C hapter Two
“SANA hindi na lang kita isinama rito sa isla kung magmumukmok ka lang naman pala sa kuwarto,” nakapamaywang na reklamo ni Caya na nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. “Inna! Are you even listening to me?”
Napakurap-kurap si Inna saka napatingin sa pinsan. “Ano?”
“Geez!” Caya looked irritated. “May auction party mamaya. Pupunta ako kaya dapat pumunta ka rin. Hindi ako makakapayag na hindi. Goodness, Inna, apat na araw na lang ang mayroon tayo sa isla. Kailangan nating mag-explore! I miss this island. And I bought the invites for you. Naawa lang naman ako sa `yo. Ang sama kasi ng ugali ng asawa mo kaya kita dinala rito para makapag-unwind.”
Inna sighed. “Maybe it’s a mistake coming here. If Monti finds out—”
“What happens on the island, stays on the island.” Bumuntong-hininga si Caya. “Stop worrying, my dear cousin. Walang malalaman ang asawa mo.” Idinipa nito ang kamay at nag-emo. “We’re here to let go of our inhibitions. To embrace our desires. To be free from all the angst in our life. To feel and experience pleasure at it’s finest.”
Nginitian lang ni Inna ang pinsan saka bumangon mula sa pagkakahiga. “Ano ba ang mayroon sa auction mamaya at parang gustong-gusto mong pumunta?”
“They will be auctioning ten members for the island’s anniversary!” Tumili ito. “Oh, my God, Inna! I can’t wait!”
“Wala naman akong perang pambili sa kanila kaya dito na lang ako,” natatawang sabi niya.
Agad na nawala ang excitement sa mukha ni Caya. “I hate you, do you know that?”
Inna smiled at her cousin. “No, you don’t.”
Caya rolled her eyes at her. “Bahala ka na nga. Pero ako, hindi ko palalampasin `to. I heard Sav is going to be auctioned and Tariq is going to be there. And, oh, Napoleon, too, and Havoc and—”
“Havoc?” Her eyes widened. “Havoc Andrada?”
Tinaasan siya ng kilay ng pinsan. “You know him?”
Nag-iwas ng tingin si Inna. “Not really.” Walang alam si Caya sa mga ginawa niya dalawang taon na ang nakararaan kasama si Havoc. Inilihim niya talaga iyon. “His name sounds familiar though.”
“Well, talagang familiar ang pangalan niya.” May pagmamalaki sa boses ni Caya. “Lahat yata ng kababaehan sa isla, gusto siyang matikman. There’s this rumour that he’s really good in bed.”
Her lips thinned. That’s not a rumor. Havoc is good in bed.
Lihim na napalunok si Inna nang maalala ang nakaraan. Marahas siyang huminga nang malalim saka tumayo. “Sige, sasama ako sa `yo sa auction.”
Agad na bumalik ang excitement sa mukha ni Caya. “Yey!”
“Pero sa gilid lang ako.” Inna just wanted to see Havoc from afar.
Naaalala pa kaya niya ako?
“Wala naman akong malaking halagang pera na dala.”
“Okay na okay na sa akin `yon.” Excited siyang niyakap ni Caya. “Magpaganda na tayo.”
Tumango si Inna at binuksan ang closet para mamili ng damit na isusuot mamaya, samantalang si Caya ay nagpaalam na pupuntang salon para magpaayos.
It was just four PM. Nakapili na si Inna ng damit. Hindi naman siya magpapaayos kaya wala na siyang gagawin kundi maghintay para sa party mamaya.
Out of boredom, Inna stepped out from the hotel and went for a walk. Dinala siya ng mga paa sa parte ng dalampasigan kung saan sila nagkakilala ni Havoc.
Napangiti si Inna sa alaalang iyon. Havoc was so straightforward, asking her to be his dinner.
Damn that man.
Huminga siya nang malalim saka hinubad ang sundress na suot at lumusong sa dagat. Napakalinaw ng tubig. Hindi na mataas ang sikat ng araw kaya masarap maligo at lumangoy.
Inna was enjoying herself swimming when she noticed that the sun was setting. Napakurap-kurap siya.
Si Caya! Ang auction party! Shit!
Nagmamadali siyang umahon mula sa malalim na parte ng dagat. Habang naglalakad papuntang dalampasigan, pinipiga ni Inna ang dulo ng mahabang buhok para hindi masyadong mabasa ang damit niya. Pero ang planong pagkuha niya ng damit na iniwan sa dalampasigan ay naputol nang may naunang kumuha niyon kaysa sa kanya. And when Inna looked up to see who it was, she felt her world stop spinning when their eyes met.
