noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 8

Ch. 9 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Eight

“I HAVE no intention of meeting this man, Daddy!” Drew said stubbornly. Sa nakalipas na mahigit dalawang linggo mula nang dumating siya sa Pilipinas ay ngayon lang muling binanggit ng ama ang tungkol sa pagtatagpo nila ni Leandro.

Nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain si Nick, na para bang ang sinasabi ng anak ay hindi nito narinig.

“This is really ridiculous! Why would you want to marry me off to someone I do not even know?” Itinulak niya ang plato niya palayo at ibinagsak ang linen napkin sa mesa.

“Hija,” mahinahong sabi ni Nick. “Wala akong hinahangad kundi ang kapakanan mo. Kilala ko si Leandro. Isa pa’y si Leandro mismo ang nagmungkahing bigyan kayo ng pagkakataong dalawa na magkakilala nang lubusan.”

Umismid siya. “How nice of him. But no thanks, dahil wala akong intensiyong makilala nang lubusan ang lalaking iyon!”

“Tinitiyak ko sa iyo,” patuloy nito. “Leandro’s a very good-looking man, kung ang pisikal na katangian ang pinagbabasehan mo sa pagtingin sa isang tao. I’m sure you’ll be attracted to him.”

That, at least, is a relief, ang isip niya. Worse comes to worst, isa na iyong konsolasyon.

Nick casually wiped his mouth with the linen napkin. Inabot ang baso ng tubig at uminom. Then he stared at his daughter with cool casualness.

“At panahon na para magkakilala kayo. Ang totoo niyan ay nasa Houston si Leandro nitong nakaraang buwan at pagkatapos ay nagtuloy ng Las Vegas...

“Nabanggit niya sa akin iyon noong nakaraang araw. Hindi niya sinabi sa akin kung sino ang sinadya niya sa Las Vegas. Pero kung alam ko lang na nasa Amerika siya nang panahong iyon ay noon ko pa kayo pinagtagpo.”

“Paano ba naging kaibigan ng pamilya ang lalaking iyon, Daddy?” puno ng iritasyong tanong niya.

“Ang lolo ni Leandro, si Gerardo, ang sana’y napipisil ng ama ng Lola Monica mo na mapangasawa niya. Pero nakamatayan ni Don Luis iyon. At ang Lola Monica mo’y nagpakasal kay Jerome. You knew the whole story. Lihim niyang iniibig si Franco na sa panahong iyon ay walang interes na pagyamanin ang Alta Tierra.

“So she thought if she’d marry Jerome she’d be closer to Franco. Or perhaps she didn’t want to deceive Gerardo. Magkaibigan silang dalawa. At ipinagdadalang-tao na niya ako.”

“Poor Jerome,” tuya niya. “So, gusto mong ipagpatuloy ko ang nauntol na mga plano ng matatandang ni hindi ko man lang nagisnan, ganoon ba, Daddy?”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nick. “Pinagbigyan kitang hanapin ang lalaking maiibigan mo, Drew. But look where it got you? You always fall for the wrong man. Hindi mo na ako masisisi kung ako na ang gumawa ng paraan para din sa ikabubuti mo.”

“But I am not in love with this man, Daddy!”

“Don’t give me that crap, Andrea. You were never in love with anyone,” wika ni Nick. “You even thought you loved that hotel page boy that you wanted to marry him. Pero nang malaman mong wala kang mamanahin mula sa amin ay basta mo na lang iniwan sa Las Vegas ang lalaking iyon.

“At ngayong natiyak kong hindi ka mabubuhay nang wala ang salaping napakadali mong gastahin, siguro nama’y walang dahilan upang hindi ka sumunod sa gusto kong mangyari.”

She gritted her teeth. Gusto niyang sabihin sa ama ang totoong nangyari. Na hindi siya nagpakasal kay Grant dahil hindi niya gustong mawalan ng mamanahin. Na tama na naman ito sa pagsasabing lahat ng lalaking makatagpo niya’y ang mamanahin lang niya ang pinupuntirya.

Bukod pa roon, natitiyak niyang hindi patatawarin ni Nick si Grant sa sandaling malaman nito ang ginawang pananakit at pagtatangka sa kanya. Though Grant deserved it, hindi niya gustong makulong ito.

Hindi dahil may damdamin pa siya rito kundi hindi na niya gustong pagkaabalahan pa ito. Tama nang nawalan ito ng trabaho sa hotel.

