noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 11

Ch. 12 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Eleven

NASA duyan sina Inna at Havoc. Nakaunan siya sa braso ng lalaki. Panay ang halik nito sa noo niya habang nakahiga sila. He was always like that. He was touchy, but she liked it.

Inna sighed and smiled at the serenity she’s feeling.

“Ganito ang gusto ko. `Yong bahay na malapit sa dagat, may duyan at may sariwang hangin. Kahit hindi malaking bahay, ayos na sa akin.”

“You really want to live near the sea?” tanong ni Havoc habang hinahaplos ang buhok niya.

Tumango si Inna. “Oo. Para kasing ang payapa sa pakiramdam. Parang nakakagaan sa feeling.”

Pinagsalikop ng lalaki ang kamay nila. Hinalikan na naman siya nito sa noo. “Do you want me to build your dream house?”

Natigilan siya saka tiningala si Havoc. “Patatayuan mo ako ng bahay?” gulat niyang tanong. “Bakit?”

He shrugged. “I want to see you smile and be happy.”

“But—”

“No buts.” Havoc kissed her on the lips. “Pagagawan kita ng bahay. Give me a month.”

Hindi na lang umimik si Inna, pero napangiti siya. A man who would build her a house. He was a keeper.

“Inna?” Hinahaplos nito ang buhok niya.

“Hmm?”

“I confess.”

Inna frowned and looked up at Havoc. “Confess what?”

Tumitig ito sa mga mata niya. “I’m confessing my feelings for you.”

Her lips parted. “A-ano?”

“Gusto kita, Inna. I think I’m falling for you.”

Parang sasabog ang puso niya. “H-Havoc…”

He kissed the corner of her lips. “You look scared.”

“A-are you sure?” Kakaiba ang kabang nararamdaman ni Inna habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. “I-ilang araw pa lang tayong m-magkakilala—”

“I don’t care.” Havoc smiled. “I know what I feel, Inna. Sigurado ako sa nararamdaman ko. Ikaw? Gusto mo rin ba ako?”

Inna blinked at him. And blinked again. “But, Havoc—”

“Ayos lang kahit hindi mo ako sagutin ngayon.” Pinisil nito ang kamay niya. “I have all the time in the world to wait for your answer.”

Nagbaba ng tingin si Inna at kinagat ang pang-ibabang labi.

No. Havoc didn’t have all the time in the world. Aalis na suya bukas. Iiwan na niya ito. Bakit ngayon pa ito nagsabi na may nararamdaman na ito para sa kanya?

Tumiim ang bagang ni Inna. Should she stay? To be with him?

Huminga siya nang malalim. May ilang oras pa siya para mag-isip. Gusto niyang manatili sa tabi ni Havoc. Gusto niyang maramdaman kung paano siya nito alagaan. He was a sweet guy, a good man. But she was getting married. Nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa magiging desisyon niya.

Inna wanted to be with him. Pero paano ang pamilya niya?

Yumakap siya kay Havoc at hinalikan ito sa leeg. “Salamat.”

“Salamat saan?”

“Dahil ipinaramdam mo na may halaga ako at mahalaga ako sa `yo.” Hinalikan niya ulit ang lalaki, sa pagkakataong iyon ay sa baba na. “Maraming-maraming salamat, tesoro. ”

Havoc kissed her on the forehead and embraced her tightly. Hindi siya pinakawalan ng lalaki hanggang sa nakatulog siya sa mga bisig nito.

Napakurap-kurap si Inna sa alaala nila ni Havoc dalawang taon na ang nakararaan. Hindi niya mapigilang mapatitig sa lalaking nakaharap sa life-sized na salamin at ibinubutones ang polo.

Umalis siya sa kama at nilapitan ang lalaki. Niyakap niya ito sa baywang mula sa likuran saka hinalik-halikan ang batok.

“Tesoro...”

Tumigil si Havoc sa pagbubutones ng polo saka siya nilingon. “Hmm?”

Umiling si Inna saka humigpit ang yakap dito. “Wala lang, gusto ko lang na yakapin ka.”

“Hmm… Naglalambing ang Inna ko.” Humarap si Havoc sa kanya at niyakap din siya. “May gusto ka bang gawin ngayong araw maliban sa pagsama sa akin sa pupuntahan natin?”

