Chapter Nineteen
M ULA sa barandilya ng ferry boat ay tahimik na pinagmamasdan ni Drew ang karagatan. Sa paligid ay natatanaw niya ang ilang isla. Ni wala siyang ideya kung ano ang mga islang iyon. But she could see cottages lining along the shore. Siguro ay pribadong beach resort at nararating lamang sa pamamagitan ng ferry boat o bangka mula sa pantalan ng Infanta.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakasakay siya ng isang pampublikong sasakyang pandagat, kung hindi ibibilang ang pangyayaring iniuwi siya ni Jace sa Sto. Cristo nang tulog siya. Buong buhay niya ay ang chopper ng kompanya ang paraan nila ng transportation sa pagpaparoon at parito mula Maynila at Sto. Cristo, kung hindi man ay ang lantsa ng Tito Alvaro niya.
Mula sa airport ay ilang oras lang siyang hinayaang magpahinga ni Jace bago ito nagyayang umuwi ng Sto. Cristo.
“Alam kong pagod ka sa biyahe at may jet lag pa. Pero kailangan nating umuwi ng Sto. Cristo, Drew,” wika nito. “Tumawag ang Mama at may problema roon simula pa nang umalis tayo ng Pilipinas.”
“Sure.” s inabayan niya iyon ng kibit ng mga balikat, ni hindi nag-angat ng mukha mula sa binabasang fashion magazine. “I’ll be fine here.”
Lumapit si Jace. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Natin. Plural. Ibig sabihin, kasama kita.”
“So, okay,” she said defiantly. “Sasama akong pauwi ng Sto. Cristo pero sa Hacienda Montano ako tutuloy.”
“Asawa kita, Drew. Ayoko ng long distance relationship. Kung saan ako naroroon ay naroroon ka rin,” he said patiently.
Padabog niyang inihagis sa carpet ang magazine. “You’re being ridiculous, Jace! It isn’t as if we’re besotted to each other. Now that we’ve satisfied the lawyers and my father, we can both go our separate ways.”
“Really?” sarkastikong nag-angat ito ng mga kilay. “And have we, too, satisfied the lust we have for each other in just one night?”
Her face flushed, umiwas ng tingin. “Ang... nangyari sa hotel ay isang... temporary aberration.”
“Temporary aberration,” ulit nito. At sa isang matagal na sandali ay tinitigan siya nito bago, “I beg to disagree, princess. Ngayon lang mismo, if I so much as touch you, alam nating pareho kung saan iyon hahantong.”
“Sumobra ang tiwala mo sa sarili—” Ang sasabihin niya ay nahalinhan ng pagsinghap nang ang kamay ni Jace ay dumako sa baywang niya at itaas siya nito mula sa upuan. He stared straight into her eyes before he slammed his mouth over hers.
Drew curled her hands into fists against his broad shoulders, stunned by the intensity of his kiss. It was a bold, openmouthed assault that scorched her body all the way down to her toes.
His scent swirled through her senses. And she groaned deep in her throat as waves of sensation flooded her body, until she was trembling in his arms. At namangha pa siya nang bitiwan siya nitong bigla at muli siyang mapaupo sa upuan.
“Beast...” ang nausal niya nang wala siyang mahagilap na salita at nakatunghay ito sa kanya sa nang-uuyam na ngiti.
“And you, my lovely Drew, is a hypocrite, if we are to hurl names at each other. At kung hindi lang kailangan akong makausap ng daddy mo ay malamang na kahit sa carpet ay may mangyari sa atin.”
Drew bit her lips to keep herself from saying anything. Mapapahiya siyang higit. Humakbang ito palayo sa kanya.
“Matatagalan tayo sa Sto. Cristo.” Nagbuntong-hininga ito. “Binigyan ko na ng instruction si Yaya Saling. Inihahanda na niya ang mga gamit mo. Magbibiyahe tayo patungong Infanta bukas nang madaling-araw para maliwanag pa ay nasa Villa del Mare na tayo.”
