noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 19

Ch. 20 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Nineteen

A ZIPLINE ride from the island to the other side. Inna was welcomed with beautiful wooden cabanas. Nang alalayan siya ni Havoc palapit sa pinakadulong cabana, hindi niya mapigilang humanga sa kapaligiran.

Clear water, white sand, wooden cabanas, a common bar with drinks. It was not even packed with guests and members. There was a privacy there since the cabanas had white curtains that separated them from the others. Sa loob ay may mesa na puno ng pagkain, dalawang bote ng champagne at papag na sahig na puwede ring higaan.

“This is beautiful,” buong paghanga niyang sabi. “Wow!”

Yumakap si Havoc sa baywang niya mula sa likuran. Hinalik-halikan nito ang balikat niya. “We’ll stay here today. I hope you like my surprise.”

Nilingon niya ito saka nginitian. “Thank you. It’s beautiful.”

Mas humigpit pa ang yakap ni Havoc. “My Inna?”

“Hmm?”

“I love you.”

Natigilan si Inna saka napangiti. “I love you, too.” Humarap siya kay Havoc. Hinawakan niya ang mukha nito. “Kanina ka pa sweet sa akin. Kasama ba `yon sa surprise mo?”

Havoc just smiled and kissed her on the lips.

“Havoc—”

“It’s tesoro. ”

Humaba ang nguso ni Inna. “Demanding tayo ngayon, ah.”

Mahinang natawa si Havoc. “I like it when you call me tesoro. I feel so special.”

“Asus!” Pinisil ni Inna ang pisngi nito saka hinalikan sa mga labi. “Ang tesoro ko, naglalambing.”

Havoc puckered his lips at hers. “Kiss me again.”

Natatawa at naiiling na hinalikan niya ang lalaki na nauwi sa malalim na halikan. Napadaing at napaungol na lang si Inna nang tinudyo ng dila nito ang dila niya. Kinakagat-kagat ng lalaki ang dila at mga labi niya.

“Havoc…” She moaned in contentment as she kissed him back.

Humaplos ang mga kamay ni Havoc sa katawan niya. Mayamaya pa, napunta na ang mga kamay nito sa mayayaman niyang dibdib. Nakagat ni Inna ang mga labi nang pisilin ni Havoc ang nipples niya mula sa labas ng suot na pang-itaas. Minasahe rin ng lalaki ang mayayaman niyang dibdib.

“H-Havoc…”

Ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng damit niya at hinaplos ang tiyan at baywang niya. Hanggang sa napunta ang kamay ni Havoc sa hook kanyang ng bra.

Nagulat si Inna. “No…”

Umalis sa halikan nila si Havoc saka humihingal na humakbang paatras. Mariing nakapikit ang mga mata nito. He looked like he was reining himself.

“Havoc…”

He took a deep breath before opening his eyes and looking at her. “I’m sorry. I got carried away.”

“That’s okay.” Inayos ni Inna ang damit saka tumingin sa mesa na may nakahandang pagkain. “Kain tayo?”

Tumango ang lalaki. “Sige.”

Umupo si Inna. Napangiti siya nang umupo si Havoc at hinawakan ang kamay niya.

“What?” nagtatakang tanong niya.

“Nothing.” Havoc smiled at her. “I just like holding your hand. It assures me that you’re actually here with me.”

Napatitig siya sa lalaki. “Havoc… Wala namang kukuha sa akin.”

“Monti is still here. You’re still married to him—”

“I’m divorcing him,” may diin niyang sabi. “And Fyre assured me that I’ll be free of Monti within a month. I want to be positive. Ayokong maapektuhan tayong dalawa dahil lang nandito si Monti. I want to be happy with you, Havoc. Alam kong kasalanan ang relasyon natin. Pero mahal kita kaya ipaglalaban ko `to.”

Havoc’s face softened and he caressed her face softly. “I’m just scared to lose you, Inna, because I love you.”

“And I love you, too.”

“Good. Because I want to marry you after your divorce from Monti.”

Tumibok nang mabilis ang puso ni Inna. “Do you really mean that?”

May kinuha si Havoc sa bulsa nito saka siya pinakatitigan. “My Inna?”

She blinked. “Hmm?”

“Will you marry me?”

Napaawang ang mga labi niya. “C-can you repeat that?”

“Will you marry me?” Havoc asked again. “After your divorce from Monti. Please marry me. I want to be yours for a lifetime.”

Bumaba ang tingin ni Inna sa singsing na isinuot ni Havoc sa daliri niya. Parang nanikip ang dibdib niya.

“I’m finally saying yes to the man I love,” bulong niya. Nag-angat siya ng tingin kay Havoc. “Yes. Of course. I’ll marry you.”