Kunot-noong umiling siya. “Wala naman. Saan mo ba kasi ako dadalhin?”

Ngumiti lang ang lalaki saka bumalik sa pagbubutones ng polo nito.

Naiiling na pumunta si Inna sa harap nito. Siya na ang nagbutones sa natitirang bukas pa, saka inayos ang kuwelyo ng polo nito. Itinupi niya ang manggas niyon hanggang siko.

“Hayan, pogi na ang tesoro ko.”

Malapad ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Havoc. “Matagal na akong pogi, Inna. Noon pa.”

Naiiling na inirapan niya ito saka mabilis na hinalikan sa mga labi. “Alam ko `yon, matagal na.”

Nangingiting niyakap siya ni Havoc saka hinalikan sa noo. “Okay na? Puwede na tayong umalis?

Kumawala si Inna sa yakap nito at humakbang nang dalawang beses paatras. Umikot siya para ipakita ang suot na damit. “Maganda na ba?”

Tumiim ang titig ni Havoc. “Very pretty.”

Naiiling na natawa na lang si Inna saka nilapitan ang lalaki. Natatawang hinila niya ito papuntang elevator. Agad na yumakap si Havoc sa kanya nang makasakay sila. Nang makarating naman sila sa baba at nakalabas, inakbayan siya ng lalaki. Inalayan siya nito papuntang parking lot at pinasakay sa kotse. Havoc even put her seatbelt on.

Napangiti na lang si Inna saka pinagmasdan ang lalaki habang nagmamaneho.

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya.

“Surprise.”

She pouted. “Just tell me. Please?” She showed him her puppy dog face. “Please? Pretty please?”

“Nope.” Havoc grinned. “That’s not working this time.”

Napasimangot si Inna. “Ang sama mo.”

Tumawa lang si Havoc saka pinanggigilan ang pisngi niya. Lalo namang humaba ang nguso niya. Hindi niya ito kinausap. Tatawa-tawa lang ang lalaki nang mapansin ang pananahimik niya. He didn’t even bother to make her feel okay.

Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa harap ng isang private beach. Inna frowned, but didn’t say a thing. Hinayaan niya si Havoc na pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nito pababa at inilapit sa mataas at malapad na gate na nakaharang para tuluyan silang makalapit sa dalampasigan.

“Private property,” basa niya sa nakasulat sa gilid ng gate. “Sigurado kang okay lang?”

Nginitian lang siya ni Havoc. Naglabas ito ng susi saka iyon ginamit para buksan ang naka-lock na gate. Hinila siya papasok.

“Come on.” Masuyo siyang hinila ni Havoc papunta sa bahay na nasa kaliwa.

It’s a simple house with glass walls. Mula sa loob, siguradong kitang-kita ang kagandahan ng beach. Katabi ay isang nipa hut na may duyan at coffee table.

“Wow!” She was amazed. “Sa `yo ba `to?”

Tulad kanina, ngumiti lang si Havoc at binuksan ang pinto ng bahay. Masuyo siyang hinila ng lalaki papasok.

If the outside looked amazing, the inside looked wonderful. Napakamoderno ng labas ng bahay, pero ang loob ay puro native. A native set of sofa, native rug, a modern native wooden circle chandelier hanging on the ceiling. Everything inside the house was native.

“This is amazing,” Inna whispered.

Humarap sa kanya siya. “Do you remember what day today is?”

Kunot-noong umiling siya. “No. Not really.”

Sumimangot ito. “Hindi mo talaga maalala? Bakit ako, naalala ko?”

“Ang ano?”

Havoc sighed. “Today is the day we first met on Temptation Island.”

Inna blinked as she recalled her memory. “Hindi ko talaga maalala,” nahihiyang pag-amin niya.

Havoc tsked. “Grabe, ako alalang-alala ko pa. Pero ikaw, hindi na?”

Nakagat niya ang ibabang labi. “Sorry.”

“Wala naman akong magagawa.” Hinawi ni Havoc ang ilang hibla ng buhok niya. Inipit nito iyon sa likod ng tainga niya. “Anyway, this is the day we first met. I want to show you this house that I built for you.”

