C hapter Sixteen
“DON’T hurt her,” nakikiusap na sabi ni Havoc kay Monti. Nakatingin siya kay Inna na inaalalayan ng dalawang lalaki papunta sa kung saang parte ng bahay. “It wasn’t her fault. I was the one who’s persistent.”
Walang buhay ang mukha ni Monti habang kinakausap niya ito. Nagtagis ang mga bagang ni Havoc. Parang pader ang kanyang kausap. Alam niya na walang pupuntahan ito.
“Mr—”
“If she’s married to you, and she cheated on you with me…” His cold eyes stared at his. “Won’t you beat her up in anger?”
How could this man be so nonchalant about hurting a woman?
“Look, I have your money, like you asked over the phone. So, let her go.”
Tumitig lang sa kanya ang kausap. Hindi ito nagsalita.
His jaw tightened. “Don’t fuck with me, Mr. Parisi. I’m not in the mood.”
Still, Monti didn’t move speak. Lalong tumalim ang mga mata niya. He’s playing with him. Taunting him.
“Speak, damn it!” Nag-uumpisa ng maubos ang pagtitimpi niya sa kausap.
May hinugot si Monti sa likuran. Nanigas si Havoc sa kinauupuan nang makita ang baril na nakatutok sa kanya.
“I want to shoot you,” sabi nito sa walang emosyong boses. “Kill you, bury you nine feet under the ground and dance in your entrails. Sadly, I can’t do that. I know about the police officer outside my house right now. I’m not dumb.”
“Let her go.” Iyon lang ang sinabi ni Havoc.
“Why?”
“Because she’s not happy with you.”
Monti shrugged. “I’m not happy either.”
“You’re hurting her.”
“I’m in constant pain because of her,” Monti answered.
“She doesn’t love you.”
Hindi sumagot si Monti. Humigpit lang ang hawak nito sa baril.
“So let her go,” dagdag niya. “Here’s your money. I can add more for interest, just set her free.”
Umiling si Monti saka ginawang pangkamot sa noo ang dulo ng baril na hawak. “I don’t need your money. I’m not letting her go.”
“Inna will still divorce you. With my help and Leona’s testimony, Inna will be free from you in a month or two.” Nagtatagis ang bagang ni Havoc. “This conversation, our situation right now, you’re at a disadvantage. You will be shamed—”
“And you think I care?” Malamig itong tumawa. “Fuck you! You think this is my worse, Mr. Andrada? No. I can do far more badly than hurting Inna. So leave my house before I shoot you. And if Inna divorces me with your help, how do you think she’ll do that when she’s caged inside my house?”
Kumuyom ang kamay ni Havoc. Handa na siyang suntukin ang kaharap. Pero pinigilan niya ang sarili.
“You said you want money.”
“I want to meet you in person.” Monti shrugged. “I want to see the man who played as the husband of my wife on the island. And now, I’m disappointed. There’s nothing special about you. Just a man trying to steal and own what’s not his.” Tumayo ito saka itinutok ang baril sa kanya. “Leave. I don’t want to see you again.”
“You will see me again.” Tumayo si Havoc para magpantay ang mukha nila. “I’m going to take my Inna away from you. One way or another.”
“Try… and die.”
“I’m willing to lay my life for Inna.” Tumiim ang bagang ni Havoc. “And you disappoint me as well. I thought there’s something special about you. My Inna left me to marry you. But I was wrong. You’re just a man trying to be a husband to a woman who doesn’t want to do anything with you and forcing to own a person who doesn’t want to be owned by you.”
Nagtatagis ang bagang na tinalikuran niya si Monti saka naglakad palabas ng bahay.
Babalik ako, Inna.
And when Havoc returned to this house, he won’t be settling with someone, but he would be stealing. If he had to steal his Inna illegally, he will.
Just wait for me.
AGAD na tumayo si Inna sa pagkakaupo sa visitor’s chair sa opisina ni Monti nang pumasok ito roon. Doon siya dinala ng mga guwardiya kanina para ilayo kay Havoc.
“Monti—”
“I won’t let you divorce me, Inna.”
She paled. “But Havoc has the money to set me free—”
“Not going to happen,” sabi nito saka lumapit sa kanya. “You’re mine. I won’t let you slip away—”
Hindi napigilan ni Inna ang sarili. Malakas niyang sinampal si Monti. “You’re a liar! You said if I have the money, you will set me free.”
Ngumisi si Monti. “Slap me harder, Inna,” paghahamon nito. “It might change my mind.”
Pinagsasampal niya ulit ang asawa. Mas malakas sa nauna hanggang sa namanhid na ang kamay niya. Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ng lalaki.
