C hapter Twenty-five
WHEN Havoc decided to move on, drinking `till he passed out was not a part of that. He was not moving on. He was still rooted in place and in time where Inna left him. Kaya hindi niya magawang pakinggan ang paliwanag nito kahit gustong-gusto niya. Natatakot siya na madagdagan na naman ang sakit na nararamdaman.
Hanggang kailan ba siya magiging ganito?
Bumuga siya nang marahas at napatingin sa kawalan. Naalala ulit niya si Inna. Ang napag-usapan nila, kung usapan mang matatawag iyon.
Fuck!
Tumayo si Havoc sa pagkakasalampak sa sahig. Umupo siya sa harap ng study table at binuksan ang laptop.
Inna sent me an e-mail, she said.
Sa dami ng natatanggap niyang e-mail araw-araw, siguradong natabunan na iyon. At sa mga panahong nag-send ito ng e-mail, siguradong iyon ang panahon na nagha-hallucinate siya na nakikita at naririnig niya ito. Ang panahong muntik na siyang mawala sa sarili.
Nagtagis ang bagang ni Havoc habang isa-isang tinitingnan ang sender ng mga e-mails niya tatlong taon na ang nakakalipas. He had to search via date for him to see her e-mail, if she did send him a message.
Halos dalawang oras ang naubos niya sa pagbubukas ng e-mails. Hanggang sa mabuksan ni Havoc ang isang e-mail galing kay reginadelatore na nagpakunot sa noo niya.
Tesoro, help me. Please? I’m in Switzerland right now. I don’t know anyone here. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naki-email lang ako sa Pinay na nakasama ko sa park na naawa sa akin. Please, I’m scared. I lost my bag and I don’t have anything. Hindi ko alam kung paano ako uuwi sa `yo.
Below that message was an address.
Hindi alam ni Havoc na nakaawang na pala ang bibig niya habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe na iyon.
Inna, what the hell happened to you?
Naramdaman ni Havoc na tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Parang sasabog ang isip at puso niya sa nabasa.
This message… It was sent six months after Inna left him. It had been in his inbox for more than two years.
Fuck!
Napasabunot si Havoc sa sariling buhok. “Fuck! Fuck! Fuck!” Inihilamos niya ang mga palad sa mukha at wala sa sariling napatayo. “What happened to her?”
Nagmamadaling kinuha ni Havoc ang cell phone sa bedside table saka tinawagan si Mr. Kim. “Hi. Can you find out what happened to Inna in Switzerland?” Ibinigay niya ang address na ibinigay ni Inna sa e-mail. “And can you look for this address?”
“Sure,” Mr. Kim confidently answered. “I’m actually already running some of my programs to find out what happened. Nahihiwagaan din ako kung bakit hindi ko siya nahanap noon. Maybe because I didn’t broaden my search. My attention got sidetracked because my wife just gave birth. I only focused my search here in the Philippines.”
“Thank you, Mr. Kim. Please call me immediately if you have any information regarding Inna.”
“I will.”
Nang patayin ni Havoc ang tawag, napatitig ulit siya sa e-mail na nabasa. Inna was lost and didn’t know anyone in Switzerland. Kababalik lang nito ngayon sa Pilipinas galing sa bansang iyon.
Mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse na nasa ibabaw ng bedside table. Nagmamadali siyang bumaba sa penthouse at pinuntahan ang kotse niya. Pinatakbo niya iyon papunta sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Inna, pero off daw nito.
“Fuck!” mahina niyang sabi habang nagmamaneho papunta sa address kung saan niya inihatid si Inna noong isang gabi. Pero sa gulat niya, walang bahay sa lugar na iyon. Lahat ay mga business establishments.
“Hell!” mahina niyang sabi saka inikot uli ang buong block. Pero wala siyang makitang bahay, apartment o condo. “Nasa tamang lugar naman ako.”
Kinabig ni Havoc ang manibela at inikot ang katabing block, pero wala pa rin. Hanggang sa napunta siya sa isang malaking park. Maraming pamilya ang nagpi-picnic at maraming batang naglalaro.
Dahan-dahan ang pagpapatakbo ni Havoc sa sasakyan. Hanggang sa may makita siyang bata na nasa gitna ng daan. Parang nawawala ito dahil nililibot ng bata ang tingin sa paligid habang umiiyak.
“Ammy? Ammy?”
Was she looking for her mommy?
