noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 15

Ch. 16 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Fifteen

KINAKABAHAN si Inna nang makaupo sa hapag-kainan. Napipilitan niyang sinaluhan si Monti sa hapunan. He still reeked of alcohol and that calmed her down a bit. Mabait ito kapag nakainom ng alak.

“Inna…”

Napaigtad siya. “ S-si?”

“I know a man visited you today.”

Mas dumoble ang kabang nararamdaman niya. “And who told you that?”

“The CCTV is off, but I have eyes everywhere.” Tumiim ang bagang ni Monti. “Is he your lover?” Matalim ang boses nito. “He has guts.”

“Monti—”

“La prossima volta che entrerà nella mia casa, lo ucciderò,” (Next time he enters my household, I’ll kill him) sabi nito dahilan para manlamig si Inna sa takot.

“No—”

“ Sono serio, Inna.” (I’m serious, Inna.) Tumuon ang matalim nitong tingin sa kanya. “Don’t try me. You know what I can do.”

“No… No…”

“Non lasciarlo di entrare la mia stanza se no Leona soffrirá.” (Don’t let him enter my home again or Leona will suffer.) Kalmadong bumalik sa pagkain si Monti. “I know she helped you. I’m not an idiot to not know that.”

Pati si Leona madadamay.

“Leona has nothing to do with this—”

“ Basta con le bugie, Inna.” (Stop lying, Inna.) Humigpit ang hawak nito sa tinidor.

“No. Leona doesn’t deserve—”

“I said stop!” Monti shouted at her, his eyes burning with rage. “Tu e tutti in questa casa mi odiate. Be, svegliati! Questa e la mia casa! Le mie regole! Sono io il legge!” (You and everyone in this house hate me. Well, wake up! This is my house! My rules! And I’m the law!)

Namutla si Inna sa galit na nakikita sa mukha ni Monti. Iyon ang galit na iniiwasan niyang makita. Alam kasi niya ang kasunod. And she knew that Monti knew how scared she was because he chuckled and smirked at her tauntingly.

“Inna, my wife. I’m tipsy. I’m not gonna beat you up.” Tumawa pa ito saka napailing. “Maledetto! per aver fatto di me un pazzo. Maledetto! per aver imbrogliato prima e dopo il nostro matrimonio! Maledetto! Perche quanto voglio di buttarti fuori, peró non riesco.” (Damn you for making me a fool. Damn you for cheating on me before and after our marriage. Damn you because as much as I want to throw you out of my house, I can’t.)

Kumuyom ang kamay ni Inna. “Then throw me out—”

“So you’ll be happy with your lover?” Monti chuckled coldly. “Hell will freeze over before I let you go.”

Inna pleaded. “Is this what you want? Hurting me?”

Monti looked at her confusingly. “Hurt you? Inna, if I want to hurt you, I would have forced you to have sex with me since it’s your responsibility as my wife. But no, I haven’t. Only to know that the man you slept with before our wedding and your lover now is the same.” Mapait itong ngumiti habang nagtatagis ang mga bagang. “ Perche, Inna? Salvarti per lui? Che dolce.” (Why, Inna? Saving yourself for him? How sweet.)

Sinalubong niya ang galit nitong mga mata. “No. I wasn’t. But I don’t regret not giving my body to you. Non lascerò mai un diavolo come te dentro di me. Mai.” (I will never let a devil like you inside me. Never.)

Lahat ng emosyon sa mukha ni Monti ay nabura. Naging malamig ang mga mata nito. “A devil, huh? Well, this devil can kill, Inna. And if I see your lover, I’ll drag him to hell.”

Nagtatagis ang mga bagang na tumayo siya. Nawalan na siya ng ganang kumain.

“Siediti!” biglang sigaw ni Monti na nagpatigil sa paghakbang niya. “Ho detto, siediti!” (I said, sit!) ulit nito.

Dahil sa takot, bumalik si Inna sa pagkakaupo. Napatitig lang siya sa pagkain.

“Eat,” sabi ni Monti. “Or I’ll shove these food into your mouth.”

Hindi siya gumalaw.

“Inna!” Matalim ang boses ni Monti. “I said eat!”

Kumuyom ang kamay niya. “No.”