“Make it more painful, Inna,” sabi nito. “Aren’t you angry at me?”
Sinampal ulit niya si Monti hanggang sa naiyak na lang siya. Nakaramdam ng asawa sa sarili si Inna. Kahit anong gawin niya, hindi siya makakawala kay Monti. She hoped that Havoc might be able to help her, but she just endangered him.
“I hate you,” bulong niya.
“I know,” sabi nito. Tumayo nang tuwid at lumabas ng opisina.
Naiwan namang bagsak ang mga balikat ni Inna. Nag-aalala siya kay Havoc. She wanted to see him, talk to him and make sure that he was okay and unharmed. But she couldn’t leave this house. She was caged here.
Nanlalambot na lumabas ng opisina ni Monti si Inna. Dumeretso siya sa kuwarto kung saan naabutan niya si Leona na parang hinihintay siya.
“Signorina.” Kaagad itong lumapit. “I heard Signore Monti and Signore Havoc. Signore Monti non ti libererà mai. Mai. ” ( Signore Monti will not set you free. Ever!)
Pabagsak siyang naupo sa gilid ng kama. “Lo so gia adesso, Leona. Lui mi ha detto. ” (I know now, Leona. He told me.)
“Cosa hai intenzione di fare, Signorina?” (What are you going to do, Signorina? ) May pag-aalala sa boses ng mayordoma. “Lascerai Signor Monti che ti ingabbia qui?” (Will you let Signore Monti cage you here?)
Marahas siyang umiling. “No. I will leave this house.”
“Ti posso auitare.” (I can help.)
Natigilan si Inna at napatitig kay Leona. “What do you mean?”
“Posso preparare il té per dormire per le guardie. E poi scapa di qua e non tornerai piu Signorina.” (I can make tea for the guards to make them fall asleep. And then, you run and never come back, Signorina. )
Hinawakan niya ang kamay ni Leona. “Why are you helping me, Leona? Monti will make your life miserable.”
“Va bene, Signorina. Non mi interessa.” (That’s okay, Signorina. I don’t mind.) Leona smiled sadly. “Ti sto auitando perche mi ricordi la mia figlia di te. Non potevo auitarla. Suo marito é comé Signor Monti, la ferisce sempre fino a quando il suo corpo non resiste e muore.” (I’m helping you because you remind me of my daughter. I couldn’t help her. Her husband is like Signore Monti, always hurting her until her body couldn’t take it anymore and she died.)
“Leona…”
Tumulo ang isang butil ng luha sa kanang mata ng mayordoma. “Non potevo auitare la mia figlia peró potevo autarti. Accetteró l’ira di Signor Monti. Non mi importa finché puoi scappare da questo casa.” (I couldn’t help my daughter, but I can help you. I will accept Signore Monti’s wrath. It doesn’t matter to me as long as you can escape this house.)
Tumayo si Inna at mahigpit na niyakap ang mayordoma. “ Grazie! Grazie, Leona.”
“Prego, Signorina.” Hinaplos nito ang likod niya saka kumawala sa yakap niya. “We will do it tomorrow.”
Nagpapasalamat na tumango si Inna. “ Grazie, Leona. Grazie. ”
Pinisil ni Leona ang kamay niya. Mayamaya ay nagpaalam na ito at lumabas na ng kuwarto.
Nagkaroon na naman ng pag-asa si Inna. Kapag nakalabas siya sa bahay na ito, kahit wala siyang pambayad kay Monti, makikipag-divorce siya rito. Ayaw na niyang tumanaw ng utang sa taong nanakit sa kanya.
Kumuyom ang kamay ni Inna. I will divorce you, Monti. To hell with my debts.
To hell with her family who was happy because of Monti’s money while she was suffering. Kasiyahan naman niya ang ipaglalaban niya ngayon. Sarili naman niya ang kanyang ipaglalaban. Bahala na kung anong mangyayari sa kanya.
NAGLAGAY NG damit sa backpack si Inna. Itinago niya iyon sa closet. Naghahanda na siya para sa planong pagtulong ni Leona. Kailangang maging handa siya sa mga puwedeng mangyari. Lalo na kung ano ang gagawin ni Monti kapag nalamang tumakas siya.
Lumabas ng kuwarto si Inna saka bumaba papuntang kusina. Nakita niyang naghahanda ng hapunan si Leona kasama ang ibang kasambahay ng mansiyong iyon.
Ngumiti lang sa kanya si Leona habang ipinaghahanda siya ng merienda. Walang pag-uusap na namagitan sa kanila. It was safer that way.
Kalmado siyang huminga nang malalim saka inubos ang merienda. Pagkatapos, bumalik siya sa kuwarto kung saan nakasalubong niya si Monti sa hallway.