Mula sa sofa ay napatayo siya. “Mahabang oras na biyahe iyon! We could use the chopper. I’m sure my father will—”
“Oh, nakalimutan kong isa nga palang milyonarya ang napangasawa ko,” putol nito sa sinasabi niya, “at hindi sanay sa ordinaryong paraan ng pagbibiyahe,” he mocked. “But I’m sorry, princess, hindi ako sanay sa ganoong luho. Magbibiyahe tayo pauwi ng Sto. Cristo sa pampublikong transportasyon. At simulan mo na ring mabuhay tulad ng isang karaniwang tao dahil karaniwang tao lamang ang asawa mo!”
At wala siyang nagawa sa gusto nitong mangyari. Kaya heto at nagbibiyahe sila sakay ng ferry boat kasama ng maraming mga tao matapos ang mahabang oras na biyahe sa Cherokee Jeep nito mula kaninang madaling-araw. At sa kabila ng maaari naman siyang matulog sa durasyon ng biyahe ay nanatili siyang gising. Gayong tulog sa likod ng jeep si Yaya Saling.
Kung sa ibang pagkakataon ay katatakutan niya ang biyaheng iyon dahil madilim ang kabundukang nakapaligid sa kanila. At maliban sa mangilan-ngilan at napakadalang na sasakyang nakakasalubong nila ay puro kadiliman ang nakikita niya. At alam niyang nakapangalat sa kabundukang iyon ang mga taong-labas.
Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. She was very much aware of the man behind the wheels; ang lakas sa mga bisig nito habang minamaniobra nito ang manibela sa bawat pag-ikot at pagliko ng sasakyan. At hindi miminsang sumagi sa isip niya ang ginawang pag-aangkin nito sa kanya sa unang gabi ng kanilang kasal. At sa tuwina ay may masarap na kilabot siyang nararamdaman... at isang pangangailangang hindi niya gustong tanggapin.
“Are you cold?” tanong nito kasabay ng paglingon sa kanya at huling-huli siyang nakatitig nang husto rito.
Mabilis niyang ibinaling ang pansin sa kadiliman sa labas at umiling at ipinagkrus ang mga braso sa katawan.
“Kanina mo pa ako tinitigan. And everytime you do it, you seemed to shiver...” There was a knowing smile on his lips.
“You’re being ridiculous,” naiiritang sabi niya at napasinghap nang abutin nito ang isang kamay niya at dalhin sa mga labi. And to her horror, he erotically sucked one finger.
“Don’t do that!” she screamed, marahas na binawi ang kamay sa paraang tila siya nadikit sa isang nagbabagang bakal.
A soft chuckle rumbled in his chest. “You’ll wake the dead, princess.”
Ang anumang sasabihin niya ay napigil nang agad na dumukwang sa lugar niya si Yaya Saling. “T-tumili ka ba, Drew?” naalimpungatang tanong nito.
Umalingawngaw sa katahimikan ng paligid ang malakas na halakhak ni Jace. At padabog niyang isinandal ang sarili sa sandalan ng jeep at naglabas ng naiiritang paghinga.
SANDALI niyang nilinga ang loob ng ferry boat. Si Manang Saling ay naiwan sa loob ng pribadong deck sa ibaba dahil nahihilo.
Maliban sa discomfort ng mahabang biyahe sa daan, she was actually enjoying it. At isa lamang ang napatunayan niyang hindi niya kayang iwasan nang makarating sila ng pier sa Infanta—ang sulyap ng mga tao sa tuwing naglalakad siya. Mapababae man iyon o mapalalaki. Sa mga babae ay naroon ang paghanga, sa mga lalaki ay ang pagnanasa.
Ang ilan ay bumabati ng magandang araw. Ni isa ay wala siyang pinagkaabalahang pansinin. At nagtuloy-tuloy siya sa upper deck.
“Nakita kita kanina nang batiin ka ng isang matandang babae.” Mula sa likuran niya ay pumukaw sa pag-iisip niya ang mahinang tinig ni Jace.
