C hapter Twenty-eight
“I TOLD you, you’ll thank me later.” Boses iyon ni Monti mula sa likuran ni Havoc. Pinagmamasdan niya ang kanyang mag-ina na nakaupo sa bench at masayang nag-uusap.
Nilingon niya ang lalaki. Pero ibinalik niya ulit ang atensiyon kina Inna at Serenity. “Hindi na ako iinom ng alak mula ngayon. Hindi na rin ako maglalasing. I’m a dad now.”
Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin makapaniwala si Havoc na ganoon siya kasuwerte. Parang lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan niya ay nawala bigla dahil sa simpleng “She’s yours, Havoc” ni Inna at ang “Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon” nito. The pain he felt for three years was now gone, replaced by this inexplainable happiness bubbling inside him.
Tinapik-tapik ni Monti ang balikat niya. “That’s good to hear, Andrada. Keep that up. Ilang taon mo na ring pinapatay ang atay mo, `buti nga naka-survive, eh.”
Havoc smiled while looking at his Inna and Serenity. They looked happy as they conversed and played with the stuffed toy he bought for Serenity. He could hear Serenity purring like a cat. She looked so cute.
Mahina siyang natawa. “I never thought I’ll be this happy again.”
“That feeling when you feel like the pain is suffocating you. Alone and messed up.” Monti sighed heavily. “And then, a light comes into your darkness and makes you feel happiness you never thought you’d feel again. Trust me, Andrada, I know what that feels.”
“Yeah.” Napakamot siya sa batok at sinulyapan ang katabi. “Isa ako sa mga taong nagparamdam sa `yo n’on. I did steal Inna away from you.”
Monti looked at him. “Is that an ‘I’m sorry for stealing your wife’ speech?”
Tiningnan niya ito nang masama. “Ex-wife,” pagtatama niya. “And I did say sorry already.”
“Kailan? Noong nalasing ka sa isla at sinukahan mo akong `tang-ina ka?” Puno ng sarkasmo ang boses ni Monti. “Wala akong sincerity na naramdaman sa sorry mo. Sinukahan mo pa ako.”
Nauwi sa ngiwi ang ngiti ni Havoc. “I don’t remember the part where I vomited. And, yeah…” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil masama na ang tingin ni Monti.
Monti tsked. “Ako lang ang kayang magtiis sa ugali mo sa isla. Ako lang, Andrada. Dapat nga nilunod na kita sa dagat dahil sa ginawa mo sa akin. Pero sa hindi ko malamang dahilan, hinila lang kita habang nakahandusay ka sa semento.”
Sa sinabi ni Monti, naalala na naman ni Havoc ang nangyari sa kanya nang gabing iyon.
“You fucker! Alam mo bang puro ako galos dahil sa ginawa mo? Hindi mo man lang ako binuhat—”
“Wow! Magaan ka bang `tang-ina ka? Ano ka, babae na bubuhatin ko?” Patalim nang patalim ang mga mata ni Monti. “`Buti nga naawa pa ako sa `yo, eh.”
Havoc snorted. “Naawa, mukha mo. Gago ka talaga. Hinila mo ako sa semento kaya nagkasugat-sugat ako.”
“O, `tapos?” Naghahamon ang boses ni Monti. “Close na ba tayo noon? As far as I remember, kaaagaw mo lang sa akin sa asawa ko noon. Hindi ko nga alam bakit naging kaibigan kita.”
“Same here.” Havoc blew a loud breath. “Hindi ko nga alam kung bakit kaibigan kita. Sinaktan mo ang Inna ko—”
“Stop right there,” pigil ni Monti. “Humingi na ako ng tawad kay Inna, noong isang araw pa.”
“Eh, sa akin, humingi ka na ng tawad?”
Nagtatakang tiningnan siya ni Monti. “Bakit? Tinutukan lang naman kita ng baril, ah. Hindi ko naman kinalabit ang gatilyo.”
Havoc looked at Monti flatly. “So, dapat pala magpasalamat pa ako sa `yo sa lahat ng `yon?”
Monti shrugged. “I was an asshole back then. You should be thankful I didn’t kill you.”