Her father would feel triumphant, anuman ang sabihin niya.

“I am not seeing this man, Dad!”

“That is not for you to decide. Bukas ay uuwi tayo ng Sto. Cristo. At kung gusto mo rin lang na makilala siya nang husto ay magkakaroon ka ngayon ng pagkakataon dahil mananatili ka roon ng isang buwan kasama si Leandro.”

She groaned in frustration. Gusto niyang umuwi sa Sto. Cristo pero hindi para makasama ang Leandro na iyon. He couldn’t possibly marry her at kasabay niyon ay ang agawin sa kanya ang pinakamimithi niyang trabaho.

SA SAPPHIRE bar ng MGN Hotel International ay tahimik na umiinom sina Jace at Henry Carillo, a man in his late forties, sa isang mesa sa sulok malapit sa bar.

“Ano ang plano mo?” tanong ni Henry kay Jace. “Natagpuan mo ang kaibigang nurse ng mama mo. Pero maliban sa mga pangalan ay wala na siyang maituturo sa iyo.”

“Makapagsisimula ako roon. Pero siguro’y isasantabi ko na muna ang bagay na iyan. Pansamantala’y kailangang ayusin ko ang problemang kinakaharap ko ngayon. And I thought it would be so easy to say no. Pero hindi ko magawang tanggihan ang Mama, Henry.” Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Itinaas sa bibig ang wineglass at lumagok.

“Bakit hindi mo tinanggap ang alok sa iyo ni Drew, Jace?” He was mildly amused. “Wala sanang problema.”

Tumiim ang mukha nito. Pagkuwa’y umiling. “She was spoiled rotten by her father. Iniisip niyang kaya niyang bilhin ang lahat ng bagay.” Gumuhit sa isipan ang isang maganda at mataray na mukha. Ang magandang mukhang hindi miminsang pumapasok sa isipan niya sa loob ng nakalipas na mga araw.

“And were you not attracted to her?”

Ngumiti siya nang hindi naman umabot sa mga mata. “She is beautiful,” wika niya, and knew that it was an understatement.

“But I couldn’t believe Drew really loved Grant. Naisip kong kaya niya hinangad na makasal dito’y para magrebelde sa ama dahil sa gusto nitong ipakasal siya sa lalaking hindi niya nakikilala. And I was proved right when you told me she offered you that proposal.” Napapangiting umiling ito. “Why didn’t you tell her?”

He twitched his mouth in a wry smile. “Let her find out for herself.”

Muli’y itinaas nito patungo sa bibig ang kopita. But his hand froze in mid-air. Tila biglang may sumuntok sa sikmura niya.

“Speaking of the she-devil.”

Lumingon si Henry at sinundan ang hinayon ng mga mata niya. Nagsalubong ang mga kilay nito nang matanaw si Drew. “What is she doing here? Akala ko ba’y sinabi mong aalis silang mag-ama ngayong hapon patungong Sto. Cristo?”

“Perhaps you might want to ask her. She’s heading for the bar.” Itinuloy niya ang nauntol na paglagok ng alak. But his eyes focused on her over the rim of his glass.

She was wearing a haltered rose-yellow body-

hugging miniskirt. Nakataas ang buhok in a simple

and sexy French-style twist and a few hair locks

fell on each side of her face. It gave her a sensual

and matured look. Nang huli niya itong makita, in

blue denims and leather jacket, she looked like a

lost teenager.

She wore no jewelry but a perfect brack south-sea pearl necklace around her neck. Not even a pearl earring set to match the necklace. She wore such simplicity with elegance and class.

And dear l ord, she was gorgeous! With a body a man would kill for. Until now, he had always believed that nobody could be as sexy as Jennifer Lopez. Now, this woman proved him wrong.

At walang mga nakaupo sa mesa ang hindi sumusunod ang mga mata rito, babae man o lalaki. Ang mga waiter na kilala ito’y bumati. But she never took notice. Her lovely chin raised in a defiant tilt as she walked towards the bar counter.

Biglang nag-flash ang camera nang kuhanan ito ng litrato ng isang photographer. She glared at the man.

“TEQUILA, Gonzalo,” ang sabi ni Drew sa bartender.

“T-tequila ho ba, ma’am,” alanganing sagot ng bartender. “Ang... bilin po ni s ir Nick ay hindi ko bibigyan ng matapang na alak ang sinuman sa inyong magpipinsang babae—”

“Shut up, Gonzalo, Unless you don’t want to keep this job any longer.”

