C hapter Eight
MAAGANG nagising si Inna at maingat na umalis sa kama saka kumuha ng damit sa closet ni Havoc para iyon ang isuot dahil napunit ang damit niya kagabi. Kailangan na niyang makabalik sa hotel para maayos ang mga gamit sa pag-alis nila ni Caya. Medyo madilim pa sa labas, pero may mga ilaw naman.
Napatigil si Inna sa pag-aayos ng damit nang mapatingin kay Havoc na mahimbing na natutulog sa kama. Napakaamo ng mukha nito, hindi niya mapigilan ang paninikip ng dibdib niya.
Tesoro, midispiace.
Ilang segundo niyang tinitigan ang guwapong mukha ni Havoc at hinaplos ang pisngi nito.
“It was a wonderful night, tesoro. I will never forget it. I will never forget you.”
Huminga nang malalim si Inna saka mabigat ang kalooban na lumabas ng cabin. Nilakad niya lang ang distansiya papunta sa kalsada at doon naghintay ng golf cart na dadaan. Dahil magmamadaling-araw pa lang, kulang pa ang dumadaang golf cart. Mga sampung minuto rin siyang naghintay, bago nakasakay at nagpahatid sa Allure Hotel.
Nang makapasok sa kuwarto, mabilis na naligo at nagbihis si Inna saka inayos ang mga gamit. Tamang-tama naman na nang matapos siya, nagyaya na si Caya na umuwi. Parang nagmamadali rin ito katulad niya.
“Hindi na ako babalik sa isla na `to!” naiinis na sabi ni Caya habang nakasakay sila sa golf cart papunta sa daungan. “Ayoko na! I will not let him play with my feelings anymore!”
Tahimik lang si Inna. Naglalakbay ang isip niya sa nakaraan nila ni Havoc.
“Bakit ganyan kang makatitig sa akin?” nagtatakang tanong niya habang nakahiga sila sa kama sa cabin nito. Nakaunan siya sa braso ng lalaki. “Baka iba na ang isipin ko niyan.”
Ngumiti lang si Havoc. “Ano namang iba ang iisipin mo?”
“Na baka may gusto ka na sa akin,” biro niya.
Pero hindi natawa ang lalaki, sa halip ay naging seryoso ang mukha nito. “Ano naman ngayon kung gusto kita? Normal lang naman na magkagusto ako sa `yo, `di ba? Halos ibigay ko nga lahat ng oras ko sa `yo.”
Doon natahimik si Inna. Wala siyang masabi.
“Inna…”
“H-ha?”
“Gusto kita.”
Bumilis ang tibok ng puso niya. “H-Havoc…”
“Kahit noong una pa lang kitang nakita, nagustuhan na kita,” sabi nito saka napangiti, para bang naalala ang una nilang pagkikita. “Kaya nga nilapitan agad kita at nagpakilala ako sa `yo. At nang sabihin ko sa `yong akin ka lang, seryoso ako noon. Gusto ko, akin ka lang talaga. Walang halong biro, walang halong pambobola.”
Nakatitig lang si Inna sa lalaki habang nakaawang ang mga labi niya.
“I think my Inna bewitched me,” sabi nito na tumiim ang titig sa kanya. “My Inna put a spell on me and now, I don’t even want to let my Inna go. And we have just been together for four days.” Parang nahihiwagaan ang titig ni Havoc. “What kind of woman are you to make me feel this way?”
Her heart was throbbing insanely fast. “A-ano’ng…”
“In a very short time, you managed to sway my heart into liking you. And now, I don’t even know why I don’t want to let you go. I share my women all the time, but when it comes to you, sharing you is not an option. I don’t want to share you. I wanna keep you.” The emotion in his eyes… He looked scared. “And I’m scared to feel this way towards you. I’m scared, Inna.”
“H-Havoc…”
“Well...” All of a sudden, he smiled. “I have all the time in the world to sort this feeling out. Hangga’t hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko, hindi kita pakakawalan. Pangako yan.”
Inna was just staring at him, feeling sad. Because she only had one day with Havoc. She will be gone in his life.
Midispiace, tesoro. I’m leaving soon.
Napakurap-kurap si Inna saka tinuyo ang luha na hindi niya namalayang tumulo pala sa mga pisngi niya. Mabilis siyang bumaba sa golf cart nang tumigil iyon sa daungan. Sabay silang naglakad ni Caya papunta sa yate na maghahatid sa kanila sa isla. Nandoon ang helicopter na sasakyan nila pabalik sa lungsod.
Walang imik si Inna nang makasakay sa yate. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ng yate. Nakahawak siya sa railing habang nililipad ng hangin ang buhok niya. Napatitig si Inna sa isla na unti-unting lumiliit sa paningin niya habang palayo nang palayo ang yateng sinasakyan.