“You’re still an asshole, moron.”
Monti just shrugged and asked seconds later. “Sinabi ba ni Inna sa `yo kung bakit siya napunta sa Switzerland at nakulong?”
Umiling si Havoc habang nakatingin sa kanyang mag-ina. “Hindi niya sinabi sa akin.”
Tumingin din si Monti kay Inna. “She’s a college graduate. `Tapos naglilinis siya ng bahay, naglalaba at waitress. Didn’t you wonder what happened to her?”
Nagtagis ang mga bagang niya. “I feel so guilty. She emailed me. Hindi ko nabasa kaya naghirap siya nang ganoon.”
“It wasn’t your fault,” sabi ni Monti. “Naghirap ka rin naman dito. Ang may kasalanan ay `yong taong nagpadala sa kanya sa Switzerland. Masyado kang mahal ni Inna para iwan ka noon. Kaya nagtaka ako nang umalis siya at sinabi sa sulat na ginamit ka lang para makawala sa akin.”
Tumalim ang mga mata ni Havoc. Nagdilim ang mukha niya. “Kapag nalaman ko kung sinong may gawa nito sa amin ni Inna, baka makapatay ako, Parisi. Sa hirap ng pinagdaanan naming dalawa ni Inna sa loob ng tatlong taon, hinding-hindi ko mapapatawad ang may gawa n’on.”
“That’s why you have to talk to Inna. `Yong walang iistorbo sa inyong dalawa.” Monti tsked. “Si `Nay Daniela naman kasi, bumalik agad sa cottage kanina, eh. Baka raw pinapaiyak mo si Inna.”
That made him still. “Bakit naman niya naisip na paiiyakin ko si Inna?”
Monti shrugged. “She knows. Magkamukha raw kasi kayo ni Serenity. Kaya alam niyang ikaw `yong dahilan kaya pilit na umuwi si Inna sa Pilipinas.”
So, that’s why she opened that topic in front of me. Even though it’s private and personal.
Pinaparinggan siya ni `Nay Daniela dahil gusto nitong malaman niya ang pinagdaanan ni Inna sa Switzerland.
Havoc took a deep breath. “I really need to talk to Inna. Privately.”
“You should.” Tinapik ulit ni Monti ang balikat niya. “Babalik na ako sa cottage, nagugutom ako. Hindi ako nakakain nang maayos kanina. Iniwan ko `yong pagkain ko para makapag-usap kayo. Nasaan ang thank you ko?”
Havoc showed him his middle finger. “Fuck you!”
“You’re welcome,” puno ng sarkasmo na sabi ni Monti saka siya iniwan.
Pinakatitigan naman ni Havoc ang kanyang mag-ina. Sumunod ang tingin niya kay Serenity na ngayon ay naglalakad na habang yakap ang stuffed toy na bigay niya. Nilalaro nito iyon.
Havoc was admiring his daughter’s cuteness when she suddenly tripped on her knees. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na nilapitan niya ang anak. Binuhat niya ito nang magsimulang umiyak.
“Oh, baby. Don’t cry. Daddy is here,” sabi niya habang inaalo ang anak. “Don’t cry, my princess. Sshh…”
Agad namang lumapit sa kanila si Inna. Sinuri nito ang tuhod ng anak nila.
“It’s bleeding,” sabi nito.
Kinabahan si Havoc. “What do you mean?” Bigla siyang natakot. “Let’s bring her to the hospital. Now. Come on!”
Inna stopped him from leaving. “Havoc, it’s just a scratch—”
“But it’s still bleeding, my Inna—”
“My first-aid kit akong dala,” pagpapakalma nito. “Ako na ang gagamot.”
“Are you sure she’s gonna be fine?” Serenity was still crying. “Hindi mo ba naririnig ang iyak niya? Parang nasasaktan talaga siya. I think we need a doctor to make sure she’s gonna be okay and—”
“Havoc—”
“—clean her wound. Wait, let’s go look for Monti. He have a car—”
“Havoc!”
He stilled and looked at Inna nervously. “What?”
“It’s just a scratch.”