Kinabahan si Inna nang biglang tumayo ang lalaki. Hinawakan nito ang panga niya. Nangilid ang mga luha niya nang makitang kumuha ito ng isang kutsarang ulam at isusubo sana sa kanya. Pero nakita nito ang mga luha niya.

Monti tsked before backing off and leaving the dining area. Siya naman ay napahawak sa sariling panga at tinuyo ang mga luha.

Monti will never stop hurting her. Hanggang nasa bahay siya nito, sasaktan at sasaktan siya ng lalaki. Hindi man ngayon, pero marami pang puwedeng mangyari.

Nagmamadali siyang umalis sa hapag-kainan saka bumalik sa kuwarto. Habang pabalik sa kuwarto niya, napadaan si Inna sa opisina ni Monti na nakabukas ang pinto.

Natigilan siya nang makitang umiinom ito ng alak habang nakatingin sa kawalan. Panay rin ang tagis ng mga bagang nito.

Nilampasan ni Inna ang opisina ng asawa saka magmamadaling pumasok sa kuwarto. Inilabas niya sa closet ang pinakatatagong bank book. Kaunti lang ang laman niyon. Hindi sapat para mabayaran si Monti.

Nanghihinang napabuntong-hininga siya saka pasalampak na naupo sa sahig. Pero agad rin siyang tumayo nang may narinig na tumutunog na cell phone. Nahanap niya iyon sa ilalim ng unan.

Kumunot ang noo ni Inna.

Havoc Calling…

Naguguluhan man, sinagot niya iyon. “Hello?”

“Thank goodness!” Havoc sounded relieved. “Leona is God-send.”

Did Leona slip this into her room while she was having dinner with Monti earlier?

“Inna? Ayos ka lang ba diyan?” may pag-aalalang tanong nito. “Hindi ka naman niya sinaktan?”

“Hindi na,” pagsisinungaling ni Inna kahit nananakit pa rin ang panga niya. “Ayos lang ako.”

“That’s good. I’m just fixing some things and I’ll visit you soon—”

“No!” mabilis niyang sabi. “Don’t come here! Monti will kill you—”

“Inna, don’t worry about me.”

“I am worried!” Hindi niya mapigilan ang magtaas ng boses. “You’re my tesoro and I don’t want you hurt.”

“Inna…” Malambing ang boses ni Havoc. “Paninindigan kita. Paninindigan ko ang desisyon kong kunin ka sa asawa mo. So, just wait for me, I’ll get you out of that house soon.”

Umiling si Inna. “No. You’ll get hurt, Havoc.”

“I’ll be fine,” sabi ni Havoc. “Trust your tesoro , Inna.”

Napabuntong-hininga siya. “I trust you, but not Monti. He can kill you, Havoc.”

“Just trust me.”

Napakagat-labi si Inna. “But something might happen to you—”

“Trust me.”

She sighed. “Fine. I will. Pero huwag na huwag mong ipapahamak ang sarili mo, Havoc.”

“I won’t.” May bahid ng ngiti ang boses nito. “Iuuwi pa kita sa Pilipinas. Magpapakasal pa tayo, kaya bakit ko ipapahamak ang sarili ko?”

Napangiti na lang si Inna sa sinabi nito. Huminga siya nang malalim. “Mag-ingat ka.”

“Ikaw rin. Pupuntahan kita riyan at isasama na kita pauwi.”

“Okay.”

Kinakabahan at natatakot siya, pero gusto na niyang makawala kay Monti kahit pa kailangan niyang tumakas kasama si Havoc. Ayaw na niya. Sawang-sawa na siyang matakot na baka sasaktan siya ng lalaki sa bawat maling galaw niya.

Nang mawala si Havoc sa kabilang linya, itinago ni Inna ang cell phone saka nahiga sa kama. Nang hindi siya dalawin ng antok, lumabas siya ng kuwarto. Napadaan na naman si Inna sa opisina ni Monti na nakabukas pa rin ang pinto.

He was not tipsy anymore, but drunk. Nakasandal ito sa gilid ng mesa at walang malay. Natumba na ang bote ng alak na hawak ng lalaki at kumalat ang laman niyon sa carpet.

As she looked at Monti, Inna pitied him for a second. Until she remembered how he beat her up every time he was mad.

