noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 13

Ch. 14 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Thirteen

PARANG mababaliw na si Havoc habang sinusuyod ang bawat sulok ng mall kung saan nagpunta si Inna. Kahit parking lot ay inisa-isa niya ang sasakyan. Nagmakaawa siya sa mall management na makapasok sa rest room para hanapin si Inna, pero wala. Wala sa kahit na saang sulok ng mall si Inna.

His last hope was the CCTV. And thankfully, the management let him see the footage. Kanina pa nila inisa-isa ang kamera, pero hindi niya makita si Inna. He’d been in the CCTV room for three hours and still nothing.

“Fuck!” Hindi mapigilan ni Havoc ang magmura. “Nasaan ka na ba, Inna?”

Napasabunot si Havoc sa sariling buhok habang ang daming senaryong pumapasok sa isip niya. Hindi siya iiwan ni Inna. Nangako ang babae at naniniwala siya sa pangako nito.

Hindi niya ako iiwan. I know she loves me .

“Sir, siya ba ang hinahanap n’yo?”

Mabilis siyang lumingon sa nagsalitang staff ng mall. Itinuro nito ang babaeng umupo sa bench at inilabas ang cell phone.

“Kamukha po siya ng nasa picture sa cell phone n’yo, Sir.” Pinagpalit-palit pa ng staff ang tingin sa monitor ng CCTV at sa screen ng cell phone niya saka inilapit ang cell phone sa monitor na naka-pause.

“Siya nga ho, Sir.”

Napatitig siya kay Inna. “Please resume the footage.”

“Yes, Sir.”

Nang gumalaw ulit ang footage, nakaramdam si Havoc ng panlalamig sa buong katawan ng may lalaking tumigil sa harap ni Inna. Nang makita ito ni Inna, tumayo ang babae at tatakbo na sana nang mapigilan ng lalaki at hinila palabas ng mall.

Kumuyom ang kamao ni Havoc habang nakatingin sa mukha ni Inna na halatang nasasaktan sa hawak ng lalaki.

“My Inna…” Nagtagis ang mga bagang niya. “Where is he taking my Inna?”

“Ilang oras na rin ho ang nakakaraan,” sabi ng security.

Mabilis niyang kinuha ang cell phone na hawak pa rin ng security. Nagpasalamat siya dito at nagmamadaling tumakbo palabas ng mall. A lot can happen in an hour!

Mabilis siyang sumakay sa kotse at pinatakbo iyon papunta sa club niya. Nang makarating doon, agad niyang tinawagan si Mr. Kim.

“Hello—”

“Mr. Kim, magbabayad ako kahit magkano, hanapin mo lang ang Inna ko.” Nagmamakaawa ang boses niya. “Her husband got her. I saw the CCTV footage in the mall.”

“Give me thirty minutes.”

“Thanks.” Pinatay ni Havoc ang tawag saka pumasok sa club niya para kumuha ng damit. Pero napatigil siya sa paghakbang papuntang elevator nang makita si Sav na nakapamaywang sa gitna ng club.

“What are you doing here?” nagtataka niyang tanong. “I’m busy—” Napatigil sa pagsasalita si Havoc nang may lumabas galing sa rest room ng club niya.

“Caya?”

Tipid itong ngumiti sa kanya.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” agad niyang tanong. “Are you looking for Inna?” Nagtagis na naman ang mga bagang niya nang maalala na nasa kamay ito ngayon ng asawa nito. “Her husband took her—”

“I know,” pabulong na sabi ng babae, pero narinig naman niya. “A-ako ang nagsabi kay M-Monti kung nasaan siya—”

Parang nagpanting ang mga tainga ni Havoc sa narinig. “Why the hell would you do that?!” Hindi niya napigilang sigawan ang babae. “Alam mong sinasaktan si Inna ng asawa niya! Bakit mo ginawa `yon? How could you? She’s your cousin—”

“Hey!” saway ni Sav na pumagitan sa kanila ni Caya. “Huwag mo siyang sigawan. She’s already guilty as it is.” Lumapit ito kay Caya saka hinaplos ang likod ng babae. “Sshh… Don’t cry. I’m here, Caya.” Hinalikan nito sa noo ang babae saka tumingin sa kanya. “She called me, asking for your address. Kaya sinamahan ko siya rito. Wala akong pakialam kung anong problema mo. Pero hindi kita hahayaang sigawan ang babaeng m—kasama ko.”

