C hapter Fourteen
HALOS isang linggo ring hindi pinalabas ng kuwarto ni Monti si Inna. Lagi siyang naka-lock sa loob at dinadalhan lang ng pagkain ng mayordoma. Pero sa loob ng isang linggong iyon, nagkaroon sila ng komunikasyon ni Havoc sa pamamagitan nina Rizzi at Leona.
Hindi ipinaalam ni Inna sa lalaki ang ginawa sa kanya ni Monti. Hinayaan niyang isipin nito na ikinulong lang siya ng asawa sa kuwarto. Nararamdaman niya ang pag-aalala ni Havoc sa bawat sulat na natatanggap niya kaya nanatili siyang tahimik sa nangyari sa kanya.
Maingat siyang umalis sa kama at humarap sa life-size na salamin. Nandoon pa rin ang pasa niya sa katawan, pero hindi na namamaga ang kanyang mga pisngi. Kaunti na lang din sa kanyang leeg. Nawala na rin ang namumuong dugo sa mga mata niya. Kung hindi na ulit siya sasaktan ni Monti, tuluyan nang mawawala ang mga pasa sa susunod na linggo.
Napaigtad si Inna nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.
“Signorina, you have a visitor.”
Kumunot ang noo ni Inna. “Who? I’m not expecting anyone today.”
Leona smiled. “A friend.”
“I’m not allowed to leave my room, remember?”
“ Signore left,” sagot ng mayordoma na may masuyong ngiti sa mga labi. “I’m sure he won’t be back until midnight.”
Napabuntong-hininga si Inna. A friend? Maybe Rizzi? Havoc must have sent her.
“I’ll be down in a minute, Leona.”
“Si, Signorina,” sabi ng mayordoma saka isinara ang pinto ng kuwarto.
Kumuha naman ng cardigan sa closet si Inna at isinuot iyon para itago ang mga pasa. Kumuha rin siya ng sarong na ipinalibot niya sa leeg para hindi makita ang bakas ng pagsakal ni Monti. Maingat siyang lumabas sa kuwarto at dahan-dahang bumaba sa salas. Nang makarating doon, napalinga-linga si Inna nang makitang wala namang tao roon.
“Leona?” tawag niya. “Where is my visitor?”
“In the garden, Signorina, ” sagot ni Leona na parang kagagaling lang sa hardin. “And I turned off the CCTV, Signorina. Please, have a good day.”
Nginitian niya ito saka naglakad papunta sa hardin ng mansiyon. Nang makarating doon, luminga-linga siya. Hinahanap ni Inna si Rizzi nang makita niya ang pamilyar na bulto na nakatalikod. Agad na kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.
No… No way!
“H-Havoc?”
Agad namang humarap ang lalaki. Pero ang ngiti nito ay unti-unting nawala nang makita siya.
“W-what happened to you?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Nothing.”
“Inna…” Nanginginig ang boses nito. Alam niyang dahl iyon sa galit. “What happened?”
Nanubig ang mga kanyang mata pero hindi siya nagsalita.
“Inna…” May diin ang boses ni Havoc. “Did your husband hurt you?”
Marahan siyang tumango. “S-si.”
Nang ibalik ni Inna ang tingin sa lalaki, nakaramdam siya ng takot. Napakatalim ng mga mata at madilim ang mukha ni Havoc. Mahigpit na nakakuyom ang kamay nito. Parang nanginginig din ang buong katawan ng lalaki sa sobrang galit.
“I will kill him! I will kill him!”
Agad niyang nilapitan si Havoc. Hinawakan niya ang nakakuyom nitong kamay. “Don’t waste your strength on him. He’s not worth it,” pagpapakalma niya. “Ayos lang naman ako. H-hindi naman masyadong masakit,” pagsisinungaling niya.
Pero hindi nakikinig si Havoc. Nakatingin ito sa sarong na nakapulupot sa leeg niya pati na sa cardigan na suot niya.
“It’s summer,” Havoc whispered, his voice cold and angry.
Napahawak si Inna sa cardigan na suot. “I’m just cold and—”
Iniangat ni Havoc ang kamay saka dahan-dahang inalis ang sarong sa leeg niya. Mabilis niyang pinigilan ang kamay nito.
