C hapter Eighteen
PAREHAS silang walang imik ni Fyre nang umupo si Monti sa upuan na para sana kay Havoc. Nanlalamig ang buong katawan at nanginginig ang mga kamay ni Inna. She was mentally and emotionally scared of Monti.
“So…” Monti drawled. “Inna—”
“Why did you hurt her?” Si Fyre ang nagtanong na pumutol sa iba pang sasabihin ni Monti. Ikinagulat niya iyon.
Monti’s cold and unnerving eyes gazed at Fyre. “Who are you to ask? Are you Inna?”
“I’m her lawyer,” matapang na sagot ni Fyre. Hindi man lang ito natinag sa titig ni Monti. “And I believe I have the right to ask since I’m her attorney. Do you know how many cases I can file against you for beating your wife—”
“If you know how many cases you can file against me, I’m sure you know how to shut up.” Monti cut Fyre off before looking at her. “Now, Inna, what was your question again?”
Her tongue tied. Inna couldn’t speak because of fear that Monti might hurt her. “N-nothing—”
“Speak, Inna,” sabi ni Fyre na ikinatingin niya rito. “Hindi ka niya sasaktan. Hindi ako makakapayag. Ako ang bahala sa `yo.”
Kahit paano, nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin si Monti. “Please, let me go. I don’t love you. Even if you hurt me everyday and cage me, I will never ever love someone like you.”
Monti’s face remained stoic. “Why, Inna? I gave your family everything they need—”
“You don’t love and you don’t respect me—”
“You don’t know what I feel, Inna,” putol ni Monti sa iba pa niyang sasabihin habang nagtatagis ang mga bagang nito. “And respect is earned, not asked or given.”
Para siyang sinampal sa sinabi ng lalaki. “Don’t I deserve some respect from you?”
“Why? Did you respect me? As far as I know, before our marriage, you came here, on this island, and gave yourself to Havoc Andrada whom you didn’t even know. That’s disrespectful since you know you’ll be married to me. You have no right to ask for respect.”
Nagtagis ang mga bagang ni Inna. “You slept with a lot of women in two years of our marriage—”
“Did you see me sleep with them?” Monti countered. “Those are just words, Inna. You didn’t see me. You have no proof. But you choose to believe them because you want to believe that I’m a bad husband.”
Natigilan si Inna. “But you beat me up.” Nangilid ang mga luha niya. “You hurt me so much—”
“You cheated on me. What do you want me to do? Throw a party for you?”
Tinuyo ni Inna ang luha sa mga pisngi niya. “I don’t love you. Havoc is my happiness. I tried to stop. I tried to let go of my feelings for him, but it gets stronger everyday. What do you want me to do, Monti? My heart won’t stop beating for Havoc even if you cage me and beat me up.”
Hindi na nagsalita si Monti kaya naman naglakas-loob siyang tumingin dito. Inna immediately shrank away when she saw him looking at her intently. Like he was planning something wicked. And it scared her. Again.
Tumingin siya sa pinsan ni Havoc. “Fyre—”
“Let’s go,” sabi ni Fyre. Nauna na itong tumayo saka siya hinawakan sa pulsuhan. “Halika na.”
Nang makatayo si Inna, nagtaka siya nang lumapit si Fyre kay Monti. May ibinulong ang babae sa tainga nito bago siya hinila palabas ng Gyros. Nakahinga nang maluwang si Inna nang nakasakay na sila sa golf cart. Minamaneho iyon ni Fyre palayo.
“Anong ibinulong mo kay Monti?” puno ng kuryosidad niyang tanong.
Fyre shrugged as she answered. “I told him to wake up.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Inna. “Wake up from what?”
“From the nightmare he’s in.” Fyre sighed before shaking her head. “That man loves you, Inna. That’s why he’s like that. Hindi mo nakikita kasi masamang tao ang tingin mo sa kanya. Your mind is close to the possibility that he might be in love with you. But that doesn’t justify what he did to you. Being hurt by the ones you love doesn’t give you the right to hurt them back. Pero para sa akin na nakikinig sa usapan n’yo kanina, sa likod ng walang emosyon niyang mukha ay nagtatago ang sakit na ipinaparamdam mo sa kanya sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo.”
Inna looked at Fyre in astonishment. “He loves me?”
Tumango si Fyre habang nagmamaneho pa rin. “Kaya nga niyaya kitang umalis. You’re torturing him without even knowing it.” Itinigil ng babae ang sasakyan saka tumingin sa kanya. Tinitigan siya nito sa mga mata. “Hindi mo siya kailangang pagsalitaan ng masama. Makakaasa ka na magiging malaya ka sa kanya. Just give me a month. And no, Monti will not hurt you. You’re on Temptation Island. Men here are not allowed to hurt women without their consent.”