Napatitig siya kay Sav. Doon niya naintindihan kung bakit ito sumama kay Caya. “Sorry. I’m just going insane. I can’t lose my Inna like this again.” Marahas siyang umiling. “No… Not my Inna.”

Kinagat ni Caya ang ibabang labi saka sinalubong ang matalim niyang tingin. “I’m s-sorry.” Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi nito. “Monti pointed a gun at me.” Her voice trembled. “I was so s-scared. I c-couldn’t do anything. I’m so sorry. I’m s-sorry.”

Parang nanghihinang napaupo si Havoc sa stool na malapit sa bar. “Inna is not safe with him.”

Tumango si Caya. “H-hindi nga. Galit na galit si Monti kay Inna. Siguradong dinala na niya ngayon si Inna sa Italya at doon niya paparusahan.” Mahinang humikbi si Caya. “K-kasalanan ko `to. Kung hindi ko sana dinala si Inna sa isla, hindi mangyayari `to. Kasalanan ko `to. G-gusto ko lang namang sumaya ang pinsan ko.”

“Sshh…” Sav gathered Caya into a soft embrace. “Wala kang kasalanan. You just want to make her happy. Making someone’s happy is not a mistake, baby. So, don’t cry.”

But Caya continued sobbing softly. Talagang sinisisi nito ang sarili sa mga nangyari.

“It’s not your fault,” sabi niya. “Dinala mo nga si Inna sa isla, pero desisyon naming dalawa ang magsama. Labas ka na roon.”

“Thank you,” Sav mouthed at him.

Tumango si Havoc saka nilapitan ang elevator. Nagpahatid siya sa penthouse niya. Agad siyang naglagay ng damit sa duffle bag saka tinawagan ang assistant niya.

“Boss,” agad nitong sabi nang sagutin ang tawag. “Tamang-tama na tumawag kayo. Ang daming papeles na kailangang pirmahan—”

“Dex, ready my plane.”

“Boss?” Gulat ang boses nito. “`Di ba, may board meeting kayo bukas—”

“Ready my plane and my pilot. I’m going to Italy.”

“But the meeting—”

“Cancel it.”

“Yes, boss,” agad na sagot ni Dex. Nawala na rin agad ito sa kabilang linya.

Bumuga nang marahas si Havoc. Napatitig siya sa mga damit ni Inna na nasa ibabaw pa ng kama.

Inna, wait for me. Pupuntahan kita kahit nasaan ka pa.

Naglakad si Havoc papuntang elevator. Nagpahatid siya sa baba. Nang makalabas, nandoon pa rin sa club sina Caya at Sav.

“Havoc…” Humarap sa kanya si Caya. Parang napatahan na ito ni Sav. Wala ng bakas ng luha ang mga pisngi nito. “Monti is dangerous, especially when he’s mad.”

Nagtagis ang mga bagang niya. “So am I.”

“No.” Umiling si Caya. “Magkaiba kayo, kaya kailangan mong mag-ingat sa kanya. He’s wealthy. He’s using his money to manipulate people—”

“Like how he manipulated my Inna?”

Caya’s eyes widened. “You knew?”

Tumango si Havoc. “My PI told me about it. Monti bought Inna from her parents. Until now, he’s still giving money to Inna’s family to control them and also Inna.”

Caya’s lips thinned. “Yes. That’s true. Hindi makawala si Inna kay Monti dahil wala naman siyang ganoong kalaking pera para mabayaran si Monti.”

Havoc’s jaw tightened. “`Tang-ina niya! Ano ba ang kailangan niya kay Inna?”