“Please… Don’t…” she begged.
Hindi nakinig si Havoc. Ipinagpatuloy nito ang paghubad sa sarong. Napapikit na lang si Inna nang tumambad sa lalaki ang namamaga niyang leeg dahil sa pagsakal ni Monti. Napaigtad siya nang maramdaman ang paglapat ng masuyong haplos ng kamay ng lalaki sa leeg niya.
“He did this to you?” Nanginginig ang boses ni Havoc saka nagtatagis ang mga bagang. “How dare he hurt my Inna.”
“Havoc—”
Lalong dumilim ang mukha ni Havoc. Sa kislap ng mga mata ng lalaki, kaya nitong labanan si Monti sa mga sandaling iyon.
Masuyo niyang hinawakan ang mukha ni Havoc. “ Tesoro, look at me.” He was trembling in anger. She had to calm him down. “ Tesoro, look at me.” Inna was pleading. “Please, look at me.”
Slowly, his dark deadly eyes looked at her.
“Don’t do anything stupid, tesoro. ”
“He hurt you.”
“Promise me, you will not do anything stupid,” nagmamakaawa niyang pakiusap.
“He hurt you.” It was like Havoc was chanting to himself. “He hurt you, my Inna. He hurt my Inna. How dare he hurt my Inna.”
“Tesoro…” Ipinalibot niya ang mga braso sa baywang ng lalaki saka ito hinalik-halikan sa pisngi. “Listen to me, tesoro, please? Ayokong pati ikaw ay madamay sa gulo. Please? Nagmamakaawa ako.”
“Pero sinaktan ka niya,” pabulong nitong sabi. Nandoon pa rin ang talim niyon. “Sinaktan niya ang Inna ko. Ang Inna ko…”
“Havoc…” Hindi ito puwedeng mapahamak dahil sa kanya. She knew Monti. He will beat up Havoc. “Please, listen to me. Monti will kill you if he ever finds out you’re here—”
“I wanna see him try.”
“Havoc—”
“Hindi ko siya aatrasan.” Puno ng galit ang boses ni Havoc. “Sa ginawa niya sa `yo, mapapatay ko siya, Inna. Mapapatay ko siya.” Nanggigigil ang boses nito at nanginginig ang buong katawan. “Sinaktan ka niya. Hinding-hindi ko `yon palalampasin.”
“Havoc…” Hinaplos ni Inna ang pisngi nito. “Calm down, please? Tinatakot mo ako.”
Sa sinabi niyang iyon, kumalma nang kaunti ang lalaki. Ilang beses itong huminga nang malalim bago siya maingat na niyakap.
“I’m sorry,” he whispered and kissed her forehead. “I’m sorry kung natakot kita. Hindi ko sinasadya.”
Napapikit na lang si Inna. Kahit medyo nananakit ang mga braso, niyakap niya nang mahigpit ang lalaki. Pagkatapos ay umalis siya sa pagkakayakap dito. Hinawakan niya si Havoc sa kamay saka hinila papasok sa bahay.
“Inna—”
“Sshh…” saway niya habang hinihila ito papunta sa itaas kung nasaan ang kuwarto niya. Wala siyang takot sa ginagawa dahil nakapatay naman ang CCTV ng bahay.
Dinala niya si Havoc sa kanyang kuwarto. Isinara niya iyon saka hinubad ang suot na cardigan. Agad na bumaba ang mga mata ni Havoc sa mga pasa niya. Gumalaw na naman ang panga nito sa galit.
“Why didn’t you tell me?” pabulong at pagalit nitong tanong habang hinahaplos ang mga pasa niya.
Ngumiti si Inna. “I’m better now.”
“I can’t imagine what you looked like a week ago.” His teeth gritted. “Dapat mas inagahan ko ang pagpunta rito. Sana hindi `to nangyari sa `yo. I’m so sorry, Inna. Sana hindi kita hinayaang mag-isang mamasyal sa mall. I’m so sorry. I wasn’t there to keep you safe—”
“Sshh…” Hinaplos niya ang mga labi nito. “It’s okay. I’m okay.”
“You’re not okay,” may diing sabi ni Havoc habang hinahaplos ang buhok niya. “Let me get you out of here, Inna. Sumama ka sa akin pabalik.”
