Chapter Twelve
“K AILANGAN kong bumalik ng Maynila bukas din, Drew,” ani Nick. Iyon ang ikalawang araw niya sa asyenda mula nang sunduin siya ng ama sa Villa del Mare. “Si Saling ay darating mamayang hapon mula sa Maynila.” Ang tinutukoy nito ay ang yaya niya mula nang ikasal ang ama at ina niya. “At tuwang-tuwa si Saling dahil muling makapagbabakasyon dito. Tulad mo’y taon na rin ang binilang mula nang huli siyang naririto.”
Hindi siya nagsalita. Itinuon ang mga mata sa pagkaing nasa harapan na hindi naman nagagalaw. Kung sa ibang pagkakataon iminungkahi ng ama iyon ay natitiyak niyang tatanggapin niya iyon nang buong kagalakan.
She had always loved this place. Subalit hindi siya binibigyan ng ama ng pagkakataong mapatunayan dito na kaya niyang pamahalaan ang sariling inheritance. At ngayon ay ipinagdidiinan pa nitong manatili siya sa bahay-asyenda. Iyon ay dahil ipinagkakatiwala siya nito nang lubusan sa isang lalaking kinasusuklaman niya.
Hindi niya mapapatawad si Jace sa kahihiyang dinanas niya rito sa Villa del Mare. At ang inaasahan niyang simpatya sa ama habang pauwi sila ay hindi niya narinig. Para kay Nick, Jace could never do wrong. Na ito ang kabuuan ng isang lalaking pinapangarap nito para sa kanya.
“Isa pa’y hindi ako mag-aalala sa iyo dahil nasa Alta Tierra naman naglalagi ang Tito Alvaro mo at ganoon din si James at Chantal.”
“Bakit hindi mo diretsuhing sabihin, Daddy, na kaya ka hindi nag-aalala dahil lubusan mo akong ipinagkakatiwala sa lalaking iyon?”
Nagkibit ng mga balikat si Nick. “Well, if you want to put it that way, yes. At alam mong ang dahilan kaya ka narito ay upang kilalanin n’yo nang husto ang isa’t isa bago ang nakatakdang pagpapakasal ninyo.”
Marahas niyang itinulak ang pinggan sa gitna ng mesa. “This is so archaic, Daddy! Bakit gusto ninyo akong ipakasal sa lalaking kinasusuklaman ko?”
Umarko ang mga kilay ni Nick. “Kinasusuklaman? Don’t you think that is too harsh a word, Drew? Kagabi’y lubusan mong ipinagkatiwala ang sarili mo sa kanya, hindi ba? Kung ginusto ka niyang gawan ng masama’y napakadali sa kanyang gawin iyon. You - were drunk.”
“So he told you that,” she said angrily.
“Leandro wouldn’t breath a word. Ang bartender ang nagsumbong sa akin at ang ilang empleyado. Bumibiyahe na kayo patungong Infanta nang tawagan ako ni Leandro at sabihing magkasama kayo patungong Sto. Cristo.”
Nasilip ni Drew ang kasiyahang nagdaan sa mga mata ng ama. She sneered. Trust Jace to do just the right thing to please her father. Hindi siya magtataka. A seat in the board, or perhaps her father’s next man in MGN Hotel International.
Hindi na siya nagtataka kung bakit tinanggihan nito ang alok niyang pakasalan siya kapalit ng halagang itatakda nito. Mas malaki ang pakikinabangan nito kung makakasal sila ayon sa kagustuhan at plano ng ama niya.
“Alam kong siya ang piloto ng jet nang iuwi ka niya ng Pilipinas dahil siya ang nakausap ni Mrs. Blanco. Sinabi rin niya sa aking hindi siya nagpakilala sa iyo.” Isang ngiti ang malayang sumilay sa mga labi ni Nick. “Knowing Leandro, hindi ako magtataka. And I never thought you’d meet him earlier than I expected.”