“C-consent?”
“Yes.” Fyre nodded. “BDSM.”
Inna blinked. “Of course. BDSM.”
Fyre smiled. “So, promise me one thing.”
“Ano `yon?”
“Don’t talk to Monti. Leave him to me. Ako ang bahala sa kanya.”
“Gladly.” Ngumiti si Inna. “Ayokong nakikipag-usap sa kanya.”
Fyre nodded. “Good. And please, don’t tell Havoc about what happened in Gyros.”
Tumaas ang kilay niya. “Bakit?”
“He’s overacting sometimes. Baka kung ano pa ang gawin niya.” Bumaba si Fyre sa golf cart at naglakad pabalik sa pinanggalingan nila.
“Fyre!” tawag niya.
Nilingon siya nito. “Yes?”
“Where are you going? Baka hanapin ka ni Havoc sa akin.”
Fyre smiled. “I’m going back to the restaurant. I have a demon to lure and to tame,” misteryoso nitong sagot bago nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa Gyros. Napatitig na lang siya sa likod ni Fyre.
A demon to lure and to tame? What did Fyre mean by that?
Lumipat si Inna sa driver’s seat ng golf cart saka nagmaneho pabalik sa cabin nila ni Havoc. Doon na lang niya hihintayin ang lalaki.
NAPABANGON si Inna nang pumasok si Havoc sa cabin nila. Halata ang iritasyon sa mukha nito.
“Okay ka lang ba?” agad niyang tanong sa lalaki.
Umiling si Havoc. Lumapit ito sa kanya at bigla na lang siyang niyakap nang mahigpit. “I’m so sorry. I can’t stop Monti. Nagpa-member siya rito sa isla.”
Alam na pala nito.
“Ayos lang `yon. Hindi naman niya ako masasaktan kasi nasa tabi kita.”
Havoc cupped her face. “But what if he tries to take you away from me again? Hindi ako makakapayag, Inna.”
Nginitian niya ang lalaki na halatang nag-aalala sa kanya. “To make sure of my safety, hindi ako lalabas sa cabin o lumabas man ako, kasama kita. How’s that?”
Unti-unting kumalma si Havoc. “Good idea.”
Nginitian niya ang lalaki kahit may takot pa rin siyang nararamdaman. “Paano raw nakapasok si Monti? Alam ba nila ang ginawa niya sa akin?”
Havoc nodded. “I can’t stop the Monasterio Brothers. They’re still the owners. Parang hindi sang-ayon si Lucifer na papasukin si Monti. Pero may tumawag at nag-back up kay Monti at siniguro na hindi mananakit si Monti sa isla.”
Kumunot ang noo ni Inna. “Sino?”
“Niccolo Racini, the first member of the island and a Spaniard count. I didn’t hear the name, but his surname is Velasquez. Kaapelyido mo, kaya naalala ko.”
Lalong kumunot ang noo ni Inna. “Wala akong kilalang Spaniard count na Velasquez ang apelyido. Maybe he’s Monti’s friend or connection.”
“Maybe.” Havoc gritted his teeth. “Pero kahit gaano karami ang koneksiyon niya, hindi ako makakapayag na makuha ka niya sa akin. No way, Inna. Akin ka.”
That made her heart swell. “Sa `yo naman talaga ako.”
“That’s good to hear. By the way, where’s Fyre?” Magkasalubong ang mga kilay ni Havoc. “Bakit hindi kayo magkasama?”
“Ahm…” Inna rolled her tongue in between her lips. “She’s busy with the divorce papers and such. Sabi niya, siya na raw ang bahala sa lahat. Makakalaya raw ako kay Monti kaya wala akong dapat na ipag-alala.”
Napatango-tango si Havoc ska siya niyakap. Nagulat si Inna nang ihiga siya nito saka kinubabawan.
“I don’t feel like making love,” agad na sabi niya sa isiping iyon ang gusto ni Havoc.
Havoc chuckled. “That’s not what’s on my mind.”
“Eh, ano?”
“Have a date with me.”
“Akala ko ba magandang ideya na hindi ako lumabas sa cabin para hindi ako makita ni Monti?”
“Hindi kita pababayaan. Just have a date with me,” sabi nito. “I’ll make it worth your while, my Inna.”
“Saan?”
“Sa likod ng isla.”
Kumunot ang noo niya. “Anong mayroon doon?”
“Surprise.”
“Okay.” Inna smiled. She wanted to be happy with Havoc. She won’t let Monti’s presence spoil her happiness. “Kailan?”
