noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 10

Ch. 11 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Ten

MAHIGPIT na napakapit si Inna sa bedsheet habang naglalabas-masok ang kahabaan ni Havoc sa loob niya. Nakasubsob naman ang mukha ng lalaki sa kanyang leeg habang panay rin ang daing. Sumasabay ito sa ungol niya.

“Inna…”

She locked her legs around his waist as Havoc thrust deeper.

“Uhm… Havoc!”

Napasabunot ang isang kamay ni Inna sa buhok nito habang iniaangat ang puwit para salubungin ang bawat pagsagad at ulos sa kaibuturan niya.

“Havoc… Havoc!” Pabiling-biling siya. Nararamdaman niyang lalabasan na siya. “Uhm! Oooh… Tesoro! ”

Lalong bumilis ang paglabas-masok ni Havoc sa loob niya. Lalong sumagad ang kahabaan nito at lalong dumiin.

“Oooh… Uhm!” Umarko ang katawan ni Inna. Napasabunot siya sa buhok ng lalaki nang sumabog ang orgasmo niya. Napasigaw pa sa sarap nang mas diinan pa nito ang pag-ulos sa loob niya. Naramdaman niya ang paninigas nito.

Pinakawalan ni Inna ang hininga na kanina pa pinipigilan nang maramdamang umalis sa ibabaw niya si Havoc. Inalis nito ang condom na suot saka ibinasura. Nang bumalik sa kanya ang lalaki, kumubabaw ulit ito saka siya hinalikan sa noo.

“Good morning.”

Kinurot niya ang tagiliran ni Havoc. “Ikaw talaga. Iba kang mag-good morning.”

Tumawa lang ang lalaki saka tumabi ng higa sa kanya. Pinaunan siya nito sa braso at niyakap sa baywang.

“Inna?”

Inayos niya ang pagkakakumot sa hubad na katawan. “Hmm?”

“Luluwas ako ngayon. Sumama ka sa akin,” sabi ni Havoc. “Puwede ba?”

Humarap siya sa lalaki. “Babalik pa tayo rito sa isla?”

“Yup.” He kissed her forehead. “I have a meeting with someone. It’s important. Natatakot akong iwan ka rito, baka umalis ka na naman.”

“Sige.” Inna smiled at him. “Sama ako.”

Havoc smiled back. “Mabuti naman. Ayokong mag-isa ngayong araw.” Hinapit siya nito palapit at mahigpit na niyakap. Para bang sabik na sabik na mahawakan at mayakap siya.

Sa halip na magtaka, napangiti na lang si Inna. Yumakap din siya sa lalaki. Havoc was always like that. Sweet and touchy.

“Magdala ka ng damit, kahit dalawang pares lang,” sabi nito habang yakap siya. “We’ll stay in my club for the night.”

Kumawala si Inna sa yakap nito. Napatitig siya sa lalaki. “Club? You own one?”

“Yep. My pastime.” Havoc pinched the tip of her nose. “But you’re not allowed to roam around. Maraming lalaki doon, baka maagaw ka sa akin.”

Ngumiti lang siya saka yumakap ulit kay Havoc. “Sige.”

Ilang minuto pa sila sa ganoong posisyon bago bumangon para maligo at sabay na lumabas sa cabin. Nang makasakay sa yate pabalik sa isla kung saan nandoon ang helicopter na maghahatid sa kanila sa Monasterio Building, hindi binitiwan ni Havoc ang kamay niya. Nang makasakay sa helicopter, ganoon pa rin. Nahihiya na si Inna sa mga kasakay nila dahil panay ang halik ng lalaki sa likod ng palad niya.

Nang makarating sa Monasterio Building, ibinalik sa kanila ang cell phone nila bago bumaba at sumakay sa taxi. Napabaling siya kay Havoc nang humilig ito sa balikat niya habang nasa biyahe papunta sa club nito.

“ Tesoro, are you okay?”

Tumango lang si Havoc, pero walang salitang lumabas sa bibig nito.

Kumunot ang noo ni Inna. Was something going on with him that she didn’t know?

“Ayos ka lang ba talaga?”

“Yes,” simpleng sagot ni Havoc.

Hindi na nagpumilit si Inna. Baka makulitan ito sa kanya. Hinayaan na lang niya ang lalaki na humilig sa kanyang balikat hanggang sa makarating sila sa club na pag-aari nito.