Tesoro …
Siguradong hahanapin siya ni Havoc. Noong tinaguan niya ito at sa cabana nagpalipas ng oras ay hindi ito kumain sa kahahanap sa kanya. Ano na lang ngayon na hindi na siya babalik pa?
“Havoc…” bulong ni Inna sa hangin. “I’m so sorry.”
“If you’re really sorry, then don’t leave me.”
Nanigas si Inna sa kinatatayuan nang marinig ang boses ng lalaki sa likuran niya.
No. Maybe her ears were tricking her. Maybe it was just her imagination. Iniwan niya si Havoc sa cabin na tulog. He couldn’t be here—
A strong set of arms wrapped around her waist.
Parang sasabog ang dibdib ni Inna sa isiping hindi siya pinaglalaruan ng mga tainga niya. It was really Havoc! Her tesoro. He was really here!
“Inna…”
“A-ano?”
“Sa tingin mo, hahayaan kitang iwan ulit ako?”
Napalunok si Inna. “H-how did you know I was leaving?”
“I have my ways.” Havoc buried his face on her neck. “Don’t leave me again, Inna.”
Hindi makapagsalita si Inna. Nakatayo lang siya at hindi makapaniwalang nakatitig sa kawalan. Havoc was really here to stop her from leaving.
Hindi alam ni Inna kung bakit nangilid ang luha sa mga mata niya sa isiping ayaw siyang pakawalan ni Havoc, na ayaw nitong iwan niya ito.
Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ni Inna ang halaga niya sa isang tao.
“Come back to the island,” bulong ng lalaki sa tainga niya.
Her lips parted. “A-ako? B-babalik?”
Pero si Monti… Pinapauwi na ako.
“Yes.” Havoc kissed her temple and whispered. “Stay with me, Inna. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong sinasaktan ka ng asawa mo. Hindi ako makakapayag na gawin pa niya `yon sa `yo. I won’t let him hurt you again. And I will do anything in my power to free you from him.”
Her defense was wavering. “Havoc…”
“I’m not saying this to have you, Inna. I’m saying this because I want you to be free from him, free to do whatever you want. Hindi ko kayang pabayaan ka, lalo na at alam kong sinasaktan ka niya.” Hinaplos ni Havoc ang pisngi niya saka siya masuyong tinitigan. “I can’t just stand and do nothing when the woman I like is being treated like trash. You deserve more, Inna. You deserve to be treated like a queen.”
Humigpit ang hawak ni Inna sa railing. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nag-iisip. Pero agad rin siyang napamulat nang marinig ang anunsiyo ng isang staff ng isla na dadaong na sila.
Nang humakbang si Inna para kunin ang bag niya, humigpit ang yakap ni Havoc at hindi siya binitiwan. Kahit anong pilit niyang alis sa braso nitong nakayakap sa baywang niya, hindi iyon maalis hanggang sa sumuko na lang siya.
“Inna?” Boses iyon ni Caya. “Bababa ka pa ba?”
Nilingon niya ang pinsan habang nakayakap pa rin sa kanya si Havoc. Wala siyang makitang gulat sa mukha ni Caya habang nakatingin sa kanila ni Havoc.
“Caya, wait for me—” Umiling ito na nagpatigil sa pagsasalita niya. “Caya…”
Caya smiled at her. “Alam kong may something kayo ni Havoc Andrada, kahit noon pa. Nakita ko kung gaano ka niya napapasaya. Kaya nga dinala kita sa isla. Para magkita ulit kayo at kahit paano, sumaya at ngumiti ka naman ulit.”
Her heart softened. “Caya…” Itong pinsan niya talaga, laging kasiyahan ng iba ang inuuna.
“Inna…”
Napatitig siya sa pinsan. “Ano?”
“Be happy.” Dalawang salita lang iyon, pero tumagos sa puso niya. “Hayan na nga, o. May lalaking naghahabol sa `yo at ayaw kang paalisin. Saan ka pa makakakita ng ganyan? Kung sana nga lang hinabol at pinigilan din ako ni Sav, hindi ako aalis.” Caya sighed. “Pero hindi lahat ng lalaki tulad niyang sa `yo, kaya masuwerte ka.”
Nginitian siya ni Caya bago ito bumaba sa yate. Siya naman ay hindi nakakilos, hindi dahil yakap siya ni Havoc kundi nawalan siya ng lakas na kumilos at bumaba sa yate.
Tama si Caya. Saan pa siya makakakita ng lalaking hahabulin at pipigilan siyang umalis? Ang lalaking ayaw siyang sinasaktan ng iba. Ang lalaking gustong maging malaya siya para magawa niya ang mga gusto niya. Ang lalaking hindi siya itatratong parang basura. Wala na siyang lalaking mahahanap na ganoong lalaki.