“You’re being unfair!” she wailed. “Hindi ba ninyo narinig ang sinabi niya sa akin? He insulted me, Daddy! At hantaran niyang ipinarinig sa inyong hindi rin niya ako gustong pakasalan. Bakit kailangang pilitin ninyo kami?”
“You insulted him first, anyway,” pagtatanggol ni Nick kay Jace. “And Leandro’s just the right man for you, Drew. Your match.”
“Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito,” she said. “Hindi ka pinilit ni Lolo Franco na ipakasal sa babaeng hindi mo gusto!”
Nabitin sa ere ang baso ng inumin. Tinitigan ni Nick ang anak. “You don’t know what you’re talking about, Andrea Monica.”
“Alam kong binayaran ni Lolo Franco si Mommy para lumayo. But you married her in the end and—”
“Tama na ang argumentong ito,” wika ni Nick sa tonong alam ni Drew na hindi na dapat pang kontrahin. It was wrong of her to mention her mother. Lalo lang na mahirap kausapin ang ama.
“Alam mong gusto ko rito sa asyenda, Daddy,” patuloy niya sa nagsisikip na lalamunan. “You don’t have to hire Jace to manage the place, you know I can do it.”
Nanlaki ang mga mata ni Nick sa sinabi niya. “This hacienda isn’t Beverly Hills’ Rodeo Drive, Andrea Monica! Neither is this Fifth Avenue. We aren’t talking designers’ shops here. Huwag mong isali ang asyenda sa mga kapritso mo.” Tinapos nito ang pagkain at tumayo na.
Hanggang sa makaalis ang ama ay nanatili siyang nakaupo roon. Nag-iinit ang sulok ng mga mata. She was terribly hurt. Ipinamukha lang ng ama sa kanya na buong buhay niya ay wala siyang kayang gawin kundi ang mag-shopping at gumasta ng salapi.
It was partly true. Pero iyon ay dahil na rin hindi siya nito binibigyan ng pagkakataong patunayang kaya niyang magtrabaho tulad ng mga pinsan niya.
“`MORNING, Yaya,” bungad ni Drew pagkapasok sa dining room. Hinila ang silya at naupo. “Anong breakfast?”
“Kalimutan mo na ang almusal at alas-onse y media na,” sagot ni Saling. “Ipinahahanda ko na itong mesa para sa tanghalian.” Nagbukas ito ng ref at kinuha ang pitsel ng fresh mandarin juice at sinalinan ang isang baso at inilagay sa harap niya.
Inabot niya ang baso ng juice at inaantok pang tumikim. “Umalis na ba si Daddy, Yaya?”
“Maagang nagising si Nick at binibisita ang asyenda, hija. Makapananghali na ang balik ng ama mo sa Maynila.” Nasisiyahang ngumiti ang matanda at tinitigan siya. “Ni hindi ka nagising sa ingay ng paglapag ng helicopter na susundo sa daddy mo.”
She smiled back. She felt rested. Napasarap ang tulog niya.
“Totoong tanghali ka na kung gumigising pero ang abutin ka ng alas-onse sa higaan ay hindi pa nangyayari malibang napuyat ka sa magdamagang party nang sinundang gabi. Epekto iyan ng hanging-probinsiya.”
Pinangalahati na muna niya ang juice bago nakangiting sumagot. “At isipin ninyong hindi ako nagbukas ng aircon, Yaya. Napakalamig ng hanging pumapasok sa silid ko. Oh, how I missed this place.”
Magkahalong pananabik at lungkot ang nasa tinig niya. Inikot ang paningin sa maluwang na kusina. It was just as she remembered. Bagaman renovated na ang buong villa ay naroroon pa rin ang antigong mga gamit.
Sa dirty kitchen, sa labas ay naroon pa rin ang old-fashioned oven. Kung tawagin ay ang pugon na ginagamitan ng kusot. Isang alaala ang gumuhit sa isip niya. She was six years old, naakit siyang paglaruan ang nag-aapoy na kusot. Para iyong lusis tuwing pasko.