Bumuntong-hininga si Inna saka pumasok sa opisina. Iniligpit niya ang bote ng alak. Mayamaya ay napatitig siya sa lalaking ginawang impiyerno ang kanyang buhay sa loob ng dalawang taon.

Tumulo ang mga luha ni Inna. “Palayain mo na ako,” bulong niya. “Pagod na pagod na ako, Monti. Nahihirapan na ako.”

Hindi gumalaw si Monti, sa halip ay dumausdos ang walang malay nitong katawan at bumagsak sa sahig.

Bumuntong-hininga na naman si Inna saka tumayo at lumabas ng opisina. Nagpunta siya sa hardin. Doon niya hinintay na antukin siya.

Makalipas ang isang oras na hindi pa rin siya inaantok, bumalik si Inna sa kuwarto niya. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nakahiga si Monti sa kama niya.

Mio dio!

“W-what is he doing in my room?”

Nilapitan niya si Monti. Niyugyog niya ang balikat ng lalaki para magising, pero wala. Hindi ito kumilos at nanatiling tulog.

“Monti, svegliati! ”(Wake up!) naiinis niyang sigaw.

Pero hindi nagising ang lalaki. Sa halip, umayos ito ng higa at mas naging mahimbing ang tulog.

Napaupo si Inna sa gilid ng kama at bumuga nang marahas. “Cazzo! Cazzo!”

Umalis siya sa kama at sa sahig na lang naupo. Inihilig ni Inna ang katawan sa gilid ng kama. Ayaw niyang makatabi si Monti. Hindi man kumportable ang posisyong iyon, nagawa niyang makatulog.

When Inna woke up the next morning, she was already in her bed and Monti was nowhere to be seen. Para siyang nakahinga nang maluwang nang hindi makita si Monti. Natatakot siya kapag nakikita ito.

Bumangon si Inna at pumasok sa banyo para maligo. Nang makalabas siya at makapagbihis, lumabas siya ng kuwarto. Pumunta siya sa hapag-kainan. Wala rin doon si Monti.

Thank God.

“Signorina,” sabi ng mayordoma. “Signore e partito stamattina presto.” ( Signore left early in the morning.)

Salamat naman.

“He scares me.”

“Tutti hanno paura di Signor, Signorina,” (Everyone is scared of him.) sabi ni Leona sa mahinang boses. “Spero che sia tornato alticcio o ubriaco per non farti del male né a te né a nessuno.” (I hope Signore would come back tipsy or drunk so he would not hurt you or anyone.)

Sana nga. Sana nga umuwi si Monti na lasing. Para wala itong saktan. Para hindi siya nito saktan.

Matapos mag-agahan, gusto sanang lumabas ni Inna, pero hindi siya pinayagan ng mga bagong guwardiya sa mansiyon. Kaya ang ginawa niya, nagpunta siya sa kuwarto para kunin ang cell phone. Doon na lang niya kakausapin si Havoc. Pero ganoon na lang ang pamumutla niya nang hindi niya iyon makita sa pinaglagyan niya.

Did Monti see it? He was here last night.

Nagmamadali siyang lumabas sa kuwarto at hinanap ang mayordoma.

“Leona, ti prego vai da Rizzi.” (Leona, please go to Rizzi.) She was worried that Monti might use the phone to contact Havoc. “Ti prego? Chiedi se Havoc sta bene.” (Please? Ask her if Havoc is okay.)

Malungkot na ngumiti si Leona saka umiling. “Non posso uscire di casa Signorna. Le nuove guardie non me lo permetteranno.” (I’m not allowed to leave the house, Signorina. The new guards won’t let me.)

Bumagsak ang mga balikat ni Inna saka naghanap ng telepono. Pero lahat ng iyon, may guwardiyang nakabantay.

No! Havoc!

Hindi mapakali si Inna sa kaiisip kung ano ang gagawin niya para makausap si Havoc. Pero mayamaya pa, nakita niyang pumasok si Monti sa loob ng bahay. Agad niyang nakita ang cell phone sa kamay nito.

Inna paled. “No! W-what did you do?”

Itinapon ni Monti ang cell phone sa basurahan saka walang buhay na tumingin sa kanya. “I met your lover.”

