C hapter Twenty
NAKAUPO sina Inna at Havoc sa dalampasigan. Nasa likuran niya ang lalaki habang yakap siya sa baywang. Ang baba nito ay nasa balikat niya habang pinagmamasdan nila ang palubog na araw.
“I’m happy, Inna,” sabi ni Havoc. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. “Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ka. I can’t wait for the priest to announce us as husband and wife.”
Napangiti si Inna. Isinandal niya ang katawan sa matitipuno nitong dibdib. “I’m happy, too, Havoc. Pero kinakabahan pa rin ako.”
“Bakit naman?”
“My family…” Inna trailed and sighed. “Wala pa silang alam.”
“Then we’ll tell them together—”
“No,” pigil niya. “Mas makakabuti kung ako muna ang kumausap at magpaliwanag sa kanila. Ayoko silang gulatin. Baka magka-heart attack ang ama ko kapag nalaman niya ang relasyon natin habang kasal pa ako kay Monti. Gusto ko silang dahan-dahanin. Kung ipapakilala kita agad sa kanila, siguradong magkakagulo.”
“Sige.”
Alam niyang hindi bukal sa loob ni Havoc ang pagsang-ayon sa kanya. Nirerespeto lang nito ang desisyon niya.
“Pero, ihahatid kita sa bahay n’yo. Tawagan mo agad ako kapag nakapagpaliwanag ka na. Ayokong mag-isa mo silang harapin. Pero kung doon ka kumportable, hahayaan kita.”
Tumango si Inna saka nilingon at nginitian ang lalaki. “Don’t worry, I’ll call you immediately. Ayoko ring malayo sa `yo.”
Havoc intertwined their hands together. “Always remember, my Inna, that I love you. Tanggapin man ako o hindi ng pamilya mo, pakakasalan kita. Whether they give their blessing or not, I will marry you.”
Nakangiting tumango si Inna. “I know. And I love you, too.”
Havoc kissed her on the cheek before smiling naughtily at her. “I’m allowed to impregnate you now.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “We’ve been making love without protection for the last two weeks, Havoc. Expect it already.”
Mahinang tumawa si Havoc. “I want a girl.”
Inna smiled. “Me, too.”
“And we’ll name her Serenity.”
“Serenity?” sabi niya.
Havoc nodded. “Yes. Opposite my name. Havoc means causing distraction while Serenity means peace.”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Inna. “Talagang pinag-isipan mo, `no?”
Havoc chuckled before looking at her seriously. “I really did think about it. Maybe because I’m excited for us to have a family with our little angel.”
Ngumiti siya. “Ako rin. Sana kamukha mo siya.”
“I would love that.”
Inihilig ni Inna ang katawan sa dibdib ni Havoc. Tinitigan niya ang araw na malapit nang lumubog. “Tesoro?”
“Yes, my Inna?”
“Thank you.”
“For?”
“For loving me despite everything.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ng lalaki. “Dahil sa `yo, nakalaya ako sa hawlang pinagkulungan sa akin ng mga magulang ko at ni Monti. Dahil sa `yo, masaya ako ngayon. Dahil sa `yo, matutupad na rin ang kagustuhan ko na magkaroon ng masayang pamilya at masayang buhay.”
“Inna…”
“Kung hindi kita nakilala, baka nakakulong pa rin ako.” Huminga siya nang malalim. “Kasalanan man na mahalin ka, na sumama sa `yo, na piliin ka kasi may asawa ako, para sa akin, ito ang pinakatama kong ginawa sa buong buhay ko. Naging sunud-sunuran ako sa pamilya ko. Ginawa ang lahat para sa kanila kahit hindi na ako masaya. Kasi, `di ba, ganoon naman kapag pamilya? Uunahin mo sila at gagawin ang lahat para sa kanila. But what I didn’t realize is, I was losing myself while doing what they wanted. And you gave me myself back, tesoro. Ipinaintindi mo na okay lang na sarili ko naman ang isipin ko kahit napakalaking kasalanan na maging masaya sa piling mo.”
“Inna…” Hinawakan siya ni Havoc sa pisngi. Pinaharap siya nito. “Hey, don’t cry. Dapat masaya tayo ngayon. You’ll be free soon.”
Tumango si Inna at tinuyo ang gilid ng mga mata. “I can’t help getting emotional.”
Havoc kissed her temple. “I love you, Inna.”
