Chapter Twenty-two
M AKAALMUSAL kinabukasan ay nagpaalam si Jace na tutungo sa Baybayin upang tulungan ang mga tao na mamili ng pagtitirikan ng bahay sa dakong mataas na lupa, ang bahagi ng lupain na inialok nito upang siyang malilipatan ng mga tao.
“Maaari ba akong sumama?” ani Drew.
Umiling si Jace. “Mahirap ang trabaho, Drew. Bukod pa roon ay makikipag-usap ako sa mga tao at hindi lang kita maaasikaso.”
“But I would like to—” Ang protesta niya ay napigil nang yumuko si Jace at hagkan siya at pagkatapos ay tumalikod na palabas ng villa at sumunod kay Concordia na naunang lumabas.
Sumunod siya sa labas at sinundan ng tanaw ang papalayong jeep. “Alalahanin ka pa ni Leandro kung sasama ka, Drew,” banayad na sabi ni Yaya Saling sa likod niya.
“Isa pa kayo,” masama ang loob niyang sabi. “Gusto kong tumulong, makibahagi, abutin ang mga taong iyon. Hindi ba at iyon ang sinasabi ni Jace sa akin?”
“Ayon kay Concordia ay mainit ang sitwasyon sa Baybayin, hija. Nagagalit ang mga tao dahil sa biglaang pagpapaalis sa kanila. At sa pagkakaalam ko’y naroon ang mga tauhan ng nakabili. Baka magkagulo.”
Sa sinabing iyon ni Yaya Saling ay bahagyang nabawasan ang sama ng loob ni Drew.
Hindi umuwi sa tanghalian ang mag-ina. Nang bandang hapon ay umulan nang mahina at si Concordia lamang ang umuwi at ang sabi ay kasalukuyang tinutulungan ni Jace ang mga tao sa paglilipat ng mga bahay na maaaring buhatin. Bayanihan, ayon dito.
Hindi huminto ang tikatik ng ulan. At nakatulugan na niya ang paghihintay dito. Naalimpungatan siya nang maramdaman ang paghalik nito sa kanya.
“Go back to sleep,” bulong nito. Nalalanghap niya ang amoy ng sabong pampaligo mula rito. Pumuwesto ito sa likod niya at mahigpit siyang niyakap. His hand on her breast. “The spirit is willing but the flesh is weak. Lord, I wish I had Superman’s strength.”
She smiled and closed her eyes contentedly and held his hand close to her heart.
THE NEXT morning, Drew woke feeling wonderfully refreshed. The wind brushed against her skin with a feather stroke. Bukas ang dalawang panel ng pinto sa balkonahe.
Nilinga niya ang kabilang bahagi ng kama. Jace’s side of the bed was empty. Bahagya siyang nakadama ng disappointment. Pero nanatili siyang nakahiga at kinuha ang unan nito at niyakap. It still held his scent and she inhaled it deeply.
Mananatili pa sana siya sa ganoong ayos nang umabot sa pandinig niya ang mga tinig mula sa ibaba. Tumayo siya, kinuha ang silk robe sa closet at isinuot at pagkatapos ay lumakad patungo sa balkonahe. Doon higit na mas malakas ang mga tinig. Barefoot, humakbang siya palabas. Nangaligkig siya dahil malamig at basa ang batong sahig ng balkonahe dahil sa ulan kagabi.
“Sa nakalipas na isang taon ay umasa akong tayo ang magpapakasal, Leandro...”
“Violy, please. Hindi pa ba sapat na magkasama tayo kagabi? Bakit kailangan mong pumarito?”
“Dahil hindi ko matanggap na sa ganito lang hahantong ang lahat, Leandro!” Isang hikbi ang narinig ni Drew na kumawala mula sa babae.
Kunot ang noong dumungaw siya sa ibaba. Sa balkonahe sa second floor ay naroon si Jace at ang isang babaeng nakasubsob sa dibdib nito.
“Naipaliwanag ko na ang dahilan, Violy.”
Mula sa dibdib ni Jace ay nag-angat ng mukha si Violy, mabilis na napaatras mula sa pagkapanungaw si Drew upang hindi siya makita nito.
“Dahil sa testamento ng lolo mo,” wika nito at humagulhol ng iyak. “Dahil sa testamento ng lolo mo kaya pati pag-ibig natin sa isa’t isa’y—oh, Leandro!”
Dahan-dahang muling dumungaw si Drew. Ang nakita niya ay nagpahugot ng kanyang paghinga. Nakapulupot sa leeg ng asawa ang mga braso ni Violy at hinahagkan na nito ang babae.