Umalis si Inna sa yakapan nilang dalawa. Napatitig siya kay Havoc. “Mapapahamak ka sa gagawin natin.”
“I don’t care. Kailangan mong makaalis sa bahay na `to—”
“Hindi ako hahayaan ni Monti—”
“I’ll talk to him—”
“Havoc!” Natakot siya sa sinabi nito. “Don’t you dare! Monti will hurt you! He has a gun!”
Kinunutan siya ng noo ni Havoc. “I’m giving you a chance to leave this house, Inna. Bakit parang ayaw mong umalis? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?”
“Havoc…” Hinawakan niya ang kamay nito saka pinisil. “Ayokong mapahamak ka.”
“I know the danger and the consequences of my actions, Inna.” His lips thinned. “When I decided to steal you away from your husband, inihanda ko na ang sarili ko. Hindi ako aatras dahil lang may baril siya. I’m here for you, Inna. I’m here to take you back with me. Hindi ako aalis ng Italy nang hindi kita kasama.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka iminulat iyon at tumango. “Okay. Ngayon na tayo aalis?”
Napangiti si Havoc sa sinabi niya. “Yes. Let’s go.”
“Mag-iimpake lang ako—”
“Huwag na,” pigil ni Havoc. “Umalis na tayo.”
Kinakabahan man at natatakot, tumango si Inna. “Sige.” Sana hindi agad dumating si Monti. “Halika na.”
Lalabas na sana sila sa kuwarto nang bumukas iyon at pumasok si Leona.
“ Signorina, Signore Monti is back!” Leona was panicking as she looked at Havoc. “Please, hide, Signore. Signore Monti is on his way here.”
Namilog sa takot ang mga mata ni Inna. Hinila niya papasok sa banyo si Havoc. Tinakpan niya ang bibig nito.
“Huwag kang lalabas dito kahit anong marinig mo,” pakiusap niya.
Havoc’s voice muffled as he tried to talk.
“Havoc!” Inna hissed at him. “Please?”
Inalis ni Havoc ang kamay niya na nakatakip sa bibig nito. “Fine. Pero kapag sinaktan ka niya, hindi ako mananahimik.”
Nakahinga siya nang maluwang. “Thank you.”
Agad siyang lumabas sa banyo at iniabot ang suklay kay Leona. “Comb my hair,” utos niya saka nagmamadaling umupo sa harap ng vanity mirror.
Naririnig ni Inna ang malakas na pagkabog ng dibdib niya nang bumukas ang pinto sa kuwarto. Pumasok doon si Monti. Nang makalapit ito sa kanya, agad niyang naamoy ang alak sa katawan ng asawa.
“Leona…” Monti’s voice was soft. “Get out.”
“Si, Signore.” Mabilis na lumabas si Leona sa kuwarto. Siya naman ay naiwang nakatitig sa sarili sa salamin.
Nasa isip niya si Havoc. Siguradong maririnig nito lahat ng sasabihin ni Monti. And if Monti hurt her again, Havoc will come out. She was afraid of what was going to happen.
“Inna…” Malumanay na may paglalambing ang boses ni Monti, siguro dahil nakainom ito. “Are you still angry at me?”
Natigilan si Inna sa tanong. Tiningala niya ang lalaki. “What do you think, Monti? You beat me up—”
“You cheated on me—”
“This isn’t the first time that you beat me up.” Kumuyom ang kamay niya. “And don’t use that reason on me. We both know that you beat me up from time to time just because you’re angry.”
“Inna—”
“And you’re like this, speaking softly and not beating me up because you’re drunk.” Tumayo si Inna saka hinarap ang asawa. “I’m tired, Monti. I need to rest to recover. Please leave—”
“Mi dispiace,” sabi ni Monti sa mahinang boses. Maingat nitong hinaplos ang namamaga niyang leeg. “I’m sorry, Inna. I was just so mad.”
Hindi siya nagsalita. Nilapitan niya ang kama. Nahiga siya roon para makaramdam ang lalaki na ayaw na niyang makipag-usap. Pero nagulat siya sa ginawa nito. Tumabi si Monti ng higa saka niyakap ang braso nito sa baywang niya. Her lips parted in shock. She couldn’t move a muscle.
