noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 22

Ch. 23 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Twenty-two

“HAVOC! Havoc!” sigaw ng boses na kilalang-kilala.

Nakahiga si Havoc sa dalampasigan ng Temptation Island. Ginawa niyang unan ang parachute na ginamit niya pababa kanina.

“What?” he replied with a groan.

“Are you trying to kill yourself again?” pagalit nitong tanong.

Havoc opened his eyes and looked at Sav. “Now, why would I do that?”

Masama ang tingin na ibinigay nito. “We both know why. Jesus, Havoc! It’s been three years since she left you!” Sav let out an exasperated sighed.

Ipinikit lang ni Havoc ang mga mata sa mga sinabi ni Sav. “Fuck off.”

“Ikaw na nga `tong inaalala—”

“Just fuck off.”

“Havoc!”

“Fuck off, Sav,” sabi niya sa malamig na boses. “I don’t need a nagger.”

“No, you don’t. What you need is a wake-up call, Havoc.” Bumuga na naman nang marahas si Sav. “Inna is not coming back—”

“I said shut the fuck up!” malakas niyang sigaw na ikinatahimik nito.

And then seconds later, he heard Sav leave.

Nang matahimik ang paligid ni Havoc, doon lang siya kumalma. But the peacefulness he was feeling was ruined when that beautiful face invaded his mind. Pabalikwas siyang bumangon. Tinanggal niya ang parachute na nakakabit pa rin sa katawan niya. Iniwan lang niya iyon sa dalampasigan.

Pinuntahan ni Havoc ang cabin niya. Nagbihis lang siya saka lumabas para kumain sa Gyros. Nang makapasok siya sa restaurant, nilapitan niya ang mesa na lagi niya inuupuan. Pero may nauna ng umupo roon. But that didn’t matter to him.

“Get out of my table,” sabi niya sa dalawang nakaupo sa mesa.

Agad na sumama ang mukha ng lalaking kasama ng babae.

“At sino ka para paalisin kami?” Naghahamon ang boses nito.

Agad na nag-init ang ulo ni Havoc saka kinuwelyuhan ang lalaki. “Bakit? Lalaban ka?” He gritted his teeth. “Saang parte ng mukha mo ang gusto mong basagin ko?”

“Aba’t—”

Nauwi sa sakal ang pagkuwelyo niya sa lalaki. “I didn’t say you can talk.”

“Havoc!” Boses iyon ni Lucifer na halatang galit.

Tumingin siya kay Lucifer habang kinukuwelyuhan pa rin ang lalaki. “They’re using my table. Is he new?”

Lucifer sighed heavily. “Let him go.”

Nang hindi siya sumunod, si Lucifer na mismo ang nag-alis ng kamay niyang nakakuwelyo sa lalaki. “Enough is enough, Havoc.”

“They’re at my table,” matigas niyang sabi.

“No one owns a table here in Gyros, Havoc,” paalala ni Lucifer. “Marami namang mesa riyan—”

“I want this table.”

“Andrada—”

“I want this table, Monasterio.” Matalim ang mga matang tinitigan niya si Lucifer.

“No.”

Sasagot pa sana si Havoc nang may umakbay sa kanya. It’s Sav again.

“A-attend ka ba mamaya sa orgy party?” tanong nito.

Havoc looked at Sav flatly. “I told you to fuck off, didn’t I?” Inalis niya ang pagkakaakbay ni Sav saka malalaki ang hakbang na lumabas sa Gyros. But before leaving, Havoc flipped his favorite table, silencing the whole restaurant.

Bumalik si Havoc sa cabin niya. Pero hindi siya mapalagay roon kaya naman nag-impake siya at umalis sa Temptation Island. Dumeretso siya sa beach house niya.

Doon, tulad ng nakasanayan, nilunod ni Havoc ang sarili sa alak. Hanggang sa marinig niyang bumukas ang pinto ng bahay. Pumasok doon si Monti na may dalang dalawang bote ng Jack Daniels.

“Wanna drink some more?” Monti asked.

Havoc groaned. “What are you doing here?”

“Someone told me you tried to kill yourself again,” sabi ni Monti. Umupo ito sa sahig at binuksan ang Jack Daniels na dala.

He knew it was Sav. Again.

“That mother fucker is such a talker—”

“And I know you’ll say you didn’t.” Monti looked at him flatly. “Again.”

Havoc looked at Monti. “Because I really didn’t. I just jumped off a plane with parachute. What’s wrong with that?”

“It’s deadly,” sabi ni Monti.

“That’s why it’s called extreme sports,” pagdadahilan niya.

“And you pulled open the parachute when you were already near the water,” dagdag ni Monti. “Balthazar said he would never let you ride with him again. You scared the crap out of him. Akala raw niya hindi ka na aahon sa dagat.”

Havoc tsked and replied sarcastically. “I’m okay. I didn’t die.”

“You’re chasing death, Andrada,” sabi ni Monti. Sinalinan nito ng alak ang baso niya. “And we both know why.”