Mabilis siyang tumalikod at patakbong bumalik sa silid. At sa sumunod na mga sandali ay nanatili siyang hindi kumikilos sa pagkakaupo sa kama. Nakatitig lang sa kawalan.
Ni hindi gustong gumana ang isip niya. Iisa lang ang tumitining sa isip niya. Magkasama kagabi ang dalawa. Iyon ang narinig niyang sinabi mismo ni Jace.
Wala pang isang linggo silang nakakasal!
And didn’t he say he loved her that night? And that gave her hope that their marriage had not been a bad idea after all. That eventually feelings would grow and they would learn to love each other deeply. O nakaringgan lang niya iyon? Dahil iyon ang inaasam niyang marinig mula rito?
Itinaas niya ang kamay sa bibig upang pigilan ang paghikbi. Bakit parang gustong mamanhid ng buong pagkatao niya? Bakit nagsisikip ang dibdib niya? Bakit gusto niyang umiyak pero ayaw namang lumabas ng mga luha niya?
And why did it hurt so much?
Inilatag niya ang katawan sa kama at tumitig sa bubong ng villa. Tulad ng nakaraang umaga ay nagliliparan sa mga tahilan ang dalawang ibon. Nakapagtatakang wala iyong atraksiyon sa kanya nang mga sandaling iyon.
“Maybe I don’t want to stay married to you, too...”
Iyon ang sinabi sa kanya ni Jace sa biglang pagbabago nito ng pasya at ayunan siyang pakasal sila sa Las Vegas. Kung may bahagi ng puso niya ang nasaktan noon, ay lalong higit ngayon. Parang hindi niya kakayaning ilagay sa isip na anumang araw ay maaari nilang pawalang-bisa ang kanilang kasal.
Isang mahinang katok ang nagpalingon sa kanya sa pinto. Mayamaya ay bumukas iyon at pumasok si Yaya Saling.
“Mabuti at gising ka na, hija.” Tuloy na itong pumasok. “Gusto ko sanang sabihin sa iyong sasaglit ako sa asyenda. Naiwan ko roon ang mga gamot ko sa rayuma. At dalawang gabi nang sumusumpong itong rayuma ko.” Kumunot ang noo nito at nilapitan siya. “Bakit ganyan ang anyo mo? Tila ka maiiyak?”
Umiwas siya ng tingin at bumangon. The old woman knew her too much. “Kagigising ko lang, Yaya. Nasa ibaba ba si... Jace?”
“Kaaalis lang. Inihatid iyong biyenan mo at ang kasamahang guro. Dumaan dito kaninang maaga pa at sabay na raw sila ni Concordia patungo sa paaralan sa bayan. Babalik din ang asawa mo kaagad at nagbiling sabay na kayong mag-almusal.”
“Sasama akong pauwi sa asyenda, Yaya,” wika niya sa matigas na tinig. “Pakihanda na ninyong lahat ang mga gamit ko.”
Nabigla si Yaya Saling doon. “Aba’y hindi papayag si Leandro na umuwi ka, hija...”
“Wala siyang karapatang pigilin ako rito!” mainit niyang sagot at tuloy-tuloy na pumasok sa banyo.
KUNG siya ang masusunod ay hindi niya hihintayin si Jace at aalis na lang kaagad. Nasa garahe ang lumang pickup ni Concordia. Subalit hindi pumayag si Yaya Saling sa gusto niyang mangyari.
Nagulat pa si Jace nang sa pagbaba sa jeep ay makitang nasa portico sila ni Yaya Saling at nakahanda na sa pag-alis.
“Ano ang ibig sabihin nito?” kunot noong tanong nito.
“Ewan ko ba rito sa asawa mo at nagyayang sumama sa akin pauwi ng asyenda,” depensa ni Yaya saling. “Hindi ko maawat at mapaliwanagan. At ipinaempake nang lahat ang mga gamit niya.”
“I’m leaving here, Jace,” she said coldly. Iniiwasang makasalubong ang mga mata nitong puno ng mga tanong. “Hindi ko gusto rito. Naiinip ako. I’ll bore myself to death!”
“Hindi ko maaaring iwan ang responsibilidad ko sa mga tao rito, Drew,” he said quietly. “It will take a few more days, bago ko maiayos ang lahat.”
“Kailangan ka ng asyenda, `di ba? My father hired you to manage it. Dapat ay naroon ka!”
Si Yaya Saling ay napahugot ng paghinga. Si Jace ay sinisikap na ikalma ang sarili.
