noveltoon logo noveltoon
Araw Gabi (El Paraiso)

Chapter 28

Ch. 29 / 30 May 31, 2025

“B AKIT hindi natin ginamit ang yate mo?”

“Hindi iyon makakalapit man lang sa paanan ng bundok,” Adrian said. “Bukod pa sa matatagalan tayo kung iyon ang gagamitin natin. Itong bangkang de-motor na ito’y nahiram ko sa asawa ng kapatid ni Henny.”

Tinitigan siya ni Virgilio. He had an odd expression on his face. “Ang sabi mo’y ipininta ni Michelle ang guho mula sa panaginip niya?”

Tumango siya. “Kung narinig mo ang sinabi niya noong una kayong mag-usap, matindi ang paniniwala niyang narito sa El Paraiso si Harriet. You should have seen her when she first saw the ruins from the yacht. Halos naghihisterya siyang ilapit ko roon ang yate. Nang pauwi na kami, nakita ko ang matinding lungkot sa mga mata niya. Matindi ang obsession niya sa ruins.”

“Sinabi niyang naririnig niyang tinatawag siya ni Harriet sa panaginip...”

“That was her subconscious,” ani Adrian pero wala rito ang isip niya kundi sa patutunguhan nila. Kung maaari lang paliparin ang bangka ay ginawa na niya.

Virgilio heaved a sigh. “Michelle looked like my grandmother, Adrian. My father’s mother...”

Bahagya na niyang sinulyapan si Virgilio. He was agitated and scared. He didn’t want to talk.

“Michelle must have inherited my grandmother’s ability to feel someone’s suffering. Sa kaso nila ni Harriet ay napakalakas niyon dahil mag-ina sila.”

He turned to him, a bit irritated. Hindi niya gustong alisin ang isip niya kahit sandali kay Michelle. “What are you talking about?”

“I was just a little boy then and I remember people referred to my grandmother as para cao. Someone who uses withcraft. Ayon kay Papa, sa tuwing may nangyayaring aksidente sa kanya, maliit man o malaki, lagi nang nagmamadaling umuwi ang grandmother ko bago pa man nila maipaalam dito ang pangyayari.”

Adrian shook his head incredulously. “Are you telling me that your daughter is an emphat, Virgilio?”

“That’s too deep a term. And you know me, I don’t believe in those crap.” He shook his head wearily. “And don’t you think it is time to call me ‘Papa’?”

Hindi sumagot si Adrian. Alas-kuwatro na ng hapon subalit nagbibigay pa rin ng init ang araw. Iniharang niya ang kamay sa mga mata habang tinatanaw ang dakong pupuntahan nila. In less than ten minutes ay naroon na sila.

Hindi niya gustong mag-isip ng kung ano-anong masasamang bagay. Umaasa siyang bale-wala ang pagtungo nila sa ibaba ng guho at ang totoo’y nasa bahay na si Michelle.

Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. And he hadn’t stopped ringing her phone.

MICHELLE was rocking her mother gently. Hindi na niya alintana ang masangsang na amoy mula rito. Ibinibigay niya rito ang init mula sa katawan niya. Siguro nga’y dinadaya lang niya ang sarili na makalalabas pa sila sa catacomb na iyon.

But if it was of any consolation, she knew she had made her mother happy. Natagpuan siya ni Harriet. Lamang, pareho na silang malilibing sa kuwebang iyon at....

She went still. She strained her ear to hear the sound from the end of the cave.

“M- m ama... naririnig n’yo ba iyon? May paparating na bangka! May paparating na bangka, Mama!” Sa kabila ng excitement ay maingat niya itong binitiwan at tinakbo ang sampung yardang palabas patungo sa dagat.

Subalit nahaharangan iyon ng malalaking bato. She didn’t know how to swim. Pero kung kinakailangang mangunyapit siya sa mga bato upang makatawid sa iba pang bato at isapanganib ang buhay dahil hindi siya marunong lumangoy ay gagawin niya makita lamang siya ng kung sino man ang dumaraan.

