S A KABILA ng pananakit ng katawan ay nagsikap na tumayo si Michelle. Naririnig niya ang hampas ng mga alon sa batuhan. Kung saan mang bahagi ang labasan ng kadilimang iyo’y naroon ang dagat. Ang puno ng bangin.
But there was no need to find that. Hindi siya makakatakas mula roon kahit na isa pa siyang mahusay na manlalangoy. Hindi niya malalangoy ang gilid ng bangin patungo sa mas mababang bahagi upang mapanhik ang bundok. At kung mangungunyapit naman siya sa mga nakausling bato sa gilid ng bundok at baybayin niyon hanggang sa makakakita ng mas mababaw ay tiyak na igugupo siya ng pagod at malulunod din sa katagalan.
Nang nasa dagat sila ni Adrian ay nakita na niyang walang mas mababang bahagi kahit pa isang milyang paikot ang babaybayin o lalanguyin niya. As it was, she didn’t even know how to swim.
Ang tanging paraan ay ang hanapin ang batong hagdanan sa panaginip niya. The stairs must be somewhere here.
Sa kabila ng pananakit ng katawan ay sinikap ni Michelle na makatayo. Kinakapa ang dilim. She was searching for walls. The walls in her dreams.
Wasn’t it ironic? Siya pala ang babaeng nasa panaginip niya. Na ang panaginip niya’y premonition sa mangyayari sa kanya. Her eyes burned with her tears but she refused to cry.
Lumakad siya patungo sa inaakalang tagilirang bahagi ng kinabagsakan niya at nagsisikap na kapain ang batong dingding kung hindi man ang hagdanan.
“Where is that damn stairs and wall?!” she shouted in frustration, muling bumagsak sa buhangin dahil natapilok siya.
“Wa... walang hagdanan...” wika ng paos at mahinang tinig mula sa isang bahagi ng kadiliman. “G-gumuho iyon... at ilang baitang lang ang na... titira.”
Halos mabali ang leeg niya nang marahas na lingunin ang pinanggalingan ng tinig. May kasama siya sa dilim na iyon!
“MAMAMATAY kang kasama ng ina mo! Iyon ay kung hindi pa siya patay. Dalawang araw ko na siyang hindi hinahatiran ng pagkain!”
“Oh, my God!” Michelle whispered in horror. Naroon sa kuwebang iyon si Harriet. Tulad ng nararamdaman niya, hindi umalis sa El Paraiso ang ina!
“H-Harriet? Harriet, ikaw ba iyan?” Her voice was trembling. Ang dibdib niya’y tila sasabog sa matinding kaba. “Please, sabihin mo sa akin kung ikaw nga si Harriet...”
“Ako nga si... Harriet...” The voice croaked.
Napahikbi siya at mabilis na tinakpan ang bibig ng maruming kamay. She couldn’t break down. Not now. Angrily, she wiped her tears with the back of her hands.
“Please... magsalita ka, susundan ko ang tinig mo.”
“S-sino ka? Si... Adrian ba ang... dahilan ng galit sa iyo ni... ni Celestina?”
The sound of her faint voice was from her left. “Michelle. Ako si Michelle...” Bumulalas siya ng iyak na hindi niya magawang pigilin. “Pinangalanan mo akong ‘Anna Vida’ nang... nang iwan mo ako kay Ma... kay Emmaline...”
“A-Anna Vida... Anna Vida... Anna Vida,” paulit-ulit nitong usal na tila litanya ng panalangin.
Ngayong narinig niya mismo nang hindi siya nananaginip ay natanto ni Michelle na iyon ang naririnig niyang inuusal ng babae sa panaginip niya. Ang mismong pangalan niya! That woman in her dream was Harriet! She’d been calling her.
Halos gapangin niya ang pinagmulan ng tinig. She screamed in pain when she bumped into a wall. Namimilipit na sinapo niya ang ulo.
“Sa... sa kabila ng pader pakaliwa ay... narito ako...”
She was crying from physical pain, from horror, from frustration, from agony that she would meet her mother this way. Maingat niyang kinapa ang pader at binaybay iyon. Then she saw a faint light at lalong lumakas ang naririnig niyang hampas ng alon.
Then Michelle saw the shadow of her mother through the light coming from the tunnel to the sea. Nakasandal ito sa isang sulok ng pader. Ni hindi niya maaninag ang mukha nito.
Tumayo siya at patakbong nilapitan ito. Muntik na siyang masuka sa masangsang na amoy mula rito. Tinakpan niya ang bibig at sinikap lumanghap ng hangin mula sa pinanggalingan.