Shock was an understatement. “W-what?”

“Sabi mo, gusto mo ng bahay na malapit sa dagat,” paliwanag nito. “`Di ba, sabi ko sa `yo, bigyan mo lang ako ng ilang buwan para mapatayuan ka ng bahay na gusto mo?”

Hindi pa rin makapaniwala si Inna. “H-hindi ko akalain na tutuparin mo `yon.”

“Bakit naman?” Kumunot ang noo ni Havoc. “`Di ba, sinabi kong patatayuan kita ng bahay—”

“Pero umalis ako,” nahihiya niyang sabi.

Havoc shrugged. “So? I waited for you, remember?”

Inilibot niya ang tingin sa kabuunan ng bahay. Hindi pa rin makapaniwala si Inna na ipinatayo iyon ni Havoc para sa kanya. Ayaw mag-sink in sa isip niya hanggang sa mga sandaling iyon.

Bakit gagawin iyon ng lalaki? Was it because of what he felt for her?

Inna sighed and looked at Havoc. “This house is really for me?”

“Yes.”

“Tell me, Havoc, do you love me?”

His unflinching eyes stared back at her. “How about you? Do you love me?”

Hindi siya nakagalaw at nakapagsalita sa tanong ni Havoc.

“Well, Inna?” May pagkainip sa boses nito. “Do you love me?”

Hindi niya magawang tumango o sumagot.

“Hangga’t hindi mo sinasagot ng ‘oo’ ang tanong ko, hindi ko sasagutin ang tanong mo.”

“Havoc—”

“Huwag mong pilitin,” sabi nito saka nag-iwas ng tingin. “Ayokong maramdaman mo `yon nang pilit.”

Pero hindi naman napipilitan si Inna. Gusto niyang sabihin sa lalaki ang nararamdaman, pero may pumipigil sa kanya. Siguro, dahil hanggang ngayon, may asawa pa rin siya. Hindi niya kayang panindigan ang mga salitang iyon. Gusto niya iyong sabihin kapag malaya na siya.

Inna sighed and looked at the sea through the glass wall. It looked calm, unlike her emotion at that moment.

Binibilang niya sa isip kung may pera ba siyang pambayad kay Monti. Kung may pera ba ang mga magulang niya. But knowing her parents, they won’t give her money. They would rather take money from Monti for their happiness.

Kumuyom ang kamay niya. I have to do something.

“Inna? Inna?”

Napakurap-kurap siya saka napatingin kay Havoc. “May sinasabi ka?”

“Ang lalim ng iniisip mo,” sabi nito.

Bumuntong-hininga si Inna. “Nag-iisip lang ako ng paraan para makawala sa kasal namin ni Monti.” Bumuntong-hininga ulit siya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Inna…” Masuyo siyang niyakap ni Havoc. “Ako nang bahala diyan. Ipaubaya mo na sa akin `yon. I told you, I’ll keep you safe, remember?”

“Havoc, you don’t know Monti—”

“He doesn’t know me as well,” putol nito sa pag-aalala niya. “Hindi niya ako kilala. Hindi niya alam ang kaya kong gawin para sa `yo.” Tumiim ang bagang ni Havoc. “He hurt you and I will never forgive him for that. I will make him pay, one way or another.”

Her eyes watered. “Havoc…”

He smiled softly at her. “Trust me. Aagawin kita sa kanya, Inna. Hindi ako makakapayag na hindi ka maging akin.”

That made her heart thump insanely fast. “I don’t know what I did to deserve you, Havoc.”

“You’re here with me, risking your life to be with me.” Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. “Para sa akin, sapat na `yon. Sobra-sobra pa nga, eh.”

Yumakap si Inna sa baywang ng lalaki saka ito hinalikan sa mga labi. “Te amo, tesoro.”

Havoc stilled, then he smiled. “I’ll pretend that I didn’t hear that. Gusto ko `yong marinig sa lengguwaheng alam ko. Hearing you say that, it feels like you don’t want me to understand it.”

Ngumiti si Inna. “But you do.”

“Say it in English.” Nanghahamon ang boses nito. “And I’ll say it back to you.”

Umiling siya. “Saka na, kapag hindi na magulo ang sitwasyon natin.”