Agad niyang ininom ang laman na alak ng baso saka inabot ang isang Jack Daniels na dala ni Monti. Binuksan niya iyon at sa mismong bote uminom.

“Bakit hindi ka um-attend sa orgy party sa isla?” tanong nito. “Malay mo, makatulong `yon sa `yo.”

Uminom si Havoc saka bumuntong-hininga. “I still can’t do it. Ikaw?” Tumingin siya rito. “Why didn’t you attend?”

Tumingin si Monti sa kanya na parang napugutan siya ng ulo. “Are you kidding me? Fyre will skin me alive. Then she will gut, behead and leave me. No thanks. I’m not into that kinky stuff anyway.”

Mahina siyang natawa. Uminom na naman siya ng alak hanggang sa nangalahati ang laman ng Jack Daniels na hawak. “Sa tingin mo, nasaan kaya siya ngayon?”

Tinitigan siya ni Monti. “Andrada, stop torturing yourself. We both know that no one knows where she is for the last three years.”

Mapakla siyang tumawa. “Can’t help it. As you said, I’m chasing death. I want to die, Parisi. So bad.”

Monti tsked. “We are an odd duo.” Napailing ito. “I mean, you stole my ex-wife from me and I point a gun at you in anger and jealousy. We had a brawl over Fyre because you don’t like me for her. And now, we’re drinking like best buddies.”

Si Havoc man ay napailing din. “This is my karma for doing what I did.” Mapait siyang ngumiti. “Kung noon, nagdududa pa ako na itinatago siya ng mga magulang niya, ngayon, hindi na. Talagang iniwan niya ako. Even Mr. Kim can’t find her. Ako lang `yong totoong nagmahal sa aming dalawa.” Mabilis siyang uminom ng alak saka bumuga nang marahas. “Fuck it! Parang gusto kong tumalon ulit sa eroplano at nang matauhan ako.”

Mahinang natawa si Monti saka napailing. “It’s a good thing that we already made peace with our past. Kung hindi tayo nagkaayos, walang sasamang makipag-inuman sa `yo lagi. Lagi na nga akong napapagalitan ni Fyre sa kakasama ko sa `yong uminom, eh.”

Natawa si Havoc. “Bakit kasi sinasamahan mo ako?”

“Because I know what it feels like to be alone when you’re in pain.” Monti sighed. “It sucks. But you have to endure it and suck it up because no one really cares.”

Tumango si Havoc bilang pagsang-ayon. “We’re a weird duo indeed. Even Sav can’t fathom why we’re talking like friends when I stole your ex-wife.”

Monti laughed before drinking Jack Daniels from the bottle. “I can’t fathom it as well. Maybe Fyre’s niceness is rubbing off on me.”

Havoc snorted. “You wish.”

Naiiling na natatawa si Monti. “By the way, Lucifer asks me to deliver a message to you.”

Havoc frowned. “What?”

“He said fuck you for flipping the table. You’re banned on Temptation Island for two weeks.”

Umingos lang si Havoc saka nagkibit-balikat. “Whatever. Don’t care.” Napailing lang siya saka nagpatuloy sa pag-inom ng alak. Nag-usap lang sila ni Monti ng kung ano-ano hanggang sa malasing siya.

Nang magising si Havoc kinabukasan, wala na si Monti. Pero wala na rin ang kalat sa salas. Siya na lang ulit mag-isa.

Bumuntong-hininga si Havoc saka lumabas ng beach house. Nagpunta siya sa dalampasigan at napatitig sa karagatan. When he felt loneliness and hopelessness creeping in, he immediately shook his head and left the shore.

Sumakay si Havoc sa kotse niya at nagpunta sa club. Agad siyang nagsalin ng alak nang makarating doon. Natigilan siya nang may kumalabit sa kanya. Kunot-noong hinarap niya ang kumalabit sa kanya.

It was a woman. Beautiful and unappealing to him.

“What?” he asked grumpily.

The woman smiled. “I’m Leizel,” pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.

Havoc didn’t move. “So?”

“Sav sent me here.”

Doon kumunot ang noo niya. “Why?”

Nang-aakit itong ngumiti. “To make you happy.”

Havoc sighed and closed his eyes in annoyance. “How could you possibly do that when you’re not—”

Naputol ang iba pa niyang sasabihin. Napako siya sa kinatatayuan nang may lumapat na mga labi sa mga labi niya.

Havoc just stood there. Rooted in place. Stunned. This was his first time kissing a woman after Inna left him. He missed that carnal passion. But he missed that woman more.

“Inna…” mahina niyang daing nang mawala ang mga labi ng babae sa mga labi niya.

Iminulat ni Havoc ang mga mata. Napakurap-kurap siya nang makitang nakangiti ang babaeng humalik sa kanya. Parang nasisiyahan ito. Siya naman, wala sa sariling napatingin sa pinto ng club niya. Nakita niya roon si Inna na nakatayo at nakatingin sa kanya.

I’m hallucinating again.

