noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 10

Ch. 11 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Ten

M ARAHANG napasinghap si Drew.

Leandro? Iyon ba ang narinig niyang pangalang binanggit ng babae? Sinundan niya ng tingin ang pagtungo nito sa likod-bahay hanggang sa mawala ito.

O baka naman nakaringgan lang niya iyon dahil sa nakalipas na mga araw ay parang aninong nakasunod sa kanya ang pangalang iyon.

“Don’t just stand there, princess. Remember what they say about eavesdroppers?” wika ni Jace at unti-unting humarap sa lugar na kinatatayuan niya.

Naguguluhang tinitigan niya ito. Bukod sa pangalang narinig niyang sinabi ng babae’y hindi niya inaasahang alam nitong kanina pa siya nakatayo roon.

“G-good morning,” bati niya at humakbang palabas sa patio, ang mga mata niya’y dumako sa lugar kung saan dumaan ang babae.

“Nakahanda na ang almusal ninyo, Mahal na Prinsesa,” wika nito, his eyes glinting with mocking amusement as he studied her expression. Itinuro nito ang kuwadradong mesang kahoy sa gilid ng patio na noon lang niya napansin. May pagkaing nakahain doon.

“Why do you always have to be sarcastic, Jace?” Lumakad siya patungo sa mesa, nagsalin ng juice sa baso at uminom.

“Because you’re a constant trouble, Drew. In capital T. Mula nang una tayong magtagpo. And I don’t know why I have to put up with you!”

She wondered why that hurt. Sa buong buhay niya, men pampered her. Catered to her every whims and caprices. At si Jace ang kauna-unahang lalaking sa tuwing kinakausap siya’y naroon lagi ang panunuya kung hindi man siya iniinsulto.

Gayunma’y hindi siya sumagot. Iginala ang paningin sa kapaligiran. At least, sa bahaging iyon ay natatanaw niya ang araw.

“Tinawagan ko nga pala ang daddy mo kagabing patungo tayo rito. He is coming to pick you up.”

Wala sa loob na tumango siya. “You have a beautiful home, Jace.”

“Ang buong bahay na ito’y maipapasok sa mansiyon ng mga Navarro, princess.”

“It was an honest compliment. Hindi mo kailangang manuya.” Muli niyang nilinga ang paligid. “Where exactly are we?”

“Del Mare Woods.” His eyes on hers, watching her intently.

She smiled fleetingly. Muling dinala sa bibig ang juice at uminom. Pagkuwa’y, “I meant to ask you why you’ve brought me here. Ang natatandaan ko’y nagpapabalik ako sa iyo sa—” She stopped in mid-sentence. Umangat kay Jace ang mga mata niya. “D-did you say del Mare Woods?”

Hindi sumagot si Jace, cocked his head in con firmation.

Wala sa loob na lumakad siya sa may gilid ng patio. Tinanaw ang buong paligid. Walang hangang kagubatan ang nakikita niya. No wonder when he first told her his name it sounded familiar.

Del Mare Woods.

She groaned silently. Nasa Sto. Cristo siya!

Ang Sto. Cristo ay isang malaking isla. Dalawang oras halos sa ferry boat mula sa pier ng Infanta. Malaking bahagi ng isla ay pag-aari ng mga Navarro, ang Alta Tierra, ang pinakamataas na bahagi ng isla sa may bandang kanluran.

Ang sumunod na malaking bahagi ay pag-aari ng mga magulang ng Lola Monica niya, ang Sto. Cristo Ranch at ngayon ay nasa pangalan niya.

At sa silangang bahagi ng Santo Cristo ay ang Del Mare Woods. At sa kabila ng hangganan ng Sto. Cristo Ranch ay ang maliit na fishing village na pag-aari ng mga Del Mare. At ang kasunod ay ang kagubatan na.

Hindi iyon kalakihan. More or less ay labindalawang ektarya kasali na ang fishing village.

This was a big joke.

Nilingon niya si Jace na nanatiling nakamasid sa kanya. “M-mula rito hanggang sa boundary ng... ng Sto. Cristo Ranch, gaano katagal na biyahe?”

“Kung sa dagat ka dadaan, treinta minutos ay naroon ka na. By land, it would take you longer. Two hours, more or less.”

She took a deep breath. Something nagged at her mind. Wala sa loob na dinala ng nanginginig na mga kamay sa bibig ang juice at pinangalahati iyon.

“H-how did we get here?”

The usual route. Nagmaneho ako hanggang Infanta, then I hired a barge.”

Ibig sabihin ay hindi pa ito natutulog.

She would have said something nang marinig ang pagparada ng sasakyan sa harapang-bahay.

“That must be your father.”

May kabang bumangon sa dibdib niya. May bagay na gustong umahon sa isip niya, though she couldn’t place it. Mula sa labas ng kabahayan ay narinig niya ang tinig ni Concordia.

“Nasa patio ang mga bata, Nick. Halika, pumasok ka.”

“Magandang umaga, Concordia. I didn’t know it would be this easy.”

Lumingon si Drew at nakita ang ama na lumalakad patungo sa patio mula sa loob ng bahay. Isang ngiti ng kasiyahan ang nasa mga labi nito.

“Hija...”

“Kung iniisip mong sasama akong pauwi sa iyo sa rancho, Dad, then you’re mistaken,” wika niya. “You can tell Leandro to go to hell!”

Narinig niya ang magkasunod na singhap ng ama at ni Concordia at ang tikhim ni Jace sa likuran niya.

“Ano ba ang sinasabi mo, Drew?” tanong ni Nick at tinapunan ng tingin si Jace. “Leandro, hijo.”

