C hapter Thirty-one
NAGISING si Havoc na wala na si Inna sa kama. Kunot-noong bumangon siya, naghilamos at nag-tooth brush bago hinanap si Inna. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang babae sa kusina na nagtitimpla ng gatas ni Serenity. Parang nagmamadali ito.
Havoc looked at her clothes. “Going somewhere?”
Bahagyang napaigtad si Inna nang magsalita siya sa likuran nito. Nilingon agad siya ng babae.
“Tesoro…”
“Saan ang punta mo?” tanong niya habang nakahilig sa hamba ng pinto ng kusina at nakatingin dito.
Tinapos ni Inna ang pagtitimpla ng gatas ni Serenity bago humarap sa kanya. “Kitten’s milk and breakfast are ready. Pakainin mo na lang. Mamayang five pa ng hapon ang out ko sa trabaho—”
“No. You’re not going to work,” sabi niya. “I won’t let you.”
“Havoc—”
“No. Sobra-sobra na ang pagtatrabaho mo sa nakalipas na tatlong taon. Hindi ako papayag na mapagod ka ulit dahil sa trabaho.” Umalis si Havoc sa pagkakahilig sa hamba at naglakad palapit dito. “Rest, Inna.” He kissed her forehead. “Please? Ayokong magkasakit ka na naman sa sobrang pagod. I’m here now. Let me take care of you and Serenity.”
Napatitig si Inna sa kanya. “I have to help, tesoro. Ngayon lang naman `tong pagwe-waitress ko. Kapag naayos na ang mga papeles ko, makakahanap ako ng mas magandang trabaho na ipagmamalaki mo.”
“Inna…” Umiling siya. “It’s not about you working as a waitress. It’s about you resting and letting me work for us. Ayos lang naman kahit anong trabaho mo, pero hindi ngayon. Ako naman ang magtatrabaho. Magpahinga ka na lang.”
“But, tesoro— ”
“Be with our little kitten, Inna. Ako na ang bahala sa lahat. Basta dito ka lang sa tabi ko at sa anak natin. And if you really want to work, rest for a year or two first. Hahayaan naman kitang magtrabaho, huwag lang ngayon.”
Napabuntong-hininga si Inna saka kinuha ang cell phone sa bulsa. “Let me call my boss. Baka kulangin sila sa staff dahil hindi na ako papasok.”
That made him smile. “Thank you. I just want you to rest—”
“Kung ganoon, huwag mo akong puyatin sa gabi,” pabiro nitong sabi. Mayamaya pa, may kinausap na uli ito sa cell phone.
Napailang na lang si Havoc saka sinundan si Inna. Bahagya kasi itong lumayo para makipag-usap sa cell phone.
Niyakap niya ito sa baywang mula sa likuran saka hinalik-halikan ang batok. Siniko siya ni Inna nang bahagya itong dumaing habang may kausap sa cell phone.
Havoc just chuckled and continued kissing her nape.
“Sige, Ma’am, thank you. Pasensiya na ho talaga at hindi ko personal na sinabi.”
Nang patayin ni Inna ang tawag, humarap ito at tiningnan siya nang masama. “That wasn’t nice, tesoro. ”
“I miss you,” sabi niya saka ito hinalikan sa mga labi. Agad naman nito iyong tinugon.
Nang maisandal niya si Inna sa hamba ng pinto ng kusina, pumasok ang kamay nito sa loob ng T-shirt niya. Hinaplos ng babae ang katawan niya.
Nanggigigil na kinagat ni Havoc ang ibabang labi ni Inna. Papasok na sana ang kamay niya sa loob ng pantalon nito nang may marinig silang nag-iingay na kuting.
Havoc and Inna both groaned in disappointment. They both knew what that meant.
“Kitten…”
“Little kitten is awake,” mahinang sabi ni Havoc saka lumayo kay Inna. “Later… Tonight.”
Inna just smiled mysteriously.
“Come on, my Inna. Please? Tonight?”
Their kitten purred again.
Inna laughed. “Go on, Dada Meow. Kitten is calling.”
Havoc sighed and groaned. “Fine. But later.”
Ngumiti lang si Inna.
“I’ll lick you.”
Inna chuckled.
“Inna, come on. I’ll make you scream.”
