noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 21

Ch. 22 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Twenty-one

PAULIT-ULIT na binabasa ni Havoc ang sulat ni Inna habang nasa loob siya ng kulungan. Hindi niya iyon matanggap. Alam niyang hindi iyon sasabihin sa kanya ni Inna. His Inna would never use him. Never.

But her letter… Kahit hindi siya naniniwala, masakit pa rin.

Havoc,

I know it will be hard on you, but please let me go. Don’t look for me. I don’t want to see you anymore. Ginamit lang kita para makawala kay Monti. Huwag mo na akong hanapin o ipahanap. I want to live my life the way I want it. No man to hold me back. No man to tell me what I need to do. I’m sorry for using you, Havoc. Forgive me.

-Inna

Nilamukos ulit ni Havoc ang papel saka nagtagis ang mga bagang. Siguradong may kinalaman ang mga magulang ni Inna dito. She loved him. She would never do this to him. Never!

Napatingala sa kisame si Havoc saka mariing ipinikit ang mga mata.

Where are you, Inna? Where are they hiding you? Alam kong hindi mo ako basta-basta iiwan. Magpapakasal pa tayo.

Kumuyom ang kamay ni Havoc. Nagmulat siya ng mga mata nang marinig na bumukas ang selda na kinalalagyan niya.

“Andrada, laya ka na,” sabi ng pulis.

Tumayo si Havoc. Lumabas siya sa selda. Sinalubong siya ni Fyre. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

“`Insan, ano ba’ng nangyari?” tanong nito. “Bakit ka nagwala sa bahay ng mga magulang ni Inna?”

“Itinatago nila si Inna.” Nagtagis ang mga bagang ni Havoc. “Itinatago nila sa akin si Inna.”

“What proof do you have?” agad nitong tanong saka napabuntong-hininga. “I’m sorry for asking that. It’s just the lawyer in me.”

Humigpit ang pagkakakuyom ng kamay ni Havoc. “They’re hiding Inna. Sigurado ako doon. Kung hindi nila itinago si Inna, ibig sabihin, ginamit lang niya ako. Hindi ako naniniwala doon. Mahal ako ni Inna. Hindi niya ako iiwan nang ganito.”

“Coz…”

Kinagat ni Havoc ang ibabang labi. “I will call my private investigator. I’m sure he can help me find Inna.”

Malalaki ang hakbang na lumabas si Havoc sa presinto. Natigilan siya nang makita si Monti sa labas. Nakasandal ito sa nakaparadang Ducati at nilalaro ang helmet na hawak. Nang maramdaman ni Monti ang tingin niya, nag-angat ito ng tingin.

Havoc couldn’t help but ask himself. Is this my karma?

Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Nagmamadali niyang pinara ang parating na taxi. Nagpahatid siya sa bahay nina Inna para kunin ang sasakyan niya. Nang makarating doon, napatitig si Havoc sa malaking mansiyon. Malakas ang hinala niya na itinago ng mga magulang nito si Inna.

I will find you, Inna.

Sumakay si Havoc sa kotse niya. Pinatakbo niya iyon habang tinatawagan si Mr. Kim sa kabilang linya.

“Please find Inna.” Nakikiusap ang boses niya.

“I’ll call you when I have an update,” sagot nito saka nawala sa kabilang linya.

Pinatakbo ni Havoc ang sasakyan pabalik sa club niya. Pero hindi pa siya nakakarating doon, kinabig na niya ang manibela at bumalik sa bahay nina Inna. Hindi siya mapapalagay hangga’t hindi niya nakikita si Inna.

Humigpit ang hawak ni Havoc sa manibela nang makarating sa bahay ng mga magulang ng babae. Lumabas siya sa sasakyan. Susugurin na sana niya ang gate nang humarang si Monti.

“Whatever you’re planning, don’t do it,” sabi nito saka bumuntong-hininga. “I’ll do it.”

Puno ng pagdududang tiningnan niya ang lalaki. “Why would you do that?”

“I’m doing this for Fyre, not for you,” sagot nito saka nag-doorbell.

Agad itong pinagbuksan at pinapasok ng katulong. Siya naman, nakasandal sa pader at naghihintay ng balita kay Inna. Pagkalipas nang ilang minuto, lumabas si Monti at tumingin sa kanya.

“She’s not there.”

Agad na tumalim ang mga mata niya. “That’s not true!”