Havoc placed a soft kiss on her lips before looking at her lovingly. “Alam ko na mali ang relasyon na mayroon tayo. Alam ko rin na hindi ito magiging madali para sa ating dalawa. Pero mahal kita, Inna, at ipaglalaban kita. Kahit kanino pa `yan. Ihaharap kita sa simbahan at pakakasalan sa harap ng Diyos. Patutunayan ko sa Kanya na mali man ang naging relasyon natin, pero mahal natin ang isa’t isa at paninindigan kita.”

Her eyes watered. “Thank you. After everything that has happened, you still respect me as a person and as a woman.”

“What can I say? I’m crazy in love with you.”

Mahina siyang natawa habang nangingilid ang luha sa mga mata. “Tama na. Naiiyak na ako.”

Havoc dried the tears in the corner of her eyes. “Kain na lang tayo para hindi ka na umiyak.”

Mabilis siyang tumango saka humarap sa pagkain. Pero sa halip na siya ang magpakain sa sarili, sinubuan siya ni Havoc. Ito ang nagpakain sa kanya.

Napailing na lang si Inna, pero kinikilig naman. Isa iyon sa mga nagustuhan niya kay Havoc. Iba ito kung alagaan siya. Kaya lalong nahulog ang loob niya sa lalaki, eh.

“Do you remember when I asked you to be mine two years ago?” tanong ni Havoc habang kumakain sila.

Tumango si Inna saka tumingin dito. “What about it?”

“You didn’t answer me back then.” Havoc tsked. “`Yon ang unang beses na nagtapat ako ng nararamdaman sa isang babae, pero wala, eh. Ayaw mo sa akin noon.”

“Hindi naman sa ayaw,” agad niyang sagot. “Talagang hindi lang puwede.”

“Still, you rejected me. Not in my face though. You left the next day.” Havoc tsked. “I was devastated. Kaya natanong ko ang sarili ko kung normal lang ba na mabaliw sa isang babae kahit ilang araw ko pa lang siyang kilala. And guess what?” He chuckled. “I built you a house. The house that you wanted. Secretly, I was hoping that you’ll come back to me and be with me again. Kaya nang makita kita, hindi na kita hinayaang makawala sa akin. I already spent my two years missing the woman who made me crazy in love. I’m not losing you again.”

Puno ng halo-halong emosyon ang puso ni Inna habang nakatitig kay Havoc. “Hindi ko alam ang sasabihin ko maliban sa mahal din kita at ipaglalaban din kita.”

Ngumiti si Havoc. Nginitian siya nito bago hinalikan sa mga labi. Nagpaubaya si Inna nang ihiga siya ng lalaki sa sahig ng cabana. Hinaplos nito ang maseselang parte ng katawan niya.

Napaungol na lang siya at nakagat ang ibabang labi ng isa-isang hinubad ni Havoc ang damit niya. Nang kubabawan siya nito, nagpaubaya siya. Wala siyang pakialam kung nasa cabana sila. They were on Temptation Island after all. They can do whatever they wanted.

MAHIGPIT na napahawak si Inna sa kamay ni Havoc nang makapasok sila sa Eroticafé. Dito nila napag-usapan na mag-meeting tungkol sa divorce nila kasama sina Monti at Fyre. Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ni Havoc nang makita si Monti na kumportableng nakaupo sa pang-apatan na mesa. Katabi nito si Fyre na ngumiti at kumaway sa kanila. Hindi pansin ng babae ang malamig na mga mata at walang emosyong mukha ni Monti.

“Here, you two!” sabi ni Fyre habang kumakaway sa kanila.

Havoc intertwined their hands before pulling her towards Fyre and Monti. Nang makaupo sila sa harap nina Fyre at Monti, lakas-loob siyang tumingin kay Monti. Pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa kamay nilang magkahawak ni Havoc.

“So…” Si Fyre ang bumasag sa katahimikan. “Let’s start.”

Si Havoc ang sunod na nagsalita. “Good idea.”

May inilapag na folder si Fyre sa ibabaw ng mesa saka ngumiti sa kanya. “Sign it and I’ll process it.”

Umawang ang mga labi ni Inna nang ma-realize kung ano ang laman ng folder na iyon. Napatingin siya kay Monti. He was still silent and not looking at her.

“Nag-oo siya?” kabadong tanong niya kay Fyre.

Fyre winked at her. “I told you, didn’t I? Ako’ng bahala.”

Inabot ni Inna ang folder at binuksan iyon. Divorce papers.

“Bago mo pirmahan,” sabi ni Fyre na nagpatigil kay Inna sa pagkuha ng ball pen na inilapag din ni Fyre sa ibabaw ng mesa. “Gusto kong sabihin sa `yo ang nilalaman ng divorce n’yo.”

Tumango si Inna. “Sige.”

“Ang utang mo at ng pamilya mo ay hindi mo na babayaran.”

Nagulat siya. “T-totoo?”

“Pangalawa,” pagpapatuloy ni Fyre. “Wala kang makukuha kahit sentimo mula kay Mr. Parisi.”

“That’s okay,” mabilis niyang sabi.