Kumilos si Harriet at narinig ni Michelle ang kadena. Nakakadena ito! Sinundan niya ang pinagmulan ng kadena na naaaninag niya. Nakakabit iyon sa pader!
Oh, my God! Sa movies lang niya nakikita ang ganito.
If she didn’t believe that smugglers and pirates had used this place hundreds of years ago, now she didn’t have any doubt.
Ibinagsak niya ang sarili sa buhanginan sa harap ng ina. “M- m ama...” Pagkuwa’y inabot niya ito at ikinulong sa mga bisig niya at niyakap. “Oh, Mama... Mama...”
Harriet couldn’t even raise her hands. “A-Anna Vida... ikaw nga ba ang aking si Anna Vida?” she wailed.
“We will get out of this place, Mama!” she said with conviction. Hindi niya gustong ipasok sa isip na hindi na sila makalalabas pa roon.
“Ipinag... papasalamat kong nakita kita... Anna Vida... bago man lang ako mamatay...”
“You won’t die, damn it! Not now when I have found you. When we have found each other.” Magkasamang galit at hagulhol ang kumawala sa kanya. Pinakawalan niya ang ina at tumayo. Tinungo niya ang labasan ng kuweba sa ibaba ng bangin.
“Walang... daan, anak,” Harriet said in a hoarse whisper. “Kahit... mahusay ka pang lumangoy.”
She stopped on her track. Nilingon niya ang anino ng ina. “Bakit niya kayo ikinadena at ako’y hindi?”
“Dahil... hindi niya ako binalak... patayin kaagad,” tila nahahapong wika nito. “At kung... lalabas ako sa dagat ay nag-aalala siyang may makakita sa aking mangingisda gaano man kaliit ang... posibilidad. Dalawang beses sa isang linggo ay... dinadalaw niya ako rito... ibinabalita ang pagdurusa ni Virgilio...”
“Paano niya kayo dinadalhan ng pagkain?” she asked angrily.
“Tali... ibinababa niya ang basket ng pagkain sa pamamagitan ng tali at isinisigaw niya sa itaas. Mahaba ang kadenang ito. Umaabot hanggang sa kinabagsakan mo...” Harriet paused for a long time, catching her breath. “S-she is insane, Vida. She taunted me... with Virgilio’s suffering...”
Isang nakapangingilabot na halinghing ang ginawa ni Harriet. And Michelle knew it was her cry of despair... a cry of death.
Muli niya itong tinakbo pabalik, niyakap. Nanginginig ang katawan nito. “Sshh... don’t talk now. We’ll get out of this place. Adrian will find me.”
Tulad ng paghahanap ni Virgilio sa ina mo...
Michelle didn’t want to think of death. But in her heart she knew Harriet was dying. And very soon. Only a matter of hours if she didn’t let themselves out of this hell.
ALAS-DOS pasado nang makabalik sa bahay si Adrian. Nagulat pa siya nang hindi datnan si Michelle. Ayon kay Manang Selma ay kalahating oras lang ang pagitan nila ng pag-alis.
“Saan daw siya pupunta?” tanong niya kay Manang Selma.
“Sa bahay daw ni Mr. de Alegre. Hindi naman daw siya magtatagal. Kung hindi ko pa nga pinilit si Catherine ay hindi kakain. Hihintayin daw ang mommy niya.”
Magkasama sila sa munisipyo ni Virgilio kanina at naghiwalay lang sila nang pauwi na. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ito.
“Is Michelle there?”
“Michelle? No, Adrian. Wala rito. At kung dumating man siya’y tiyak na nabanggit ng mga katulong. Why?”
Adrian explained. “Ayon kay Manang Selma ay dala niya ang easel at canvas na binili namin kahapon.”
Isang magiliw na tawa ang pinakawalan ni Virgilio. “Huwag kang mag-alala, hijo, at mayamaya lang ay nariyan na ang batang iyon. Talaga lang hindi maipagpaliban ni Michelle ang pagpipinta. Nakakita marahil ng magandang subject.”
Pinutol niya ang pag-uusap nila at tinawagan si Michelle sa cellphone nito. But it just kept on ringing. Paulit-ulit niyang idina-dial ang number nito subalit paulit-ulit din ang sinasabi ng voice prompt pagkatapos ng sampung ring. He turned his cellphone off.
“Nasaan si Catherine?”
“Nasa pantalan, kasama si Henny.”