Havoc…
Hawak pa rin nito ang damit niya habang titig na titig sa kanya. It had been two years, but the way he stared at her, it still felt the same. Like nothing had changed between them.
“Inna…” mahinang sabi nito habang titig na titig pa rin sa kanya.
At dahil malinaw pa sa alaala ni Inna kung paano sila nagkakilala, ginaya niya ang mga sinabi noon sa kanya ni Havoc.
“Alone?” she asked.
Havoc nodded.
“Girlfriend?”
Umiling ito.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Inna sa sunod niyang tanong. “Virgin?”
“Hell, no.”
Oh, that baritone voice.
Inna chuckled. “It’s nice to see you again.”
She was happy. Pero parang si Inna lang ang masaya dahil wala siyang makitang masayang kislap sa mga mata o ngiti sa mga labi ng lalaki.
“Havoc—”
“Alone?”
Natigilan si Inna sa tanong, pero pagkalipas ng ilang segundo ay nakabawi rin. “Yes.”
“Boyfriend?”
Itinaas ni Inna ang kamay at ipinakita rito ang daliri niya. “Married.”
Nawala ang emosyon sa mukha ni Havoc habang nakatitig sa singsing niya. Wala itong imik nang ilang segundo bago ibinalik ang mga mata sa kanyang mukha.
“Two years. And now you’re married,” he whispered. “Where have you been?”
“Italy.”
“Did you ever think of me?”
Tumango si Inna. No reason to lie. “Sometimes.”
“Me, too,” sabi nito saka bumaba ang tingin sa mga labi niya. “Did you miss me?”
“I’m married, Havoc,” sabi niya saka pilit na ngumiti. “I’m not allowed to miss you.”
“Well, I am. And I goddamn miss you so much.”
Nag-iwas ng tingin si Inna. “Hindi tayo dapat nag-uusap nang ganito. May asawa na ako, Havoc—”
“I don’t care. I still want to eat you for dinner.”
Umiling si Inna. “I’m here for a vacation, Havoc. Ayokong magalit sa akin ang asawa ko.”
“How about breakfast?” He was really persistent.
Umiling ulit si Inna. “Still a no, Havoc—”
“I’m staying in the same cabin,” imporma nito na para bang sinasabi nitong pumunta siya roon.
“Havoc—”
“I’ll wait for you tomorrow,” sabi ng lalaki habang matiim ang titig sa kanya. “If you don’t want to fuck me, I’ll fuck you. So choose wisely.”
Napaawang ang mga labi ni Inna. “W-wala naman akong takas sa choices na `yon.”
“Wala nga,” sabi ni Havoc. “Whichever you choose, you’ll still end up in my bed. Naked.”
“Havoc, I’m married—”
“Still don’t give a fuck. I want you in my bed, naked,” sabi nito.
Napalunok si Inna nang maalala ang huling pagkakataon na nasa kama siya nito at nakahubad. Bumuntong-hininga siya at palihim na ipinilig ang ulo.
“It’s good seeing you again, Havoc.” Kinuha ni Inna ang damit niyang hawak nito saka iyon isinuot at nilampasan ito.
Gusto niyang iwasan ang lalaki. Hindi na puwede ang gusto nito. May asawa na siya.
Pero hindi pa siya nakakalayo, may humawak na sa kamay niya at isinalikop iyon sa kamay nito.
“Ihahatid na kita.”
Pilit niyang inaagaw ang kamay na hawak nito, pero mas malakas si Havoc. Hindi nito pinakawalan ang kamay niya.
“Havoc, let go of me—”
“No.”
Mas humigpit pa ang hawak ng lalaki saka siya hinila papunta sa golf cart nito. Pinasakay siya ni Havoc. Mabilis sana siyang aalis nang iikot sana ito papunta sa driver’s seat nang mabilis nitong ihinarang ang katawan sa harap niya.
“Havoc…” Bumuntong-hininga si Inna. “Please, just let me go. Hindi na natin puwedeng gawin ang ginawa natin noon dahil—”
“Dahil may asawa ka na?” Havoc asked nonchalantly. “Do I look like I care?”
“I do,” may diin niyang sabi. “Kasal kami kaya pasensiya na.”
Aalis na sana si Inna nang pigilan siya ng lalaki sa baywang at pinaupo sa golf cart. “Ihahatid kita.”