Hinawakan siya ni Inna sa kamay. Hinila siya nito pabalik sa cottage na tinutuluyan nila. Nakatingin lang siya kay Inna. May kinuha ito sa backpack na dala. Pinaupo siya ng babae. Paharap namang nakaupo si Serenity sa mga hita niya habang nakayakap sa kanya. She was still sobbing.
“Baka masaktan siya diyan,” sabi niya kay Inna na inilabas ang laman ng first-aid kit.
“She’s gonna be fine,” pagpapakalma ni Inna bago nilinis ang sugat ni Serenity gamit ang bulak. Binasa nito iyon ng gamot para sa panlinis ng sugat. Agad na lumakas ang iyak ng anak nila.
“Ouch! Hults! Ouch! Hults! ”
Mahigpit niyang niyakap ang anak. Hinaplos niya ang likod nito. “Sshh… Baby, I’m here. Daddy is here. Huwag ka nang umiyak. It’ll be over soon. Sshh…”
But Serenity kept on crying.
“Do you like meow-meow?” Havoc asked to distract his baby. “Meow… Meow…” Ginaya niya ang pusa. “Meow… My kitten is very pretty like pretty cats.”
Nauwi ang malakas na iyak ni Serenity sa mahinang hikbi. Tumingala ito sa kanya habang hilam sa luha ang mga mata.
“Meow…” Serenity purred, making him smile. “Meow…”
“Meow,” he replied and smiled at his baby. “Daddy will buy you lots of cats—”
“She’s allergic to cats,” sabi ni Inna na nililinis ang sugat ni Serenity. “May asthma siya.”
“—cat stuffed toys.” Havoc changed his words. “Lots and lots of cat stuffed toys. Then Daddy will make you a beautiful room with cat designs. Then I will buy you a cat plate, a cat bottle and cat-inspired glass.”
Tinaasan siya ng kilay ni Inna. “Are you sure there’s a cat plate, cat bottle and cat glass? Hindi nakakalimot `yang anak mo. Sisingilin ka niyan.”
Bumaba ang tingin ni Havoc sa anak na nakatitig sa kanya at kumukurap-kurap.
“Or Daddy will just buy you an ice cream,” bigla niyang bawi.
Agad namang nagliwanag ang mukha ng anak niya na ikinasiya ni Havoc.
“Ice cleam! Yum, ice cleam. ”
Masayang hinawakan ni Havoc ang mukha ng anak. Hinalikan niya ito sa noo. “Daddy will buy you a whole ice cream shop.”
Pumalakpak naman si Serenity. Ang lapad ng ngiti nito.
Nangingiting napailing naman si Inna. Tumayo ito sa pagkakaluhod. “Kukunin ko lang `yong laruan ni Kitten na nabitawan niya sa labas.”
Nang makalabas si Inna sa cottage, hinaplos ni Havoc ang pisngi ng anak na pilit na ipinapasok ang buong katawan sa loob ng T-shirt niya.
Natawa si Havoc sa ginagawa nito. “Baby…”
Tumigil si Serenity sa ginagawang pagpasok ng katawan nito sa loob ng suot niyang T-shirt. Tumingin ito sa kanya. “Ye?”
“Happy birthday.”
Serenity blinked at him, then replied. “Meow…”
Si Havoc naman ang napakurap. “You like cats that much?”
“Meow…” Serenity smiled. Then she gave out a short cute laugh. “Meow…”
Napailing si Havoc. Pinanggigilan niya ang pisngi ng anak. “You’re so cute. Daddy loves you so much.”
“Dada?”
Napatigil si Havoc sa panggigigil sa pisngi ng anak. Napatingin siya dito. Hindi niya alam kung bakit parang may bumara sa lalamunan niya nang marinig ang itinawag ni Serenity sa kanya.
“S-say it again, baby.”
“Dada… Meow…”
Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Havoc. “Dada… I like it.”
“Dada Meow,” sabi nito. Tuluyan na nitong naipasok ang katawan sa loob ng suot niyang T-shirt. “Dada? Dark. Can’t see, Dada Meow.”
Natatawang sinilip ni Havoc ang anak na nasa loob ng T-shirt niya. “Baby, masikip tayo sa iisang T-shirt.”
