noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 29

Ch. 30 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Twenty-nine

PARANG may humaplos sa puso ni Inna nang makitang ingat na ingat na inihiga ni Havoc ang mahimbing na natutulog na si Serenity sa kama nilang mag-ina. Hinalikan nito sa noo ang bata bago tuluyang lumayo sa natutulog nilang anak.

Inna could see softness and love in Havoc’s eyes. It warmed her heart. Ngayon pa lang nagkita ang dalawa, pero ramdam niya ang pagpapahalaga ni Havoc sa anak nila. Malambing at maalaga ito kay Serenity. Sa sobrang pag-aalaga, ayaw ng magpababa ni Serenity mula sa pagkakabuhat ni Havoc. He was such a good man and he will be a good father to Serenity, she was sure of that.

Maingat itong huminga nang malalim saka bumaling paharap sa kanya. “Hey.”

Nginitian niya si Havoc. “Hey to you, too.”

Mahina itong natawa saka lumapit sa kanya. Naglalambing itong yumakap sa baywang niya. “Bukas, uwi na tayo sa bahay natin.”

Tumaas ang kilay ni Inna at napatingala rito. “Bahay natin?” nagtatakang tanong niya.

Havoc smiled at her. “Sa beach house natin.”

“Oh. That.” Napangiti na rin si Inna. “Sige. Siguradong magugustuhan doon ni Serenity.”

Tumiim ang titig ni Havoc. “How about you? Magugustuhan mo ba roon?”

“ Tesoro, I’ve changed.” Inna kissed his chin. “I’m not the same Inna who was happy because you built me a house to live in. I don’t care where I live now, as long as I’m with you and Serenity. Okay na okay na sa akin `yon.”

Havoc’s face softened. “My Inna…” He cupped her face. “Talk to me. Tell me what happened to you. I want to know your side of the story.”

Bumuntong-hininga si Inna saka masuyong hinila palabas ng kuwarto si Havoc. Pinaupo niya ito sa sofa. Nang tatabi na siya sa lalaki, hinila siya ni Havoc paupo sa mga hita nito. Yumakap ito sa baywang niya.

Napangiti si Inna sa ginawa nito. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. “Tesoro?”

“Hmm?”

“Thank you for accepting me in your life again.” Alam niyang hindi naging madali para sa lalaki na tanggapin ulit siya pagkatapos ng mga nangyari. “Even after everything that happened, you still accept me and Serenity.”

Pinagsalikop ni Havoc ang kamay nila. “I love you and I love my baby kitten. That’s why.”

Inna caressed Havoc’s whiskers from his jaw to his chin. “Pinabayaan mo ba ang sarili mo habang wala ako?”

Havoc nodded with a sad smile on his lips. “Lagi akong umiinom ng alak at naglalasing. `Yon lang kasi ang paraan ko para makatulog nang mahimbing. I missed you so much, Inna. When you left, I nearly went crazy. Literally. I had to see a psychiatrist and undergo therapy just to be a little sane again.”

Her heart twisted in pain for her tesoro. “I’m sorry. Nang araw na pumunta ako sa bahay para magpaliwanag, galit na galit sina Mommy at Daddy sa akin. Tumawag pala si Monti para sabihing ipapawalang-bisa na ang kasal namin dahil nga nagloko ako. Sabi ni Mommy, sobra-sobra ang kahihiyang ibinigay ko sa pamilya namin. Kahit daw inuuod na ako sa libingan, maalala pa rin ng mga tao ang kalandian ko.”

“Inna—”

“Pinagsasampal ako ni Mommy. Kahit sabihin kong mahal mo ako at pakakasalan mo ako, bingi sila sa lahat ng mga paliwanag ko. Kahihiyan ako, nakakahiya ang ginawa ko at ang landi-landi ko raw. `Yon lang ang narinig ko sa kanila habang sinasaktan ako ni Mommy sa sobrang galit sa akin. Ikinakahiya nila ako. Hindi nila hahayaan na magsama tayo, lalo na at kasal pa ako kay Monti. Hindi raw puwede kasi mapapahiya ang pamilya namin.”