Inna got paler. “N-no…”

“Yes.” Walang emosyon ang mukha ni Monti. “I did.”

“W-what did you do to him?” Nanginginig sa pag-aalala ang boses niya.

Monti just shrugged. “Non sono affari tuoi.” (None of your business.)

Doon sumabog ang galit na matagal na niyang tinitimpi. “Why are you doing this to me? You cheated on me, too! You sleep with countless of women everyday! Why are you making me suffer?” Inna screamed. “I don’t want you! I don’t want to be with you! And I don’t love you! Just set me free already! I’m sick of being your wife!”

Inilang-hakbang ni Monti ang pagitan nila. Mahigpit nitong hinawakan ang panga niya.

“N-nasasaktan ako,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Lalong humigpit ang hawak ng lalaki sa panga niya. “Fa male?” (Does this hurt?)

Napahawak si Inna sa kamay ng asawa habang bakas sa mukha ang sakit ng ginagawa nito. “M-Monti…”

“É doloroso?” (Is this painful?)

Tumulo ang luha mula sa mga mata niya. “M-Monti… It h-hurts.”

His face darkened. “No. This is not painful. That’s just physical pain. It fades. But the pain that you put me through for two years will never fade easily. It’s branded in my soul and carved out in my heart.” Nagtagis ang mga bagang ni Monti. Napunta sa pagsakal ang paghawak nito sa panga niya. “You don’t know what real pain is, Inna. This… this is just a pinch. Real pain doesn’t fade away through time. Pain remains. Pain tortures you, Inna. Day and night and night and day. So, don’t complain that this is painful. You don’t know the pain I’m in. You don’t know.”

Dahan-dahan siya nitong binitiwan. Nakahinga siya nang maayos at napahawak sa leeg.

“Ti odio!” (I hate you!) Inna spat at Monti. “Sei un diavolo! Sei un mostro!” (You’re a devil. You’re a monster!)

Malamig na tumawa si Monti. “You’re not the first one to call me that.” He tsked and went to the second floor.

Minasahe naman ni Inna ang leeg niya. Napapangiwi siya kapag nasasagi ang parte kung saan siya sinakal ni Monti.

Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. It hurt. Her neck hurts. Lalo siyang natatakot kay Monti, pero mas natatakot siya ginawa nito kay Havoc.

Havoc… Mi dispiace.

Nanghihinang umupo si Inna sa salas. Tahimik siyang umiyak doon hanggang makarinig siya ng ingay na nanggagaling sa labas.

Her eyes widened. She knew that voice.

Havoc!

Tumayo si Inna. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay, pero pinigilan siya ng mga guard. Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya si Havoc na may dalang maleta habang sumisigaw.

“I’m here for Monti! Call him now!”

Namilog ang mga mata ni Inna. What was he planning to do?

“Havoc—”

“Monti!” Havoc screamed again. “Face me, you motherfucker! I have your money!”

Sa sinabing iyon ng lalaki, bumaba ang tingin ni Inna sa maletang nasa likuran nito. Umiiling siya nang magkatitigan sila ni Havoc. Pero ngumiti lang ito.

“What’s this?” Boses iyon ni Monti na ikinakaba niya.

“Monti—” Humarap siya rito. “Please, don’t hurt Havoc.”

“What do you want?” tanong ni Monti kay Havoc. Hindi siya nito pinansin.

“I want my Inna back,” taas-noong sabi ni Havoc. “Here’s your money.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Monti. “I don’t need your money, Mr. Andrada. I have lots of it. But since you’re persistent, come on in.” May malademonyo itong ngiti sa mga labi. “And be my guest.”

Nanlamig si Inna lalo na nang makita niyang inalalayan si Havoc ng mga tauhan ni Monti papasok sa bahay. Nang magtama ang mga mata nila ni Monti, inilapit nito ang bibig sa tainga niya saka bumulong.

“Che ne pensi di ucciderlo?” (How about I kill him?) Monti asked in his cold and ruthless voice. “Dopotutoo, lui sta sconfinando.” (He’s trespassing after all.)

“No…”

Tumawa lang si Monti. Pumasok na rin ito sa loob habang siya ay naiwan sa labas. Takot na siya takot para kay Havoc.

No! He’s gonna be okay. I’m sure has a plan. Inna hoped he did.