“R-right away, ma’am.”

Drew sighed in frustration. Hindi niya gustong sa bartender ibuhos ang inis sa ama at sa Leandro na iyon. But she couldn’t help herself. Naiinis siya. At natitiyak niyang hinahanap na siya ng ama nang mga sandaling iyon.

Inabot niya mula sa bartender ang goblet. She took the shot in one swallow. At pagkatapos ay sinenyasan si Gonzalo na muling lagyan ang goblet niya. Atubili itong sumunod.

She was tapping her fingers on the countertop impatiently when one man stood up beside her, grinning foolishly. Nalalanghap niya ang amoy ng alak mula rito.

“May problema ka ba sa bartender, miss?”

Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang ibinigay niya rito. “Nothing I can’t handle.”

“I see. What’s your name, honey?”

“Please,” she said, giving the man a fixed smile. “I don’t mean to be rude, but I just want to be left alone.”

Tumawa ang lalaki, showing yellowing, large teeth. “Come on, honey, tinatanong ko lang naman ang pangalan mo, `di ba? Hindi mo ba masasabi sa akin?”

Drew almost rolled her eyes in irritation. Hindi siya makapaniwalang may ganitong customer ang Sapphire bar. MGN Hotel was a five-star hotel frequented by decent men. On the other hand, naka-coat and tie ang lalaki at mukhang disente naman. Marahil ay naparami ng inom.

Nilingon niya ang bartender. “Ask somebody to take my drinks to the suite.” Umikot siya upang tumalikod subalit biglang dumaklot sa braso niya ang kamay ng lalaki.

Natilihan si Drew. Sandaling hindi malaman ang gagawin. Hindi siya natatakot sa lalaki. Hindi siya pababayaan ng mga tauhan ng hotel.

But she also didn’t want to create a scandal. Alam niyang nasa paligid lang ang photographer na kumuha ng larawan niya kanina. One false move at nasa society columns ng peryodiko na naman siya.

“You haven’t told me your name yet, honey,” putol ng lalaki sa paglalakbay ng isip niya, and he breathed fumes of wine into her face that she held her breath for a while.

“Listen,” marahang sabi niya. “If you will just let go of me, I’ll promise to tell you my name.”

“May problema ka na naman ba, princess?”

Kahit sa kanyang pagtulog ay makikilala ni

Drew ang tinig na iyon. And a thrill of anticipation

ran through her. She turned to see Jace’s unsmiling face.

“IN EVERY turn, trouble follows you, princess,” wika nito pero sa lalaking may hawak ng braso niya nakatuon ang mga mata. His eyes sparked dangerously, like a predatory animal to its prey.

At ikinalilito ni Drew ang mabilis na tibok ng dibdib niya pagkakita rito. At the same time, she could feel the strangest sensation that had gone through her.

He was wearing khaki pants and plaid polo shirt. Jace had the most arresting face she had ever seen. Nakakaintriga sa kanya kung ano ang naging sanhi ng manipis na pilat nito sa noo pababa na marahil ay may isang pulgadang mahigit ang haba.

His skin was the color of burnished bronze. And never had she seen eyes so impenetrably dark, so that to look into them was like losing herself.

Ang buhok nito’y humaba na nang bahagya mula nang huli silang magkita, and a hint of curl was beginning to turn up impertinently at the tips. His hair was shining with brilliant highlights under the bright lights of the bar.

“I don’t think the lady wants to give you her name,” Jace said in a soft but deadly tone. “May problema ka ba roon?”

Tumikhim ang lalaki, alanganing ngumiti at unti-unting binitiwan ang braso niya.

“Easy, pare. Walang problema.” Sinabayan nito ng kibit ng mga balikat at binigyan ng huling sulyap ng panghihinayang si Drew bago tumalikod.

“Wow! My hero strikes again,” sarkastikong sabi niya at humarap sa bar at naupo sa barstool. She reached for her tequila and sipped from the tall crystal.

Kumunot ang noo ni Jace sa ginawa niyang iyon. “Mukhang iyon ang nagiging papel ko sa tuwing nagtatagpo tayo. At ikalawa mo na iyan, princess,” pagtukoy nito sa iniinom niya.

“I could have handled that this time,” she said ungratefully. Muling itinaas sa bibig ang kristal.