“I’m in pain, Inna,” sabi ni Monti habang humihigpit ang yakap. “I’m always in pain. Every time I see you, I’m always reminded by the fact that you only married me because of my money. And now, you’re cheating on me. I know it’s not because of money. It’s because you have feelings for him.”
“Monti…” Inalis ni Inna ang braso nito sa kanyang baywang. Bumangon siya at tiningnan ito nang masama. “Please, leave my room—”
“Why can’t you have feelings for me?”
Napaawang ang mga labi niya sa gulat. “W-what?”
“Why can’t you have feelings for me?” ulit ni Monti na ngayon ay titig na titig sa kanya. “You’re my wife, but you won’t let me kiss you or make love to you. You’re my wife, but I feel like I’m not really your husband.”
Kumunot ang noo ni Inna. “Why tell me that now?” Naguguluhan siya. “You don’t care about me, Monti. You always hurt me. You feed my family money so you can control them and me.”
“I always give money to your family whenever they ask for it. I thought it’s what you want.” Monti frowned. “Isn’t that why you married me? For my money?”
“Yes,” Inna answered honestly. “I married you for money, but giving my family money all the time is too much. Once is enough, Monti. You trapped me in this marriage. You and my family.”
Monti sighed before leaving the bed. Then he offered his hand at her. “Come here.”
Ayaw niyang hawakan ang kamay ng asawa kaya hindi niya iyon tinanggap. Pero pilit siyang hinawakan ni Monti at hinila palapit. Muntik na siyang madapa sa kama, pero nasalo siya ni Monti. Niyakap siya nito. Pilit siyang kumawala sa yakap, pero masakit pa ang katawan niya at mas malakas ito sa kanya.
“Inna—”
“Let go of me!” Pilit siyang nagpupumiglas.
Nakahinga siya nang maluwang nang pakawalan siya ni Monti. Bumuntong-hininga ito. “Let’s talk, Inna.”
“I don’t want to.”
“I’m tipsy,” sabi nito. “I won’t hurt you.”
Inna knew that. “I don’t want to.”
“Please?”
“I don’t want to.”
Monti sighed and left her room. Hindi na ito nagpumilit pa. Siya naman ay parang nanghihina na napaupo sa kama. Nang sumara ang pinto ng kuwarto, agad niya iyong ini-lock saka nagmamadaling pumasok sa banyo.
Natigilan si Inna nang makita si Havoc na nakasandal sa lababo. Madilim ang mukha nito, nagtatagis ang mga bagang at matalim ang mga mata.
He looked at her, his eyes cold. “He touched you. He hugged you. He lay beside you.” Gumagalaw ang panga nito. “I’m jealous as fuck when he said you’re his wife.” Havoc looked down, his teeth gritting. “I know you’re his, but fuck it, Inna, ang sakit-sakit pa lang marinig `yon galing sa asawa mo.”
Napabuntong-hininga si Inna saka napasandal sa hamba ng pinto ng banyo. “We’re so messed up, aren’t we?”
Nag-angat ng tingin si Havoc. “Inna…”
She sighed. “I’m sorry we’re in this mess. Mi dispiace, tesoro. ”
Inisang hakbang ni Havoc ang pagitan nila saka siya niyakap at hinalikan sa noo. “Matatapos din `to. Just hang in there and don’t give up on us.”
Tumango si Inna at yumakap din dito. “I will. I won’t give up.”
“Good.” Havoc smiled at her and kissed her on the lips. “I have to go.” Hinalikan siya nito sa noo. “Stay here and I’ll be back for you. Lock the door. Huwag kang lalapit kay Monti. Wala akong karapatan, pero nagseselos ako, Inna.”
“I’ll keep that in mind. Ingat ka.”
“I will.”
Kabado si Inna nang makalabas sa kuwarto niya si Havoc. Hindi siya mapakali sa loob ng kuwarto. Nakahinga lang siya nang maluwang nang makatanggap ng mensahe mula kay Leona na nakalabas na si Havoc sa mansiyon sa tulong nito.
Pabagsak na naupo si Inna sa gilid ng kama saka napapikit.
Be careful, tesoro. I’ll wait for you.