“Magkakilala ang lolo ni Inna at lolo ni Monti. Nang magbakasyon at makita ng lolo ni Monti si Inna sa Italya, agad na hiniling nito sa lolo ni Inna na ipakasal ang pinsan ko kay Monti. She didn’t want to marry Monti, but Monti was persistent. Ayaw raw kasi nitong sumama ang loob ng lolo nito na tanging natitirang pamilya niya. Gamit ang pera, sinilaw ni Monti ang pamilya ni Inna. Walang nagawa ang pinsan ko lalo na at palugi na ang negosyo noon ng mga magulang niya. Kailangan nila ng malaking pera para makabawi.”

That was the time Havoc met Inna on the island. Sabi ni Inna, muntik na itong umatras sa kasal dahil sa kanya.

“Magkano ba lahat?” tanong ni Havoc.

Nagkibit-balikat si Caya. “Only Inna knows, as well as her family and Monti, of course.”

“Will you pay her husband?” tanong ni Sav.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Havoc. “Nagagawa ko ngang magbayad ng annual membership sa Temptation Island maliban sa membership fee para lang mawala ang boredom ko, ngayon pa ba na babaeng mahal ko ang pinag-uusapan natin dito?”

Caya smiled. “Inna loves you, too.”

Natigilan si Havoc sa sinabi ni Caya pagkatapos ay ngumiti. “I know.”

Naputol ang usapan nila nang tumunog ang cell phone niya. It’s Mr. Kim.

“Got any lead?”

“Yes,” sabi ni Mr. Kim. “Umalis na ang eroplanong sinasakyan nina Monti at Inna papuntang Italya isang oras na ang nakalilipas.”

Kumuyom ang kamay ni Havoc. “Got it. Thanks.” Pinatay niya ang tawag saka inayos ang pagkakasukbit ng duffel bag sa balikat. Nagpaalam na siya sa dalawa at lumabas ng club.

Nag-taxi lang si Havoc papuntang airport. Agad niyang nakita ang assistant na naghihintay sa kanya. Dala nito ang passport at lahat ng papeles na kakailanganin niya.

“Have a safe trip, Sir.”

“Thanks, Dex. I’ll call you when I need something.” Tinapik niya ang balikat nito saka pumasok sa airport.

An hour later, Havoc was sitting on his plane while thinking of his Inna. Sinasaulo rin niya ang mga impormasyong nalaman mula kay Mr. Kim nang magkausap sila kanina.

If Monti thought that he will not fight for his Inna, then he was wrong. Sisiguruhin niyang maiuuwi niya sa Pilipinas si Inna. He will not let Monti win. Lalo na sa mga impormasyong nalaman.

His Inna didn’t deserve to be treated like a caged animal. What his Inna deserved was a crown on her head and to be treated like a queen.

My Inna… Wait for me. I’m coming to get you.

NAGISING si Inna sa isang pamilyar na kuwarto. Agad siyang bumangon at inilibot ang tingin. My room. In Monti’s house.

Mio dio!

Nilapitan ni Inna ang pinto. Pinihit niya iyon pabukas, pero naka-lock.

“No… No…” Dread consumed her. “No… Havoc… Havoc…” Nangingilid ang mga luha niya habang pilit na binubuksan ang pinto. “Tesoro… Tesoro…”

Napasandal na lang si Inna sa naka-lock na pinto nang mapagod sa kabubukas niyon. Pagkatapos ay tinuyo niya ang luha. Tiningnan niya ang buong kuwarto kung may cell phone o telepono siyang makikita, pero wala siyang makita. Wala sa bag ang cell phone niya. Wala na rin ang telepono sa kuwarto niya.

Havoc!

Siguradong hinahanap na siya ngayon ni Havoc. Baka isipin ng lalaki na iniwan na naman niya ito.

Natigilan si Inna. Nanlamig siya nang marinig na bumukas ang pinto. Pumasok doon si Monti. Awtomatiko siyang napaatras.

“Lasciami andare,” (Let me go.) nagmamakaawa niyang pakiusap.

“So you could go back to your lover?” Ngumisi si Monti. “Pensi che ti lascio?” (You think I would let you?) “If I hadn’t paid someone to find out what you were doing, I wouldn’t have known about your affair. Puttana! ”

Mariing napapikit si Inna nang dumapo ang malakas na sampal sa mukha niya. Para siyang nabingi. Namanhid ang kanyang buong mukha.