“Inna…”
Hindi siya tumingin dito.
“Inna…”
Kumuyom ang kamay ni Ina. “I don’t want to speak with you. Leave me alone—”
“You’re my wife—”
“I will divorce you,” nagtatagis ang mga bagang na sabi niya. “Mark my word, Monti. To hell with my debts and my family. I will divorce you for myself. I won’t let you hurt me again.”
Nilampasan niya ang lalaki. Nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto at isinara iyon. Nanghihinang napaupo si Inna sa gilid ng kama at napatitig sa kawalan. Ang daming gumugulo sa isip niya. Ang dami niyang gustong gawin na hindi niya magawa.
Ngayon, nagsisisi na siya na ipinagpalit niya ang sariling kaligayahan para sa pera. Noong una, ayos lang kasi para naman sa pamilya niya. Pero nang makita niyang wala man lang naka-appreciate sa ginawa niya, doon nag-umpisa ang pagsisisi ni Inna. Her family thought she was some kind of a bank. Na kapag kailangan ng pera, tatawag lang kay Monti para manghingi. Hindi man lang iniisip ng mga ito kung anong kalagayan niya sa Italya.
Inna should have chosen Havoc in the first place. Baka masaya na silang nagsasama ngayon.
Because of her wrong decision, she was suffering. This was no one’s fault, but her. Inna realized that now. Naghahanap lang siya ng masisisi. Hindi niya kayang aminin sa sarili na siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Siya ang may kagagawan kung bakit ganito kagulo ang buhay niya ngayon.
Malakas siyang bumuntong-hininga.
Nadamay pa si Havoc sa gulong sinimulan ko.
Pabagsak siyang nahiga sa kama. Napatitig si Inna sa kisame ng kuwarto. Mayamaya ay napapikit na siya. Gusto lang niyang magpahinga kahit ilang minuto, pero hindi niya namalayang nakatulog pala siya.
Nagising si Inna dahil sa pagyugyog sa balikat niya. When she opened her eyes, she saw Leona.
“Leona…”
“Hurry, Signorina, ” sabi nito habang tensiyonado. “The guards might wake up sooner than planned. You have to leave now.”
Sa narinig, nagmamadali niyang kinuha ang bag na inihanda sa closet saka patakbong lumabas ng kuwarto. Nasa likuran niya si Leona, nakasunod sa kanya.
Nang makitang tulog ang mga guards, walang tanong-tanong na mabilis siyang tumakbo papuntang gate ng mansiyon. Nilingon niya si Leona bago lumabas.
“Grazie,” sabi niya.
Tumango lang si Leona saka siya ipinagtabuyan. “Go, Signorina. Be careful.”
Tumango si Inna saka binuksan ang gate. Nang tuluyang makalabas, nakahinga siya nang maluwang.
I’m free.
Pero hindi pa siya nakakalayo sa mansiyon, narinig na ni Inna ang busina ng isang sasakyan. Nang lingunin niya iyon, parang sasabog ang dibdib niya nang makitang sasakyan iyon ni Monti.
Mabilis siyang tumakbo. Walang lingon-likod na takbo ang ginawa ni Inna. Pakiramdam niya, lumulutang siya sa ere sa bilis ng takbo niya. Pero madali siyang naabutan ni Monti.
“Inna! Get in the car!”
“No!” mangiyak-ngiyak na sabi niya habang tumatakbo pa rin. Hinihingal na siya. “N-no…”
Inna kept on running until she was out of breath. She felt hopeless when she saw Monti stop his car and was walking towards her.
Hindi! Hindi puwedeng mapunta sa wala ang pagtulong sa kanya ni Leona!
Inna forced herself to run again. Kahit pugto na ang hininga, kahit tuyo na ang lalamunan, tumakbo pa rin siya para makawala kay Monti. But he was hot on her heels.
“Inna! Come back here!” sigaw nito. “Inna!”
She won’t give even if her body was starting to. Wala nang lakas ang mga tuhod ni Inna. Pero bago pa siya bumagsak sa semento, isang magarang sasakyan ang pumarada sa harap niya. May sumigaw mula sa nakabukas na passenger seat.
“Get in!”
Wala ng pakialam si Inna kung sino iyon. Ang gusto lang niya ay makalayo kay Monti.
Inna slid inside the passenger seat and closed the door. With no seat belt on, the car accelerated as she caught her breath. Nang kaya na niyang huminga nang normal, bumaling si Inna sa driver’s seat. Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang makita kung sino ang driver.
“H-Havoc…”
He smiled. “I got you.”
Doon lang siya tuluyang nakahinga nang maluwang.
Yes. He definitely got her on time. Thank God.