Si Havoc lang.
“Ma’am.” Lumapit sa kanya ang isang island staff. “Kailangan n’yo na hong bumaba. Babalik na ho ang yate sa isla. Wala ho kayong imbitasyon pabalik.”
Pinakawalan siya ni Havoc sa pagkakayakap. May kinuha ito sa likod ng bulsa ng denim jeans na suot. “Here’s her invitation. From me.”
Binasa iyon ng lalaki saka tumingin sa kanya. “Do you accept, Ma’am?” tanong nito. “It’s your decision to accept and your right to reject. Wala hong pipilit sa inyo na gawin ang isang bagay na hindi n’yo gusto. Ikaw lang ho ang may karapatan na i-revoke ang imbitasyon ni Mr. Havoc Andrada.”
Nakagat ni Inna ang ibabang labi saka bumaling kay Havoc na nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang mga mata nito, pero gumagalaw naman ang panga. Nakakuyom din ang mga kamay nito.
Havoc…
“Ma’am?” tawag ng staff.
Huminga siya nang malalim saka tipid na ngumiti. “I accept it.”
Tumango ang lalaking staff, ibinigay sa kanya ang imbitasyon saka naglakad palayo. Bumaba naman ang tingin ni Inna sa hawak na invitation card.
An invitation. From Havoc.
Bumaling siya kay Havoc. Nakahanda na ang ngiti niya para sa lalaki nang bigla na lang nitong sinalubong ng mainit na halik ang mga labi niya. Nagulat si Inna, pero napadaing na lang at bahagyang napasandal sa railing ng yate. Mapusok ang halik nito, mainit. Ramdam niya ang pananabik ni Havoc sa mga labi niya na buong puso naman niyang tinugon.
Nang iniyakap ni Inna ang mga braso sa leeg ng lalaki, pinakawalan ni Havoc ang mga labi niya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.
“You’re mine now,” sabi ng lalaki habang titig na titig sa kanya.
Ayaw niyang sirain ang mood nito, pero ipinakita niya ang singsing sa daliri. “I’m still married.”
Dumilim ang mukha ni Havoc. Nagulat siya nang alisin nito ang singsing sa daliri niya at malakas na itinapon sa dagat. Napanganga si Inna.
“O, mio dio!” (Oh, my God!) hindi makapaniwalang bulong niya saka bumaling kay Havoc. “W-why did you do that?”
“It irritates me. Palitan natin,” sagot ni Havoc. May kinuha ito sa bulsa at isinuot iyon sa daliri niya. “There. Isn’t it pretty?”
Nakaawang ang mga labing napatitig si Inna sa singsing na nasa daliri niya. It was not fanc-looking, no stone, nothing, but a simple gold infinity ring.
“Hayan. Huwag ka ng magsusuot ng singsing ng iba, ha?” sabi ni Havoc habang hinahaplos ang daliri niya kung saan nakasuot ang singsing. Tinitigan siya nito. “This is my promise ring.”
“P-promise ring?”
“Yes. Pangako na aagawin kita sa asawa mo.” Ngumiti si Havoc saka naglalambing na yumakap sa kanya. “Huwag mong huhubarin `yan, ha? Magtatampo ako sa `yo.”
Napakurap-kurap si Inna. “Havoc?”
“Hmm?”
“You just don’t like me, do you?”
Umalis si Havoc sa pagkakayakap sa kanya saka siya tinitigan. “What do you think? Do I like you or is it more than that?”
Her lips parted. “H-huwag mo akong biruin nang ganyan.”
“Mukha ba akong nagbibiro? Sa tingin mo, hahabulin ulit kita pagkalipas ng dalawang taon kung simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko? Think, Inna.”
He was goddamn serious and she was speechless.
“I told you, Inna. My offer from two years ago still stands.”
Inna pressed her lips together and stared back at Havoc. He was really serious about his offer from two years ago.
Ang sinabi niya sa akin na muntik ng magpabago ng isip ko noon.
And now he was at it again. He was was not joking.
“Think, Inna,” sabi ni Havoc. Sumandal ito sa railing ng yate sa tabi niya at ipinikit ang mga mata. “Sa tingin mo, bakit hindi mo ako nakalimutan sa loob ng dalawang taon? Bakit hinayaan mo akong angkinin ka kahit may asawa ka na?”
Napatitig si Inna sa lalaking nakapikit ang mga mata at may munting ngiti sa mga labi. Para bang nasisiyahan itong naguguluhan siya.
Her lips tightened. “Havoc?”
“Hmm?”
“I don’t think that I just like you, too.”
