C hapter Seventeen
NAKAHINGA lang nang maluwang si Inna nang maramdamang umangat ang pribadong eroplano na sinasakyan nila sa ere. Napatingin siya sa labas ng bintana at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Nakatakas na siya kay Monti. Pero bakit pakiramdam niya, hindi pa rin siya malaya?
Maybe because she was still married to him.
I have to divorce him. Soon.
Napatingin si Inna sa katabi nang maramdamang may humawak sa kamay niya.
“Hmm?” she hummed at Havoc.
He looked into her eyes. “You okay?”
Tumango si Inna. “Yes.”
Pinisil ni Havoc ang kamay niya. “Nandito lang ako, Inna.”
Lumamlam ang mga mata niya. “Pasensiya ka na. Nadamay ka sa gulo ng buhay ko. I dragged you into this mess—”
“In my own volition,” putol ni Havoc sa iba pa niyang sasabihin. “Ginusto ko `to kaya wala kang kasalanan.”
Nagbaba siya ng tingin. “Kahit na.” Nakagat niya ang ibabang labi. “I was ashamed to tell you why I married him. No, more like, scared. Baka kasi isipin mong ganoon akong klaseng babae. Na magpapakasal para lang sa pera.”
“Inna…”
Nangilid ang luha sa mga mata niya. “Pinakasalan ko si Monti dahil sa pera. `Yon ang totoo. Kailangan kasi ng pamilya ko. Hindi ko sinabi kasi baka isipin mo, peperahan lang din kita. Nahihiya ako na ang babaeng pinapahalagahan mo ay mukhang pera.”
“Inna!” Havoc exclaimed. “That’s not true and you know that.”
“Hindi ba?” Ibinalik niya ang tingin kay Havoc. “Kahit saang anggulo tingnan, pera pa rin ang dahilan kung bakit ako nagpakasal kay Monti. Pera lang. `Yon lang ang habol ko sa kanya. Kung nalaman mo `yan noon, papahalagahan mo pa rin ba ako?”
His face softened. “My Inna, even if you tell me that you only want my money, I will never believe you. I know I’m special to you. I can feel it in your embrace and in your kisses. Hindi ako tanga para hindi `yon maramdaman.”
Her heart felt happy. “You believe in me that much?”
“Don’t you… believe in me?”
“I do,” mabilis niyang sagot. “I believe in you.”
“Good.” Pinisil ni Havoc ang pisngi niya. “And let’s not talk about Monti or your reason in marrying him. Hindi ka mukhang pera. Period.”
Matiim siyang napatitig kay Havoc. “Thank you for coming into my rescue.”
“Of course.” Havoc smiled at her. “You’re my Inna. I will always be there for you.”
Dinala niya ang kamay nito sa kanyang bibig. Hinalikan niya iyon habang titig na titig pa rin sa lalaki. “I miss you,” bulong niya habang magkatitigan sila.
“Me, too.” Hinaplos ni Havoc ang pisngi niya. “Hindi nga ako makatulog nang maayos sa kaiisip sa `yo.”
Umangat ang kamay ni Inna. Hinaplos niya ang ilalim ng mga mata nito. “You have dark bags under your eyes. You should rest.”
“Now that you’re by my side, I will.”
Napangiti si Inna saka tinapik ang balikat. “Babantayan kita.”
Nangingiting humilig sa balikat niya si Havoc habang magkahawak pa rin ang kamay nila. Hinaplos niya ang buhok at pisngi nito habang mahinang kumakanta. Naramdaman na lang ni Inna ang malalim nitong paghinga. Tumigil siya sa pagkanta at tumingin sa labas ng bintana ng eroplano.
Siguradong galit na galit ngayon si Monti. Sa halip na asikasuhin niya ang divorce nila, tumakas sila ni Havoc pabalik sa Pilipinas. Baka kasi gamitin ni Monti ang koneksiyon at kapangyarihan nito para hindi sila makaalis sa Italya. Oo nga at kasama niya ngayon si Havoc, pero hindi pa rin siya malaya. Kasal pa rin siya.
Malalim na napabuntong-hininga si Inna saka ipinikit ang mga mata. Nasisiguro niyang susundan sila ni Monti. He was a powerful man. He will do anything to drag her back to his mansion. Pero hindi na siya makakapayag. Kailangan niyang panindigan ang desisyon at ang gusto niya.
Humigpit ang hawak ni Inna sa kamay ni Havoc habang pinipilit ang sarili na matulog para makapagpahinga. Who knows what will happen to them when they arrived in the Philippines? Baka may mga tauhan na roon si Monti na nakabantay sa kanila.
Thankfully, opposites happened. Nang makarating sila sa Pilipinas, walang pumigil sa kanila. Kumuha lang si Havoc ng damit sa penthouse nito. Dumeretso sila sa Temptation Island kung saan wala raw makakakuha at makakapanakit sa kanya na sinang-ayunan naman ni Inna.