Inna’s lips parted when she read the name of Havoc’s club.

“Hell’s Gate Club.” Napakurap-kurap siya at tumingin kay Havoc na kabababa lang sa taxi. “Bakit Hell’s Gate?”

“A lot of sins happen inside,” sagot nito saka pinagsalikop ang kamay nila. Pumasok sila sa club.

“Boss!” masiglang bati ng lalaking nasa likod ng bar. “Long time, no see.”

“Hub…” Tipid na ngumiti si Havoc. “Kumusta ang club?”

Nag-okay sign ang lalaking nagngangalang “Hub”. “Okay lang, boss. Last night was a blast. Celina was looking for you. May dala siyang dalawang babae. Gusto yata ng foursome.” Nakangisi pa ito.

Foursome? Agad siyang nagbaba ng tingin. Cazzo! Bakit ako nagseselos?

Lalong nadagdagan ang selos ni Inna nang tumawa lang si Havoc. Inalalayan siya nito papunta sa elevator na kailangan ng password para bumukas. Nang makasakay sa elevator, parehas silang tahimik. Pero nang hindi makapagpigil si Inna, nagtanong siya.

“Makikipag-foursome ka ba?” mahina ang boses na tanong niya.

Havoc stilled and looked at her. “What?”

“`Yong foursome.” Hindi siya makatingin sa mga mata ng lalaki. Makikita nitong nagseselos siya. “G-gusto mo ba `yon?”

“Inna—”

“I don’t want to share you, Havoc,” sabi niya saka tumingin sa mga mata nito. “I really don’t want to share you. Ayoko.” Tinapik-tapik ni Inna ang puso niya. “Nagseselos ako. Nasasaktan ako rito.”

“Inna…” His face softened before gathering her in his arms. “Ikaw lang, sapat na.”

Napasimangot siya. “Pero tumawa ka lang kanina.”

“Natawa lang ako kasi hindi ko akalain na hindi na ako magkakainteres doon.” Pinakawalan siya ni Havoc sa pagkakayakap bago hinalikan sa noo. “`Di ba, sabi ko, sa `yong-sa `yo lang ako?”

Tumango siya saka yumakap sa baywang ng lalaki. “Nagseselos ako.”

“Don’t be. I’m yours.”

“Okay.” Pinakawalan siya ni Havoc sa pagkakayakap saka nginitian. “Now, tell me, what’s going on with you? Parang may kakaiba sa `yo ngayon.”

He frowned. “Kakaiba? What do you mean?”

Tiningnan niya ito nang masama. “Havoc, kilala kita. Alam kong may gumugulo sa isip ko. I can sense that much. So please, tell me. Nag-aalala ako sa `yo.”

“Wala `yon.” Inalalayan siya nito palabas ng elevator. “Welcome to my place.”

Napakurap-kurap at namangha si Inna habang inililibot ang tingin.

Black marble floor and glass walls overlooking the city, a very expensive chandelier, a mini-bar full of liquors, a piano on the side, a kitchenette, a queen-sized black bed next to the balcony and a huge bathroom with jacuzzi, bathtub and a large shower area.

“Wow!” She was amazed.

“You like it?”

Tumango siya. “Your place is amazing.”

Ibinaba ni Havoc ang duffel bag saka pumasok sa walk-in closet. “Stay here for the time being. Hindi naman siguro magtatagal ang meeting ko with Mr. Kim,” sabi nito mula sa loob.

Pabagsak siyang umupo sa gilid ng kama at hinubad ang sandals.

“Tesoro?” tawag niya nang makalabas ito sa closet habang ibinubutones ang polo.

“Yes?”

“May dinala ka na bang babae dito maliban sa akin?”

Umiling ito. “Nope. Why? Nagseselos na naman ba ang Inna ko?”

Nagkibit-balikat siya saka umalis sa kama. Nilapitan niya si Havoc para tulungan ang lalaki sa necktie nito. “There. Hurry and come back to me.”

He smiled and kissed her on the lips. “I will. See you later. I’ll be back before lunch.”

“Okay,” Inna replied before going to the balcony. “Wow! Ang ganda rito.” Halos kita niya ang buong siyudad mula sa terasa. Gusto pa sana niyang manatili roon, pero tumatama na ang sikat ng araw sa kanya.