“Be reasonable, Drew. Alam kong hindi ito ang lugar na kinasanayan mo. All I’m asking is—”
“You’re right. Ayoko sa lugar na ito. At hindi ko kailangang maghintay ng ilang araw dahil aalis na ako ngayon. Hindi mo kailangang sumama, Jace. You can stay here for as long as you want!”
“You are a married woman now, Drew, kung nakakalimutan mo ay ipinaaalala ko sa iyo,” he said tightly. “It’s time you should learn how to act and behave like a matured woman. Hindi ka maaaring gumawi na lang basta nang walang konsiderasyon sa kahihinatnan ng mga ikinikilos mo.”
“Hindi ko ginustong makasal sa iyo, Jace. We both know that...” She knew she was being unreasonable, subalit binubulag siya ng panibugho. “Our marriage had served its purpose. Ayokong magpagamit sa iyo hanggang sa panahong itakda mong—”
“Magpagamit?” he was surprised. “What the hell are you talking about? Were you referring to our marriage bed? Sa ginagawa natin bilang mag-asawa?” Unti-unti nang bumangon ang galit sa tinig nito.
Pinamulahan ng mukha si Drew. Si Yaya Saling ay mataktikang pumasok sa loob ng kabahayan. “That and more. You know I hated it when you touch me—”
“Like hell you do!” marahas nitong sabi. Akma siyang hahawakan subalit mabilis siyang umiwas.
“Huwag mong gamitin sa akin iyan, Jace,” wika niya. “It’s nothing but sex... pinaging legal ng kasal natin at natural lamang ang nararamdaman ko. Don’t mistake it for… for... lo—” She stopped hersetf in time. She would have said love. Only to be stunned at her own thoughts. And realized that she really did love him. Kung hindi ay bakit ganoon na lang kahapdi para sa kanya ang kataksilan nito?
Wala sa loob na napatingin siya sa asawa. Something in his eyes made her feel like crying and run into his arms; to beg him to love her, too. Subalit iglap ding naglaho ang kung ano mang nakita niya roon. Muling dumilim ang mukha nito.
“For what?” he hissed.
“For anything other than baser needs. As simple as that.” Itinaas niya ang mukha bilang paghamon sa katotohanan ng sinasabi niya. “Remember I would have married Grant? That I would have given myself to him had he not showed his true colors before the wedding?”
Furiously, he closed the distance between them in two long strides. Instinctively, itinaas ni Drew ang dalawang kamay upang ipagsanggalang ang sarili sa inaakalang pagsalakay nito.
Jace froze as if she had shot him. Tinitigan siya nito. Ang sakit ay humalo sa galit sa mga mata nito.
“Iniisip mong... sasaktan kita?” he whispered.
Ibinaba niya ang mga kamay. Confused and stunned by the soft and aching sound of his voice.
“A-at the moment... you look angry enough to... to tear me to pieces...”
Nanlulumong umiling ito. “I’ve never hit a woman in my life, Drew.” Isang mahabang paghinga ang pinakawalan nito, ang anyo ay tila hapong-hapo. “Kung gusto mong umalis ay ihahatid kita sa Hacienda Montano...”
Mabilis siyang umiling. Kung gagawin nito iyon ay hindi niya maipangangako sa sariling hindi magbabago ang saloobin niya. Sa kasalukuyan ay gusto niyang bumulalas ng iyak. Gusto niyang sabihin ditong nagbago na siya ng pasya. Subalit ang nadungawan niya sa balkonahe ay gumigitaw sa isip niya at sapat iyon upang muling tumigas ang dibdib niya.
“I can manage, Jace. Ipahiram mo na lang sa akin ang pickup ng... ng Mama mo.”
“No. I’ll drive you to—”
“No!” pagmamatigas niya at kasabay niyon ay ang determinasyon sa tinig.
“Damn you.” Marahas itong humakbang papasok sa loob ng kabahayan.
“Tayo na, Yaya,” mahinang tawag niya sa matandang babae na alam niyang nasa likod lamang ng pinto.
“IT’S a private and old port,” wika ng babae nang abutin ng lalaki ang kamay nito at akayin pababa ng yate. “It looks deserted. Tama bang dito tayo dumaong?” Iginala nito ang paningin sa buong paligid, sa kagubatang walang pinagkaiba sa pinanggalingan nila.