“Inna is not inside. Her mother said she left—”

“That’s not true!”

Sa galit na nararamdaman, tumaas ang nakakuyom niyang kamay. Susuntukin na sana niya ang kaharap nang pumagitna sa kanila si Fyre.

“Don’t you dare, Havoc!”

Sa sobrang galit at frustration na nararamdaman, pinagsisipa at pinagsusuntok ni Havoc ang gate.

“Ilabas n’yo ang Inna ko! Inna! Alam kong itinatago n’yo siya sa akin! Inna! Inna! Inna!”

Hindi niya tinigilan ang gate hanggang sa may nagsisigaw sa loob.

“Inna! Inna!” sigaw niya sa sobrang galit habang pinagbababayo ang gate. “Ilabas n’yo si Inna! Inna I’m here! Inna!”

Nang bumukas ang pinto, wala na siyang pakialam kahit may nakatutok na baril sa kanya. Pilit siyang pumapasok.

“Inna! Inna!” He was screaming his beloved’s name. “Inna! Please? My Inna! Please?”

“Get out!” sigaw ng lalaki na nagpakulong sa kanya kanina. “You’re trespassing! Wala rito ang hinahanap mo!”

Nanlilisik ang mga matang tumingin si Havoc sa lalaki. “Hindi! She’s here! Itinatago n’yo lang siya sa akin—”

Kinalabit nito ang gatilyo ng baril. Dumaplis ang bala niyon sa kanya.

Napaawang ang mga labi ni Havoc sa ginawa nito. Pero parang wala lang ang sakit sa kanya.

“Sir, please…” He was begging. “Please, Sir, please let me see Inna. Please… Please?” Lumuhod si Havoc habang nakatingala sa lalaki at sa ina ni Inna na kadarating lang. Masama ang tingin nito sa kanya. “Parang awa n’yo na, Sir. Ilabas n’yo na si Inna. Pananagutan ko siya. Mahal na mahal ko ho siya. Pakakasalan ko siya. Parang awa n’yo na, Sir. Ilabas n’yo ang babaeng mahal ko.”

Pero walang nagbago sa emosyon ng dalawang taong niluhuran niya.

“Sir, Ma’am, please…” Havoc begged. “I’ll do anything. Please?”

Nanatiling walang emosyon ang mukha ng dalawa.

“Wala rito ang babaeng hinahanap mo,” sabi ng ina ni Inna habang pilit na isinasara ang pinto kahit naiipit siya.

May humawak sa kamay ni Havoc. Hinila siya nito patayo. Napatitig siya kay Fyre na hawak pa rin ang kamay niya.

“Tama na, `insan,” sabi nito.

Marahas siyang umiiling. “No… I won’t stop. Mahal ako ni Inna!” Desperado na ang boses niya habang inilalabas ang nilamukos na sulat daw sa kanya ni Inna. Ipinakita niya iyon kay Fyre. “Kapag tumigil ako, para ko na ring tinanggap na totoo ang lahat ng `to. This is not true. Inna loves me! She would never leave me.”

Kinuha ni Fyre ang nilamukos niyang sulat saka iyon binasa. Naaawa itong tumingin sa kanya. “We can search for her. But we cannot search her parents’ house.”

Galit na pinagsisipa ni Havoc ang gulong ng sasakyan niya saka pinagsusuntok ang hood niyon. He felt so hopeless. Wala siyang magawa.

Napasabunot si Havoc sa sariling buhok saka tumingala sa madilim na kalangitan.

Inna… My Inna…

“Is this my karma? For taking away what’s not mine?” Havoc kept on tapping his chest where his heart was located. “Fuck! Inna would never do this to me. Pakakasalan pa niya ako.”

Wala sa sariling naglakad si Havoc pasakay sa kotse niya. Pabagsak siyang naupo sa driver’s seat. Nabuhay lang ang kanyang dugo nang narinig na tumunog ang cell phone niya. Nakita niyang si Mr. Kim iyon.

“Mr. Kim.” He was agitated. “Nahanap mo ba si Inna?”

“Hindi,” sagot nito na ikinatigil ng mundo niya. “Hindi ko siya mahanap.”

“B-bakit?” Nanghihina ang katawan ni Havoc sa sinabi ng lalaki. “Bakit hindi mo siya mahanap?”

“I’m sorry, Mr. Andrada. Pero hindi ko siya mahanap,” sabi ng nasa kabilang linya. “Wala siyang record kahit saan. She was last seen with you. Hanggang doon lang ang nahanap ko.”