Sa sulok ng mga mata’y nakita niya ang mabilis na pag-angat ng kamay ni Jace upang abutin iyon. Out of sheer stubborness, she emptied the goblet in a hurry.

“Shit!” mura nito kasabay ng pagbaling sa bartender. Subalit bago ito makapagsalita’y inunahan niya.

“Don’t blame him. Tinakot ko siya. Ano ang ginagawa mo rito?”

“Just because I am a working man you think I can’t afford this place?” He shook his head in disgust habang nakatitig sa kopita niya.

“I didn’t say that. Lagi mo na lang nilalagyan ng laman ang bawat sabihin ko.”

Hindi sumagot si Jace. Sa halip ay nag-angat ito ng tingin sa ibabaw ng ulo niya. Tumango ito. Lumingon si Drew at sinundan ng tingin ang hinayon nito. Si Henry Carillo at ang asawa nito na patungo sa pinto at kumakaway sa kanila.

“Bakit sila naririto?”

“Tonight’s their wedding anniversary. We were taking a couple of drinks habang hinihintay ang pagbaba ni Irene. Ang buong gabing ito’y regalo ng daddy mo sa kanilang mag-asawa. Kasali na ang overnight stay sa isa sa mga suite ng hotel.”

“Oh.” Napilitan siyang kumaway nang ngitian siya ng mag-asawa. Tumayo siya at balak lapitan ang mga ito para batiin bago makalabas ng Sapphire Bar. Subalit bumuway siya.

Mabilis siyang inalalayan ni Jace, who uttered an unprintable oath.

“I... am okay. L-let me go.” Bigla ang tensiyong naramdaman niya sa pagkakadikit ng mga balat nila.

And she felt stunned by the sudden trembling of her heart. Suddenly, unexpectedly, she was aware of herself as a woman, at kung ano ang kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae.

Saan galing ang nararamdaman niyang iyon? Jace was just a man. But she had never felt such a compelling force before... not with Grant and certainly not with all the men she had dated before.

Hindi siya pinakawalan ni Jace. Sa halip ay humigpit lalo ang pagkakahawak nito sa baywang niya at inakay siyang palabas ng bar.

And somehow, sa tagong bahagi ng isip niya, hindi niya gustong pakawalan siya nito. Gusto niyang manatili sa init na nararamdaman mula sa mga bisig at katawan nito.

Mixed with his clean breath, nalalanghap niya ang amoy ng alak mula rito, and it was intoxicating as the man himself. At ipinagtataka niyang paanong kakaiba ang amoy ng alak mula rito kaysa sa amoy ng alak mula sa lalaki kanina.

And she found herself questioning her sanity. Bakit ang isang simpleng pagkakadikit ng mga katawan nila’y nagra-riot na ang mga pandamdam niya?

“Saan mo gustong ihatid kita?” tanong ni Jace sa seryosong tono. Unaware of the havoc he was creating on her senses. “Do you have a private suite here o iuuwi kita sa inyo?”

“I–I’ll be all right in a minute. M-maaari mo na akong bitiwan.”

Sinikap niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito. Hindi niya gusto ang banyagang damdaming nadarama. Marahil ang pisikal niyang reaksiyon dito’y sanhi ng magulong kaisipan niya nitong nagdaang mga linggo.

“Hindi biro ang matapang na alak na ininom mo, Drew. At bumubuway ka. And stop wriggling, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Natitiyak kong kilala ka ng karamihan sa mga empleyado, huwag nang sabihing ang dalawang reporter na nasa sulok ng bar at kanina pa nangangati ang mga kamay sa camera nila!” He pulled her closer against him. “Dala mo ba ang kotse mo?”

Sa kabila ng matinding hilo ay gumana ang isip niya. She lied and shook her head. Pagkatapos ay sinundan ng, “D-do you have a car?”

“A Cherokee Jeep. Hindi bagay sa isang prinsesang tulad mo,” sarkastikong sagot nito.

“Go and drive me around, del Mare, baka mawala ang hilo ko.” Inihilig niya ang ulo sa malapad nitong dibdib at iniyakap ang braso sa katawan nito at sadyang nagpaakay.

Narinig niya ang marahas nitong paghugot ng paghinga.

“Walk straight, Drew,” he commanded harshly, bahagya siyang inilayo mula rito. “Hindi mo gustong pagtinginan tayo ng mga tao, lalo na ng mga empleyado.”

Kumislap na naman ang camera sa harap nilang dalawa. Marahas na nagmura si Jace.