Marahas niyang ipinilig ang ulo. Nagmamadali niyang iniwan ang babae. Lumabas siya sa club para sakalin si Sav dahil sa ginawa nito. Hindi niya tiningnan at nilampasan lang niya ang Inna sa halusinasyon niya. Deretso siyang sumakay sa kotse at tinawagan si Sav para murahin ito.

HINILOT ni Havoc ang sentido niya nang magising. Parang nabibiyak ang ulo niya.

Hangover! Fuck!

Bumaba ang tingin ni Havoc sa nagkalat na basyo ng alak sa sahig. Lots of Jack Daniels.

“Fuck!” Ang dami pala niyang nainom kagabi.

Mariin niyang ipinikit ang mata. Patuloy niyang hinilot ang sentido. Kulang ba siya sa tulog nitong mga nakaraang araw? Was that why he was hallucinating again?

Inihilamos ni Havoc ang mga palad sa mukha niya. Marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga.

“Fuck this!”

Umalis sa kama si Havoc saka kumuha ng Jack Daniels sa mini bar. Bumaba siya sa club niya. Habang naglalakad, umiinom siya ng alak sa mismong bote.

“Ang aga natin, boss, ah,” sabi ni Hub na naglilinis sa club.

Havoc just groaned and stepped out from his club. Napatigil siya sa paglalakad at napako sa kinatatayuan nang may makita sa tabi ng nakaparada niyang kotse.

“Havoc…”

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Humigpit ang hawak niya sa bote ng alak.

He was hallucinating again. Epekto ba ito ng hangover niya? Fuck!

“Please go away. I don’t need you in my life anymore,” nagtatagis ang bagang na sabi niya. May pagmamakaawa sa boses niya. Malalaki ang hakbang na sumakay si Havoc sa kotse at pinatakbo iyon paalis. Pero hindi mapigilan ni Havoc na mapatingin sa side mirror ng kotse. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang nandoon pa rin ang babae.

Fuck! When will I stop hallucinating?

Ayaw na niyang uminom ng gamot para lang tumino ang isip niya.

Humigpit ang hawak ni Havoc sa manibela. Nagpunta siya sa beach house. This had been his life for the last three years.

Temptation Island to his penthouse and to his beach house and drinking wherever he went. Kahit gustong-gusto niyang ibenta ang beach house, hindi naman niya kayang gawin. Hindi nga niya kayang makitang may sira iyon.

This beach house was for her. Dito sana niya balak bumuo ng pamilya kasama si Inna. Pero iniwan siya nito.

Havoc let out a deep sigh as he looked at the beach house. “Maybe I should sell you. Para kahit paano, maging okay na ako.”

It had been three years. Kahit siya, natatakot na siya sa sarili niya.

Was it normal to love and hate a person at the same time? God! I hate my life!

Havoc blew out a loud breath before stepping inside the beach house.

WALA sa sariling bumaba si Inna sa bus na sinakyan mula sa club ni Havoc papunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Iyon ang pangalawang beses na pinuntahan niya ito. Noong una ay noong nakita niya itong may kahalikang babae, pangalawa ay ngayong araw.

Hindi niya alam kung babalik pa siya roon. It seemed to her that Havoc didn’t need her anymore like how she needed him.

Well, it had been three years. Maraming puwedeng mangyari at magbago sa tatlong taon na lumipas. Ano bang aasahan niya? Bigla na lang siyang nawala. Kahit saang anggulo tingnan, siya ang mali sa kanila.

Bumuntong-hininga si Inna saka pumasok sa restaurant.

“Inna, `buti naman at nandito ka na,” sabi ng manager ng restaurant. “Magbihis ka na. Marami tayong costumer.”

May tipid na ngiti sa mga labi na tumango si Inna saka pumasok sa loob ng locker room at nagbihis. Nang maisuot ang uniform at naayos ang sarili, lumabas siya nang may ngiti sa mga labi kahit naninikip ang dibdib niya.

Agad niyang nilapitan ang bagong dating na katatapos lang basahin ang menu. “Good morning, Ma’am, Sir. May I take your order?”

May ngiti sa mga labi ni Inna habang isinusulat sa maliit na papel ang order ng dalawa. Ibinigay niya iyon sa cashier para ma-punch ang orders at mag-reflect ang order sa monitor na nasa loob ng kusina para maluto agad ng chef.

“Inna! Palinis sa table seven,” utos ng manager.

“Yes, Sir.” Agad siyang sumunod at nilinis ang mesa.

“Inna, may customer sa table fifteen. Kunin mo ang order nila.”

Agad niyang tinapos ang paglilinis sa table seven. Naghugas siya ng kamay bago nilapitan ang table fifteen.

“Good morning, Sir. May I take your order?” nakangiti at magiliw niyang tanong sa nakaupo sa table fifteen.

Nag-angat ng tingin ang lalaking may hawak ng menu. Sabay na nanlaki ang mga mata nila nang magkatinginan sila.

Umawang ang mga labi ni Inna. “M-Monti?”

Monti blinked at her as he took in her appearance. “Inna! What the hell?”