Humugot siya nang malalim na hininga. “So they locked me in my room.” Kinagat ni Inna ang ibabang labi. “I could hear you that day. I could hear your screams. I could hear you calling my name. And I kept on screaming back, hoping you’ll hear me. But you didn’t. Tuwing naririnig ko ang boses mo na tinatawag ako, lumalakas ang loob ko. Pero hindi ako makatakas sa bahay.

“They locked me up for two months. Kahit ang pagkain ko, sa kuwarto na rin. No visitors. Not even Caya. After that, they sent me to Switzerland through a borrowed private plane. Doon ako pinatira sa bahay ng auntie ko. Pero tulad noong nasa bahay ako, nakakulong pa rin. Limitado pa rin ang galaw. Ginawa nila `yon para hindi na ulit tayo magkita. Para hindi maging kahihiyan ang pamilya namin dahil sa relasyon natin.

“Pagkalipas ng tatlong buwan, nalaman kong buntis ako kasi lumaki ang tiyan ko.” Malungkot siyang ngumiti nang maalala ang nangyari. “My mom was so furious when she learned about my condition. Pinagsasampal niya ako sa galit. Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa anak natin. Pagkatapos n’on, pinapili ako ni Mommy. She wanted me to get rid of the baby, or else, she’ll disown me in the country where I didn’t know anyone.”

Inna took a deep breath to stop her tears from falling. “Of course, I chose Serenity. I don’t care if my family disowns me. I chose my baby. She’s innocent in all of this. Bahala na kung maghirap ako basta hindi lang ang anak ko ang mawala. So, my family disowned me. Mom kicked me out of my aunt’s house. I lived on the street for days until a shelter took me in.”

Pahigpit nang pahigpit ang yakap ni Havoc sa kanya habang nagkukuwento siya. Panay ang pagtagis ng mga bagang nito.

“I slept mostly in the park or in the street. I had no money and no means to communicate with someone. I only had my passport and my clothes. Pero pati `yon, nawala. Nagising na lang ako isang umaga na wala na ang bag ko. I was crying in the park when a Filipina saw me. She let me use her phone to e-mail you since I can’t remember your phone number. After that, thank God a shelter took me in while I worked as a house helper by day.”

Mariing ipinikit ni Havoc ang mga mata sa huli niyang sinabi. “I’m so sorry. I don’t want to excuse myself from my own idiocy. Kung binasa ko lang `yong mga random e-mails na natatanggap ko. Kung sana hindi ako lasing lagi para magbasa ng e-mails ko—”

“Sshh…” Inna kissed his forehead. “Tapos na `yon. Hindi na natin mababago `yon. Ikinukuwento ko lang kasi gusto mong malaman.” Hinaplos niya ang pisngi ni Havoc. “But don’t let our past affect you, tesoro. No one is holding it against you. No one.”

Havoc looked at her, his eyes watering. “Hindi ko kayang tanggapin na natulog ka sa gilid ng kalsada dahil sa katangahan ko.”

Umiling si Inna. “It’s okay. Nandito na ako.”

Umiling ito. “Kahit na. Hindi ko kayang tanggapin, Inna.”

Nginitian niya ito. “ Tesoro, I’m here now. I’m okay and I’m happy. Wala na sa akin ang mga nangyari. Nang makita ulit kita, kahit hindi mo ako pinansin, sobrang saya ko na noon.” Inna kissed his forehead. “So, don’t feel bad, okay?”

Umiling si Havoc. “You still suffered because of me.” He looked so guilty. “`Tapos nakulong ka pa.”

Huminga siya nang malalim. “That was a mistake. I was a maid in Colombo’s family mansion. Hindi maganda ang ugali ng boss ko. Malagkit lagi ang tingin sa akin ng asawa niya. Nang mawalan siya ng pera, ako agad ang itinuturo na kumuha ng pera. Ako lang daw kasi ang pumasok sa bahay. Kaya may mga police na pumunta para ayusin ang nangyari. Hiningian nila ako ng mga dokumento. Wala akong maipakita. Dinala nila ako sa presinto para doon magpaliwanag. Mga pitong buwan na akong buntis noon. Hindi naman ako nakulong talaga dahil buntis ako. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin. Kung bakit wala ako kahit isang papeles na maipakita.