“I love you, too, tesoro. ”
“It’s not gonna be easy, my Inna.” Havoc kissed the corner of her lips. “After what we did, we will ask for forgiveness everyday. Hindi natin alam kung patatawarin tayo. Pero ang importante, humingi tayo ng tawad sa Kanya. And maybe, I’ll talk to Monti soon. I’ll ask his forgiveness as well for doing what I did.”
Her face softened. “Kakausapin mo talaga siya?”
Tumango si Havoc. “Lalaki sa lalaki. Kakausapin ko si Monti. Pero hindi pa sa ngayon. Galit pa rin ako sa ginawa niyang pananakit sa `yo.”
Tuluyan niyang iniharap ang buong katawan kay Havoc saka ito pinakatitigan. “Tesoro?”
“Hmm?”
“Mahal kita.”
Havoc smiled. “Alam ko. Pero masarap pa ring marinig `yon mula sa `yo.”
Inna chuckled before leaning in and kissing his lips. Havoc automatically kissed her back. Softly. Seconds later, their kisses became hot and needy. Inna found herself straddling Havoc’s thigh and kissing him fervently while she was rubbing her core against his hard sex.
“Inna… Oooh…” Kumawala ang mahinang ungol sa mga labi ni Havoc habang naglalakbay ang kamay nito sa katawan niya. Humahaplos at pumipisil.
“Uhm…” Inna moaned when Havoc slid his hand inside her blouse and pinched her nipple. “Oooh…”
Lumiyad ang katawan niya nang bumaba ang halik ng lalaki sa leeg niya habang minamasahe ng mga kamay nito ang mayayaman niyang dibdib. Dumiin ang mga palad ni Inna sa sariling mga hita habang nakapikit at ninanamnam ang ginagawa ni Havoc sa hinaharap niya. Pinipisil nito iyon, minamasahe at nilalaro-laro ang nipple niya. And when Havoc unhooked her bra, he had an easy access on her breast. He was enjoying it.
Hinahaplos nito ang mayayaman niyang dibdib. Napapaungol si Inna sa kiliting hatid niyon kasabay ng paghalik ng lalaki sa leeg niya.
“H-Havoc…” daing niya nang bumaba ang kamay nito sa kaselanan niya. “Oooh, Havoc…”
Nakagat ni Inna ang ibabang labi nang ipasok ni Havoc sa cotton niyang short ang daliri nito. Hinaplos-haplos nito ang pagkababae niyang basa na. Nababalot na ng kanyang katas ang buo niyang pagkababae.
Nang umpisahan ni Havoc na ilabas-masok ang daliri sa loob niya, napadaing na lang nang malakas si Inna. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ng lalaki.
“Oooh… Uhm… Havoc…” ungol niya habang gumagalaw ang kanyang balakang. Sinasalubong niya ang bawat ulos ng daliri nito sa loob niya. “Harder, tesoro… Please—Oooh! Uhm…”
Nawawala na si Inna sa tamang huwisyo. Nang sumabog ang orgasmo sa kaibuturan niya, napahawak siya sa pulsuhan ni Havoc. Pinipigilan na niya itong igalaw pa ulit ang mga daliri sa loob niya. Her body might shake in too much pleasure.
“That feels good,” bulong ni Inna.
Bilang sagot, binuhat siya ni Havoc at dinala sa loob ng cabin nila. When her feet touched the floor, her hands automatically reach for Havoc’s clothes. Madali niya itong nahubaran at ganoon din ito sa kanya. Agad na naglapat ang mga labi nila at mapusok na naghalikan. Palitan ng laway at espadahan ng dila. Napuno ng mahihinang daing ang buong cabin.
Nang bumagsak sila sa kama, agad na ipinasok ni Havoc ang nag-uumigting nitong pagkalalaki sa loob ng basa niyang kaselanan.
“Oooh!” impit niyang daing dahil sa sarap na naramdaman ng pag-iisa ng katawan nila.
“Inna…” Havoc moaned her name before intertwining their hands and moving in and out of her.
Inna couldn’t help but moan in pleasure and ecstasy until they both reach their orgasm.
PATINGIN-TINGIN si Havoc kay Inna habang nagmamaneho siya papunta sa address na ibinigay nito. Nandoon ang bahay ng mga magulang nito.
Inna looked calm and radiant. And every time their eyes met, she would smile at him sweetly.
When they reached their destination, Havoc looked at the mansion outside. Nasa loob niyon ang pamilya ni Inna.