She was aware of the broad chest that touched her back; sa nakakakiliting init ng hininga nito sa tainga niya. Agad ang pagdaloy ng alaala ng unang gabi... ng halik na iginawad nito sa kanya kahapon, sapat upang manayo ang balahibong pusa niya sa katawan.
Sinikap niyang lagyan ng renda ang daloy ng pagnanasa at pinairal ang iritasyon. “So?” she said haughtily. “Hindi ako politician para ngitian at batiin ang lahat ng taong makasalubong ko.”
“You don’t have to be a politician to be polite, Drew,” wika nito. Nasa tinig nito ang bahagyang galit. “Halos lahat ng sakay ng ferry boat na ito ay mga taga-Sto. Cristo. Kung hindi man mga tagabayan ay natitiyak kong ang ilan ay mga pamilya ng mga tauhan ninyo sa asyenda.”
“I don’t feel like smiling back!” she snapped unreasonably.
“My g od, you’re a snob! And to think you have expressed your desire to manage the Hacienda Montano.” Bagaman mahina lang ang tinig nito ay hindi maipagkakaila ang tuluyang pag-ahon ng galit. “Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ka pinagbigyan ng ama mo. Gusto mong pamahalaan ang rancho nang dahil lang sa kapritso!”
Nanlaki ang mga mata niya roon at mabilis na humarap dito. Isang pagkakamali dahil dibdib nito ang nalingunan niya at nang ihawak ni Jace ang mga braso sa barandilya ay nakulong siya sa mga bisig nito. But she was too angry to notice.
“How dare you to—!”
“Kung intensiyon mong pamahalaan ang asyenda ay kailangang bumaba ka sa kinalalagyan mo, Drew,” putol nito sa sinasabi niya. “Ang matandang bumati sa iyo ay ang tiyahin ni Manong Hilarion, ang dating katiwala ninyo. Ano sa palagay mo ang iisipin niya gayong kahit kapirasong ngiti ay hindi mo tinugon ang pagbati niya?”
“At kaninong kasalanan iyon? Ikaw ang may gustong dito tayo sumakay!” Her voice a note angrier for making her feel guilty. Inilagay ang dalawang kamay sa dibdib nito at marahas na itinulak.
But Jace held both her hands forcefully. “We’re in public, my dear!” marahan subalit mariing paalala nito. “Unless you want to hang our dirty linens in public.”
Drew opened her mouth to say something scathing but his words sunk in. Nang ihayon niya ang mga mata sa paligid ay may ilang taong nasa kanila ang paningin. Ang iba ay curiosity ang nasa mukha, at ang iba naman ay mga nakangiti, hinihinuhang magkasintahan silang nagkakagalit.
For a while she seemed to be lost... confused. Had she been in a party, it would be easier to tilt her head and walk out of the room. Pero wala siya sa party na ang mga naroroon ay kapwa niya mga taga-alta sociedad. Ang nakapaligid sa kanila ay tulad nga ng sinabi ni Jace, mga taga-Sto. Cristo. At karamihan sa mga iyon ay mga tauhan ng asyenda.
At nang ibalik niya ang paningin sa asawa ay nakatitig ito sa kanya, wala na sa mga mata nito ang galit at panunuya. In his eyes was understanding. Or was it?
Kung anuman ang dahilan, ang igting sa mga braso niya ay iglap na nanghina. Sapat upang luwagan ni Jace ang pagkakawak sa kanya. Her hands unwittingly moved to the lapel of her shirt, sa mga mata ng maaaring makakita, a sign of a lover’s surrender.
He gave her a lopsided smile as he gazed down at her with a mixture of teasing and tenderness in his eyes. “When I first saw you, I thought I could tame you, Drew...”
Muling naningkit ang mga mata niya. Her hands grasped on his lapel. “Tame?” she hissed. “Ano ang tingin mo sa akin? Mailap na hayop?!”