“Pero mapilit `yong amo kong babae na nawalan ng pera. She was rich and her family was powerful. She really wanted me to be punish. Pero wala naman akong ninakaw. Naiiyak na ako sa presinto kasi wala akong kasama. Takot na takot ako. Wala akong kakilala sa bansang `yon, mayaman pa ang kalaban ko. I was alone. They held me in the precinct while they decided what to do with me since I was pregnant.

“Doon ko nakilala ang pangalawang asawa ni `Nay Daniela. He’s a police officer who took pity on me. Nakita niya siguro ang takot ko. I spent a day in the precinct until my name got cleared with the help of `Nay Daniela’s husband. Tinulungan nila akong mag-asawa. Pinatira sa bahay nila. Tinulungan din nila akong makahanap ng employer na Italian para ma-retain `yong recedential card ko. At para masuportahan ang sarili ko habang inaayos ang mga papeles ko. Kaya pagpasensiyahan mo na si `Nay Daniela kung nasabi man niya `yon. She’s just worried about me.

“They were struggling financially as well. Ayokong maging pabigat kaya nagtrabaho ako kahit malapit na akong manganak. I didn’t have a transcript of records or any documents that could prove that I graduated from a university in the Philippines. So, I worked as a street sweeper, a housemaid and a waitress. I didn’t have a health insurance because I was only working part-time. So what I did was I saved up my salary in case of emergency.

“Nakapag-ipon naman ako nang kaunti para sa panganganak ko. Halos seventy percent ng gastos ay covered ng government kaya kahit paano, naging maayos ang panganganak ko kay Serenity. Walang naging problema. Salamat sa Diyos. Serenity was a healthy baby girl, thank God. Muntik na akong ma-cesarian dahil malaki siya. Pero kinaya naman ng normal delivery. Kaya laking pasasalamat ko dahil maaalagaan ko siya nang maayos.”

Mahina siyang natawa saka napailing sa nakaraan niya. “Months after I gave birth to Serenity, nagtrabaho ako bilang housemaid sa umaga at waitress sa gabi. May part-time rin ako kapag madaling-araw bilang street sweeper bago pumasok sa sunod kong trabaho. Lahat ng ginagawa ko ay para kay Serenity at para sa `yo. I needed money to go home. Ayokong iasa ang lahat kay `Nay Daniela. Siya na nga ang nag-aalaga kay Serenity kapag nasa trabaho ako, eh.”

Mahinang tumawa si Inna. Pero wala siyang kasiyahang makita sa mukha ni Havoc.

“So, from then on, I worked my ass off,” pagpapatuloy niya. “I took three jobs a day to save money. Habang nagtatrabaho, inaayos ko naman ang mga pepeles namin ni Serenity para walang maging problema sa pag-uwi namin sa Pilipinas. Kalahati ng sahod ko, iniipon ko. Pero nababawasan `yon. Minsan kasi may mga kailangan din akong bilhin para sa aming mag-ina lalo na at bumukod kami. Sobrang nakakahiya na kasi kina `Nay Daniela kahit pa welcome kami sa bahay nila.

“Doon ko na-realize ang halaga ng pera. Ang hirap hanapin n’on. Sobra. Kapag napapadaan ako sa mga boutique, wala na sa isip ko ang sarili ko. Kapag bumibili ako ng damit, hindi na para sa akin kundi sa anak ko na. Kinalimutan ko ang sarili ko at ang mga pangangailangan ko para sa anak ko. Mas importante siya. Mas mahalaga sa akin na siya ang may bagong damit. No buying of makeup, no buying of perfume, designer bags and shoes like I used to. I became a whole different person and it made me grow.

“Kahit nakakapagod na, kahit minsan gusto ko ng sumuko, kapag naiisip kita at ang magiging buhay ni Serenity kapag sumuko ako, lumalakas ulit ang loob ko. Lahat ng ginagawa ko, para kay Serenity. I would work four jobs if I had to just to keep her healthy and happy. Dumating nga ako sa puntong hindi na ako natutulog sa katatrabaho. Gustong-gusto ko na kasing umuwi at makita ka. Natatakot ako na baka pag-uwi ko, may kapalit na ako. Gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana, ako pa rin pagbalik ko. Hindi ako umasa, pero panay ang dasal ko.”

