noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 23

Ch. 24 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Twenty-three

“INNA…” Hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya si Monti habang tumataas-baba ang mga mata nito sa suot niya. “Since when did you become a waitress?”

“Two and a half years ago when my parents made me choose,” sagot niya saka ngumiti. “May I take your order, Sir?”

Monti just blinked at her. “No. I mean, what happened to you? What about your parents? What did they do to you? After you signed the divorce papers, you vanished. Where have you been?”

Nagbaba ng tingin si Inna nang maalala kung nasaan siya sa loob ng tatlong taon. “May I take your order, Sir?”

“Inna—”

“May I take your order?” ulit niyang tanong.

Pinakatitigan siya ni Monti saka ito nagsalita. “You’ve changed.”

“Your order, Sir,” sabi niya na hindi nagpatinag dito. “Marami pa akong costumer na aasikasuhin.”

Napipilitang sinabi ni Monti ang order nito habang patingin-tingin pa rin sa kanya.

“Inna—”

“Our waiting time is fifteen to twenty minutes, Sir,” sabi niya saka ngumiti. “Would that be okay?”

“Yes.” Monti looked baffled by her indifference. “That would be okay. But can you sit for a while—”

“Marami hong costumer, Sir. Hindi puwede. Pagagalitan ako,” nakangiting sabi niya saka tinalikuran si Monti. Nagmamadali siyang pumunta sa cashier.

Umakto si Inna na parang walang Monti na nakatingin sa kanya habang nagtatrabaho. She needed this job. Hindi na siya ang Inna noon na may allowance buwan-buwan. Na may nagbibigay ng pera para may panggastos. Na may Havoc na sasalo sa lahat ng gusto niyang bilhin.

Her life now was way different from three years ago. Hindi man niya ginusto na magkaganito, kailangan niyang panindigan ang piniling desisyon.

Nang i-serve niya ang pagkain ni Monti, hinawakan siya ng lalaki sa pulsuhan para pigilang makaalis.

“Just a minute,” sabi nito.

A costumer, even though she knew him, was still a costumer.

Inna smiled. “What is it, Sir?”

“Where have you been?” tanong nito. Parang hindi pa rin ito makapaniwala na nakikita siya. “Alam mo ba kung ano’ng nangyari kay Andrada nang mawala ka?”

Kahit paano, napangiti siya nang totoo nang marinig itong nag-Tagalog. “Magaling ka na pa lang mag-Tagalog, Sir. Nakakatuwa naman ho.”

“Inna…” Pinakatitigan siya ni Monti. “Do you know what happened to Andrada when you left? He nearly went insane looking for you.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Inna. “Wala akong ideya sa nangyari sa kanya. Pero parang maayos naman na siya ngayon. Nakita ko siya kahapon at kanina.”

“He’s far from being okay, Inna.” Monti shook his head. “He’s messed up. Really messed up. He’s twenty percent sane and eighty percent insane. You should talk to him.”

Hindi siya kumibo. Nanatiling walang emosyong nakatingin lang siya kay Monti.

“Are you listening to me?” tanong ni Monti.

Tumango si Inna. “Yes.”

Monti frowned. “It’s like I’m talking to a wall. You don’t seem to care. You really changed.”

Ngumiti lang si Inna pagkatapos ay nagpaalam na kay Monti. Parami na kasi nang parami ang customer ng restaurant. Ayaw niyang mapagalitan at mawalan ng trabaho. Kailangan niya ang trabahong ito.

KUNOT-NOONG binitawan ni Havoc ang hawak na bote ng rum nang tumunog ang cell phone niya at nakitang si Mr. Kim ang tumatawag. It had been two years since he last spoke with Mr. Kim. What did he want now?

Sinagot niya ang tawag. “Yes?” Walang emosyon ang boses niya.

“Congratulations,” Mr. Kim exclaimed, confusing him even more.

“What the fuck?” naguguluhan niyang tanong sa iritadong boses. “Why are you congratulating me for?”

“What do you mean?” Parang ito naman ang naguluhan sa tanong niya. “Nagkita na kayo ni Inna, `di ba?” That’s why I’m congratulating you.”

Havoc felt like his world stops. “What?”

“A week ago, Inna arrived from Switzerland,” sabi ni Mr. Kim. Parang ang tumigil niyang mundo ay biglang umikot ulit sa narinig. “Wala akong record ng pag-alis niya. Pero bumalik na siya sa bansa gamit ang bago niyang passport. Kaya naman hinanap ko siya agad. Nakita ko sa CCTV na pumunta siya sa club mo, kaya kino-congratulate kita. I mean, you asked me to stop looking for her, that’s why I didn’t find her. But now—”

“W-where is she?” For the love of God, why am I trembling? Was this excitement or was this anger?