“Aren’t you, princess?” Hindi nagmamaliw ang panunukso sa mga mata nito. “You’re like a wild cat, with claws ready to strike. But the cat in you purred in my arms.” He raised his hand and touched her face softly with his knuckles.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Nagtatalo ang puso at isip kung magagalit o mapapahiya. Then undiluted passion appeared in his dark eyes that she gasped softly.
“I can hardly wait until you’re in my arms again,” he whispered above her ear. “Sa nakalipas na dalawang araw, I’ve been so busy. With all the long hours meeting with your father and my meeting with my lawyer.” Umiling ito at pailing na idinagdag, “some honeymoon!”
“Get yourself busy. Ikagagalak ko kung iwan mo akong mag-isa!”
“Empty talks, my dear wife.” Jace bent his head as if to whisper in her ear. At sa isang disimuladong paraan, he licked the insides of her ear. Involuntarily, her eyes shut and a soft moan escaped from her. Nag-angat ng mukha si Jace, slowly she opened her eyes and saw him smiling at her flushed face. Pagkatapos ay lumakad na ito palayo.
Naiwan siyang nakasunod ng tingin dito at naghahabol ng paghinga na tila nalulunod. Ang mga tuhod niya ay tinakasan na yata ng lakas. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa barandilya ng ferry boat na para bang kapag bumitaw siya mula roon ay mahuhulog siya sa dagat.
Nang matuunan niya ng mga mata ang mga tao sa paligid, napuna niyang nakangiti ang mga ito sa kanya na tila ba alam ang namagitan sa kanila ni Jace. Horrified, agad siyang tumalikod at muling itinuon ang mga mata sa karagatan. Then she closed her eyes tightly. Nalilito siya sa sariling damdamin. She was torn between hating and wanting her husband.
But then what was there to hate about him? Maliban sa kapag kaharap niya ito, she felt so expose, vulnerable, and unsure.
At banyaga sa kanya ang mga damdaming iyon.
ALAS-SAIS na nang sapitin nila ang Villa del Mare. Sandali lang na nakipag-usap si Jace sa ina at pagkatapos ay nagpaalam sa kanyang aalis muna.
“Don’t wait up. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Maghapunan na kayo at magpahinga ka na pagkatapos,” wika nito. “Pagod at puyat ka sa biyahe.”
“Ikaw rin naman, `di ba?” she said softly.
May kumislap sa mga mata ni Jace na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. He smiled. “Yeah. Pero sanay ako sa pagod at puyat, Drew. Isa pa’y kailangan kong makausap ang mga tao sa Baybayin.”
“S-saan ka maghahapunan?” Hindi niya napigil ang sariling itanong.
“Now you sound like a wife and I like that,” tukso nito.
Tumalim ang mga mata niya at magsasalita sana subalit yumuko si Jace at dinampian ng halik ang mga labi niya. “I’ll see you tonight...” There was a promise in his voice, at hindi mapigilan ni Drew ang pag-ahon ng antisipasyon sa dibdib niya.
Habang sinusundan niya ng tanaw ang paglabas ni Jace ng villa ay gusto niyang kainisan ang sarili dahil sa damdaming iyon. She felt like a wanton.
Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang pag-andar ng Cherokee Jeep nito.
“Sa Baybayin ang tungo ng asawa mo, Drew,” wika ni Concordia na lumabas mula sa kusina. “May mga taong naghihintay sa kanya ngayon doon na pupulungin niya.” Payak na ngiti at tango ang isinagot niya. Nagpatuloy si Concordia, “ikinalulungkot kong agad kayong napauwi rito, hija. Pero hindi ko kayang gawan ng paraan ang problema sa Baybayin. Bukod pa sa si Leandro ang gusto nilang makausap.”
Gusto sana niyang magtanong kung tungkol saan ang ipakikipag-usap ni Jace sa mga tao subalit mas natuon ang isip niya sa paghingi nito ng paumanhin sa madalian nilang pagbabalik sa Sto. Cristo.