“Come ti permetti di imbrogliarmi? Come ti permetti!” (How dare you cheat on me! How dare you!) Sinakal siya ni Monti. Ilang beses din siya nitong sinampal bago itinulak sa kama. “I will never forgive you! Never, Inna! I will make your life miserable!”

Tumama ang kamao ni Monti sa balikat at tiyan niya. Ilang beses pa siya nitong sinakal. Kahit anong paglaban ang gawin ni Inna, talo siya ng lakas nito.

“Basta! Basta!” (Tama na! Tama na!)

Nagmamakaawa na si Inna. Nararamdaman kasi niyang pumutok na ang kanyang mga labi. Dumudugo na iyon. Pilit siyang tumakbo palabas ng kuwarto. Pero napigilan siya ni Monti sa buhok. Hinila siya nito at malakas na itinulak sa semento.

Napadaing siya sa sakit nang tumama ang likod niya. Nagpatuloy ang pagbugbog sa kanya ng asawa hanggang sa mawalan na lang siya ng malay dahil sa sobrang sakit. Nang magising si Inna, wala na si Monti sa kuwarto. Ipinagpasalamat niya iyon.

Nanginginig ang buo niyang katawan, pero pinilit niyang tumayo at lumipat sa kama. Nararamdaman niya ang pamamaga ng mukha. Nahihirapan siyang lumunok dahil masakip ang lalamunan at leeg niya. Hindi niya maibuka nang maayos ang bibig dahil masakit. Hindi malinaw ang mga mata niya dahil siguro sa namumuong dugo roon.

Sanay na si Inna sa ganito. Hindi na bago sa kanya ang pananakit ng buong katawan.

She closed her eyes and pictured Havoc in her mind. Tesoro, mi dispiace. Mi dispiace…

Nangilid ang mga luha ni Inna habang iniinda ang sakit. Kailangan niyang tanggapin ang lahat. Ang galit ni Monti, lahat-lahat. Kasalanan naman niya iyon. This were the consequences of her action.

Pero binubugbog ka naman niya kahit noon pa, sabi ng isip niya.

Nakagat niya ang ibabang labi pagkatapos ay napaigtad.

Merda! It hurts!

Hindi niya alam kung dahil ba sa sobrang sakit ng katawan kaya nawalan ulit siya ng malay. Nang magising, kumukulo ang kanyang tiyan, pero walang pagkaing dumating para sa kanya. Hindi na siya nagulat. Starvation was one of Monti’s punishments to her.

Kahit masakit ang katawan sa bawat paggalaw, pinilit ni Inna na bumangon. Nagpunta siya sa banyo.

Nang makita niya ang mukha sa salamin, naawa siya sa sarili. Ang dami niyang pasa. Putok ang mga labi niya. Namamaga ang gilid ng mga mata, pati na rin ang mga pisngi niya.

Nag-iwas ng tingin si Inna sa salamin. Pinilit niyang maligo para linisin ang katawan at magamot ang mga pasa at sugat gamit ang first-aid kit na nasa banyo.

Nang makapagbihis, umupo siya sa gilid ng kama at napatitig sa kawalan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang tahimik na umiiyak.

Ilang beses niyang ginustong tawagan si Monti para sabihing makikipaghiwalay na siya nang tuluyan. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya. Hindi lang iyon. Wala rin siyang perang pambayad sa asawa. Alam niyang mali ang ginawang pagsama kay Havoc sa halip na ayusin ang pakikipag-divorce kay Monti. Pero nadala na siya sa pananakit ng asawa.

Ayaw na niyang masaktan. Pagod na pagod na siyang masaktan. Nadala si Inna ng takot na gawin ang tama. Sa halip, sumama siya kay Havoc at piniling maging masaya sa piling ng lalaki kahit malaki iyong kasalanan. Naging selfish siya. Awang-awa na kasi siya sa sarili. Gusto naman niyang piliin ang sariling kasiyahan. Pero alam niyang na mali iyon. Pagbalik-baliktarin man ang mundo, may asawa pa rin siya.

