noveltoon logo noveltoon
Sinful Desire (Temptation Island 6)

Chapter 27

Ch. 28 / 33 Feb 09, 2022

C hapter Twenty-seven

IT WAS just a simple birthday celebration near the kids pool inside the resort. Inside the cottage was a table for four people. Siya, sina `Nay Daniela, Havoc at Monti.

Nagulat si Inna na kilala ni `Nay Daniela si Havoc. Ang lalaki pala ang nakasama ni Serenity nang mawala ito sa park noong isang araw. Si Havoc pala ang bumili ng ice cream na kinakain ng anak nang maibalik ito sa kanya.

God really worked in mysterious ways.

Habang nakaupo silang apat sa mesa, nilalaro ni Serenity ang ibinigay ni Havoc na stuffed toy na pusa. Panay ang “meow” nito. Ayaw nitong kumain. Gusto lang ng bata na maglaro kaya hinayaan na niya. Mamaya na lang niya ito pakakain kapag may gana ng kumain.

Inna knew that Havoc longed to hold his daughter in his arms longer. But Serenity wanted to play, so he had to let go of her. Halatang ayaw nitong bitawan ang anak nila. Pero nagpupumiglas na si Serenity, makababa lang.

“Kain lang kayo,” sabi ni `Nay Daniela habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan nina Havoc at Monti na pareho walang imik. “Kain lang. Si Inna ang nagluto niyan.”

Napatingin sa kanya si Havoc. Halatang nagulat ito sa nalaman tungkol sa kanya. Si Monti naman, hindi napigilan na magtanong.

“Wow! You can cook now?”

Nakangiting tumango si Inna. “Yes.”

“Tastes good,” puri nito sa luto niya.

“Thank you,” nakangiting sagot niya.

Si Havoc naman, nakatingin lang sa kanya. Pinagmamasdan siya nito nang matiim. Alam niyang marami itong tanong. Nakahanda siyang sagutin iyon. Nakahanda siya para sa lahat, mapakinggan lang siya nito. Maybe later. She was hoping that they could talk.

“Are you happy now, Inna?” tanong ni Havoc na titig na titig sa kanya.

Nakangiti siyang tumango. “Yeah. I am very happy. You?”

Lumipat ang tingin ni Havoc kay Serenity. Lumambot ang mukha nito. “Yeah. I am, too.”

“`Nga pala, Inna,” sabi ni Nay Daniela. “Kumusta na `yong lalaking sabi mo ay naghihintay sa `yo rito sa Pinas?” tanong ni `Nay Daniela na ikinatigil niya. “Nagkita na ba kayo?”

Napatingin siya kay Havoc bago tumango. “Opo.”

“Kumusta naman? Nagkaayos na ba kayo?”

Tumiim ang titig niya kay Havoc. “Gusto na niyang mag-move on at kalimutan ako. Masyadong masakit ang pinagdaanan niya dahil sa akin.”

Nakita niyang humigpit ang hawak ni Havoc sa tinidor at kutsara na hawak nito.

“Kung ganoon naman pala, eh, di magdesisyon ka na kung sasama ka pabalik sa akin sa Switzerland. Tanggapin mo na rin ang offer ni Mr. Gilbert sa `yo na pakasalan ka. He’s rich. Siguradong gaganda ang buhay n’yong mag-ina,” sabi ni Nay Daniela habang kumakain. Wala itong ideya na kasama nila ang lalaking dahilan ng pag-uwi niya sa bansa.

“Para maayos na natin mga papeles mo at nang matulungan ka ni Mr. Gilbert,” dagdag ni `Nay Daniela. “Alam mo namang gustong-gusto ka n’on kasi masipag ka.”

Tumiim ang mga bagang ni Havoc. Hindi siya nakaimik. Tumalim ang mga mata nito at nagdilim ang mukha. Bahagyang siyang umiling habang nangungusap ang mga matang nakatitig kay Havoc. Sana, hindi nito seryosohin ang huling sinabi ni `Nay Daniela.

“Kung kilala ko lang ang lalaking dahilan kung bakit halos mamatay ka sa katatrabaho makauwi lang dito, talagang tatamaan siya sa akin—”

“Nay Daniela, he’s a good man,” depensa niya kay Havoc.

“Alam ko naman `yon, Inna.” Sinalinan siya nito ng juice. “Ang punto ko lang, bakit hindi ka niya kayang tanggapin ulit sa buhay niya, eh, sobrang paghihirap na nga ang naranasan mo makauwi ka lang? May asawa na ba siya?”

Umiling siya. “Wala pa po.”

“Girlfriend?”

Napatitig siya kay Havoc. Bahagya itong umiling habang matiim na nakatitig sa kanya.

“Wala rin po,” sagot niya kay `Nay Daniela.

“Eh, `yon naman pala.” Parang mas nadagdagan ang iritasyon ni `Nay Daniela. “Bakit ayaw ka niyang tanggapin? Sobra-sobra na nga ang pinagdaanan mo, pahihirapan ka pa ba niya? Alam ba niyang nakulong ka sa Switzerland?”

Havoc froze.