Ngumisi ang lalaki at nang maibaba ang kasama sa platform ay bumalik sa yate at isa-isang ibinaba ang dalawang mountain bike. “Gusto mo ng adventure, `di ba? Kung sa pier sa Sto. Cristo tayo dumaong ay isang oras mahigit patungo sa villa sa pribadong sasakyan. Ayon sa impormasyong nakuha natin ay walang pampublikong sasakyan patungo roon. At sampung minuto lang mula rito hanggang sa bahay ng mga del Mare.”
Umingit ang tablang sahig nang ipagulong at akayin ng dalawa ang mountain bike sa pantalan. Napayuko ang babae. “Kinakabahan akong lulusot tayo rito anumang oras. Marupok na ang mga tabla.”
“Mababasa ka lang. Mahusay kang lumangoy at mabuting exercise `yon para sa iyo.” His eyes surveyed her figure with amusement.
She glared at him. “Para mo na ring sinabing mataba ako.” He laughed. Tumaas ang mga mata ng babae sa lighthouse. “Could we go there? I haven’t been inside a lighthouse.”
“Oo, ba.” Tumingin ito sa relo. “Alas-nueve y media pa lang naman.”
“NATITIYAK mo bang alam mo ang daan patungo sa bayan?” tanong ni Yaya Saling nang makalipas ang sampung minuto ay wala pa rin silang makitang malaking daan. “Ang alam ko’y sandali lang mula sa malaking daan patungo sa villa. At mukhang papasok yata tayo sa gubat, Drew...”
Hindi siya kumibo. Hindi niya gustong amining naliligaw sila. From the main road, it didn’t take five minutes to the villa. At tulad ng sinasabi ni Yaya Saling ay tila papasok sila nang papasok sa gubat. Tatlong sangang-daan ang dinaanan nila. And she must have made the wrong turn.
Mula sa isang sangang-daan ay may natanaw siyang isang owner-jeep. Tuloy-tuloy sana iyon nang malingunan sila. Nakatawid na ito nang biglang magpreno at pagkatapos ay umatras at iniharang ang owner-jeep sa daan.
“Maaari tayong magtanong sa driver—” Napigil ang sasabihin niya nang bumaba ang driver ng owner-jeep at makilala kung sino ito. “Si Grant ang driver ng jeep, Yaya.”
“Ano ang ginagawa niya rito?”
“Pag-aari niya ang lupaing kasalukuyang inaalisan ng mga tao.” Nagpreno siya dahil nakatayo sa gitna ng daan si Grant.
“Sabi ko na nga ba at ikaw, Drew,” wika nito, ngumisi. Sumilip ito sa loob ng pickup. “Wala ang guard dog mo. Ang palad ko naman.” Walang sabi-sabing binuksan nito ang pinto ng pickup sa bahagi niya.
“Alisin mo ang jeep mo sa gitna ng daan, Grant,” utos niya.
“Wala ka sa kakayahang utusan ako ngayon, mahal na prinsesa!” Humalakhak ito, at pagkatapos ay walang sabi-sabing hinila siya palabas ng pickup. Napasigaw sa gulat si Drew. Si Yaya Saling ay binuksan ang kabilang pinto ng pickup at lumabas.
“Bitiwan mo ako, ano ba!” aniya nang hatakin siya nito. Muntik na siyang masubsob sa pagbaba sa pickup.
Isang halakhak ang nag-echo sa paligid. “You won’t get away this time, Drew. Walang Leandro na tutulong sa iyo. Nakita ko sila ni Violy kanina. And knowing Violy, duda ako kung makakaalis si Leandro kaagad.” Isang makahulugang ngisi ang pinakawalan nito.
“Bitiwan mo si Drew, walanghiya kang lalaki ka!” wika ni Yaya Saling na nakadampot ng patpat sa lupa at inihalibas dito. Tumama iyon sa punong-braso ni Grant. Napangiwi ito sa sakit. Binalingan ang matandang babae at inundayan ito ng suntok. Walang-malay itong bumagsak sa lupa.
“Yaya!” sigaw ni Drew. Ang akmang pagdalo sa yaya ay napigil nang hatakin siya ni Grant sa buhok.
“Halika ritong babae ka...” Kinaladkad siya nito patungo sa jeep nito.
“Walanghiya ka! Pati matandang babae ay pinatulan mo!” Pinagsusuntok niya si Grant na ginantihan siya ng isang malakas na sampal. She groaned in pain.
Hinila siya nito papasok sa loob ng sasakyan. “Now, you drive,” utos nito at itinulak siya sa driver seat at sumakay. Mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan niya. “At lumiko ka sa kanan. May alam akong lugar,” nakangising sabi nito. “Akmang-akma sa gusto kong gawin sa iyo.”