Sa wakas, tumango rin ito. “Oo na. Puntahan mo na ang kuting natin nang makapag-agahan na.”
Havoc grinned. “Copy that, boss.”
Nangingiting pinuntahan niya ang hagdanan. Pabiro niyang sinilip ang anak na nasa itaas na baitang ng hagdan habang nakaupo.
“Dada Meow?”
“Yes, little kitten?” Umakyat si Havoc sa hagdan at binuhat ang anak. “Hungry?”
Serenity shook her head before replying. “Mimi.”
Mimi means milk bottle. Ngayon, hindi na siya naguguluhan. “Gumawa na si Mommy ng mimi. And it’s cold.”
“Yey!” Pumalakpak si Serenity. “Ammy… Ammy… Pletty.”
“Yes.” Havoc smiled. “Your mom is definitely pretty and very hot.”
Serenity blinked at him in confusion. “Ammy at?”
“Yes, mommy is very hot.”
Umiling si Serenity na parang diring-diri. “ Selenity don’t like at.”
Tumawa lang si Havoc saka pumunta sa kusina. “Mommy, we’re here,” sabi niya. “Little kitten is awake.”
Agad itong kinuha at binuhat ni Inna saka ibinigay ang milk bottle. “Breakfast,” sabi nito.
Serenity immediately drank her milk while Havoc opened the fridge to look for something to cook for breakfast. Nang makahanap ng lulutuin, agad niya iyong inihanda at nagluto. Inaaliw naman ni Inna si Serenity na gustong magpabuhat sa kanya.
“Dada Meow! Dada Meow!”
“Wait, little kitten, Dada is cooking—”
“Dada Meow!”
Nang mag-umpisa na itong umiyak, binuhat niya si Serenity habang nagluluto. Ingat na ingat si Havoc na hindi matalamsikan ng mantika ang anak.
“Ako na ang magluluto,” sabi ni Inna.
“No. I can do it,” sabi niya. “Just sit there and be a queen. That’s what you are to me, my Inna.”
Kitang-kita niya nang pigilan ni Inna ang pagngiti habang nakatingin sa kanya. “Ewan ko talaga sa `yo, tesoro. ”
Ngumiti lang si Havoc saka ipinagpatuloy ang pagluluto. Nang matapos magluto, magaan sa pakiramdam na naghain siya sa mesa habang buhat pa rin ang kuting nila. Pinaupo niya ito sa gitna ng mesa.
“You’re pampering me,” sabi ni Inna nang makaupo siya.
Nilagyan ni Havoc ng pagkain ang pinggan ni Inna saka tumingin dito. “Mahal kita, eh.”
He saw Inna still, take a deep breath and smile. “Mahal din kita.”
Havoc couldn’t stop himself. He leaned in and kissed Inna on the lips. Naisip lang niya ang ginawa nang tapos na. Mabilis siyang tumingin kay Serenity. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang pilit nitong inaabot ang agahang ginawa ni Inna para dito.
Napangiwi si Havoc nang kurutin siya ni Inna sa tagiliran.
“Behave.” Pinandilatan siya nito.
Pilyo lang siyang ngumiti saka umayos ng upo. Kinuha niya ang agahan ni Serenity saka pinakain ang anak.
As much as possible, Havoc didn’t want Inna to be tired. He’d make her happy, feel secure and well-rested. That was how he planned to make it up to his Inna. And if he had to do everything, he will.
PANAY ang tawa ni Inna habang pinagmamasdan ang mag-ama niyang naghahabulan at nagtatawanan sa dalampasigan. Sadyang binabagalan ni Havoc ang pagtakbo para hindi abutan si Serenity na tawa naman nang tawa at panay ang tili.
“No! Tap! Dada Meow! Tap! No! Tap! No!”
Natawa na rin si Inna nang maabutan ni Havoc si Serenity na panay ang sigaw.
“Ammy! Ammy? Elp! Ammy! Ammy!”
Mas lumakas pa ang tawa ni Inna nang makitang dinala ni Havoc ang anak sa dagat. Lumangoy ito sa malalim na bahagi. Si Serenity naman, naka-stretched ang kamay sa kanya na parang humihingi ng tulong.
“Ammy! Elp!” Serenity kept on squealing until she stopped.
Inna saw Havoc talking to their daughter. Nauwi sa masuyong ngiti ang tawa niya habang pinagmamasdan ang mag-ama.