“Sigurado ka na ba sa gagawin mo?” tanong niya. Ayaw niyang mag-isang harapin ni Inna ang mga magulang nito. “Pasamahin mo na lang kaya ako?”
“Tesoro…” Humarap sa kanya si Inna. “Ako na muna ang kakausap sa kanila. Kapag okay na, tatawagan kita.”
“Then I’ll stay outside your house—”
“Umuwi ka muna. Baka matagalan akong kumbinsihin sila. You’ll get bored here,” sabi ni Inna saka siya nginitian. “Tatawagan kita. Promise.”
Havoc sighed. “Fine. Sa club lang ako. Kapag hindi nila matanggap ang relasyon natin, tawagan mo agad ako. Susunduin agad kita.”
“Yes, tesoro. ” Inna leaned in and kissed him before stepping out from his car. Pinagmasdan naman niya ang babae na mag-doorbell hanggang sa pagbuksan ito. Pumasok na si Inna sa loob ng bahay.
Havoc let out a loud sigh when he couldn’t see his Inna anymore. Ilang minuto pa siyang nagtagal sa labas. Ayaw niyang iwan si Inna doon, baka tumawag agad ito. Pero nang lumipas ang mahabang minuto na hindi tumawag ang babae, pinatakbo na niya ang kotse at nagpunta sa Hell’s Gate Club.
Dumeretso si Havoc sa penthouse sa taas. Pabagsak siyang naupo sa gilid ng kama habang ang susi ng kotse ay itinapon lang niya sa night stand.
Nahiga si Havoc sa kama at napatitig sa kisame. Inna’s beautiful face entered his mind making him smile.
My Inna.
After everything that had happened, finally, they’d be wed soon. Walang makakapigil sa kanya na pakasalan ang babaeng mahal niya. Bibigyan niya ng masaya at masagang buhay si Inna. Pupunuin niya ng pagmamahal ang babae at ibibigay lahat ng kaya niyang ibigay. That was how much he loved her.
Havoc never thought that he could love someone like this. This overflowing love he had for Inna. He knew that she was the one for him. He will take care, love and respect her. He will make Inna happy.
Havoc closed his eyes and yawned. Unti-unti, nakaramdam siya ng antok hanggang sa makatulog. When he woke up, it was already past seven PM.
Kunot-noong inilabas ni Havoc sa bulsa ang cell phone at tiningnan kung tumawag na ba si Inna. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya nang mapansing wala siyang natanggap na tawag o text mula sa babae.
“The hell!” For some reason, he was worried.
Mabilis niyang tinawagan si Inna para kausapin.
The number you have dialled is out of reach.
Out of reach?
Biglang nagising ang diwa ni Havoc. Tinawagan niya uli ang numero ni Inna. The same. Out of reach.
“No…”
He called Inna again, but still out of reach.
What was happening?
Sumilip siya sa labas ng balkonahe ng penthouse. Madalim na sa labas.
“Fuck it!”
Mabilis niyang kinuha ang susi sa night stand saka sumakay sa elevator. Buhay na buhay na ang club niya. May humaharang sa kanyang kababaihan. May nang-aakit na ngiti ang mga ito. Pero nilampasan niya lang. Dumeretso si Havoc sa labas ng club at sumakay sa kotse niya. Mabilis niya iyong pinatakbo papunta sa bahay ng mga magulang ni Inna. It took him an hour to be there.
Hindi alam ni Havoc kung bakit kinakabahan siya habang pinipindot ang doorbell ng bahay.
“Please, please, let me in,” mahina niyang bulong habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell.
Pagkalipas nang ilang minuto, may nagbukas ng gate. Pero hindi siya pinapasok.
“Sino ho sila?” Parang katulong ang nagbukas sa kanya.
“Havoc Andrada,” pagpapakilala niya. “Nandito ba si Inna?”
Bago pa makasagot ang katulong, may nauna nang nagsalita rito.
“Wala rito ang hinahanap mo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Havoc nang makita ang isang babae na may hawig kay Inna. She must be Inna’s mother.
“Ma’am, I’m Havoc Andrada. Alam n’yo ho ba kung nasaan si Inna?”
Tumalim ang mga mata nito. “Hindi nga namin alam. Umalis na lang siya kanina nang walang paalam pagkatapos kunin ang mga gamit niya.”