Gulat na nagmulat ito ng mga mata saka matiim na tumitig sa kanya. Parehong nililipad ng hangin ang buhok nila habang titig na titig sila sa isa’t isa. Walang nagsasalita, walang bumasag sa katahimikan. They just stared at each other like the answers to their confusion and questions could be seen in each others eyes.
Inna knew. Kung ano man ang nararamdaman niya para kay Havoc, hindi lang iyon simpleng pagkagusto. There was more than to that. And that was what she was going to find out.
HINDI na sa Allure Hotel nag-stay si Inna nang makabalik siya sa isla kundi sa cabin na ni Havoc. Tinulungan siya nitong ilagay ang mga damit niya sa closet. Pagkatapos ay niyaya siya nitong mananghalian sa Gyros.
Nang makapasok sila sa restaurant, nag-init ang mga pisngi ni Inna nang maalala ang ginawa nila rito ni Havoc. He touched her and made her cum in the rest room!
“You’re blushing,” sabi ni Havoc. Tinusok-tusok pa nito ang pisngi niya. “Naalala mo ang ginawa natin dito, `no?”
Inirapan lang ito ni Inna saka naghanap ng bakanteng mesa. Pero ang hindi niya inaasahan, ang tanging bakanteng mesa na lang ay ang mesa na inupuan nila noon si Havoc.
“Uh, oh,” bulong ni Havoc na nasa likuran niya. “Should I repeat my splendid performance here two years ago?”
“Tigilan mo ako, Havoc.” Umupo na siya.
Nang makaupo sa tabi niya si Havoc, may pilyo itong ngiti sa mga labi habang ang kamay ay nasa hita niya.
“Havoc!” she hissed at him.
He just smiled and looked at the waiter waiting to take their order.
“What’s your order, my Inna?” tanong ng lalaki habang ang kamay ay humahaplos sa singit niya.
Cazzo! Why did I even change into a sundress? Easy access.
Kinuha ni Inna ang menu list saka binasa. Pero humigpit ang hawak niya sa magkabilang gilid ng menu nang maramdamang humaplos ang daliri ni Havoc sa labas ng panty niya. Inna sucked her breath when he kept on rubbing her vagina fold.
“Ahm…” Hindi makatingin sa waiter si Inna dahil alam niyang bakas sa mukha niya ang sarap ng ginagawa ni Havoc. “T-this…” Itinuro na lang niya ang larawan ng gustong order-in. “A-and, oh…” Kinagat niya ang ibabang labi saka tumikhim. “T-that.”
“Is that all, Ma’am, Sir?”
Si Havoc na ang sumagot. “Mamaya na ang iba. We’re kind of busy with something.”
“Okay, Sir.”
Nang makaalis ang waiter, walang sabi-sabing ipinasok ng lalaki ang isang daliri sa hiwa niya. Napakapit si Inna sa mantel ng mesa saka nag-umpisang huminga nang malalim.
There was no point stopping Havoc. Hindi naman ito magpapapigil, eh. Hindi man niya aminin, gusto niya ang ginagawa ng lalaki. Patunay ang bahagya niyang pagbuka sa mga hita.
“My Inna…” Havoc kissed her earlobe before whispering. “You’re enjoying this, aren’t you?”
Bumaba ang kamay niyang nakahawak sa mantel sa hita ni Havoc saka mariing napapikit. “Y-yes. I’m e-enjoying it, tesoro. ”
Mas inilapit pa ni Havoc ang katawan sa katawan niya. Hinalik-halikan siya nito sa likod ng tainga pababa sa leeg. Namimilipit na ang mga paa ni Inna sa sarap na nararamdaman. Paminsan-minsan ay napapadaing siya, pero walang pakialam ang mga tao sa paligid.
Inna sucked another breath again when Havoc inserted his finger inside her and it slowly went in and out like he was teasing the fuck out of her. And when he finally had enough being a tease, his finger started moving in-out and fast. She was biting her lips not to moan loud.
Nakakatakas pa rin ang mahihinang ungol sa mga labi ni Inna, pero hindi iyon ganoon kalakas. Nang sumabog ang orgasmo niya, mariin siyang napahawak sa hita ni Havoc. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito.
“O, mio dio!” (Oh, my God!) “Sono scema.”
“What?”
She looked up at Havoc. “I said I’m shameless.”
He frowned. “Why?”
“Because I just came… in a restaurant.”
Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi nito. “Do you want to cum again? In the rest room this time?”
Tiningnan niya ito nang masama. “No. Not happening again.”
Gustong panindigan ni Inna ang sinabi, pero nakita na lang niya ang sarili sa rest room kasama si Havoc. Pero baliktad na sila ngayon. Hindi na ang lalaki ang nagpapaligaya sa kanya. Habang nakaupo sa may takip na bowl ay inilalabas-masok ni Inna ang pagkalalaki nito sa kanyang bibig.