Chapter Three
M A BIGAT ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Agad niyang inalis sa isip ang ama. Hindi nito kayang sirain ang araw ng kasal niya. At kapag mag-asawa na sila ni Grant ay wala na itong magagawa.
Binigyan niya ng huling hagod ng tingin ang sarili sa salamin. She wrinkled her nose nang medyo makitang bumakat ang dibdib niya sa damit.
Wala siyang bra. She’d never thought of buying one at wala naman siyang dalang mga damit dahil kung magtatagal pa siya’y baka abutan siya ng kung sino mang uutusan ng ama na pigilan siya.
Humakbang na siya patungo sa pinto ng en suite at maingat na binuksan iyon. She wanted to surprise Grant. Hindi pa siya nito nakitang nakabestida maliban sa tailored office suit na suot niya, tuwina’y jeans and T-shirt ang suot niya sa mga date nila dahil komportable siya sa ganoong damit.
Hindi gumawa ng ingay ang paghakbang niya sa makapal na carpet at narinig niyang may kausap si Grant.
“Don’t be stupid, Abby darling. We’ll both—”
Hindi nito tinapos ang sinasabi dahil marahil naramdaman ang paglapit niya. Lumingon ito at nginitian siya, pagkatapos ay muling ibinalik ang pansin sa kausap.
“I’ll call you back.” Ibinaba nito ang telepono sa cradle at muli’y nginitian siya. “You’re fast.” Indulgently, sinuri siya nito ng tingin.
“Was that Abby Roberts on the phone?” She was mildly surprised.
“Yes, hon. Itinanong ko sa kanya kung ano ang balita mula sa manager. Kung talagang wala na akong pag-asang mabalik sa trabaho,” wika nito na may bahagyang lungkot sa tinig.
“Bakit kailangan mong mag-alala tungkol sa trabaho mo, Grant? You’ll be my husband in less than two hours from now. At dahil asawa na kita, natitiyak kong ibibigay sa iyo ni Daddy ang managerial post sa MGN Hotel sa Pilipinas.”
Sukat doon ay biglang nagbago ang anyo ni Grant. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Of course, honey. Gusto kong sa Pilipinas tayo manirahan pagkatapos nating makasal.” Lumapit ito at hinawakan siya sa baywang at iniangat sa ere at inikot.
“Put me down, Grant!” Magkahalo ang tili at tawa niya. “Magugusot mo ang damit ko!”
Sumunod naman ito pero hindi siya pinakawalan. Sa halip ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya. Her arms curled around his neck at nagpaubaya. Nang maramdaman niyang umangat ang kamay nito sa dibdib niya’y natilihan si Drew. Banayad niya itong itinulak at kumawala.
“What’s the matter with you?” wika nito, a leering smile on his lips. “You’ll be my wife anytime today but you’re acting like a virgin fiancée if I hadn’t known better.” Idinagdag nito ang huling sinabi nang may sarkasmo sa tinig.
She gazed up at him. Gusto niyang sabihin na nagkakamali ito sa kung ano man ang inaakala nito sa kanya. But she decided she’d give him the surprise of his life when she finally surrendered herself to him.
Sa halip ay isang matamis na ngiti ang ibinigay niya. “Nakaayos na ako, Grant. And I hate quickies. You wouldn’t want that, too. Magbibihis ka pa. Baka mahuli tayo sa appointment natin sa marriage celebrant.” The wedding arrangement was pre-arranged through the hotel connection.
“I guess you’re right,” pahinuhod nito. Akma nitong dadamputin ang black suit na nakalatag sa kama nang tumunog ang telepono. “I’ll get that.”
Dinampot nito ang telepono. Kinausap at pagkatapos ay ibinaba na uli iyon sa lagayan ito.
“Ang front desk. May fax message ka mula sa father mo. They’re sending it up. Is your father joining us this evening as we celebrate our marriage? Why, I’ve been dying to meet him. Isang taong mahigit na ako sa hotel pero hindi pa ako nagkaroon ng tsansang makatagpo ang Big Boss.”
“And soon, your father-in-law,” aniya. Lumapad ang ngiti ni Grant doon.