Sa paghukay niya sa nag-aapoy na kusot ay tumilamsik sa kamay niya ang baga niyon at napaso siya. She screamed the whole house down. Hindi malaman ng matandang katiwala ng villa na si Nana Tonya kung ano ang gagawin dahil nataranta si Nick. At napagalitan ng daddy niya si Saling na noon ay kabibiyuda pa lamang.
Her mother Alaina was calmer. Ito ang naglagay ng yelo sa napasong daliri niya para sa first aid bago siya dinala ng mga magulang sa doktor sa bayan.
Niyuko niya ang kanang kamay, sa may puno ng thumbfinger, isang malabong pilat ang naroroon sanhi ng pagkapaso niya. She smiled at the memory.
Then her eyes went to the old stove and refrigerator. Ayon sa yaya niya ay matanda pa sa kanya ang mga iyon at mahusay pang gumagana. Napinturahan na muli ang ref.
Ang dating lumang tiled sink counter ay granite na ngayon. At ang granolithic flooring ay pinalitan ng terra cotta tiles. Cabinets and cupboards were new in pristine white.
“Sino bang darating na bisita at narinig kong nagbilin ang daddy mo sa kusinera na dagdagan ang lulutuin, hija?” untag ni Saling sa paglalakbay ng isip niya.
The nostalgic smile was suddenly wiped off from her lips. Naningkit ang mga mata. Isa lang ang naiisip niyang darating.
“Kung hindi ako nagkakamali’y si Jace, Yaya... o si Leandro del Mare.”
Bahagyang nag-isip si Saling sa pangalang narinig. “Del Mare ba `kamo? Ang tinutukoy mo ba’y ang apo ng namayapang Gerardo?”
“Wala nang iba!” Tinitigan niya ang baso ng juice na bahagya lang nabawasan. Nawalan na siya ng ganang inumin iyon. “Siya ang bagong manager ng asyenda. Hindi ko siya makakasundo at hindi ko alam kung paano lilipas ang mga araw sa pagitan naming dalawa!”
“Ano ba ang ibig mong sabihin diyan sa sinasabi mong bata ka? Bakit hindi mo makakasundo si Leandro?”
“Kilala n’yo ba ang lalaking hahalili sa puwesto ni Manong Hilarion, Yaya?”
“Ang bahay ng mga biyenan ko’y nakatirik sa hangganan ng lupain ng mga del Mare. At sa kabila’y ang palaisdaang pag-aari ng namayapang Gerardo. At hindi miminsang sumasama sa mangingisda si Leandro at naroroon kami sa aplaya upang mamili ng isda.
“Nang huli kung makita si Leandro ay nagbibinata na siya, hija. Malimit dumalaw dito ang matandang Gerardo noong kasalukuyang namimighati si Nick kay Alaina. At tuwina’y kasama niya si Leandro. Ang ama mo’y gumugol ng ilang buwan dito upang makalimot. At hinihingi ang opinyon ng matandang del Mare sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa asyenda.”
Marahas niyang nilingon ang yaya. “Bago pa lang ako magtapos sa kolehiyo ay ipinarating ko na kay Daddy ang pagnanais kong pamahalaan ang asyenda. Subalit tumatanggi si Daddy. Hindi ko alam kung bakit. Ngayo’y alam ko na!” She paused for breath, sinisikap lunurin ang sama ng loob sa ama sa pamamagitan ng galit.
“Sa pagkakaintindi ko’y hindi naman kalakihan ang lupain ng mga del Mare, Yaya. At malabong pakinabangan dahil bulubundukin at kagubatan. Kaya naniniwala akong noon pa man ay sinuyo-suyo na nila si Daddy. Inasam-asam na ng maglolong iyon ang asyendang ito na kadikit ng lupain nila!”
“Ano ba ang sinasabi mong bata ka—” Hindi naituloy ni Saling ang sinasabi. Napahugot ito ng malakas na paghinga kasabay ng panlalaki ng mga mata.