“Bukas ng umaga.”
“Ah.” Napatango-tango si Inna. “Ano’ng gagawin natin ngayon kung ganoon?”
“Easy.” Isa-isang hinubad ni Havoc ang damit niya. “Let’s make love.”
Inirapan niya si Havoc, pero hindi naman niya ito pinigilan. Nagpaubaya si Inna nang mapusok nitong niromansa ang kanyang kahubdan hanggang sa mainit siya nitong inangkin nang paulit-ulit. Napuno ng mga ungol at daing ang buong cabin hanggang sa ilang beses nilang naabot ang rurok ng kaligayahan.
Sabay na bumagsak ang katawan nila ni Havoc sa kama. Habol nila ang sariling hininga. Nang yakapin siya ng lalaki sa baywang, napangiti si Inna nang halik-halikan nito ang leeg niya papunta sa dibdib.
“Stop it…” she moaned. “I’m tired.”
Nangingiting kinubabawan siya ni Havoc. Hinalik-halikan nito ang mga labi niya.
“My Inna?”
“Hmm?”
“Do you love me?”
Inna looked straight into his eyes. “Do you?”
Ngumiti lang si Havoc saka siya hinalikan sa mga labi.
Inna cupped Havoc’s face. “Tesoro…”
Tumigil ito sa paghalik sa kanya saka siya pinakatitigan. “Yes?”
“Answer me. Do you love me?”
“Sa tingin mo?” he replied. “Imposible namang hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko.”
Inna looked straight into his eyes. “I can feel it. But I want to hear it from you.”
Inilapit ni Havoc ang mukha sa mukha niya saka bumulong malapit sa mga labi niya. “My Inna… Te amo. ”
Her heart beat faster and louder than ever before. There it was. The three magic words. The words that will bind her love with his. And she was speechless.
Inna knew Havoc loved her. She could feel it. Pero iba rin pala sa pakiramdam kapag narinig iyon mula sa bibig nito.
“How about you, my Inna?” Havoc asked as he looked deep into her eyes. “Do you love me like how much I love you?”
Tumango si Inna saka ito masuyong nginitian. Masuyo rin niyang hinahaplos ang pisngi nito. “Te amo, tesoro.”
“Say it in a language I understand.”
Iniangat ni Inna ang ulo para halikan sa mga labi si Havoc. Bumulong siya malapit sa mga labi nito. “I love you, Havoc Andrada.”
That made him smile. “It sounds better in English.”
Mahina siyang natawa. “Then why say it in Italian to me?”
“Because you’re fluent in Italian,” sabi ni Havoc. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. “I love you, too, my Inna.”
“That’s better,” panggagaya niya saka tumawa nang mahina. “What now?”
“What?” Havoc asked, frowning. “Hindi pa kita puwedeng pakasalan dahil kasal ka pa sa iba.”
Natigilan si Inna sa sinabi nito. “P-pakakasalan mo talaga ako?” gulat niyang tanong.
Si Havoc naman ang kumunot ang noo. “Bakit? Ayaw mo akong pakasalan?”
“No. I’m just stunned.”
“Why?”
“Kasi seseryosohin mo talaga ako,” sagot niya. “Hindi ko lang inaasahan.”
“Bakit naman?” Havoc asked. “Mahal kita. Bakit hindi kita seseryosohin?”
Inna shrugged. “Naisip ko lang.”
Halatang hindi nagustuhan ni Havoc ang sinabi niya. “Inna, ikaw lang ang babaeng bumaliw sa akin nang ganito. Ikaw lang ang babaeng ginusto kong agawin at maging akin. Ikaw lang ang babaeng sinundan ko sa ibang bansa. Alam ko kasi na mababaliw ako kapag nawala ka sa akin. At higit sa lahat, ikaw lang ang babaeng ipinaglaban ko nang ganito.”
Parang sasabog ang puso ni Inna sa sobra-sobrang emosyon. “Havoc…”
“Don’t you ever think that I won’t take you seriously,” sabi nito nang may diin ang bawat salita. “Mahal kita, Inna ko. Mahal na mahal kita. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng emosyon na `yon. Kaya huwag na huwag mong iisipin na paglalaruan kita. I can sacrifice everything for you. Hell, I even became a sinner because of you. But I don’t care about that. Yes, desiring you is sinful. But I rather be a sinner than miserable.”
Titig na titig siya kay Havoc. Hindi niya alam ang sasabihin kaya naman hinalikan na lang niya ito nang buong puso bago niyakap nang buong higpit.
Even Inna couldn’t explain how much she loved this man. She just felt it. And just like Havoc, she’d rather be a sinner than miserable.