Itinigil ni Havoc ang kotse. Lumabas siya sa sasakyan saka nilapitan ang bata. “Hey there.” Ikinaway niya ang kamay dito. “Nawawala ka ba?”
Humakbang ang bata paatras na parang natatakot sa kanya. “No stlangel .”
Natigilan si Havoc saka nginitian ang bata. “I’m Havoc,” pagpapakilala niya para hindi ito matakot. “I’ll take you to your mommy. Where is she?”
Panay lang ang hikbi ng bata habang umaatras. Sa takot na baka mahagip ito ng mga dumadaang sasakyan, binuhat niya ito at inalo-alo.
“Huwag ka ng umiyak. I’ll take you to your mommy. Nasaan siya? Ituro mo, dadalhin kita sa kanya.”
Kinusot-kusot ng bata ang hilam sa luhang mga mata. “Ice cleam ?”
Napangiti si Havoc dahil ang cute-cute nito. “Okay. We’ll go find an ice cream.”
“Kay.”
Iniwan ni Havoc ang sasakyan niya. Naghanap siya ng pinakamalapit na ice cream shop habang buhat pa rin ang bata.
DAY OFF ni Inna sa trabaho nang araw na iyon, kaya naman inilabas niya ang makulit niyang kuting sa park para makapaglaro ito sa labas. Habang pinagmamasdan niya ito, sumasaya ang puso niyang naninikip lagi.
It had been days since Havoc told her he wanted to move on. Kaya naman hindi na siya nagpakita sa lalaki. Hindi na niya ito pinuntahan sa club kahit gustong-gusto niya itong makita. Palilipasin muna niya ang isang linggo bago ulit ito puntahan. Havoc may be angry, but she will never give up on him.
Hindi nga siya sumuko noong nasa Switzerland siya. Ginawa niya ang lahat, makauwi lang. Ngayon pa ba na isang sakay lang ng bus, makikita na niya si Havoc? Hindi na libo-libong milya ang layo niya rito. Malapit na siya. Kailangan lang niyang tanggapin ang galit nito.
Pero umaasa si Inna na sana, magbago ang isip ni Havoc. Na sana, pakinggan nito ang paliwanag niya. Ang dahilan kung bakit nawala siya.
Ang dami niyang gustong sabihin kay Havoc. Ang dami niyang gustong ikuwento. Alam niyang may puwang pa siya sa puso nito. Alam niyang mahal pa rin siya ni Havoc. Pero ayaw niyang ipilit ang sarili sa lalaki hanggang galit ito sa kanya. Karapatan nitong magalit. Karapatan nitong itulak siya palayo pagkatapos ng mga nangyari sa kanila. Karapatan nitong kamuhian at saktan siya pagkatapos niyang mawala nang wala man lang paalam.
It took her three years to come back to Havoc. At sa nakalipas na tatlong taon, wala siyang naging maayos na tulog makauwi lang siya. Makita lang niya ulit ito.
Inna wanted to see Havoc so bad. Akala niya, matatanggap nito ang e-mail na ini-address niya sa club nito at ang e-mail na ipinadala niya gamit ang e-mail ng Pinay na naawa sa kanya. Nagkamali ba siya ng address at e-mail address na pinadalhan? Kaya ba hindi nito nabasa ang sulat niya? Kaya hindi siya nito pinuntahan sa Switzerland? Or maybe, he was just so mad at her. Ayaw niyang husgahan si Havoc. Wala siyang alam sa nangyari sa lalaki at pinagdaanan nito para mag-isip siya nang masama.
Pero kahit na galit na galit si Havoc sa kanya, nagawa pa rin nitong alagaan siya noong may sakit siya.
Bumuntong-hininga si Inna saka umayos sa pagkakaupo sa bench ng park. Hindi niya inaalis ang tingin sa kuting niyang masayang naglalaro sa sandbox.
Natutuwa siyang nailabas niya ito. Alam naman niyang kulang siya sa oras dahil sa trabaho niya. Kaya laking pasasalamat niya kay `Nay Daniela, ang may-ari ng apartment na inuupahan niya. Napakalaki ng naitulong sa kanya ni `Nay Daniela, lalo na sa pagbabantay sa makulit niyang kuting na lagi siyang hinahanap.