Monti couldn’t enter the island since he was not a member. She was safe there.
I hope.
MAHINANG napadaing si Inna nang maramdaman ang kiliti at haplos sa maseselang bahagi ng katawan niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Napangiti siya nang makita si Havoc na hinahalikan ang hubad niyang katawan.
“Tesoro…”
Nginitian siya nito saka hinalikan sa mga labi. “Good morning.”
“Good morning,” bati rin niya habang iniinat ang mga braso at naghihikab. “You woke up early.”
“That’s because I want to make love to you,” pilyo nitong sagot.
Nangingiting iniyakap ni Inna ang mga binti at hita sa baywang ng lalaki. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi nito. “There… Let’s make love.”
Havoc rubbed his length against her wetness. “I would love to, but we have an appointment.”
Inna frowned. “Appointment? Kanino?”
“My cousin.”
She blinked. “Ano ang appointment natin sa pinsan mo?”
“She’s an international lawyer,” sabi ni Havoc habang hinahalik-halikan ang kanyang pisngi papunta sa leeg at pabalik sa mga labi niya. “She can help us with your divorce.”
Nagliwanag ang mukha ni Inna sa narinig. “Really?”
Havoc smiled at her before dropping three small kisses on her lips and chin. “Yes. Really. Now, get dressed before I ravage you again.”
Napangiti si Inna sa sinabi ng lalaki. Kinurot niya ito sa tagiliran. “Ikaw talaga. Hindi ka pa nagsawa kagabi?”
Matiim na tumitig si Havoc. “Hinding-hindi ako magsasawa sa `yo. Kaya asahan mong gabi-gabi kitang aangkinin.”
Nag-init ang mukha ni Inna. “I’m still married though.”
“You’ll be officially mine soon, Inna.” Hinalikan siya ni Havoc sa noo. “Now, get up. Take a bath and get dressed.”
Kinagat ni Inna ang ibabang labi. “Hindi ka sasabay sa aking maligo?” pang-aakit niya.
Havoc groaned before dropping himself on the bed, beside her. “Don’t temp me, my Inna. Kanina pa ako nagpipigil.”
Mahina siyang natawa saka bumangon at umalis sa kama. Nang makapasok sa banyo, agad siyang naligo. Napangiti na lang si Inna nang may yumakap sa kanya mula sa likuran.
“Akala ko ba, ayaw mo?” tanong niya nang umikot siya paharap dito.
Havoc shrugged. “I’m just a man wrapped around your fingers, my Inna,” sagot nito. Sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya habang parehas silang nasa ilalim ng malamig na tubig ng shower.
Mapusok ang halik ni Havoc na mainit din niyang tinugon. Nang isandal siya nito sa malamig na tile ng banyo, nagpaubaya si Inna. Napaungol siya nang bumaba ang mga labi nito sa hubad niyang katawan.
Napasabunot na lang si Inna sa buhok ni Havoc nang umpisahan nitong kainan ang pagkababae niya. Malikot ang dila nito. Mainit, mapusok at nanunudyo. Sarap na sarap siya sa ginagawa nito.
“Havoc… Oooh!” ungol niya habang nakasabunot pa rin sa buhok ng lalaki. Lalo niyang inilalapit sa bibig nito sa kaselanan niya. “Oooh, yes, Tesoro. Lick me more—Oooh! Yes! Oooh… Uhm…”
Pabaling-baling ang ulo ni Inna habang kagat ang ibabang labi. Napapaliyad ang katawan niya. Naramdaman niya ang panginginig ng mga hita at mga tuhod nang maramdamang lalabasan na siya. And when Inna reached her orgasm, she screamed in pleasure as her body arched seductively.
Hindi pa siya nakakabawi ng hininga nang patalikurin siya ni Havoc. Inangkin siya nito mula sa likuran.
Dumiin ang mga palad ni Inna sa malamig na tile habang naglalabas-masok ang kahabaan ni Havoc sa loob niya. Mainit siya nitong inangkin. Napuno ng mga ungol at daing nila ni Havoc ang banyo hanggang sa sabay nilang naabot ang sukdukan ng kaligayahan nila.
INAYOS NI Inna ang damit nang makapasok sila sa Gyros. Dito raw nila imi-meet ang pinsan ni Havoc. Agad naman siyang inalalayan ni Havoc papunta sa gilid ng mesa kung saan may nakaupong magandang babae. Nakaharap ito sa laptop at halatang busy.
“Someone’s busy,” sabi ni Havoc nang makalapit sila.
Agad na nag-angat ng tingin ang babae. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito nang makita si Havoc.