Napakurap-kurap si Havoc. “Gamit niya? Saan naman daw siya pupunta?”
“Malay ko!” pagalit na sabi ng babae. “Naglayas siya, eh. Bakit ko naman itatanong sa kanya?”
Napatitig si Havoc sa kausap. Wala man lang ba itong pagpapahalaga sa anak?
“Baka may ibang tao sa loob ng bahay na nakakaalam kung nasaan siya,” pagpupumilit niya. “Please, I need to see her.”
Pinakatitigan siya ng babae. “Wait a minute. I know you. Havoc Andrada. Binanggit ka niya kanina.” Tumingin ito sa katulong. “Kunin mo nga `yong papel na nasa center table sa sala.”
“Opo, Ma’am.” Mabilis na sumunod ang katulong. Nang bumalik ito, may dala na itong papel na nakatupi. “Heto ho, Ma’am.”
Pagalit iyong kinuha ng ina ni Inna saka ibinigay sa kanya. “Kung ikaw si Havoc Andrada, then this letter is for you. Iniwan ni Inna kanina bago siya naglayas.”
Havoc was reluctant to accept it. But Inna’s mother just dropped it on the floor. Nang yumuko siya para kunin iyon, agad namang sumara ang gate. Muntik pang maipit ang daliri niya.
Napaatras si Havoc habang nag-iisip kung nasaan si Inna at kung ano ang laman ng sulat. Kung maglalayas si Inna, sa kanya ito pupunta o kay Caya. Wala naman itong ibang kakilala.
Nang makasakay sa kotse, tinawagan ni Havoc si Sav at hiningi ang number ni Caya. Fortunately, magkasama ang dalawa.
“Caya, it’s me, Havoc.”
“Havoc…” sabi ng babae sa kabilang linya. “May kailangan ka ba?”
“Did Inna call you these past few hours?” He was tapping his fingers on the steering wheel.
“Hindi. Bakit?”
“Hindi ba siya pumunta sa bahay n’yo?”
“Tatawagan ako ni Mommy kung pumunta siya.”
Havoc let out a nervous breath. “Thank you.”
Hindi na niya hinintay ang sagot nito, agad niyang pinatay ang tawag. Napatitig siya sa sulat na nasa dashboard. Inabot niya iyon at pinakatitigan.
Bakit ako kinakabahan?
Unti-unti, binuklat ni Havoc ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat doon. Sa bawat salitang kanyang binabasa, hindi siya naniniwala na kaya iyong isulat ni Inna para sa kanya. Hindi siya naniniwala na kaya iyong sabihin ni Inna sa kanya.
Galit na nilamukos ni Havoc ang papel. Ibinulsa niya iyon saka lumabas ng kotse. Ilang beses niyang pinindot ang doorbell. Nang hindi bumukas ang gate, pinagsisisipa niya iyon hanggang sa bumukas.
“Sir, nakakaistorbo ko kayo—”
Pumasok si Havoc sa loob.
“Sir!” Pilit siyang pinipigilan ng katulong.
“Inna! Inna!” sigaw niya. “I know you’re in there! Inna! Inna! Alam kong itinatago ka nila sa akin! Inna!”
Sa halip na si Inna ang lumabas, ang ina nito ang nakita niya.
“How dare you enter our home!” Nanlilisik ang mga mata nitong dinuro siya. “Get out! Security! Take this man away!”
“No! Itinatago n’yo siya sa akin! My Inna would never say those things to me!” galit niyang sigaw. “Where’s my Inna? Inna! Nandito na ako! Inna!” Nagmamakaawa na ang boses niya. “Inna! Inna! Your tesoro is here! Inna!”
“Guards!” sigaw ng lalaki na kalalabas lang ng bahay. “Trespassing ang lalaking `yan. Ipakulong `yan!”
“Inna! Inna!”
Wala siyang pakialam. Papasok siya sa bahay. Pero bago pa siya makahakbang, may humawak na sa magkabilang braso niya at pilit siyang hinihila palabas.
“No! Inna! Inna! Please come out, Inna!”
Hanggang hilahin siya palabas sa bahay na iyon, nagpupumiglas at isinisigaw pa rin ni Havoc ang pangalan ni Inna. Tinatawag pa rin niya ang pangalan ng babae. Naniniwala siyang nasa loob ng bahay ang babaeng mahal niya. Kahit nang dumating sila sa presinto, pangalan pa rin ni Inna ang binabanggit niya.