“Inna…” Havoc still looked so guilty. “I’m so sorry… I’m so sorry.”

“No need to say sorry.” Ngumiti si Inna. Hindi na niya sinabi sa lalaki na nakailang e-mail siya sa kagustuhang makausap ito. Pero hindi pala nito nabasa. Ayaw niyang lalo nitong sisihin ang sarili. “Mahigit isang taon na ako noon sa Switzerland at nakapag-ipon na rin kahit paano nang pumunta ako sa Italy via train. Kinapalan ko na ang mukha ko. `Yong bahay na gustong-gusto kong iwan noon ay pinuntahan ko.”

Natatawa na napailing si Inna. “When I saw Monti’s house, I was so happy. Pero agad ring nawala ang kasiyahan ko dahil ilang buwan na pa lang walang tao roon. And when I visited my friend’s café, wala na rin siya roon. Lumipat na siya sa Canada dahil tagaroon ang napangasawa niya. Wala rin akong nahingian ng tulong. Kaya pagkabalik ko sa Switzerland, mas nagpursige pa akong magtrabaho. Walang ibang tutulong sa akin na magkapera kundi ang sarili ko mismo.

“In my head, I was already calculating the possibilities. Hindi lang naman pambili ng ticket pauwi sa Pilipinas ang inipon ko. Siyempre, naisip ko rin ang posibilidad na baka may asawa ka na o may iba ka. Kailangang may pera kami ni Serenity kung sakali. Hindi puwedeng maghirap ang anak ko kung may magagawa naman ako.”

Sinuklay niya ang buhok ni Havoc gamit ang mga daliri niya. “Nang makabili ako ng ticket namin ni Serenity pauwi, nakakahiya man, pero grabe ang iyak ko. Sabi nga ni `Nay Daniela, para daw akong baliw kasi umiiyak at tumatawa ako nang sabay. Iba kasi, eh. Nagbunga na kasi lahat ng paghihirap at pagpupuyat ko. Makakauwi na rin kami sa wakas. Panatag din ako kasi sinamahan akong umuwi ni `Nay Daniela. Nag-aalala kasi siya sa akin, sa magiging buhay ko rito. Sa Switzerland kasi, hindi problema kapag nagkakasakit si Serenity. May health insurance kasi ako sa trabaho ko. Mas mahirap daw dito sa Pinas ang maging single mother.

Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ni Inna. “Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, pagkatapos naming makauwi sa apartment na pag-aari din ni `Nay Daniela na inupahan ko, inayos ko agad ang mga papeles ko na gagamitin sa paghahanap ng trabaho. Habang hindi pa `yon kumpleto, nag-waitress muna ako para may pang-araw-araw kaming gastusin ni Serenity. Ayoko kasing bawasan ang naipon ko lalo na at ng pinuntahan kita sa club mo… may kahalikan ka.”

Mabilis na nagpaliwanag si Havoc. “About that, I’m so sorry—”

Inna pressed her lips on his to silence him and whispered over his lips. “Don’t worry about that, tesoro. I don’t mind if you have kissed lots of women while I was away. Naiintindihan ko naman `yon. Basta akin ka ngayon, masaya na ako roon.”

Mabilis itong umiling. “I didn’t kiss a lot of women. That woman kissed me. Sav sent her to, you know…” Nagbaba ito ng tingin na para bang hindi makatingin sa kanya. “I didn’t have sex with anyone or kiss anyone for that matter. Well, except for that woman you saw in my club. But nothing happened. I was a good boyfriend, I mean, not really. I did a lot of shit in that three years. But if you’re referring tot my sexual life, it was zero.”

Napatitig siya kay Havoc. Hindi siya umasa na mananatili itong tapat sa kanya pagkatapos niyang mawala. Inisip ni Inna na babalik ito sa dati at mambababae. Pero mali siya. Havoc loved her that much.

“Thank you,” sabi niya. “For being a good boyfriend.”

Napatingin sa kanya si Havoc. Napatitig ito sa mga mata niya. “Thank you… for coming back to me. For not giving up. For doing everything just so we’ll be together again. And thank you, for choosing Serenity and for taking good care of her. She’s so cute and she’s ours. I feel so blessed. All the heartaches and pain I felt, they vanished when I saw her. Our baby fixed me in an instant.”