“She’s in a restaurant.”

“Where?”

Ibinigay ni Mr. Kim ang address ng restaurant. “Good luck and be happy, Mr. Andrada.”

Natigilan si Havoc sa huling sinabi ng kausap. Be happy? What was that?

Humigpit ang hawak ni Havoc sa cell phone. Halos takbuhin niya ang pagitan papunta sa kotse niya at nagmamadaling pinatakbo iyon.

Damn! He wasn’t hallucinating yesterday. It was actually her, not my imagination! Fuck!

Halos paliparin ni Havoc ang kotse makarating lang agad sa restaurant na sinabi ni Mr. Kim. Abot-abot ang kabang kanyang nararamdaman. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

Nang makarating si Havoc sa restaurant, hindi na niya naayos ang pag-park sa kotse niya. Basta na lang siyang tumigil at lumabas sa kotse. Tumakbo siya papasok sa restaurant.

Havoc roamed his eyes around the restaurant. What he saw actually broke his heart into pieces again.

His Inna… Serving food to the costumers in her waitress uniform. She had a smile on her face. But it didn’t reach her eyes. There was sadness in their depths and it made his heart clench in pain.

Ang buhay ba na iyon ang ipinagpalit nito sa kanya? Iyon ba ang buhay na mayroon si Inna ngayon? Ganoon ba talaga siya nito kaayaw para piliin ang buhay na iyon kaysa sa masaganang buhay na kasama siya?

Inna…

Gone were the expensive clothes and shoes, the well-designed hair and the air of gracefulness around her. Gusto niya itong lapitan, tanungin, sigawan at duruin. Pero wala siyang nagawa sa mga iyon.

Havoc just stood there. He was just staring at Inna as she conversed with the costumers, as she cleaned the table and accepted tips from them.

What happened to you?

“Inna...”

NAPAKURAP-KURAP SI Inna nang maramdaman ng kakaiba. Parang may mga matang nakatutok sa kanya. Nang ilibot niya ang tingin sa kabuunan ng restaurant, wala namang nakatingin sa kanya.

That was weird.

Tinapos ni Inna ang paglilinis sa mesa. Humarap naman siya sa mga bagong dating na costumers ng restaurant. Nakahanda ang ngiti at magiliw niyang boses hanggang sa matapos ang oras ng trabaho. Nang makalabas siya sa restaurant, madilim na at umuulan pa.

Napabuntong-hininga si Inna. Humigpit ang hawak niya sa shoulder bag. Sumilip siya sa kalangitan na malakas pa rin ang ulan. Tumingin naman siya sa labas kung may masasakyan siyang bus na dadaan. She needed to get home. She had to be home before nine. Her kitten surely missed her now.

Napabuntong-hininga ulit si Inna. Wala pa naman siyang dalang payong. Bahala na.

Ginawa niyang pansangga sa ulan ang shoulder bag. Patakbo niyang sinuong ang ulan para tumawid sa kalsada. Pero bago pa siya makatawid, biglang may tumatakbong sasakyan na tumigil sa harap niya. Bumukas ang pinto niyon at lumabas ang pinakahuling taong inaasahan niyang makita sa araw na iyon.

“H-Havoc…”

Nawala sa isip ni Inna ang malakas na ulan, ang pagtawid sana at ang pagsakay sa bus. Natuon ang buo niyang atensiyon sa lalaking tatlong taon din niyang hindi nakita. Nagpapasalamat siya sa malakas na ulan dahil hindi nito nakita ang masaganang pagtulo ng luha sa mga pisngi niya.

God! She missed him so much.

Inna wanted to hug Havoc. Kiss him, feel his body close to hers. But she didn’t dare move. The coldness in his eyes was enough to freeze her. Walang lumabas na salita sa mga labi nila. Nagtitigan lang sila sa ilalim ng malamig na ulan.

Nagising ang diwa ni Inna nang may mahagip ang mga mata niya. Ang bus na sasakyan niya. Tumingin siya kay Havoc at sa bus na paalis na. Kailangan na niyang makauwi.

Ilang beses siyang huminga nang malalim saka nagmamadaling tumawid sa kalsada. Basang-basa ang damit at katawan na sumakay sa bus si Inna.

Nang makaupo sa bus, tumingin si Inna sa labas, kung nasaan si Havoc. Parang may sumakal sa puso niya nang makita ang lalaki na nakatayo pa rin sa gilid ng kalsada, sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.