“It’s okay... napag-usapan na namin ni Jace bago pa man na pagkatapos ng kasal ay babalik kami kaagad dito.”
“Nag-aalala lang ako dahil bagong kasal kayo at—”
“We don’t have a normal marriage, kaya walang dapat ipag-alala...” She didn’t want to sound sarcastic, pero ganoon lumabas ang tono niya.
Nagbuntong-hininga si Concordia. “M-my... son’s a good man, Drew. Hindi ko gusto ang pagpapakasal ninyo hindi sa kung ano pa mang dahilan. But I want him to fall in love and be loved in return. I want him to be happy... marry the woman of his choice. And he could have—”
“Married someone else had it not been for that stupid proviso in his grandfather’s will,” idinugtong niya, “and my own father’s unwillingness to pay back what is due the del Mares.” She couldn’t understand why that hurt so much.
Nagsalubong ang mga kilay ni Concordia. “What are you—”
Muling pinutol ni Drew ang sinasabi nito. “Please, huwag na nating pag-usapan ang lahat ng ito,” pakiusap niya. Napapagod na siyang marinig ang tungkol sa salapi na siyang ugat ng lahat ng mga pangyayari sa buhay niya.
Ang masasamang karanasan niya sa mga lalaking walang hinahangad kundi ang mamanahin niya... mga lalaking huwag lang di-alukin ng salapi ng abogado ng ama ay agad na bumibigay. At nitong huli ay si Grant, na totoong pinaniwalaan niyang hindi kayang bayaran ng ama, but was even the worst than the previous men she had met.
Totoo namang may mga naging boyfriends siyang mayayaman din naman. Subalit ang motibo ay salapi pa rin. Upang tiyakin ang katayuan ng mga ito sa negosyong kasosyo sa ama niya.
Then came Jace. Oh, yes, napatunayan niyang hindi salapi ang hangad nito sa kanya. At lalong hindi ang mapabilang bilang direktor ng kompanya. Still, salapi pa rin ang dahilan kung bakit napakasal sila sa isa’t isa.
Nasa mga mata ni Concordia ang tanong, gayunman ay tumango ito at sinamahan siya sa silid na inokupa niya noong unang dalhin siya ni Jace sa villa.
“Ito ang magiging silid ninyong mag-asawa kung naririto kayo sa villa, hija,” wika nito. “Actually, ay silid ni Jace ito. Ang silid lamang na ito ang may sariling banyo. Sa second floor, common ang toilet and bath na nasa dulo ng pasilyo. Ang kama ay pinapalitan ko dahil maliit ang dating kamang nakalagay dito.”
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa mga pisngi niya kahit na wala namang ibig ipahiwatig si Concordia. Naiilang na iginala niya ang paningin sa silid. Kapuna-puna ang king-size bed, four-poster in solid old narra. May isang lumang chest sa paanan ng dulo ng kama.
Lahat sa loob ng silid ay gamit at kulay panlalaki. Hindi niya iyon gaanong pinag-ukulan ng pansin noong huli siyang naroroon. Now, she could even smell Jace’s scent inside the room and that brought a shiver of delight to her senses.
“Hindi nagagamit ang air-conditioner na iyan dahil napakalamig dito.” Dumako ang tingin nito sa aircon na nasa isang bahagi ng dingding. “Pero kung gusto mong gamitin ay nasa sa iyo. You can take a shower. Mamaya’y ipatatawag kita kung nakahanda na ang mesa.”
Tumango at umusal ng pasasalamat si Drew at sinundan ng tingin ang paglabas ni Concordia at ang pagkabig nito sa pinto pasara. Humakbang siya patungo sa malaking pinto palabas ng balkonahe at maluwang iyong binuksan upang pumasok ang hangin. Gayundin ang mga bintana.
Pagkatapos niyang mag-shower ay nagpalit siya ng damit at kinuha ang paperback sa bag niya upang magbasa na lang. Ni hindi niya natatandaan kung paano siyang nakatulog.