“Dada smell good,” sabi ni Serenity. Pinagkukurot nito ang tiyan niya. Napagdiskitahan pa ng kanyang anak ang mga nipple niya.
Nakikiliting inilabas ni Havoc sa T-shirt si Serenity. “Stop it, baby. Stop it,” tumatawang sabi niya. Ito naman ang kiniliti niya dahilan para marinig niya ang cute na cute nitong tawa.
“ Tap! Tap, Dada! Tap! ” Serenity was squealing and wiggling her body. “ Tap! Good glil, Selenity. Good glil. ”
Natawa si Havoc sa pagkabulol ng anak. Itinigil niya ang pagkiliti kay Serenity. Natatawang niyakap niya ito nang mahigpit.
Habang yakap ang anak, nahagip ng mga mata niya si `Nay Daniela na nakatingin sa kanila ni Serenity. He held her gaze.
“Love them with all your heart,” seryosong sabi nito. “Sobrang hirap ang pinagdaanan ng mag-ina mo. Kaya mahalin mo sila sa abot ng makakaya mo.”
Nakangiting tumango si Havoc. “I can do that. I will do that.”
“Mabuti naman,” sabi ni `Nay Daniela. Bumalik ito sa paglalagay ng pagkain sa pinggan saka binigay sa kanya. “Umpisahan mo na sa pagpapakain sa makulit mong kuting. Let her enjoy her birthday cake. Kaunti lang naman.”
Natatawang tumango si Havoc sa itinawag nito sa anak niya. Tinanggap niya ang pinggan. Tumingin siya sa anak na nakabuka na ang bibig at handa ng kumain.
“Kuting ka raw?”
“Meow…” Serenity replied.
Napatango-tango si Havoc. “Kuting ka nga.”
Nanatiling nakabuka ang bibig ng anak niya hanggang sa subuan niya ito ng cake.
“Yum!” Serenity even clapped her hands. “Yum… Yum…”
“Is my baby kitten happy?” tanong niya.
Serenity nodded. “Dada Meow…”
“No, I’m not a cat. But for you, baby kitten, I’ll be Daddy Meow,” sabi ni Havoc. Inalis niya ang icing na nasa gilid ng mga labi nito.
“So, kapag nagkaanak kami ng asawa ko, magiging parang tanga rin akong nakikipag-usap sa anak namin,” biglang sabi ni Monti na ikinatingin niya rito.
“Hindi ako tanga. My baby is just too cute to resist,” agad niyang depensa.
“Nakakatakot.” Monti even shivered. “Baka `yong magiging anak ko, ‘arf-arf’ naman. Hindi ako aso, Andrada. Pero parang magiging Daddy Dog ako nito.”
Natawa si Havoc sa kabaliwan ni Parisi. “You’re thinking way too advance.”
Monti shrugged. “Gusto ko na ng anak.” Tumayo ito at kinuha ang cell phone sa bulsa. “Matawagan nga ang asawa ko. Kailangan naming mag-usap kung kailan ko siya puwedeng buntisin.”
Mabilis niyang tinakpan ang mga tainga ni Serenity. “Alis!” pagpapalayas niya kay Parisi.
Agad namang umalis si Monti. Pumasok naman si Inna sa cottage. Agad itong tumabi ng upo sa kanya. Lumipat sa mga hita nito si Serenity.
“Ah,” sabi ni Serenity habang nakabuka ang bibig. “Cake, Dada Meow. Fastel! ”
Agad naman niyang sinubuan ng cake ang anak na ikinangiti nito. Napangiti naman si Havoc. Mayamaya, napatitig siya kay Inna na nahuli niyang titig na titig sa kanya.
“What?” he asked.
Inna smiled. “I’m just happy.”
His face softened. “Me, too.” Havoc leaned in and kissed her forehead before whispering over her ear. “Let’s talk more later. Ang dami kong gustong itanong sa `yo.”
Tumango naman si Inna. “I know. Mamaya, sasagutin ko `yan lahat.”
Havoc kissed the corner of her lips before pulling away and feeding baby kitten who gladly ate the cake plus the icing.