“Pangatlo at panghuli.” Fyre smiled. “Kakausapin mo ang lolo ni Mr. Parisi. Ikaw ang magpapaliwanag kung bakit kayo naghiwalay sa paraang hindi aatakihin sa puso ang lolo niya.”

Mabilis siyang tumango. “I can do that.”

“Good.” Fyre smiled again before handing her the ball pen. “Now, sign it.”

“Wait,” pigil ni Havoc sa pagpirma niya. Tumingin ito kay Monti na wala pa ring imik. “You don’t want to let go of Inna. And now, you’re agreeing to the divorce. You’re planning something—”

“Coz,” putol ni Fyre sa iba pang sasabihin ni Havoc. “Just be happy that Mr. Parisi agreed to the divorce.”

“Fyre—”

“Havoc…” May diin sa boses ni Fyre. Tumalim din ang mga mata nito. “If you don’t want me to walk away, stop talking nonsense. Or else, you’ll be looking for another lawyer. I’m here because you asked for my help. Now, let Inna sign the papers, so we can all get out of here. Marami pa akong gagawin.”

Nagdilim ang mukha ni Havoc habang nakatingin kay Fyre. “Bakit parang pinoprotektahan mo siya?”

Tumaas ang kilay ni Fyre. “I’m a lawyer. You’re my client. I’m just doing my job. Now, let Inna sign the darn papers.”

“Fyre—”

“Tesoro…” sabi niya saka pinisil ang kamay ni Havoc. “It’s okay. Wala akong pakialam kung may binabalak siya. Ang importante sa akin, maging malaya na ako sa kanya. I will sign it to be free from Monti.”

Monti blew a loud breath and was about to say something when Fyre cleared her throat, stopping Monti. Inna even saw Monti take a quick glance at Fyre before sighing heavily and looking down. She slightly frowned. Something was up with these two. Nararamdaman niya iyon.

Humigpit ang hawak ni Inna sa ball pen. Binasa niya ang nilalaman ng mga papeles. Nakapirma na si Monti kaya naman mabilis din siyang pumirma saka huminga nang malalim.

“Magiging malaya na ako,” bulong niya saka humarap kay Havoc. Mahigpit niya itong niyakap. “ Tesoro, malapit na akong maging malaya.”

Hinaplos naman ni Havoc ang likod niya. Hinalikan nito ang balikat at leeg niya. “Puwede na kitang pakasalan.”

Mabilis siyang tumango. Lalong humigpit ang yakap niya sa lalaki. Ilang sandali pa at umalis na siya sa pagkakayakap ni Havoc. Tumayo siya para yakapin at pasalamatan si Fyre.

“Thank you. Thank you so much!”

Tinapik-tapik ni Fyre ang likod niya. “I will still file this. Saka ka na magpasalamat kapag okay na ang lahat.”

“Salamat pa rin,” sabi niya. Pero natigilan si Inna nang wala sa sariling napatingin kay Monti. Wala pa rin itong imik. “Thank you and I’m sorry, Monti.”

Monti didn’t say anything, but his teeth gritted in response.

Tumayo si Havoc saka siya nilapitan. Hinawakan siya nito sa kamay. “Come on. Let’s go,” sabi nito saka tinapik ang balikat ni Fyre. “Thank you.”

Tumango at nginitian lang sila ni Fyre. Siya naman, panay ang pasasalamat sa babae bago tuluyang nagpaubaya kay Havoc na masuyo siyang hinihila palabas ng Eroticafé.

Hindi maipaliwanag ni Inna ang sayang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Para siyang nakalutang sa kasiyahan sa isiping magiging malaya na siya kay Monti.

When Inna looked back to wave good-bye at Fyre, she saw Fyre facing Monti while talking animatedly at him. While Monti was facing Fyre, he lookeds like he was listening attentively while his hand was playing with Fyre’s hair.

That shocked her. Magkakilala ba ang dalawa?

Nawalan na si Inna ng pagkakataon na mas pagmasdan ang dalawa. Masuyo na siyang hinila ni Havoc palabas ng Eroticafé.

“Tesoro,” sabi niya nang nakasakay na sila sa golf cart.

“Ano `yon?” tanong ni Havoc habang nagmamaneho.

“How well do you know Fyre?”

Kumunot ang noo nito. “Why are you asking? Close kami ni Fyre. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang lagi kong nakakausap.”

Napatango-tango si Inna habang nag-iisip kung sasabihin ba niya ang nakita. “Ahm… Is there a possibility that Fyre would like Monti? I mean, mukha silang kumportableng dalawa kanina.”

Umiling si Havoc. “Nope. Fyre hates men who hurt women.”

Kung ganoon, ano iyong nakita niya? Monti never played with her hair or any woman’s hair for that matter. Namalik-mata lang ba siya kanina?

Marahan siyang napailing. Napangiti na lang siya nang maalala ang pagpirma sa divorce papers nila ni Monti. Magiging malaya na rin siya. Magiging malayang mahalin at makasama ang lalaking mahal niya.