Ilang linggo pa lang silang nakatira sa beach house nila, pero wala nang paglagyan ang kaligayahan niya. Being with Havoc again, having a complete and happy family for Serenity, it meant a lot to her. Seeing her daughter happy meant so much to her. Seeing Havoc pamper Serenity made her very happy. And receiving Havoc’s love everyday completed her.
In that one week, Havoc never opened up about marriage. Alam ni Inna na sinabi nitong bubuo sila ng masayang pamilya. Pero walang nabanggit si Havoc kung pakakasalan siya o kung kailan sila magpapakasal.
Ayaw naman niyang mag-demand. She’ll wait patiently for him to ask her. Siguro naman, darating ang araw na iyon. She just had to wait. That was what she’d do. Nahintay nga niya ang tatlong taon. Ito ba pa na magkasama na sila?
Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Inna nang makitang naglalakad palapit sa kanya si Havoc habang buhat si Serenity. Agad niyang kinuha ang tuwalya na dala saka ipinulupot kay Serenity.
“Are you cold, kitten?” tanong niya sa anak. “Did Dada Meow scare you?”
Serenity shook her head before extending her hand at her. “Ammy?”
“Yes, kitten?” Tinutuyo ni Inna ang basa nitong buhok. “What is it, kitten?”
Serenity opened her clenched fist to show her a simple gold ring with a stone resting on her palm.
Inna frowned. “Saan mo nakuha `yan, kitten?”
“Dada Meow.”
Kunot pa rin ang noong tumingin si Inna kay Havoc. May ideya na siya kung ano iyon, pero gusto niyang mula sa bibig nito marinig ang naiisip niya.
Tumiim ang titig niya sa lalaki. “Havoc…”
“Be my wife.”
Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. “Havoc…”
He smiled at her lovingly. “It’s not sinful to desire you anymore. I don’t have to be a sinful man just to have you now. After everything that happened to us, after the pain and suffering we felt because of what we did years ago, I think God would accept us now as we vow to love each other and be with one another in front of him at the altar.”
Nanubig ang gilid ng mga mata ni Inna. “Havoc…”
Havoc stepped closer to her and kissed her forehead. “I love you, my Inna. Mula noon, hanggang ngayon, at sa mga susunod pang mga taon na daraan. Even if God says it’s over, I know, in my heart, it will never be over. You will forever own my heart, my Inna.”
Tears rolled down her cheeks. “Thank you. And I love you, too, tesoro. I’ll prove it to you everyday of my life.”
Havoc shook his head, a soft smile on his lips. “No need to prove it to me. You already did. When you worked hard for two years just so you can come home and be with me. I will be the one who’ll prove my love to you everyday. From now till my very last breath.”
Naiiyak na tumango si Inna. Natawa siya nang sinubukang tuyuin ni Serenity ang mga luha niya.
“Go on, little kitten,” Havoc urged Serenity. “Put that ring on mommy’s finger.”
Nauwi sa mahinang hikbi ang tahimik na pag-iyak ni Inna nang isuot ni Serenity ang singsing sa daliri niya. Hindi maayos ang pagkakasuot niyon na ikinatawa niya habang umiiyak.
Si Havoc na ang umayos niyon. Pinagsalikop nito ang kamay nilang dalawa. “It’s not gonna be easy. Marriage is not like a walk in the park. But we’ll make it till the end, my Inna.”
Inna nodded, tears still falling on her cheeks. “Till the end, tesoro. ”
Havoc pressed his lips on hers. Inna chuckled when Serenity mimicked Havoc and pressed her lips on hers and Havoc’s as well.
Natatawang naghiwalay ang mga labi nila ni Havoc. Sabay nilang hinalikan si Serenity sa magkabilang pisngi.
“`Love you, kitten,” she said.
“Dada Meow loves you, little kitten,” sabi ni Havoc. Hinalikan nito ang pisngi at noo ni Serenity. “You’re daddy’s princess.”
Serenity giggled and kissed Havoc on the cheek. “Plincess! Selenity Plincess!”
Natawa na si Inna saka niyakap sa baywang si Havoc. Inihilig ang ulo sa balikat nito habang buhat pa rin nito ang anak nila.
She was a very lucky woman to be loved by Havoc Andrada.