Havoc…

Bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa pinto ng bus. “Teka lang, Manong. Bababa ako!” malakas niyang sabi saka nagmamadaling bumaba sa bus. Tumakbo siya pabalik kay Havoc. Gamit ang shoulder bag, ginawa niya iyong pantakip sa ulo ni Havoc.

“Get in,” sabi niya. “Magkakasakit ka sa ginagawa mo.”

But Havoc didn’t move. He just stood there. Unmoving.

“Havoc—”

“So, you do remember me and my name.”

Sumasabay sa malakas na ulan ang luha sa mga mata ni Inna. “Hindi naman kita nakalimutan, eh.” Hinawakan niya ito sa kamay saka hinila pabalik sa sasakyan nito. Pilit niya itong pinasakay sa kotse. “Please get in. Basang-basa ka na. Magkakasakit ka.”

Nang hindi gumalaw ang lalaki, pilit niya itong pinasakay. Inilabas niya ang panyo sa bag at tinuyo ang basa nitong buhok at mukha.

“Umuwi ka na,” sabi niya. Kahit siya man ay basang-basa na rin. “Maligo ka agad, `tapos uminom ka ng gamot para hindi ka magkasakit.”

“You care,” pabulong nitong sabi. Pero narinig iyon ni Inna dahilan para mapatigil siya sa pagtuyo sa basa nitong buhok at leeg.

Inna smiled at Havoc while her tears were falling. “Oo naman. I never stopped caring, Havoc.”

His cold eyes held hers. “Liar. You left me.”

“Umuwi ka na,” pakiusap niya. “Kailangan ko na ring umuwi, eh. Pangako, pupunta ako sa club mo. Magpapaliwanag ako. Huwag lang ngayon. I can’t afford to get sick.”

Umiling ang lalaki. “Iiwan mo na naman ako.”

The pain in his eyes suffocated her. “Havoc, I need to get home. Please, pupuntahan kita bukas. Promise—”

“I’m done with your promises.”

“I know.” Inna tried to smile, but failed. “But please, go home before you get sick. Don’t make me worry. Pupuntahan kita sa club mo bukas.” Hinaplos niya ang pisngi ni Havoc. Nagmamadali na naman siyang tumawid sa kalsada para sumakay sa padaang bus.

Nang makaupo si Inna, napatingin siya sa kotse ni Havoc. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang tumatakbo na iyon.

Sana hindi magkasakit si Havoc dahil naulanan ito.

Huminga siya nang malalim saka nag-iwas ng tingin. Pinagtitinginan siya ng mga nakasakay sa bus. Basang-basa kasi siya. Walang nakikitabi sa kanya ng upo. Pangdalawang tao na ang binayaran ni Inna dahil nga basa siya at walang nakitabi sa kanya.

Nang makababa sa malapit sa apartment na inuupahan, nagpasalamat siya dahil wala ng ulan. Dumaan muna siya sa pinakamalapit na fast food sa apartment niya bago umuwi.

HAVOC was soaking wet as he entered his penthouse. Isa-isa niyang hinubad ang damit hanggang sa walang natira. Pumasok siya sa banyo saka pumailalim sa malamig na shower.

Ipinikit ni Havoc ang mga mata. Gusto niyang kutusan ang sarili nang pumasok na naman sa isip niya ang mukha ni Inna na nag-aalala kanina para sa kanya. It felt like she really cared for him. It felt like she still loved him.

But she left me. Hindi iyon gagawin ng babaeng mahal ako.

Kumuyom ang kamay ni Havoc. Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang naramdaman kanina nang bumaba si Inna sa bus at binalikan siya sa ilalim ng ulan. He felt happy. And he knew he was a sucker.

Iniwan na siya at lahat-lahat, masaya pa rin siyang bumaba ang babae sa bus at binalikan siya para pauwiin dahil baka magkasakit siya.

Mapakla siyang natawa saka tinapos ang paliligo. Nagsuot lang siya ng roba. Binuksan niya ang isang drawer sa closet na gamot ang laman.

“Maligo ka agad, `tapos uminom ka ng gamot para hindi ka magkasakit.”

Napailing si Havoc saka uminom ng gamot para hindi siya magkasakit. Mapakla siyang natawa sa ginawa. Napahilamos siya sa mukha at bumuga nang marahas bago lumabas sa closet. Pabagsak siyang nahiga sa kama. Napatitig si Havoc sa kisame ng penthouse.

“Pupuntahan kita sa club mo bukas.”

“Pupuntahan niya ako bukas.” Havoc gritted his teeth in irritation. “Why am I excited to see her?”

Am I this foolishly in love with her?