“Anyway, malalaman natin kung darating si Daddy.” Sinulyapan niya ang susuotin nitong nasa kama, iyon lamang ang dala nito mula Houston. “Hindi ka pa ba magbibihis?”
“I’ll use the John first,” wika nito at pumasok sa en suite.
Kasabay ng buntong-hininga’y umupo sa gilid ng kama si Drew habang iniisip kung ano ang laman ng mensahe ng ama. Kahit paano’y hindi niya maiwasang hindi kabahan.
That’s fast, Daddy. Pero hindi ka si Superman para makarating kaagad dito at mapigil ang kasal ko.
Kaninang dumating sila sa hotel, nagpadala siya ng fax message sa ama. Her intention had been to taunt him. Because he would be powerless to stop her from marrying Grant. And she had watched the fax machine with satisfaction habang ipinapadala niyon ang mensahe niya.
Hindi alam ni Grant na mahigpit na tinututulan ni Nick ang pagpapakasal niya rito. Ang alam nitong dahilan kung bakit natanggal ito sa trabaho ay dahil sa patakaran ng kompanya na ipinagbabawal ang anumang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng kahit na sinong kamag-anak ng mga board of director. That enough was true.
At nang tanungin siya ni Grant kung ano ang sabi ng ama niya sa gagawin nilang pagpapakasal ay sinabi niyang nasa hustong gulang na siya para gawin ang anumang naisin niya.
Cameron had been horrified nang tawagan niya ito at sabihing magpapakasal siya kay Grant. Hindi niya sinabing sa Las Vegas, or else matatawagan nito si Nick at agad na mabibigyan ng instruction ang jet pilot na huwag siyang sundin.
Pinukaw ng katok sa pinto ang pag-iisip niya. Mabilis siyang tumayo at lumabas patungo sa sitting room at binuksan ang main door. Inabot ang papel mula sa hotel boy at nagpasalamat at isinarang muli ang pinto. Binabasa niya ang fax message habang lumalakad pabalik sa main suite.
If you think I’ll tolerate this foolishness,
Drew, then perhaps you don’t really
know your own father.
I couldn’t stop you from marrying that
opportunist bastard but I can surely
stop you from withdrawing money
from all your bank accounts—which
is exactly what I am doing right now.
And I am meeting my lawyers today to
change my will.
Part of your inheritance will go to
charities.
Ang iba’y paghahatian ng mga kamag-
anak natin at ng tapat at
matatandang empleyado ng kompanya.
And you will not receive a single centavo
from me while I am alive...
“Ano ang sinasabi ng daddy mo?” tanong ni Grant mula sa likuran niya.
Bahagya pa siyang nagitla. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. At bago pa niya maitago ang mensahe ay walang sabi-sabing nakuha na nito sa mga kamay niya ang papel at binasa.
“N-no... T-this coudn’t be!”
“Grant?”
Kinuyumos nito ang papel at marahas na inihagis sa sahig at nagliliyab ang poot sa mga matang hinawakan siya sa mga balikat at iniharap.
“Hindi mo sinabi sa akin ito, Drew?” sigaw nito. Namumula ang mukha nito sa matinding galit. Ang mga daliri nito sa mga balikat niya’y halos bumaon sa laman niya.
“Hindi mo sinabing aalisan ka ng mana ng ama mo sa sandaling magpakasal tayo!”
“I-it doesn’t matter, Grant,” nalilitong sabi niya. Hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon nito. “Pera lang iyon—”
“Pera lang iyon!” putol nito sa sinasabi niya sa nag-aapoy na mga mata. “Nice of you to say that, dahil ipinanganak kang nahihiga sa salapi! Pero hindi ako, Drew! Importante sa akin ang mamanahin mo sa mga propriedad ng ama mo at ang posisyon ko sa mga kompanya ninyo sa Pilipinas!”
“But I have my jewelry. Plenty of them. My father can’t touch that. I can turn them to cash and it’s a lot of money. Enough for both of us...”
“I don’t need your damn jewelry, Drew! Hindi mo ba ako naiinrindihan! Ang kailangan ko’y ang mamanahin mo!”