Pumasok siya sa loob at napaupo sa gilid ng kama. Wala siyang magawa kaya tumingin-tingin na lang sa paligid ng kuwarto hanggang sa makapasok sa closet. Napangiti siya nang maamoy ang mabangong pabango ni Havoc. Wala sa sariling pinaglandas niya ang kamay sa cabinet at binuksan iyon isa-isa.

Boxers . Napangiti si Inna. Watches . Hmm… He had good taste. Neckties. Condoms. Wallets and IDs.

Inna picked up Havoc’s passport and opened it. That was unfair. Bakit ang guwapo pa rin nito kahit sa passport I.D.?

Napangiti na lang siya sa naiisip saka bumaba ang tingin sa birthday nito. Slowly, her eyes widened when she realized that Havoc’s birthday was… today!

“Cazzo!” That was why something was off with him. It’s his birthday! “Merda!”

Mabilis siyang lumabas ng closet. Nagmamadaling kinuha ang pitaka at cell phone sa duffel bag ni Havoc saka bumaba.

Malalaki ang hakbang ni Inna palabas ng club. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa paboritong cake shop. Pinili niya ang cake na tama lang ang laki. Bumili na rin siya ng birthday candle at fountain candle saka bumalik ulit sa club.

But as Inna stood in front of the elevator, she blinked at the password lock. “Ano ang password nito?”

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Havoc. Kinagat niya ang ibabang labi nang sagutin nito ang tawag.

“I’m so sorry. Alam kong nakakaistorbo ako, pero hindi ko kasi alam ang password ng elevator. Bumaba kasi ako.”

“You’re the password.”

Napakurap-kurap si Inna sa gulat. “Ha?”

“Your name is my password.”

“Oh…” Pinindot niya ang 4-6-6-2. Nang bumukas ang elevator, napangiti siya. “Ilang buwan mo na `tong password?”

“Dalawang taon,” sagot nito.

Pumasok siya sa elevator at pinindot ang pinakataas na palapag. “You’re sweet.”

“No. I just miss you, that’s why.”

“Still sweet.”

“Yeah, yeah.” Havoc chuckled. “Sige, may meeting pa ako, eh.”

“Oh. Sorry.” Agad siyang nagpaalam at pinatay ang tawag.

Nang makarating sa penthouse ni Havoc, agad niyang inilagay ang cake sa pandalawahang mesa na malapit sa kitchenette. Naghanda siya ng champagne at tiningnan ang laman ng ref.

Nang makitang kumpleto ng laman, nagluto si Inna ng ilang putahe. Napangiti pa siya habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng pagkain.

She clasped her hands. “Yey! Hope he’ll like it.”

Unupo si Inna sa sofa saka kagat ang labing hinintay na bumalik si Havoc. An hour later, she received a text from him.

Let’s have lunch out. Meet me at ZaiRed Restaurant.

Nawala ang excitement na nararamdaman niya. Napatingin pa siya sa inihandang pagkain. Bumuntong-hininga siya saka itinapon ang cell phone sa kama. Pabagsak din siyang nahiga roon. Panay ang tunog ng cell phone, pero hindi niya sinagot.

Inna wanted Havoc to go home. Naghanda siya para sa lalaki.

Nanatili siyang nakatitig sa kisame ng kuwarto hanggang sa lumipas ang mahabang minuto. Narinig niya ang pagbukas ng elevator. Mabilis siyang bumangon at napatitig kay Havoc na nagmamadaling pumasok.

“Inna! Are you okay? Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko? Do you know how worried I was—” Natigilan ito nang makita ang mesa na puno ng pagkain na inihanda niya.

“Sorry,” sabi niya saka umalis sa kama. “Ayoko lang kumain sa labas kaya hindi ako nag-reply at hindi ko sinagot ang tawag mo.”

Havoc was still looking at the table, especially at the cake. “H-how did you know?”

“Pinakialaman ko ang gamit mo. Nakita ko ang passport mo,” paliwanag ni Inna saka nilapitan ang mesa. Sinindihan niya ang kandila at candle fountain at binuhat ang cake. Lumapit siya kay Havoc.

“Tesoro…” Inna smiled at her man and started singing. “Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday, my tesoro. ”

He was still unmoving. “S-sorry. H-hindi lang ako sanay na may bumibili ng cake at kumakanta ng birthday song kapag birthday ko.” Malungkot itong ngumiti. “Ngayon lang.”

Inna smiled. “Blow the candle and make a wish.”

