
Virgilio’s handshake was firm and warm. At mula kanina’y hindi humihiwalay ang mga mata nito sa kanya. Nakikita niya sa peripheral vision niya na tuwina’y nakatitig ito sa kanya.
Nakikita ba nito sa kanya si Harriet? Nabanggit ba ni Harriet dito na nagkaanak ito noong dalaga pa? O ang bagay na iyon ay pinanatiling lihim ni Harriet?
Sumungaw ang isang may-edad nang babae na naka-apron at sinabing nakahanda na ang mesa. Muli ay hinawakan siya ni Adrian sa likod ng braso at iginiya patungo sa eleganteng dining room. Ilang sandali pa’y nasa harap na sila ng panlabindalawahang mesang kainan na nalalatagan ng limang masasarap na putahe. Sa pinakagitna ng mesa ay nakatunghay ang malaking chandelier.
“We seldom use this room, Virgilio,” Celestina commented lightly. Naupo ito sa silyang hinila ni Adrian para dito. While Virgilio pulled out Michelle’s chair. Umusal siya ng pasasalamat.
“We have a special guest tonight, Mama.” Nasa kabisera ito at nasa kaliwa siya. Sa kanan nito ay si Adrian, kasunod si Celestina.
“Saan ka tumutuloy ngayon, hija?” tanong ni Celestina matapos ang ilang pagsubo. “Ayon kay Catherine noong isang araw ay hindi ka na nila inabutan sa hotel.”
“May nirentahan po akong cottage sa El Paraiso Beach Resort, Ma’am.”
An “oh” formed in Celestina’s lips. Then she turned and gazed at Adrian, her red-painted lips quivered in amusement. “Sa mismong resort mo, Adrian?”
Nahinto sa ere ang kutsara niya at napatitig sa kaharap. “I-ikaw ang may-ari ng beach resort?”
“Hindi ba sinabi ni Norien sa iyo?” he countered drily.
“Wala akong natatandaang nabanggit niya,” she said in a small voice, feeling foolish.
Celestina laughed. “Labis na mapagpakumbaba ang lalaking ito, hija. Pag-aari niya ang halos lahat ng lupain sa buong El Paraiso.”
“You are making me blush, Tiya Celestina,” Adrian said mockingly. Para sa sarili.
“At si Norien naman ay hindi maaasahan sa pagbibigay ng impormasyon,” dugtong ni Celestina, may giliw ang tinig sa pagkakabanggit sa pangalan ni Norien.
Iyon lang at muling ipinagpatuloy ni Adrian ang pagkain, ganoon din si Celestina. Makaraan lamang ang ilang saglit ay muling nagsalita si Virgilio.
“Masyado kang bata, Michelle, para magbiyaheng mag-isa sa napakalayong lugar. If you don’t mind, how old are you anyway?”
Nag-angat siya ng paningin dito. “I turned twenty-three two months ago, Sir. August 19,” aniya.
Nagulat pa si Michelle sa biglang pagbagsak ng kutsara ni Virgilio sa plato. Parehong napatingin dito sina Celestina at Adrian. Both mildly curious.
Tumikhim si Celestina bago kaswal na nagtanong, “Ano ang tinapos mo, hija?”
Nginitian niya ang babae. “I had three years of pre-Law pero nag-shift ako sa ibang kurso. Kailangan ko pa po ng isang semester para makatanggap ng diploma...”
“Aba, hinahangaan ko ang mga babaeng kumukuha ng karerang okupado ng nakararaming kalalakihan,” Celestina said, an admiration in her eyes. “Bakit ka nagpalit ng kurso, hija? Ano ang inihalili mo sa pagkuha ng Abogasya?”
“I am sorry to disappoint you, Ma’am,” she said, “but I hate law.”
“She loves to paint, Tiya Celestina,” ani Adrian. “Katunayan ay naiguhit na niya ang puno ng pili sa bukana ng asyenda. At kaya siya nananatili sa resort ay dahil gusto niyang makakita ng mga whale sharks para iguhit. I have to admit she’s good.”
Tuloy-tuloy sa kaswal na pagsasalita si Adrian, unaware of the tensions his statement had created on Virgilio who coughed and reached for the glass of water.
Nagsasalubong ang mga kilay na sinulyapan ni Adrian si Virgilio.
“Oh, well...” ani Celestina na ipinagpatuloy ang pagkain. “Kung saan ang hilig natin ay doon tayo. Mahirap naman iyong pilitin natin ang ating sarili sa hindi natin gusto.”
“Mabuti naman at pinayagan ka ng mga magulang mong bumiyaheng mag-isa sa napakalayong lugar na ito, Michelle,” muling sabi ni Virgilio matapos tapusin ang pagkain at uminom.
She chewed her food and swallowed it before she met Virgilio’s eyes. “T-they died ten days ago...”
It was Celestina’s turn to gasp. “Ano ang ibig mong sabihin, hija?”
Tatlong pares ng mga mata ang nakatuon sa kanya. She took a brief glance at Adrian whose brows furrowed and eyes held warning. Sa palagay ba nito’y isang kasinungalingang malaki ang sinasabi niya?