“T-there’s the Sto. Cristo Ranch. I... I own it...” she added stupidly. Hindi siya makapaniwalang pinag-uusapan nila ang ganoon.
“Are you stupid?” Halos sumisingasing ito sa galit. “Wala ka nang mamanahin!”
“Y-you said that nothing matters as long as we have each other...” Halos pumiyok siya sa sinasabi. Gusto niyang matakot sa anyo nito.
“Nothing matters?” he mimicked sarcastically. “Your inheritance matters, Drew! Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit gusto kong magpakasal sa iyo!”
Napasinghap siya. She was shocked. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula rito. Her dreams were shattered right in front of her face. Muli’y tama na naman ang ama niya. At gusto niyang bumunghalit ng iyak sa sandaling iyon.
“I–I thought you... you love me, Grant...” She choked on her words. Umaasang hindi totoo ang lahat, na isa lamang iyong masamang panaginip.
“Love?” he sneered. “I will never love a brat like you, Drew!” malupit nitong sabi. “Bago ka pa dumating ay magkasintahan na kami ni Abby. And she was willing to sacrifice herself for me. Para sa katuparan ng mga pangarap ko. Nawalan na ako ng trabahong pinaghirapan kong pasukan ay dinaya mo pa ako! Pinaniwala mo akong sinasang-ayunan ng ama mo ang pagpapakasal na ito! Dinaya mo ako!”
Napaatras siya at lalong sumidhi ang takot sa poot na nakikita sa mga mata nito.
“At pagbabayaran mo ang ginawa mong ito!”
Sa isang hakbang ay nasa harap na niya ito, marahas siyang hinapit at mabangis na hinagkan. Napaungol siya. Ang mga kamay nito’y marahas na dumaklot sa dibdib niya at napasigaw siya sa sakit.
Nagpumiglas siya. Inubos ang lakas at itinulak ito.
“Y-you’re hurting me!” Puno ng sindak ang tinig niya. Nalasahan niya ang dugo sa mga labi niya. Nararamdaman pa niya ang sakit sa dibdib niya sa ginawa nito.
Ngumisi ito. “If I can’t get hold of your money, then at least, I’ll take what you can offer, honey. Hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sa iyo, Andrea Monica Navarro!”
Nanginginig ang mga tuhod niya. Hindi siya makapaniwalang ito ang Grant na nakilala niya. Wala sa loob siyang humakbang paatras.
He would rape her. Iyon ang natitiyak njya.
“P-pananagutan mo sa batas ang gagawin mo, Grant...” she said weakly.
“Really?” tuya nito. “Mag-asawa tayo, `di ba? Iyan ang nakarehistro sa atin sa ibaba at iyan din ang alam ng ama mo. At kanina ko pa pinag-iisipan kung bakit sa panahong magkasintahan tayo at hanggang kanina’y napakailap mo...”
Puno ng malisya ang mga mata nito habang naglalakbay sa katawan niya. Pagkuwa’y nanlaki ang mga mata sa naisip.
“You’re still a virgin!” Mahalay na humalakhak ito sa katuwaan. “The playgirl heiress is still a virgin! Unbelievable. Well, Drew, you’ll have your initiation today! At titiyakin kong hindi mo makakalimutan ang gabing ito sa buong buhay mo!”
Mamamatay na muna siya bago nito magawa ang gusto nitong gawin sa kanya, she thought helplessly.
Sa sulok ng mga mata niya’y nakita niya ang mataas na decorative vase sa ibabaw ng bureau. At hustong nakalapit sa kanya si Grant ay nahagip ng kamay niya iyon at marahas iyong inihampas dito.
Subalit nakailag ito at sa balikat nito tumama ang vase. Ganoon ma’y napauklo ito sa sakit at iyon ang sinamantala ni Drew.
Mabilis niyang tinakbo ang pinto palabas.
Sa corridor ay umaasa siyang may makikita kahit na isang guest lamang o kahit isa sa mga page boy.
Sa pagliko niya sa pasilyo ay bumangga siya sa isang matipunong dibdib. At matutumba sana siya kung hindi siya nahawakan nito sa magkabilang balikat.