Inna looked at `Nay Daniela to make her stop talking about what happened to her in Switzerland. “`Nay, may mga kasama ho tayo.”

Agad namang humingi ng paumanhin si `Nay Daniela. “Pasensiya na kayo. Nadadala lang ako sa emosyon ko. Itong batang `to naman kasi.” Hinaplos ni `Nay Daniela ang buhok niya nang masuyo. “Sinabi ko na kasing `yong naipon niya sa Switzerland sa pagtatrabaho niya ay itago para sa pag-aaral ng anak niya. Pero ayaw niya. Pamasahe raw pauwi kasi kailangan nilang magkita ng ama ni Serenity.”

Bumuga nang marahas si `Nay Daniela. Si Inna naman ay nakatungo lang at hindi makatingin nang deretso kay Havoc. Alam niyang titig na titig ito sa kanya.

“`Tapos ngayon, ayaw ng lalaking `yon na makipagbalikan kay Inna. Ako ang nasasaktan para sa `yo, Inna. Alam ko ang hirap mo sa Switzerland.”

“`Nay…” Hinawakan niya sa kamay si `Nay Daniela. “Please? Tama na po.”

`Nay Daniela sighed heavily. “Oo na. Hindi na. Naawa lang ako sa inyong mag-ina. Alam mo namang napamahal na kayo sa akin ng anak mo. Alam ko ang hirap maging single mother kaya pinagsasalitaan kita minsan para maayos mo ang buhay n’yo ng anak mo.” Napailing ito. “O, siya, dadalhin ko lang si Serenity sa kids pool. Tumataas ang presyon ko sa katigasan ng ulo mo.”

“Sasama po ako,” agad na sabi ni Monti. Mabilis itong tumayo.

Tahimik sila ni Havoc nang mapag-isa sila sa cottage. Gusto niya itong kausapin. Pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Hanggang sa naglakas loob siyang basagin ang katahimikan.

“Kumusta ka na?”

Maingat nitong binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. “Still in hell. But I just saw a light earlier.”

“Havoc…” She stared at him. “Wala akong balak na itago sa `yo si Serenity. I swear. Gusto ko lang sanang magkausap tayo nang maayos bago ko siya ipakilala sa `yo.”

Tahimik lang itong tumango.

“Hindi ko ipagkakait sa `yo si Serenity,” dagdag pa niya nang nanatili itong tahimik. “You can see her everyday if you want. She would love that. `Kita mo nga, ang saya niya sa regalo mo. I always told her about you—”

“Minahal mo ba ako, Inna?”

Agad siyang tumango. “Oo naman. Ikaw lang naman ang lalaking minahal ko nang ganito. Wala ng iba. Ikaw lang.”

“And this Mr. Gilbert?” Puno ng selos ang boses ni Havoc.

Lihim siyang napangiti. “He’s fond of me. Katulong ako sa bahay niya. He’s fifty-seven years old. Naaawa lang naman siya sa akin. Pero wala namang nangyari. Nilinaw ko sa kanya na isa lang ang lalaking pakakasalan ko. At `yon ay ang ama lang ng anak ko.”

Havoc bit his lower lip as the corner of his lips tugged up. “Still me?”

Inna nodded with a smile. “Just you.”

“So, you didn’t just used me to get away from Monti?”

Inna frowned and shook her head. “Why would I do that? Havoc, huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko. Mahal na mahal kita. Mula noon… hanggang ngayon. Walang nagbago sa nararamdaman ko. Ikaw pa rin ang may-ari nito.” Itinuro niya ang puso.

He let out a loud sigh. “You broke me when you left.”

Tumayo si Inna saka ito nilapitan. Natatakot man, naglakas-loob siyang haplusin ang buhok ni Havoc habang nakaupo ito. Nakatayo siya sa tabi nito.

“I didn’t mean to, Havoc.” Inna softly kissed his forehead and caressed his hair. “Sobra kitang mahal para gustuhin kong iwan at saktan ka.”

“I’m a mess because of you,” he whispered.

“Let me fix you then.” Inna cupped his face and forced him to look up at her. “Havoc, may Serenity na tayo. Kaya pinilit kong umuwi. Pinilit kong makapag-ipon ng pera para magkita kayong dalawa. I know you hate me. I know you’re mad at me. Pero `yong anak natin, huwag mong idamay sa galit mo. Sa akin ka lang magalit. Kahit hindi na ako, basta alagaan mo lang si Serenity.”

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng lalaki. “She’s just a kid, tesoro. She needs us both. Kung gusto mo, dahil hindi mo pa ako kayang pakisamahan, sa `yo si Serenity kapag weekends. O kaya weekdays. Kahit anong araw ang gusto mo, papayag ako. Serenity is slowly growing up. Ilang taon na lang, mag-aaral na siya. And I want what’s best for my daughter. I know you can give it to her.