Napaigtad si Inna. Kinain ng takot ang buo niyang pagkatao nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Awtomatiko siyang tumayo at umatras. Pero nang makita ang mayordoma, nakahinga siya nang maluwang.

“Signorina…” May awa sa boses nito. “Cosa successo? Il Signor hai piccato ancora? Questo e troppo!” (What happened? Did Signore beat you again? This is too much!)

Hindi nagsalita si Inna, pero marahan siyang tumango.

“Oh, Signorina… ” Lumapit ito saka inilapag sa gilid ng kama ang tray na may pagkain. “Signorina, per favore mangia questo. Il Signor e andata via e non tornerai fra un ora. Per favore mangia.” ( Signorina , please eat. Signore left and he’ll be back in an hour. Please, eat, Signorina . Please.)

Tumango si Inna. Kahit nahihirapan ay kumain siya para makabawi ng lakas. Maingat namang sinuklay ng mayordoma ang buhok niya. Nilagyan din nito ng ointment ang parte ng katawan niyang may pasa na hindi maabot ng kanyang kamay.

“Signorina, ti prego divorzi Signor Monti. Lui ti ammazza se continua vivere qua. Lui non smetterá di farti del male.” ( Signorina , I beg you, please divorce Signore Monti. You will die in this house if you keep on living here. He will not stop hurting you.)

“Grazie per la preoccupazione, peró sai gia che non posso,” (Thank you for your concern, but you know that I can’t) sabi niya sa mahinang boses. “La mia f-famiglia un sacco di debiti a lui.” (My f-family owes him a lot of money.)

“Signorina…”

“ Grazie, Leona.”

Bumuntong-hininga ang mayordoma saka iniligpit ang kinainan niya. May inilapag itong nakatuping papel sa tabi niya. “E per té, Signorina. Da Rizzi. Lei e molto preoccupata.” (It’s for you, Signorina . From Rizzi. She’s worried about you.)

“Grazie.”

Tumango ang mayordoma bago nagpaalam. Ini-lock ulit nito ang pinto ng kuwarto mula sa labas. Maingat naman niyang kinuha ang papel na inilapag ng mayordoma sa tabi niya saka binasa ang nakasulat doon.

Inna’s eyes slowly widened when she realized that it was not from Rizzi.

Inna, I’m staying in your friend’s house, Rizzi. I hope you can visit soon. I miss you.

– Your Tesoro.

Havoc! This letter was from Havoc.

Mio Dio! He’s here! In Italy!

Mabilis niyang nilakumos ang papel at iflinush sa bowl para hindi makita ni Monti. Hindi siya mapakali habang nakaupo sa kama.

Havoc was here! Kapag nalaman iyon ni Monti, baka saktan nito si Havoc. She couldn’t let that happen. She won’t let Monti hurt her Tesoro.

Halos buong magdamag gising si Inna. Nag-aalala siya sa mga puwedeng mangyari. Madaling-araw na siya nakatulog. Nang magising, nasa kuwarto na ulit niya ang mayordoma at may dalang pagkain.

“Dov’e Monti?”

“Fuori, Signorina. Suo nonno ha chiamato.” (Out, Signorina. His grandfather called him.)

Nakahinga siya nang maluwang. “Puoi darmi una carta e penna.” (Please give me a pen and paper.)

“Si.”

Habang kumakain, kumuha naman ng papel at ball pen si Leona. Nang makabalik ito, agad siyang gumawa ng sulat para kay Rizzi, pero Tagalog ang ginamit niyang salita.

“Questo, Leona.” Ibinigay niya ang nakatuping papel sa mayordoma. “Darli a Rizzi e dirla che sto bene.” (Give this to Rizzi and tell her I’m okay.)

“Si, Signorina.”

“ Grazie, Leona.”

Tumango ang mayordoma. Tulad kahapon, pagkatapos iligpit ang pinagkainan ay lumabas ito ng kuwarto at ini-lock ang pinto mula sa labas. Siya naman ay napatitig sa nakasarang bintana ng kuwarto.

Havoc, please be careful.