Lumakad siya patungo sa balkonahe at tinanaw sa ibaba ang pantalan. Naroon ang anak at si Henny at nagpapakain ng mga gansa. Natanaw siya ni Catherine at kumaway ito. He waved back. Patakbo nitong pinanhik ang hagdanang bato at humabol ang yaya.
Adrian was pacing the floor. Hindi niya makuhang maghintay sa pagbabalik ni Michelle nang mapayapa ang loob. May nagtangkang saktan ito nang sunugin nito ang cottage. At kung hindi nakatakas si Michelle ay malamang na naabo ito.
Pumasok siya sa loob ng silid. Naroon ang bag ni Michelle sa may settee. Gamit nito ang X-Trail pero maliban sa cellphone at gamit sa pagpipinta ay wala itong dalang iba pa.
Nang may matuunan ang mga mata niya sa kama. Tila litrato na nasa ilalim ng unan. May ilang pirasong nakalabas. Lumakad siya patungo sa kama at itinaas ang unan. These are the pictures that Michelle took the other day at the yacht.
Ibabalik na niyang muli sa ilalim ng unan ang mga larawan nang pabalyang bumukas ang pinto at pumasok si Catherine na humihingal pa sa pagpanhik.
“Daddy!” Akma siyang yayakapin nito nang mapuna ang mga larawang nasa kamay niya.
“Ay, nakita mo pala iyan,” nakangiting sabi ni Catherine. “Sabi ni Mommy ay may kuweba daw diyan...”
Napapatitig siya sa anak. “Kuweba?”
Kinuha ng bata ang ilang larawan sa mga kamay niya at inilatag sa kama. “Here, Daddy.” Itinuro nito ang malalaking bato sa paanan ng bundok. “Sabi ni Mommy kanina ay may kuweba riyan at gusto niyang magtungo diyan.”
Damn. Sa paanong paraan magtutungo si Michelle doon? Maliban sa dagat ay sa guho lang may daan patungo roon. No. That wasn’t possible.
“Siguro, Daddy, `yong tumawag sa kanya kanina ay niyaya siyang magpunta diyan...” patuloy ng bata.
He went still. “Who called her?”
Little shoulders shrugged nonchalantly. Patuloy ito sa pagtingin sa mga larawan. Mabilis siyang lumabas ng silid. Si Manang Selma ay nagbaba ng kape sa mesa para sa kanya.
“Baka naman masyado lang nalibang sa pagpipinta, Adrian,” wika nito. “Sabi niya’y sa dagat siya pupunta.”
“Sa dagat?”
“Iyon ang sinabi niya sa akin. Alanganin pa nga siyang sabihin kung saan siya pupunta.”
Adrian muttered a series of oaths. Si Manang Selma ay napapangiwi. Muli niyang tinawagan si Virgilio.
“Sa nakalap kong sinasabi nina Selma at Catherine ay patungo sa dagat si Michelle. Virgilio, your daughter is stubborn. Kinuhanan niya ng mga larawan ang guho, lalo na ang ibaba niyon mula sa yate. Ipinagpipilitan niyang may kuweba sa ibaba niyon papanhik sa guho.”
“Paano niya nalaman iyon?” manghang tanong ni Virgilio.
“May kuweba sa ibaba?” He was equally surprised.
“Narinig ko na iyon, bata pa lang ako. Ayon sa sinasabi ng mga matatanda ay daungan dati ng mga piratang smugglers ang lugar na iyon. Hindi nga naman halata dahil sa nakaharang na mga bato at napakalalim ng tubig doon. But how did Michelle know that?”
“Damn if I know! May tumawag sa kanya dito sa bahay at walang nakakaalam kung sino. Naniniwala akong kilala niya ang tumawag, dahil kung hindi ay hindi magtitiwala si Michelle.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Hindi ko alam ang iisipin ko! Ang gusto kong matiyak ay kung totoo ngang may kuweba sa lugar na iyon.”
“Personally, I really don’t know, Adrian. Kuwento-kuwento lang iyan ng mga matatanda. Pero hindi ako naniniwalang patungo roon si Michelle. Ano ang gagamitin niya?”
“Unless somebody took her there. Anyway, I have to go. Pupuntahan ko ang lugar na iyon. I have a bad feeling about this. Before she even saw the lighthouse ruins, Michelle painted it from her dreams. She told me so. Hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi pa rin ako naniniwala. But I want to go there to find her. Hindi niya sinasagot ang cellphone niya. And she was obsessed with that damn place. Idagdag pa ang posibilidad na may gustong manakit sa kanya.”
“Hintayin mo ako at sasama ako!”