Hanggang dibdib na ni Michelle ang tubig. Nervously, she tried to thread on water. Ang mga kamay ay ikinapit sa mga batong puno ng maliliit na talaba. Hindi niya ininda ang hapdi at sugat na idinulot niyon.

Hanggang sa mapasakabila siya sa malaking batong humaharang sa bungaga ng kuweba.

“Oh, my God!” bulalas niya nang makilala ang sakay ng papalapit na bangka. Itinaas niya ang isang kamay at kumaway. “Adrian!” Pilit na nangibabaw sa ingay ng motor ang desperado niyang sigaw.

Adrian would never forget the look on Michelle’s face for as long as he lived. His chest constricted as he killed the engine and guided the boat skillfully between the rocks using a paddle.

“Michelle!” sigaw ni Virgilio.

“Papa! Magmadali kayo! Kailangang maialis natin si Mama rito at madala sa ospital!”

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Gumuhit ang panghihilakbot sa mukha ni Virgilio na nang marehistro sa isip ang sinabi ng anak ay agad na tumalon sa tubig at lumangoy patungo sa bunganga ng kuweba.

“Michelle, ano ang sinasabi mo?” humihingal nitong sabi nang lumitaw mula sa tubig.

Humahagulhol na siya ng iyak. “Nasa loob si Mama, Papa. Nakakadena. Kailangang madala natin siya sa ospital bago maging huli ang lahat!”

Langoy-lakad sa tubig ang ginawa ni Virgilio sa pagmamadaling marating ang kuweba.

“Hold on, honey,” said Adrian whose face was torn between worry and relief. Iginahod nito nang maingat ang bangka sa pagitan ng malalaki at matutulis na bato.

Agad niyang dinaklot ang bahagi ng bangka nang malapit na ito. Inabot siya ni Adrian pasampa. Nang makasakay siya ay niyakap siya nito na halos ikapugto ng hininga niya.

“Oh, God, Michelle!”

Gusto niyang manatili sa init ng mga bisig ni Adrian kung hindi lang dahil sa kalagayan ni Harriet. Mabilis niyang pinakawalan ang sarili. “Tulungan mo si Papa,” she said frantically. “You take a big rock with you. Kailangan ninyong maalis ang kadena sa mga batong dingding.”

Adrian was speechless with horror. Ni walang akmang salitang nais lumabas sa bibig nito. Gayunma’y tumalon ito sa tubig. Ikinulong ni Michelle ang mukha sa duguang mga palad at umiyak nang umiyak.

Limang minuto lang ang lumipas hanggang sa maisakay si Harriet sa bangka pero iyon ang pinakamatagal na sandali sa buhay ni Michelle. Wala nang malay si Harriet. Sa kaliwang kamay nito ay naroon pa rin ang kinakalawang nang kadenang nakagapos dito bagaman putol na iyon kalahating metro mula sa mga palapulsuhan nito.

Tila hindi maubos ang mga luha niya habang tinititigan ang kahabag-habag na ina. Halos buto’t balat na lang ito. Walang bahagi ng katawan ang walang bahid ng dungis. Si Virgilio ay puno ng panghihilakbot at sindak ang mukha habang kalong ang asawa. Yakap nito nang mahigpit ang kanyang ina habang patuloy sa tahimik na pag-agos ang mga luha.

“Papatayin ko ang gumawa nito sa iyo, Harriet!” paungol nitong usal.

MABILIS na naipasok sa ICU sa isang pribadong hospital sa Donsol si Harriet. Virgilio never left his wife’s side for one moment. Kahit nang sabihin ng mga doktor at nurses na kailangan nitong palitan ang damit ng blue gown ay hindi ito tumitinag.

An hour later, sinalubong nina Adrian at Michelle ang paglabas ng doktor mula sa ICU. “Kumusta ang lagay ni Mama, Doktor?” Michelle asked.