Hindi na siya nagpumilit pa na umalis dahil mapilit si Havoc. Hinayaan niya ang lalaki na ihatid siya. Nang makarating sila sa hotel, sinamahan siya nito papasok, pero tinawag ng babae sa information desk ang atensiyon niya bago pa siya makasakay sa elevator.
“Mrs. Parisi?”
Humarap si Inna sa babae. “Yes?”
“May tawag ho kayo sa island lobby,” imporma nito na ikinatigil niya. “Kanina pa po tawag nang tawag ang tumatawag sa inyo.”
Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa security lobby na hindi naman kalayuan sa hotel na tinutuluyan niya saka lumapit sa receptionist na nasa lobby.
“I’m Mrs. Parisi,” pagpapakilala ni Inna. “May tawag daw ako?”
“Oho.” Ibinigay nito ang awditibo ng telepono.
“Thank you,” sabi niya saka saka kinuha ang awditibo at inilapit iyon sa tainga niya. “ Pronto, Monti?”
“Ti sto chiamando da un ora! Dove dal diablo sei andata ?” sigaw nito. (I’d been calling for an hour now! Where the hell have you been?)
Kalmado ang boses ni Inna nang sumagot. “Ero occupato.” (I was busy.)
“With what?”
“I was with Caya,” pagsisinungaling niya.
“Really? Funny. I just talked to Caya and she was looking for you.”
Nakagat ni Inna ang ibabang labi saka mariing ipinikit ang mga mata. “Midispiace.” (I’m sorry.)
“Are you really? You don’t sound sorry to me. Forse sei con un’altro uomo. ” (Maybe you’re with a man.)
Nagtagis ang bagang ni Inna. “Questo e la mia vacanza, Monti. Almeno lasciami in pace?” (This is my vacation, Monti. Can you at least give me a break?)
Tumaas ang boses ni Inna, pero wala siyang pakialam dahil siguradong walang nakakaitindi sa sinabi niya. Punong-puno na siya sa pag-uugali ng asawa.
“Sono stata una buona moglie, Monti. Anche hai altri donne, non ho detto niente dal tuo nonno perche questo ti fa felice!” (I’d been a good wife to you, Monti. Even when you have other women, I never said a word to your grandfather because that’s what makes you happy!)
“And why are you bringing that up now? Mi stai trandendo? (Are you cheating on me?)
Her eyes widened. “Monti!”
Monti chuckled coldly. “I can fuck any woman that I want, Inna. Actually, I’m fucking two women later. You’re just my wife. A useless one at that.”
Kumuyom ang kamay niya. “Te odio.” (I hate you.)
“I know. Anyway, I just called to tell you that I miss your presence in the house. Quindi, torna presto. ” (So come back soon.)
Napaawang ang mga labi ni Inna sinabi ng asawa. Pero bago pa siya makapag-react, nawala na ito sa kabilang linya.
Cazzo! What was with Monti? Was he drunk again?
Mabilis niyang tinawagan ang numero sa mansiyon ni Monti. Nagpasalamat siya ng ang mayordoma ang makasagot.
“Monti sta bene?” tanong niya. (Is Monti okay?) “E, di nuova ubriaco?” (Is he drunk again?)
“Si, Signorina. Sinor e arrivato ubriaco con una donna.” (Yes, Ma’am. He came home drunk with a woman in his arms.)
Inna signed. “Se suo nonno visita la casa, per favore chiamami.” (If his grandfather visits the house, please call me.)
“Lo faró, Signorina.” (I will, Ma’am.)
“Grazie.”
Ibinaba ni Inna ang awditibo saka napatitig sa telepono.
Monti…
She was not sleeping with Havoc because she was married. Pero ang asawa niya ay nasa kandungan ng iba.
Mapakla siyang natawa. “God, I hate my life.”
Umikot siya pagkatapos ay malakas na napasinghap nang makitang nasa likuran lang pala niya si Havoc at matiim na nakatitig sa kanya.
Sinundan ba siya nito?
“Please tell me that your husband is treating you like a queen,” sabi nito na parang nakikiusap na sabihin niya iyon.
Kinabahan si Inna. “Bakit ko naman sasabihin `yon?”
“Para ipaubaya kita sa kanya,” sagot ni Havoc saka hinawakan ang baba niya at inilapit ang mukha sa mukha niya. “Please, tell me that he’s treating you like a queen.”
Hindi magawang ibuka ni Inna ang bibig at sabihing tinatrato siyang reyna ni Monti dahil wala namang katotohanan iyon. But for the sake of Havoc leaving her alone, she force herself.
“I-I’m his q-queen.”
His face darkened. “Then why are you crying and why can I see pain in your eyes?”