Marahas siyang umiling. “Search her parents’ house’s CCTV. She’s there.”

“I’m sorry, Mr. Andrada, but that’s illegal. I can’t do that.”

Nanghihinang bumagsak ang kamay niyang may hawak sa cell phone. Pinatay ni Havoc ang tawag. Iniisip niya kung saan puwede magpunta si Inna kung naglayas man ito.

The house I built for her.

Mabilis niyang isinara ang pinto ng kotse. Pinatakbo niya iyon papunta sa beach house na ipinagawa niya. Hindi bumagal ang takbo ni Havoc kahit muntik na siyang madisgrasya.

Nang makarating si Havoc sa beach house, nagmamadali siyang lumabas at pumasok ng gate.

“Inna! Inna!” sigaw niya habang nagmamadaling binubuksan ang pinto ng beach house. “Inna! I’m here, Inna!”

Pinuntahan niya lahat ng sulok ng bahay, pero wala siyang Inna na nakita. Pabagsak siyang napaupo sa sofa at napasabunot sa sariling buhok.

“Inna… Nasaan ka na, Inna?” Para siyang nababaliw sa kakaisip kung nasaan si Inna. Kung ano ang gagawin niya mapasok lang ang bahay ng mga magulang nito.

Tumayo si Havoc saka lumabas ng bahay. Napatingin siya sa madilim na karagatan. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib.

Inna…

Kinuha ni Havoc ang cell phone sa bulsa saka tinawagan si Mr. Kim.

“Mr. Andrada—”

“Please?” he begged. “Please, Mr. Kim, find Inna. Ikaw na lang ang inaasahan ko. Please? I love her so much. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kapag nawala siya sa akin. I know you know what I feel. You’re married, right? Kaya mo bang mawala sa `yo ang babaeng mahal mo?”

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Hindi.”

“Then please, help me,” he begged again. “Magbabayad ako kahit magkano. Kahit isangla ko pa ang kaluluwa ko, mahanap ko lang ang babaeng mahal ko, gagawin ko.”

Mr. Kim sighed. “Susubukan ko ulit. Pero hindi ako nangangako.”

“Thank you.” Havoc exclaimed in gratitude. “Thank you so much. I’ll owe you. I’ll owe you a lot.”

“I’ll call you when I have an update,” sabi ni Mr. Kim saka nagpaalam.

Pinuntahan naman ni Havoc ang kotse niya. Sumakay siya roon. Pinatakbo niya iyon pabalik sa bahay ng mga magulang ni Inna. Ipinarada niya hindi kalayuan ang kotse sa gate ng bahay ng mga ito. Halos hindi na siya kumurap habang nakatitig sa gate.

Naniniwala siyang nasa loob si Inna. Kailangan niyang maging handa. Baka ilabas ng mga ito si Inna at ilipat ng lugar.

Pero hanggang sa magbukang-liwayway, hindi bumukas ang gate. Pero nanatili pa rin si Havoc sa loob ng sasakyan hanggang sa katukin siya ng isang guard. Pilit siya nitong pinapaalis.

“Sir, please. May kailangan lang akong bantayan—”

“Pasensiya na, Sir,” sabi ng guard. “Ako ang pagagalitan kapag hinayaan kitang manatili rito. Ini-report ka na ng may-ari ng bahay na `yan.” Itinuro nito ang bahay ng mga magulang ni Inna.

Kumuyom ang kamay ni Havoc. “Sir, please—”

“Pasensiya na talaga, Sir. Pero kailangan n’yong umalis.”

Napipilitang pinatakbo ni Havoc ang sasakyan habang lihim na nagmumura. Mahapdi na ang mga mata niya. Wala pa siyang tulog, pero pilit niya iyong iminumulat.

Nakita na lang ni Havoc ang sarili sa penthouse niya. Pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa papasok. Naaalala niya si Inna sa lahat ng sulok ng penthouse. Bawat alaala na mayroon sila ni Inna. Ang birthday surprise nito, ang pagkanta at ang paglalambing nito. Ang mga pinag-usapan nila rito. Lahat ng iyon ay sabay-sabay na pumapasok sa isip ni Havoc. Halos hindi na siya makagalaw.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Napasandal na lang siya sa hamba ng elevator habang nakatitig sa buong pent house.