“Stable. Kung malalampasan niya ang buong magdamag na ito ay ligtas na siya. Pero nagreresponde ang katawan ni Mrs. de Alegre sa mga gamot niya. Ang totoo’y nagkamalay siya sandali. Enough for Mr. de Alegre to assure her that he won’t leave her side. Sinabi rin ng papa mo na narito ka sa labas.

“That was when she drifted back to unconsciousness again. There’s a big chance she will make it. Subalit kung nahuli kayo ng ilang oras ay baka hindi na natin magawan ng paraan si Mrs. de Alegre.”

In relief, she leaned her head on Adrian’s chest and sobbed softly.

“Umuwi na muna kayong dalawa, Mr. Olivar. Pareho kayong basa. Dalhan n’yo na rin ng pamalit na damit ang papa’t mama n’yo. Mrs. de Alegre would be fine here. But if you decide to take her to Manila, we will arrange for the transportation.”

“Natitiyak kong magagawa ninyo rito ang gagawin ng mga doktor sa Maynila.”

“Let’s go, sweetheart,” ani Adrian. The fury that crossed his eyes chilled Michelle. “May mga bagay tayong dapat ayusin.”

“BAKIT ninyo kami ipinatawag, Mrs. de Alegre?” tanong ni Norien nang makaupo sa pang-isahang sofa sa loob ng drawing room sa bahay ng mga de Alegre. Si Odette ay tahimik na naupo sa bandang kanan niya at nakatiim ang mga bagang.

Tinitigan ni Celestina si Odette. “Hanggang ngayon ba’y hindi mo maipagtapat sa anak mo na anak kita at apo ko siya, Odette?”

“Ano?” usal ni Norien, pinaglipat-lipat ang mga mata sa dalawang babae. “Mama, ano ang sinasabi niya?”

“Anak ko ang mama mo, Norien. At natural na apo kita,” pagtatapat ni Celestina.

Anak ni Celestina de Alegre ang mama niya. Lola niya ito! “B-bakit ngayon n’yo lang ito sinasabi?” manghang tanong niya. “Bakit kailangang ilihim ninyo sa lahat na mag-ina kayo ni Mama?”

“Dahil anak ko sa pagkakasala si Odette, Norien. Hindi ako makapapayag na mapulaan ng mga tao. Iginagalang ako sa El Paraiso bilang si Mrs. Celestina de Alegre. Kaya hinayaan kong manatiling lihim ang lahat. Pero hindi ko kayo pinabayaan. Ako ang nagpaaral sa iyo, Norien. At dahil din sa akin kaya sa kabila ng mga taon ay hindi pa naiilit ni Adrian ang lupain ninyo.”

“Iyong ikahiya ako’y sapat na para kamuhian kita, Celestina,” ani Odette sa naniningkit na mga mata. “Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo. Wala kang inintindi kundi ang sarili mong kapakanan!”

Tumayo ito at hinawakan sa kamay si Norien na hindi pa rin mapaniwalaan ang narinig. “Tayo na, Norien.”

“Huwag kang masyadong madrama, Odette. Kailangan mo ng tulong ko. Ng pera ko. Huwag kang mag-alala, magmula sa araw na ito ay malalaman ng lahat na kadugo ko kayo.” Pagkuwa’y ibinaling nito ang pansin kay Norien. “At ikaw, Norien, kalimutan mo ang hamak na si Ansel at gawin mo ang lahat upang mabaling ang atensiyon ni Adrian sa iyo. Tutulungan kita!”

“Ano ba ang pinagsasabi ninyo? Ikakasal na bukas si Adrian kay Michelle. Hindi ba ninyo alam iyan? Isa pa’y gusto kong malaman ninyong magpapakasal kami ni Ansel.” Ipinatungkol niya ang sinabi sa ina na napahugot ng malalim na hininga.