Havoc sighed. “We’ll figure it out, Inna. We will.”

Tumango siya saka hinigpitan ang yakap dito. “Tesoro?”

“Hmm?”

“Thank you… for being the best.”

“I know,” natatawang sabi ni Havoc. Hinalikan nito ang ulo niya. “What do you say if we bless this house?”

Kunot-noong tiningala niya ito. “Bless? How? May pupunta bang par—”

“Let’s make love.”

Pinaningkitan niya ng mga mata ang lalaki. “Oh! That kind of blessing?”

“Yes.” Havoc grinned. “Come on. The bed is soft.”

“How did you know? May dinala ka nang iba rito, `no?”

Tumawa ito saka siya masuyong hinila papuntang hagdanan. “Nope. I would come here every time I missed you. Kaya alam ko.”

“Oh.”

“Yes, Inna. Oooh…”

Umirap si Inna. Nagpaubaya na lang siya nang hilahin ng lalaki papunta sa nasa kanang pinto. Nang buksan nito iyon at pinapasok siya, napatitig na lang siya sa kabuunan ng kuwarto. Everything was native. The glass wall facing the sea was breathtaking.

This house is really for me?

Napatitig siya kay Havoc na may pilyong ngiti habang nakatingin sa kama. Nang bumaling ito sa kanya, nawala ang pilyong ngiti nito. Kinunutan siya nito ng noo.

“What?” he asked.

Umiling si Inna saka inisang-hakbang ang pagitan nilang dalawa. Hinalikan niya ito sa mga labi.

Havoc groaned and immediately returned her kiss. Yumakap siya sa leeg ng lalaki at hinila ito papunta sa kama. Pabagsak silang nahiga.

Natawa na lang si Inna nang hubarin na nito ang damit niya. Hinayaan naman niya ang lalaki. Being intimate with Havoc was what she loved most. Well, next to being with him of course.

UMALIS sa kama si Inna nang marinig na nag-ingay ang kanyang cell phone. Kinuha niya ang shoulder bag na binitiwan kanina nang halikan niya si Havoc at kinuha doon ang cell phone.

Monti Calling...

Her heart actually stopped beating when she read her husband’s name. Cazzo!

Huminga siya nang malalim saka sinagot ang tawag. “ Pronto, Monti?”

“Where the hell are you, Inna? Your family has no idea where you are. I’m getting pissed off!” sigaw nito.

Sa halip na matakot, napatitig siya kay Havoc na mahimbing na natutulog. “Don’t shout, Monti,” sabi niya sa kalmadong boses. “And for your question, don’t bother. I’m not coming home. Just total all the money that I owe you.”

“How dare you—”

“Vaffanculo.” mura niya.

“Woman! You better come home! Fast!” sigaw nito. “If I have to come over there in the Philippines just so I could drag you home, I will—”

“Vaffanculo.” sigaw niya pabalik saka pinatay ang tawag. Ini-off niya ang cell phone.

Nakakuyom ang kamao ni Inna. Nag-iisip siya ng tamang gawin para hindi sila mapahamak ni Havoc, pero wala siyang maisip na paraan.

“Please tell me that vaffanculo is a bad word.”

Nagulat siya nang marinig ang boses ni Havoc. Napatingin siya sa lalaki. Her eyes slightly widened when she saw Havoc awake and looking at her intently.

“Earth to my Inna.”

Napakurap-kurap si Inna saka bumalik sa kama. Tumabi siya ng higa rito. “Monti called.”

Havoc hugged her. “Please tell me that vaffanculo doesn’t mean I miss you.”

“No,” Inna exclaimed. “It means fuck yourself.”

Havoc stilled, then smiled happily. “Oh. I like that.”

Inna rolled her eyes and embraced Havoc. “Ayoko nang umuwi sa Italy.”

“Wala naman akong balak na pauwiin ka roon,” sabi nito saka siya kinubabawan.

Inna groaned. “Na naman?”

“Ayaw mo?”

Napailing na lang siya saka iniyakap ang mga binti sa baywang ng lalaki. “Gusto. Gustong-gusto.”

Natawa si Havoc at inangkin ang mga labi niya na agad naman niyang tinugon.