Padarag siyang tumayo, hindi pinansin ang reaksiyon ng matandang babae. “That gigolo bastard! Marahil ay napapansin nilang mga katiwala lang ang narito sa asyenda sa nakalipas na mga taon! Kung iniisip niyang sa pamamagitan ng pagpapakasal sa akin ay yayaman siya nang walang kahirap-hirap at magiging miyembro ng board ng kompanya, puwes, nagkakamali siya! Mas nanaisin ko pang mag-asawa ng basurero!”
Tinalikuran niya ang matanda at humakbang palabas ng kusina patungo sa dining room. Marahas na binuksan ang swinging louvered door, and collided straight into six-foot of bone, sinew and muscle, na nakatayo sa may kabilang bahagi ng pinto.
Dazedly, she held on to the broad chest to keep her balance. It could not be Guido, ang bodygard niya, who was reinstalled by her father after her escapade with Grant.
Bagaman malaki ang maskuladong katawan ni Guido ay hindi ito mataas. And the hand that held her arm were sprinkled with fine hairs. Walang balahibo si Guido sa kamay. Besides, the masculine scent that assailed her senses was disturbingly familiar. A lemony citrus fragrance melding with a natural clean male scent.
Tumingala siya upang salubungin lamang ng nang-uuyam na mga mata. “Oh, hello, Jace!” eksaheradong bati niya upang pawiin ang pagkabigla sa pagkakita rito.
“Tsk... tsk... Muli ka na namang nagsalita nang hindi nag-iisip, princess,” wika nito. “You never learn, do you?”
She opened her mouth to retaliate, subalit naunahan siya nito sa pagsasalita. “Kung magpapakasal ka sa lalaking hindi gusto ng ama mo’y mawawalan ka ng mamanahin, `di ba? At saan kukuha ang isang basurero ng ipantutustos sa mga luho mo? O talaga lang na mas gusto mo ng lalaking kaya mong paikutin sa mga palad mo?”
Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. “Among other things, you also have the habit of eavesdropping!” she said heatedly. Her heart was beating rapidly and she attributed it to anger.
Kung ano man ang isasagot ni Jace ay napigil nang matanaw nito sa ibabaw ng swinging door ang marahang paglapit ni Saling. Isang matamis na ngiti ang agad na namutawi sa mga labi nito.
“Leandro.”
“Magandang umaga,” bati nito. “Kung hindi ako nagkakamali’y kayo si...”
“Saling, hijo,” dugtong ng matandang babae, a fond smile appeared on her lips. Sinipat nang husto ang binata. “Ikaw na nga ba iyan, Leandro? Aba’y lalo ka yatang gumandang lalaki, ah!”
A husky laugh vibrated around the kitchen.
Isang matalim na sulyap ang ibinigay ni Drew sa yaya bago marahas na pinakawalan ang braso sa pagkakahawak ni Jace. Subalit ni hindi siya pinansin ni Saling na ang mga mata ay patuloy sa humahangang pagsuri kay Jace.
“May asawa ka na ba, hijo? Kaya ba magpipirmi ka na rito sa Sto. Cristo?”
Lumapad ang ngiti ni Jace. “Binata pa ho ako, Nana Saling. Pero kung may magkamaling tagapagmana, tulad nitong—” nilinga nito si Drew sandali “—alaga ninyo, dalawang kamay kong tatanggapin.”
“Not in this lifetime, Jace!” she hissed.
“Drew, nagbibiro lang si Leandro,” she reprimanded gently. Muling binalingan si Jace. “Huwag mong pansinin ang alaga ko, kagigising lang. At tamang-tama ang dating mo, hijo, inihahanda na ni Dolores ang mesa para sa tanghalian. At si Nick ay natitiyak kong pauwi na. Ikaw pala ang humalili kay Hilarion...”
Nagpupuyos na tumalikod si Drew. Gusto niyang mamangha sa biglang pagbabago ng anyo ni Jace. Mula sa panunuya at insulto ay nahalinhan ng matamis na ngiti. At ang tawang pinakawalan nito ay hindi pilit. He was really amused, taking her duenna’s compliment with unbelievable grace.
The man could be charming if he chose to. At kahit ang matandang yaya niya ay agad na nahalina rito.
Damn him.