`Nay Daniela was a God-send to her. A true angel in the darkest moment of her life. Kung wala ito, hindi niya alam kung siya pupulutin. Kung wala ang tulong nito, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Bumuntong-hininga si Inna. Tumayo siya at nilapitan ang kuting niya. “Hello there, my kitten.” Binuhat niya ito. “Are you happy?”
Her kitten smiled sweetly. “ Appy! Mommy, appy !” Then she pretended like a cat like she always did. “Meow… Meow…”
Masaya siyang napangiti sa pagkabulol ng anak. Well, she was just twenty-four months old. She was still learning to talk, but she was a smart kid. She could understand her very well.
“Gusto mo bang umuwi na tayo?” tanong niya nang makaupo sa bench. Pinaupo naman niya ito sa mga hita niya, paharap sa kanya. Pinunasan niya ng wet wipes ang kamay, paa at braso ng kanyang anak.
“No!” Biglang nalukot ang mukha nito. “Play! Play!”
Natatawang tumango si Inna saka sinuklay ang buhok nito gamit ang daliri niya. Inayos niya ang pagkakatali ng mahaba nitong buhok. “Gusto mo pang maglaro?”
Sa halip na tumango, itinuro nito ang seesaw. “Play, ammy . Play.”
Hinawakan ni Inna ang mukha nito at pinanggigilan ang pisngi. “Hindi ka pa puwede doon, kitten. You’re still too young.”
Humaba ang nguso nito. “Ice cleam ?
Inna chuckled. “You want ice cream? Anong flavor ang gusto mo, kitten?”
“Stlawbelly!” her kitten said while grinning from ear to ear. “And chotolate! ”
Inna laughed. “Wow! Two flavors! Yummy!”
Her kitten cupped her own chubby cheeks, her eyes tantalizing. “Yum! Yum!”
Pinanggigilan ni Inna ang pisngi nito na sobrang cute na cute. “You’re such a cutie. You always make mommy happy.”
“ Appy… Mommy, appy! ”
Masuyo niyang niyakap ang anak. Hinalik-halikan niya ito sa noo at ulo. “Soon, baby. Magiging buo rin tayo. Hintay lang. Makakasama mo na rin ang daddy mo.”
“Addy?”
Pinakawalan ni Inna ang anak sa mahigpit na pagkakayakap. Tumango siya saka ito nginitian. “Yes. Daddy is a nice man. You’ll see him soon. He will love you so much, kitten.”
Pumalakpak pa ang anak niya saka itinuro ang ice cream cart.
“Ice cleam ? Want cleam! Want cleam! ”
Natatawang binuhat ni Inna ang saka naglakad papunta sa ice cream cart.
“Ano ho ang sa inyo, Ma’am?” tanong ng vendor.
“Strawberry and chocolate. One scoop each,” sagot niya.
Ibinaba niya ang anak dahil nagpapababa ito.
“Kitten, don’t move,” bilin niya sa anak.
Ngumiti lang ang anak niya saka ilang hakbang na naglakad papunta sa seesaw.
“Kitten!”
Tumigil naman ang anak niya sa paglalakad saka humarap sa kanya. “Play… Pease ?”
Napabuntong-hininga si Inna. “Later. You want ice cream, right? It’s yummy.”
Her kitten pouted her lips as she slowly walked back to her. Ibinalik naman niya ang atensiyon sa vendor. “Magkano po?”
“Beinte lang, Ma’am.”
Agad siyang kumuha ng pera sa bulsa saka iniabot sa vendor kasabay ng pag-abot din nito sa kanya ng ice cream na nasa ice cream cone.
“Salamat, Manong,” sabi ni Inna bago humarap sa anak. Pero wala na ito sa kinatatayuan kanina.
“Kitten?” Kinakabahang inilibot ni Inna ang tingin sa buong park. Kinabahan siya nang makitang wala sa paligid ang kanyang anak.
“Kitten? Kitten?” kinakabahang tawag niya. “Kitten? Please, it’s not nice to hide from mommy.” Pero hindi lumabas ang anak niya na lalong ikinatakot ni Inna. “No… Kitten!”
Nabitawan ni Inna ang ice cream na hawak saka takot na hinanap ang anak.
“Kitten? Kitten?” Palinga-linga siya habang tinitingnan ang buong park. “Kitten?”
Lahat ng playground sa park ay pinuntahan ni Inna. Lahat ng malalaking halamanan ay sinuri niya. Lahat ng puwede nitong pagtaguan, pinuntahan niya. Para na siyang nababaliw sa paghahanap sa anak. Hindi niya alam kung saan ito hahanapin.