“My mother had a fatal attack almost three weeks ago and went into coma before she died...” paglalahad niya sa nanginginig na tinig, nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. “My... my father wasn’t himself when he went out of the hospital. Twenty... thirty minutes later, he was brought in by an ambulance. He had smashed his car to a fourteen-wheeler truck. He was pronounced DOA.”
“Madre de dios!” bulalas ni Celestina.
Maliban sa buntong-hiningang ginawa niya para pigilin ang pag-iyak ay walang maririnig na ingay sa paligid. She met Adrian’s eyes. They were void of any emotions. Gayunma’y nanatiling nakatitig ito sa kanya.
Virgilio broke the silence. Ginagap nito ang kamay niya at masuyong pinisil. “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanila, Michelle,” he said gently.
She bit her lip to control her sob. May ilang sandaling kinalma ang sarili bago, “Kailangan kong umalis sa amin. Kailangan kong...” Her voice trailed off and again, took a deep breath. “I bought a guidebook. I’ve never been to anywhere this far and the whale sharks caught my interest so I traveled this way. Nang tanungin ko ang boy sa gas station sa Donsol kung saan ako maaaring magpalipas ng gabi ay itinuro niya ang Hotel Olivar.”
Virgilio’s laugh was hallow. “Natitiyak kong ang gasolinahang tinutukoy mo ay ang nasa malapit sa krus na daan. Hindi mahirap hulaan kung bakit dito ka itinuro.”
“He was shocked when he saw me. Ganoon din ang mga tao sa hotel.”
“Salbaheng boy iyon, ah,” naaaliw na sabi ni Celestina. “Nakikini-kinita ko na ang pagkamangha niya.” Pagkuwa’y tumayo ito. “Maiiwan na kita sa dalawang lalaking ito, Michelle. Oras na ng pag-inom ko ng gamot at ng kung ano-anong ritwal sa gabi.”
Umikot ito sa may gawi niya at pinisil ang balikat niya. “Kung hindi ka magmamadali sa pagbabalik sa Maynila, hija, ay baka magkita tayong muli.” Her smile was gentle and sympathetic. “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mga magulang mo.”
Bahagya na siyang tumango at nilingon ang paglabas nito sa malaking dining room. Nang tapusin niya ang pagkain ay siya namang pagpasok ng isa pang katulong upang ihain ang minatamis na macapuno.
“Oh!” Michelle gasped. “It’s my favorite!”
Hindi siya nag-angat ng paningin at sa halip ay nakatitig nang buong pagkatakam sa minatamis na macapuno sa serving crystal bowl. Gayunman, sa sulok ng mga mata ay nakita niya ang pagpapalitan ng tingin ng dalawang lalaki. Hindi mahirap hulaang ang minatamis na macapuno ay paborito rin ni Harriet de Alegre.
Unwittingly, she had dropped a bomb.
PAGKATAPOS nilang kumain ay dinala siya ni Virgilio sa library at ipinakita sa kanya ang life-size wedding portrait nito at ni Harriet. Kasabay ng pananabik ay ang pagkamangha niya pagkakita sa larawan ng ina. She couldn’t blame those people who mistook her for Harriet.
“Mapagkakamalan kayong mag-ina,” Virgilio said quietly, watching her intently.
“S-she is very pretty...” pagak niyang sabi, binusog ang sarili sa paghagod ng tingin sa larawan ng ina.
“Yes, she is. And so are you.”
Atubiling inalis ni Michelle ang paningin sa larawan ni Harriet at nakangiting ibinaling kay Virgilio. “N-nabanggit sa akin ni Norien ang tungkol sa... sa pagkawala ni Mrs. de Alegre.”
Virgilio’s face clouded and gazed at his wife’s portrait. “Nakahanda akong ibigay ang buong pag-aari ko makita ko lamang siyang muli...”
The sadness and misery in his voice almost made Michelle cry. Wala sa loob na lumapit siya rito at hinawakan ito sa braso. “I... am so sorry.”
Ipinatong ni Virgilio ang palad sa kamay niyang nasa braso nito at malungkot na ngumiti. “Ako man. Napakaraming sana ang paulit-ulit sa isip ko. Sana’y hindi ako nagtungo sa Tabaco nang araw na iyon. Sana’y isinama ko na lang siya. Sana’y hindi ko naisip na gawing sorpresa ang binalak kong bilhing regalo sa kanya...”
“Hindi natin inimbita si Michelle dito para pag-usapan ang malulungkot na bagay, Vir,” ani Adrian na nagsalita sa unang pagkakataon mula nang pumasok sila sa library.
Napatingin si Michelle dito. Adrian’s eyes were dark and emotionless. Pero nakatuon iyon sa mga kamay niya na nakahawak sa braso ni Virgilio at pagkatapos ay muling ibinalik sa kanya.
Tumango si Virgilio at inalis ang kamay sa kanya. “Yes. Nakakahiya sa iyo, hija. Pati ikaw ay nadamay sa kalungkutang nararamdaman ko.”
“I don’t really mind, Mr. de Alegre,” she said. Muling umangat ang mga mata niya sa portrait ni Harriet de Alegre.
Michelle wasn’t even aware that the sadness in Virgilio’s eyes mirrored her own. Just as she wasn’t aware that Virgilio was watching her with perplexity.