Slowly, a smile appeared on his lips. Havoc leaned in and blew the candle, then he looked at her intently as he made a wish. “I wish that my Inna will be mine soon.”

Her heart hammered inside her chest. “`Yon lang?”

“And I wish that she’ll reciprocate my feelings.”

Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa kakaibang pagkabog niyon. “Havoc…”

“You rejected me two years ago. I wish this time, it’s gonna be different.”

Napakurap-kurap si Inna nang kunin ni Havoc ang cake. Pagkatapos ay masuyo siyang hinalikan sa mga labi. Nang pakawalan nito ang mga labi niya, nilampasan siya nito. Excited na kumuha ng pinggan ang lalaki at naglagay ng pagkain doon.

“Did my Inna cook this?”

“Oo. Sana magustuhan mo.”

Nakangiting tinikman ni Havoc ang niluto niya saka nag-thumbs up. “It’s good. Perfect.”

Nilapitan ito ni Inna saka niyakap sa baywang. “Hindi mo ako binobola?”

“Nope.” Kumuha pa ito ng pagkain at magana iyong inubos.

Napangiti na lang siya. Nagsalin siya ng champagne sa champagne glass saka ibinigay kay Havoc.

“Happy birthday again, tesoro. ”

Havoc raised his glass and smiled. “Thank you, my Inna.”

Matapos inumin ni Inna ang kalahati ng champagne, inilapag niya iyon sa mesa saka lumapit sa piano. Umupo siya sa harap.

“Now… For my gift,” sabi niya saka tumingin kay Havoc. Nakatayo ang lalaki sa likod ng piano at nakatitig sa kanya. “I’ll play a song for you.”

His face softened. “I’d love to hear it.”

“Bear with me. I’m not that good.”

Ngumiti si Inna saka hinaplos ang keys ng piano. She hated her piano lessons because Monti was forcing her to learn, but not today. She’ll use it to serenade her tesoro.

Inumpisahan niyang tumugtog habang nakapikit. Pinapakinggan ni Inna ang musika na inilalabas ng piano saka siya nag-umpisang kumanta.

“You make me laugh in awkward places. You keep me guessing all the time. Little things that make me glad you’re mine. It’s always brighter when you’re smiling. You bring the thunder when you’re mad. But you’re the sweetest thing I’ve ever had…”

Inna opened her eyes and looked at Havoc who was looking at her intently.

“And when you say you want me here and now. No matter where we are. I love, love, love it…”

She smiled at Havoc before she hit the chorus.

“And, oh, my heart is racing. The way we kiss is liberating. It feels like we invented love. Yeah, I’m breathing faster. And I might need to sit down after. It feels like we invented love every time. Ohhh… Ohhh… Ohhh…”

Inna stopped singing, but she continued playing Shane Filan’s Every time on the piano.

“Tesoro?”

“Inna…”

“Happy birthday.” Inna smiled lovingly at Havoc. “I wish for you to find your happiness—”

“I already did.” His stare bored into her eyes.

“And I wish that you remain happy for the rest of your life.”

“Stay with me,” sabi ng lalaki na titig na titig pa rin sa kanya. “Then I’ll be very happy for the rest of my life.”

Tumayo si Inna mula sa pagkakaupo sa harap ng piano. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa bedside table. Binuksan niya saka nagpatugtog ng malamyos na kanta. Pagkatapos, nilapitan niya si Havoc. Kinuha niya rito ang hawak na champagne glass. Inilapag iyon sa mesa bago humarap dito.

“Dance with me.”

Hindi sumagot si Havoc, pero awtomatikong pumulupot ang braso nito sa baywang niya. Hinapit siya ng lalaki palapit dito.

Napangiti si Inna. Iniyakap naman niya ang mga braso sa leeg ni Havoc at naglalambing na inihilig ang ulo sa dibdib nito. Marahan silang sumasayaw sa tugtog ng malayos na musika.

Inna felt complete at the very moment. Parang nakalimutan niya lahat ng hirap at sakit na naranasan dahil sa asawa. When she was with Havoc, Inna felt like a queen. Havoc’s queen. At gusto niyang manatiling reyna sa buhay nito.

“Tesoro?”

“Hmm?”

“I want to be your queen,” pabulong niyang sabi.

“You are,” Havoc whispered and kissed her forehead. “You are my queen, my Inna.”

Inna closeed her eyes and tightened her embrace around Havoc’s neck.

Tesoro, adesso, lo so che te amo.