“T-tears of joy,” pagdadahilan ni Inna habang tinutuyo ang mga luha sa pisngi na hindi niya namalayang tumulo na pala.
“Tell me, Inna…” Havoc’s voice was low, his eyes were sharp. “How many times in a day does he tell you he loves you?”
Doon siya natigilan.
Never. It was a marriage for convenience. There was no love, not even respect.
“Inna, I’m asking.”
Tumulo na naman ang luha sa pisngi ni Inna. Sa pagkakataong iyon, hindi niya napigilan ang mapahikbi. Pero pinigilan niya ang sarili at pilit na pinakalma.
No! She couldn’t break down in front of Havoc.
“I’m sorry, I have to go.”
Mabibilis ang hakbang ni Inna pabalik sa hotel. Pero bago pa siya makalayo, hinawakan ni Havoc ang pulsuhan niya. Pinihit siya nito paharap saka tinitigan nang matiim.
“If I find out that he’s treating you like crap, mark my words, Inna, I’m going to take you away from him and I’ll make you my queen again.” Pagkasabi niyon ay iniwan siya ni Havoc.
Si Inna naman ay humiga nang malalim at yakap ang sarili na naglakad pabalik sa hotel.
Havoc, please, stop tempting me to come to you. I’m married. It’s not right.
NANG makita ni Havoc si Sav na walang kasama sa Gyros Restaurant, agad niya itong nilapitan.
“I need help,” sabi niya agad nang makaupo sa bakanteng upuan na kaharap nito.
Sav looked at him flatly. “You do realize I’m having an early dinner.”
“Don’t care.” Tiningnan niya ito sa mga mata. “You speak Italian, right?”
Nag-aalangang tumango si Sav. “Yeah, a little. Why?”
“What’s questo e la mia vacanza. Almeno lasciami in —Ahm…” Pilit niyang inaalala ang mga sinabi ni Inna pero hanggang doon lang ang natatandaan niya. “Something like that.”
Sav frowned. “Well, it says, this is my vacation. Can you give…”
“`Yon lang?”
Sav shrugged. “Your sentence is incomplete.”
Havoc let out a loud breath. “How about sono stata una buona or something like that.”
“I’d been a good… something like that.”
Havoc sighed. “How about anche hai altri donne, non ho detto niente dal tuo nonno perche questo ti fa felice.”
Tumaas ang dalawang kilay ni Sav. “You memorized that?”
“I was desperate to know,” sabi niya habang umaasa na tama ang pagkakasabi niya. “Well? What does it mean?”
“Well…” Sav sighed before speaking. “It means, even when you have other women, I never said a word to your grandfather because that’s what makes you happy.” Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Sav pagkatapos nitong i-translate ang sinabi niya. “What? Sino ba ang kausap ng taong `to?”
“Her husband,” mabilis niyang sagot.
“Damn!” Sav tsked. “Her husband is cheating on her and she knows and is not doing anything about it. That’s fuck.”
Napasandal si Havoc sa likod ng upuan saka mahigpit na kumuyom ang kamay. “So, he’s not treating her like a queen after all,” bulong niya sa hangin saka nagtagis ang bagang. “My apologies in advance, Inna. Hindi kita ipapaubaya sa asawa mo.”
“Ano ba ang ibinubulong-bulong mo diyan?” kunot ang noong tanong ni Sav na tumigil na sa pagkain para kausapin siya.
“She’s married,” sabi niya.
“Yeah, so you can’t have her,” sabi ni Sav saka umiling-iling. “Mabuti nga at nalaman mo nang maaga. `Buti na lang at nasasala ng island management ang mga babaeng pumapasok dito sa isla. Ang problema talaga ay `yong mga nakabili ng invitation through auction—
Wala sa sariling tumayo si Havoc saka bumulong sa sarili habang naglalakad. “How can I have her?”
“Fuck you, Havoc!” pahabol na sigaw ni Sav.
Ikinaway lang niya ang kamay sa ere saka lumabas ng restaurant at humugot ng malalim na hininga.
“How can I have her?” ulit niyang tanong sa sarili.
The Inna he met two years ago was willing and cooperative, but now she had changed. Marriage changed her. But her husband was not even treating her right. What kind of a marriage was that?
Inihilamos ni Havoc ang mga palad sa mukha saka nagmamadaling bumalik sa cabin niya. Mag-uumpisa na ang auction. Bukas na siya mag-iisip kung paano ulit maangkin ang babaeng bumaliw sa kanya noon sa loob lang ng limang araw.
If your husband was not treating you right, I will.