“Kakapalan ko na ang mukha ko, Havoc. Wala akong pera para bigyan ng masaganang buhay ang anak natin. Kaya sana tanggapin mo siya. Kailangan ka niya. Kailangan niya ang daddy niya. Gusto ko ng magandang buhay para sa anak natin. Alam ko, magiging maganda ang buhay niya sa `yo. I’m willing to sacrifice for my daughter, Havoc. I’m willing to do everything for her. So, please, I beg you, please, please, take care of Serenity. Please?

“Kung ayaw mo akong makita, hindi ako magpapakita sa `yo. Nakaalalay lang ako sa likod mo at ni Serenity. Mararamdaman mo ako, pero hindi makikita. I can sacrifice my time with my daughter so she could have an abundant life with you. I love our daughter, Havoc, and I know you love Serenity as well.”

Pakiramdam ni Inna ay sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyong nararamdaman nang yumakap sa baywang niya ang mga braso ni Havoc. Nakaupo pa rin ito. Inilapat nito ang ulo sa tiyan niya na parang naglalambing.

“Paano naman ako, Inna?” tanong nito. “You said you’ll fix me. How can you fix me if you’re willing to leave me again? I don’t want to be a mess anymore. May anak na tayo,” bulong ni Havoc. “I want to be a good man and a great father to Serenity. So, please help me. I need you, Inna. I need you so much it hurts. Huwag ka nang bumalik sa Switzerland. Dito ka na lang sa akin. Mamahalin kita. Aalagaan kita. Ibibigay ko sa `yo lahat huwag mo lang akong iwan ulit.”

Bumaba ang tingin ni Inna sa lalaki na nakayakap pa rin sa baywang niya. “Havoc…”

“I’m sorry, Inna. I’m so sorry I didn’t read your e-mail. I’m so sorry that I couldn’t save you and Serenity. I’m sorry that you suffered because of me. I’m so sorry.”

Masuyo niyang hinaplos ang buhok ni Havoc. “Don’t apologize. Wala kang kasalanan sa akin. Wala kang kasalanan sa amin ng anak mo. I understand, Havoc. I do. You don’t owe me an explanation. Okay na sa akin na matanggap mo ang anak natin. `Yon lang ang hinihiling ko.”

Havoc looked up at her, his eyes begging. “Stay, Inna. Stay with me. Please fix me. Ikaw lang ang makakapagbalik sa akin sa dating ako, kaya huwag mo akong iwan ulit. I know, I said I don’t want to love you anymore. But that’s a lie. Because if there is one thing I do best in this world, it’s loving you, Inna. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa `yo. Hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal pa rin kita.”

Inna caressed Havoc’s face as she looked at him softly. “I love you, too, tesoro. And, no, I’m not leaving you. I’m a mess, too, so why don’t we fix each other? Hindi ko alam kung paano ako nabuhay ng tatlong taon na wala ka sa tabi ko. Ikaw lang lagi ang laman ng isip ko. Kahit ang hirap-hirap na sa Switzerland, hindi ako sumuko kasi uuwi ako. Uuwi ako sa `yo. `Yon ang nasa isip ko. Uuwi kami ng anak ko. Kaya nagpakasipag ako na magtrabaho. Para may pamasahe kami. Pero natagalan ako. Sorry. Nanganak kasi ako at ilang buwang hindi makapagtrabaho.

“Pagkatapos naman n’on, may mga gastusin para kay Serenity, kaya `yong ipon ko hindi masyadong malaki. Natagalan ako nang sobra. `Tapos, inayos ko pa `yong passport ko. Nagkasakit din si Serenity kaya umabot ng dalawang taon ang tagal ng pag-iipon ko. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako kasi nasaktan kita kahit hindi ko sinasadya. Hindi ko ginustong umalis. I’m so sorry, tesoro. I’m so sorry.”

Malakas na napahikbi si Inna nang tumayo si Havoc. Masuyo siya nitong niyakap at hinalikan sa noo. “Don’t say sorry, my Inna. Huwag ka nang umiyak. Magkasama na tayo. And no, I don’t want Serenity on weekends or weekdays. I want her to be with me and be with you, everyday. Gusto mo ng magandang buhay para sa anak natin, `di ba?”

Mabilis siyang tumango. “Yes.”

“Then let’s be a family, Inna. Ituloy natin `yong plano natin noon. Marry me and be my wife. This is the only way to give Serenity a happy family.”

Lumakas pa lalo ang iyak ni Inna habang nakayakap kay Havoc nang mahigpit.

“Sshh… Don’t cry,” bulong ni Havoc habang hinahaplos ang buhok at likod niya. “Magkasama na tayo. Huwag ka ng umiyak. Babawi na lang tayo sa mga taon na nawala sa atin. Babawi ako, Inna. Babawi ako sa inyo ng anak natin.”

Mas lumakas ang hikbi ni Inna habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Havoc. Yakap na siya nito. Doon niya inilabas lahat ng takot, kaba at pangungulila niya sa lalaki sa nakalipas na tatlong taon. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya. At habang umiiyak siya, yakap lang siya ni Havoc, pinapatahan siya. Pahigpit nang pahigpit ang yakap nito sa kanya.

The love she had for this man was so strong. Her love for Havoc changed her and made her who she was now. A woman who went through hell just to see her beloved again and be with him.