Isang ngiti lang ang gumuhit sa mga labi ni Celestina. “Oh, hindi mo gagawin iyon, Norien. At huwag mong problemahin si Michelle. Tinitiyak kong hindi matutuloy ang kasal ng dalawang iyon. Hindi magtitiis sa bayang ito si Michelle.”

“Diyan ka nagkakamali, Celestina!”

Kasabay ng tinig ni Adrian ay ang pag-awang ng pinto sa drawing room. Natuon doon ang mga mata ng tatlong babae. Nakatayo sa may pinto sina Adrian, Michelle, at ang hepe ng pulisya ng El Paraiso. Sa likuran ng mga ito’y dalawang unipormadong pulis.

Tila nakakita ng multo ang anyo ni Celestina de Alegre nang makita si Michelle.

“Michelle, Adrian?” usal ni Norien. Kunot ang noong hinayon ng tingin ang mga pulis. “Bakit kasama ninyo si Hepe?”

Hindi sumagot ang dalawa. Si Hepe ay tuloy-tuloy sa loob. “Sumama kayo sa presinto, Mrs. de Alegre. Ikaw ay hinuhuli sa salang pagpatay kay Beverly Santos at Fred de Alegre at sa tangkang pagpatay kay Harriet at Michelle de Alegre.”

Napasinghap si Norien. Naguguluhang napatitig kay Celestina ang mag-ina. “A-ano ang ibig sabihin ni Hepe, Celestina?”

“Ginawa ko ang mga iyon para sa inyo, Odette, Norien,” she said calmly. Her eyes were sharp. “Kailangang gawan ko ng paraang sa atin mapunta ang kayamanan ng mga de Alegre. Nagtiis ako sa piling ni Fred para lang sa mga sandaling ito!”

“Tinatawag mong pagtitiis ang buhay mo bilang asawa ni Fred de Alegre?” hindi makapaniwalang usal ni Odette. Humakbang palayo sa ina. “Pagkatapos ay nagawa mong pumatay ng mga tao at sasabihin mong ginawa mo nang dahil sa amin?”

“Dalhin na ninyo iyan, Hepe,” ani Adrian, ang pagkapoot ay nakabadya sa mga mata para sa matandang babae.

“Sasama ako nang maayos, Hepe,” ani Celestina na humugot ng malalim na hininga at humakbang patungo sa executive table. “Pero maaari bang lumabas na kayong lahat at bigyan n’yo muna ako ng ilang sandaling mapag-isa? Huwag kang mag-alala, wala akong tatakasan.” Nilingon nito ang mga bintana na pawang mga nakarehas.

Tumango ang hepe at sinenyasan ang lahat na lumabas. Ang mag-inang Odette at Norien ay tila robot na sunod-sunuran. Si Michelle ay umatras.

Subalit hindi si Adrian na sa malalaking hakbang ay nasa loob na ng silid. Ang galit sa mga mata niya ay sapat na upang mahinto sa paghakbang si Celestina at mapasinghap. Binuksan ni Adrian ang top drawer ng executive desk at tulad ng hinala niya ay naroon ang baril ni Virgilio. Pabagsak niyang isinarang muli ang drawer na humigit-kumulang ay nahulaan na kung ano ang binabalak gawin ni Celestina.

“Hindi kita bibigyan ng pagkakataong kuhanin ang baril para kitlin ang sarili mong buhay, Tiya Celestina. Hindi kita bibigyan ng madaling paraan ng pagtakas. Titiyakin ko sa iyo na walang bagay sa El Paraiso city jail ang magagamit mo sa pagpapakamatay! Panahon lang ang makapagsasabi kung kaya kitang patawarin sa ginawa mo!”

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na itong pinosasan ng mga pulis at inakay palabas. Huminto ito sa tapat ni Michelle.

“Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng siyam na buhay!” hissed the old woman.

“I have a strong survival instinct, Celestina,” Michelle said, mas nangibabaw ang habag kaysa sa poot. The old woman was mentally deranged.

“Isakay n’yo na sa mobile iyan,” wika ng Hepe sa mga tauhan.