Nanginginig ang mga kamay na tinawagan niya si `Nay Daniela. “`Nay, si Kitten… nawawala.” Naiiyak na siya sa takot. “Katabi ko lang siya kanina, eh.”
“Don’t panic,” agad nitong sabi. Pinapakalma siya nito. “Pupuntahan kita sa park.”
Pinatay ni Inna ang tawag. Inikot ulit niya ang park. Ipinapakita niya ang larawan ng anak sa lahat ng nakakasalubong niya. Itinatanong kung may nakita ang mga ito na batang ganoon ang hitsura. Pero laging iling ang sagot ng mga napagtatanungan niya.
Hindi mapakali si Inna. Ang daming senaryong pumapasok sa isip niya. Parang sasabog ang dibdib niya sa takot na hindi na makita ang anak.
“Please, God, not my baby. I know, I’m a sinner, but please, not my baby.” Iyon ang sinasabi niya habang iniikot ulit ang buong park.
“Inna!”
Para siyang nakahinga nang maluwang nang makita si `Nay Daniela na takbo-lakad ang ginawa palapit sa kanya.
“`Nay!” Humawak ang nanginginig niyang mga kamay sa kamay nito. “Hindi ko pa rin siya mahanap.”
“Maghiwalay tayo,” sabi nito. “Dito ka sa park, doon ako sa labas.”
Mabilis siyang tumango. Inulit ni Inna ang pag-ikot sa park habang tinatawag ang pangalan ng anak. Pero hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang umikot sa buong park. Hindi pa rin niya nakita si Serenity.
NAKATITIG lang si Havoc sa batang babaeng tahimik na kumakain ng ice cream. Kanina pa niya ito kinakausap, pero hindi siya nito sinasagot. The kid won’t tell him her name or the name of her mother. Basta kumain lang ito ng ice cream habang nakaupo silang dalawa sa loob ng isang ice cream shop.
“Baby, what’s your name?” he asked again.
Tiningnan lang siya ng bata bago ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
Tiningnan ni Havoc ang relong pambisig. It had been an hour since he saw the child. Siguradong nababaliw na ang mga magulang nito sa kahahanap.
I have to take her back to the park.
Pero ayaw umalis ng bata sa ice cream shop. Panay ang turo nito ng flavor ng ice cream.
“Balik na tayo sa park?” nakangiting tanong niya.
The kid just kept on licking the chocolate ice cream. Havoc sighed. Matigas din ang ulo ng batang ito.
“Ano pangalan ng mommy mo?”
The kid stopped eating before looking at him. “Nalyn.”
“Nalyn?” Thank God, she finally answered him. “Where is Mommy Nalyn now?”
“Ice cleam. ”
Natigilan si Havoc at napakurap-kurap sa bata. “Ice cream?”
Tumango ang bata saka bumalik sa pagkain ng ice cream. Napabuntong-hininga na lang si Havoc. Kakausapin ulit sana niya ang bata nang biglang may pumasok sa ice cream shop.
“Serenity!”
The kid blinked at the older woman. “`Nay La!” She automatically grinned. “`Nay La!” She raised her hands. “Up. Up.”
Agad naman itong binuhat ng babae. Puno ng pag-aalalang hinaplos nito ang likod ng bata. “Pinag-alala mo kami.”
Ngumiti lang ang bata. “Ice cleam, `Nay La.”
“Later, baby. Ibabalik muna kita kay Mommy mo.” Tumingin sa kanya ang babae. “Maraming salamat. Maraming-maraming salamat, Sir.”
Tumango lang si Havoc. Napatitig siya sa bata na masayang kumakain ng ice cream habang nakayakap sa babae.
Serenity…
Napangiti si Havoc nang maalalang iyon ang gusto niyang pangalan para sana sa magiging anak nila ni Inna.
“Bye, Serenity,” sabi niya sabay kaway sa bata nang paalis na ang mga ito.
Serenity stopped eating her ice cream before waving her hands good-bye at him.
Something tugged his heart. Maybe because the name Serenity meant so much to him. That was why.
Napailing na lang si Havoc. Napabuntong-hininga siya saka lumabas sa ice cream shop para ipagpatuloy ang paghahanap sa posibleng tinutuluyan ni Inna.