“Coz!” Tumayo ito at yumakap kay Havoc. “It’s nice to see you again,” sabi nito. Umalis ito sa yakap ni Havoc bago bumaling sa kanya. “Hi. You must be Inna.”
Tumango si Inna saka tipid na ngumiti. Inilahad niya ang kamay. “Inna Pauline Velasquez. Nice to meet you.”
The woman smiled. “Fyre Alvero,” pagpapakilala nito saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. “Havoc’s cousin.”
Pinakatitigan ni Inna si Fyre. She looked like a strong independent woman. Oozing with confidence and self-respect. There was no doubt that Fyre was also smart since she was an international lawyer.
“It’s really nice to know that an international lawyer will be helping me with my divorce,” sabi niya.
Napailing si Fyre saka tiningnan nang masama si Havoc. “Ano na naman itong ipinagkakalat mo, ha? I’m not yet an international lawyer. I’m still in the process of becoming one.”
“You’re smart. I know you’ll be an international lawyer two years from now,” sabi ni Havoc na ikinailing ni Fyre.
Tumingin sa kanya ang babae. “I’m still on the process of becoming an international lawyer. But I can help you with your divorce.”
Inna smiled. “If Havoc says you can help, I’m sure you can.”
Fyre smiled back. “I can and I will help.”
“Thank you.”
Itinuro ni Fyre ang dalawang upuan na kaharap ng upuan nito. “Have a seat. Pasensiya na, nauna akong um-order.”
Si Inna lang ang umupo.
“I have to talk to someone to make sure you’re safe,” sabi ni Havoc saka nagpaalam sa kanila ni Fyre. “Take care of my Inna, Fyre.”
Nakangiting tumango si Fyre. “I can do that.”
Nang makaalis si Havoc, tinanong niya si Fyre. “Are you a member here or a guest?”
“Neither.”
Inna frowned. “Kung ganoon, paano ka nakapasok?”
“Havoc called me saying he needs my help and he’s on Temptation Island. After that, I called Lucas since I know he’s one of the owners of this sex island. He’s also my client. So, I asked him a favor. So, here I am.” Fyre smiled confidently. “Not a member, neither a guest. Just a plain visitor.”
Napatango-tango si Inna. “Pasensiya na kung nagtanong ako.”
“That’s okay.” May inilabas na notepad si Fyre mula sa bag nito saka tumingin sa kanya. “So… let’s start with the reason why you’re divorcing your husband.”
That’s easy .
“I don’t love him. Sinasaktan niya ako at ikinukulong sa bahay. Ayaw niya akong palabasin.”
May isinulat ang babae sa notepad bago ulit nagtanong. “Ilang taon na kayong kasal?”
“Two years,” Inna answered.
“Saan kayo nagpakasal?”
“Italy.”
“Sa dalawang taong pagsasama n’yo, ilang beses ka niyang sinaktan?”
Nakagat ni Inna ang ibabang labi. “I can’t say. Matagal na niya akong sinasaktan Some are minor like gripping my jaw and my neck. But most of the time, it’s severe. Pero ang pinakamalalang pananakit na ginawa niya sa akin ay ngayon-ngayon lang. Nang malaman niyang sumama ako kay Havoc.”
Napatigil sa pagsusulat si Fyre sa notepad at napatingin sa kanya. “So, you cheated on him, that’s why he beat you up?”
“He cheated on me first with lots of women.”
Napatango-tango si Fyre saka bumalik sa pagsusulat. “So… what do you want in this divorce? His wealth, his assets—”
“Nothing,” mabilis niyang sabi. “I want nothing, but my freedom.”
Fyre stopped writing and leaned in on the back of her seat before looking at her. “You don’t want anything but your freedom,” ulit nito saka kumunot ang noo. “Why did you marry him in the first place?”
Sasagot na sana siya nang magsalita ulit si Fyre.
“Don’t get me wrong, okay? I’m curious. I, myself, dislike men who hurt women just because they’re physically stronger than us. But, is there a reason why your husband is hurting you? Or is it just a random beating with no reason at all?”
Nag-iwas ng tingin si Inna. “I won’t let him touch me like how a husband would touch his wife. May mga pagkakataon na sinasagot ko siya at hindi niya nagugustuhan ang sagot ko kaya nasasakal niya ako. Nang malaman niyang may karelasyon akong ibang lalaki. I don’t think he cares. He slept with a lot of women in two years. He doesn’t love or respect me. So, why does he want to cage me?”
“Why ask your attorney?” tanong ng isang boses na naging dahilan ng panlalamig ni Inna sa takot. “Why don’t you ask me instead?”
Takot na dahan-dahan siyang tumingin sa nagsalita. Kinain ng kaba si Inna nang makitang tama ang narinig niya. Si Monti nga ang may-ari ng boses na iyon!
Paano ito nakapasok sa isla?