Pinisil ni Inna ang tungki ng ilong nito. “Then why tell me to fix you when you’re already fixed?”

Pinigil ni Havoc ang ngiting gustong kumawala sa mga labi saka siya hinalik-halikan sa leeg at panga. “Nilalambing lang kita. Saka ayokong iwan mo ako at magpakasal sa iba.”

Natatawang inilapit ni Inna ang mga labi sa mga labi nito. Hinalikan niya ito nang mariin. Nang tugunin ni Havoc ang halik niya, napahawak siya sa balikat nito nang lumalim iyon.

Nakita na lang ni Inna ang sarili na dumadaing sa kakaibang sensasyon na hatid ng mapusok nilang halikan. Matagal na rin nang huli niyang maramdaman ang masarap na sensasyong iyon. Hindi man iyon hinanap ng katawan niya sa loob ng tatlong taon, ngayon ramdam niya ang pangungulila sa mga halik at haplos ni Havoc sa katawan niya.

Huhubarin na sana ni Havock ang pang-itaas niya nang marinig nila ang boses ni Serenity.

“ Ammy? Dada meow ?”

Havoc immediately stopped kissing her and rested his head on the back of the sofa. “I wanna curse. But that’s my baby kitten.”

Mahinang natawa si Inna. Umalis siya sa pagkakaupo sa hita ni Havoc at pinuntahan ang anak na kinukusot pa ang mga mata.

“Aw… My kitten…” Binuhat niya ito at dinala sa sofa saka paharap na naupo sa mga hita ni Havoc. Nakaupo naman sa mga hita niya si Serenity.

“O, bakit nagising ang baby kitten ko?” naglalambing na tanong ni Havoc sa anak habang hinahaplos ang pisngi nito.

“Bad dleam, ” sagot ni Serenity na nakasimangot. Naghikab ito at humilig sa dibdib ni Havoc. “ Selenity… Sleepy…”

Hinaplos ni Inna ang buhok ng anak. “Then, sleep, kitten. Nandito lang sina Mommy at Daddy.”

“Dada Meow...” Serenity whispered before closing her eyes again.

Nagkatitigan naman sila ni Havoc. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya saka bumulong. “When can I have you?”

Mahina siyang natawa at napailing. “Saka na, kapag tayong dalawa na lang.”

Havoc pointed his lips at Serenity who was now snoring softly. “She’s asleep.”

“So? Hindi pa rin puwede.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Isa lang ang kuwarto sa apartment na `to. Bawal sa salas. Naririnig ng nasa baba ang ginagawa rito sa taas.”

“Where’s the bathroom?”

Naguluhan si Inna sa itinanong nito. Pero itinuro pa rin niya ang banyo. “`Yon.”

“Malaki ba?”

Tiningnan niya nang masama si Havoc nang maintindihan kung anong binabalak nito. “Havoc, it’s a no. My neighbors will hear us—”

“That’s okay. Aalis naman na kayo rito bukas.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “So, later?” Havoc pouted. “Please? I miss you so much, my Inna.”

Napailing na lang siya saka tumango. “Oo na. Na-miss din naman kita.”

That made Havoc grin. “Yes—”

Serenity moved and whispered. “Meow…”

“Sshh…” Agad na hinaplos ni Havoc ang buhok ng anak nila. “Sleep tight, baby kitten. Sleep tight. May gagawin pa sina Mommy at Daddy.”

Napailing na lang si Inna. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakaupo sa mga hita ni Havoc. Hinubad niya ang pang-itaas na damit at bra sa mismong harap nito.

Lust filled his eyes. “Inna…” he groaned.

Kinindatan niya si Havoc saka nang-aakit na naglakad papunta sa banyo. She was sure that her tesoro won’t follow her to the bathroom. He was with Serenity.

Pero mali siya ng akala. Dahil sumunod si Havoc pagkalipas nang ilang minuto. Agad nitong hinalikan ang mga labi niya. Isinandal siya ng lalaki sa likod ng nakasarang pinto ng banyo.

At tulad ng lagi niyang ginagawa kapag nagiging mapusok na si Havoc… nagpaubaya siya.