“Inna…” bulong niya sa hangin. “Hindi mo naman ako iiwan, `di ba? Hindi naman totoo `yong sulat mo. Hindi ako naniniwala roon. Magpapakasal pa tayo, eh.” Mahigpit na kumuyom ang kamay niya. “Fuck! Fuck!”

Malalaki ang hakbang na nilapitan ni Havoc ang mini bar saka deretsong uminom ng alak sa mismong bote. Nakailang inom na siya ng alak nang pumasok na naman si Inna sa isip niya.

Humigpit ang hawak ni Havoc sa alak. Binitiwan niya iyon. Nagmamadali siyang lumabas sa penthouse at bumaba sa club. Pinuntahan na naman niya ang kotse at pinatakbo iyon pabalik sa bahay ng mga magulang ni Inna. He will beg just to see her.

Pero hindi siya pinapasok ng mga guard. Ayaw siyang papasukin. Kaya walang nagawa si Havoc kundi iparada ang sasakyan sa labas ng subdivision.

Halos lahat ng lumalabas, tinitigan niyang mabuti ang loob ng sasakyan. Kinakabahan siya kapag tinted ang salamin ng kotse. Pero siguradong tatawag naman si Mr. Kim kapag lumabas ng bansa si Inna.

Havoc was like that for days. Halos hindi na siya umuuwi sa penthouse niya. Nagbabantay lang siya sa labas ng subdivision.

Sa isang linggong lumipas, araw-araw, ramdam ni Havoc ang pagkawala ni Inna. Araw-araw, hinihintay niya ang tawag ni Mr. Kim, pero walang dumating. Araw-araw, nagdarasal siya sa Panginoon. Pero siguro, ganoon nga kalaki ang kasalanan niya dahil hindi Nito pinakinggan ang mga panalangin niya.

When Havoc returned to his penthouse after a week, Fyre was in his club, waiting for him.

“What?” tanong niya sa walang buhay na boses nang humarang ito sa daraanan niya.

May iniabot itong papel. “Your restraining order.”

Kumunot ang noo ni Havoc. “Restraining order?”

“Requested by Inna’s family.” Fyre sighed and looked at him. “Hindi ka na puwedeng magkampo sa labas ng subdivision nila. Kapag ipinagpatuloy mo pa `yon, makukulong at kakasuhan ka nila.”

Nilampasan niya lang si Fyre. Napatigil si Havoc sa paghakbang nang may marinig siya. Mabilis siyang lumingon sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita roon si Inna. Pero nang kumurap siya, nawala agad ito.

Kinusot ni Havoc ang mga mata. Napatitig ulit siya sa pinto ng club niya.

Am I hallucinating?

Tumingin siya kay Fyre. “D-did you see Inna right there?” tanong niya sabay turo sa pinto.

Fyre frowned at her. “Coz, natulog ka naman siguro habang nagkakampo sa labas ng subdivision, `di ba?”

Napakurap-kurap si Havoc saka hinilot ang sentido. “No. I haven’t had a good night sleep.”

“Havoc!” Pinandilatan siya ni Fyre. “Baka naman sa mental ka bumagsak dahil sa ginagawa mo? You need to rest. You need a good sleep. Sa tingin mo, matutuwa si Inna sa ginagawa mo sa sarili mo?”

Sa halip na sagutin si Fyre, sumakay si Havoc sa elevator. Nang makapasok sa penthouse at makalapit sa kama, bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Kusang pumikit ang kanyang mga mata.

“Havoc… Please, let me go.”

Mabilis siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang boses ni Inna. Pabalikwas siyang bumangon at inilibot ang tingin sa kabuunan ng penthouse. There was no Inna.

“Havoc, I just used you.”

Napasabunot si Havoc sa sariling buhok. “No… That’s not true.”

Pabagsak siyang nahiga sa kama. Kahit ilang beses niyang narinig ang boses ni Inna na tinatawag ang pangalan niya, hindi siya gumalaw. Mariin lang niyang ipinikit ang mga mata at tinakpan ang mga tainga.

Nang tumagal, malakas siyang sumigaw para lang tigilan siya ng boses na naririnig.

Maybe he needed some sleep. Pero paano siya makakatulog kung ang isip niya ay ayaw magpahinga? It kept on thinking about Inna. Nag-iisip kung itinago ba ito ng mga magulang nito o talagang totoo ang nakasulat sa sulat na ginamit lang siya nito?