“Pagkatapos ng mga ginawa ko’y iyan pa ba ang maririnig ko sa iyo, Drew?” wika ni Jace.

Marahas ang pagbaling niya rito. Her eyes encounter dark ones, regarding her with a humourless smile.

NANLALAKI ang mga matang pinaglipat-lipat ni Drew ang tingin sa tatlong taong nasa harap niya. Isang mahabang katahimikan ang namagitan. Nag-iinit ang mukha niya sa kahihiyan, kalituhan, at galit.

“Well, well,” wika niya makaraan, sinisikap ikalma ang sarili. Her chin tilted dangerously. “So I’ve been taken for a fool. Thank you, del Mare, for not accepting my stupid proposal or I would hate myself forever!”

She was a fool, felt like a stupid fool. But she’d die kaysa ipakita sa lalaking ito na hinahangad niya nang mga sandaling iyon na sana’y bumuka ang lupa at lamunin siya.

“Ano ba ang pinagsasabi mo, hija?” tanong ni Nick sa kanya.

Subalit sa binata nakatuon ang buong pansin ni Drew. “And yes, you can go to hell, Jace... Leandro... or whatever the devil your name is!”

“Drew!” pag-aalsa boses ni Nick kasabay ng pagsinghap ni Concordia.

“Let’s go, Daddy.” Akmang siyang tatalikod subalit nahagip ni Jace ang braso niya at muling iniharap dito.

Her hand raised and would have hit him, but she caught her father’s eyes, glaring at her. Ibinaba niya ang kamay at tumingala kay Jace at nang magsalubong ang paningin nila’y natiyak niyang kahit wala ang warning mula sa mga mata ng ama’y alam niyang hindi lalapat sa pisngi nito ang kamay niya.

“Careful, princess. Cussing doesn’t suit you,” he said in a mocking tone. “Mas bagay iyan sa tulad kong working man.”

“Wala kang pakialam kahit na ano pa ang sabihin ko! You made a fool of me! You lied to me!”

“I did not. My name’s Leandro Jace del Mare. I am Leandro to the village people and old acquaintances like your father. At hindi kita kilala malibang nasa loob ka na ng jet.”

“You intentionally misled me!”

Tumaas ang mga kilay nito. “Was it my fault if you made a fool of yourself? That you had fun dero gating my person? Bakit ko ipagkakait sa iyo ang kaligayahang laitin ang pagkatao ko? You enjoyed it, didn’t you, princess?” he taunted.

“Damn you” she hissed. Napagtanto niyang hawak pa rin nito nang mahigpit ang braso niya. “And will you kindly get your hands off me?!”

Ang biglang pagbitiw nito sa kanya’y tila isang insulto. Pagkuwa’y hinarap ni Jace si Nick na nagsasalubong ang mga kilay sa nangyayari.

“I’m sorry about this, Tito Nick,” wika nito, smiling, na tila ba walang tensiyon na namagitan. “At hindi nga pala ako makapagre-report sa rancho bukas. I was occupied last night by my future wife. Give me another two days, may aasikasuhin lang akong mahalagang bagay.”

“I won’t marry you if you were the last man on earth, you swine!”

“Drew!” babala ni Nick.

Umangat ang mga kilay nito. “And did you think I want to marry someone like you? If I said yes to your father and my mother the first time they informed me about this damn arrangement, I would have been married to you a long time ago! Heaven’s sake, princess, playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats.”

“Leandro!” Concordia was horrified.

“Hihintayin kita sa Range Rover, Drew,” wika ni Nick sa anak, pagkatapos ay mabilis na tumalikod, sa patio dumaan.

“Gusto kitang makausap, Leandro,” wika naman ni Concordia sa anak at pumasok sa loob ng kabahayan.

Drew groaned silently. She felt humiliated to her very soul and hating Jace and her father at the same time. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Humakbang siya upang sundan ang ama subalit muling nahagip ni Jace ang mga balikat niya at iniharap siya rito.

“Hindi pa ako tapos sa iyo, Drew,” wika nito, and to her horror, he pulled her against him. “It’s time someone tame you, sweetheart.”

“Bitiwan mo ako!”

“Because you’d die if I ever touched you?” he jeered. “Gusto kong mapatunayan.”

Drew made a soundless gasp when he bent his head. Gusto niyang magprotesta subalit walang lumabas na salita sa bibig niya nang yumuko ito at angkinin ang mga labi niya.

He kissed her thoroughly. Not particularly gentle. Lahat ng iringan sa pagitan nilang dalawa ay nasa halik na iyon. The kiss was charged. It was explosive. At may elemento sa halik na iyon na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

At kahit manlaban man siya’y alam niyang walang mangyayari. Gagawin ni Jace ang gusto nitong gawin sa kanya and she would be powerless.

She was breathless when he released her. Alam niyang walang bahagi ng mukha niya ang hindi mapula sa nangyari. Humakbang siya paatras at nagpapasalamat sa mesang nasa likod niya dahil kung hindi ay baka hindi siya nakayanan ng nanlalambot na mga tuhod.

Tumaas ang kamay ni Jace, half-cupping her breast. Dinama nito ang tapat ng puso niya. Her heart hammered violently against her ribs.

“You’re heart’s still beating, princess,” matabang nitong sabi. His mouth twisted. “You didn’t die after all.”

Ni hindi makahagilap ang isip niya ng tamang sasabihin. Tila naparalisa ang buong pag-iisip niya. Confused of her own feelings. It was just a kiss. A kiss that hadn’t been a kiss after all, kundi isang uri ng kaparusahan. And yet it was potent, higit na nakalalasing kaysa sa tequila na ininom niya nang nagdaang gabi.

Unti-unting tumaas ang mga mata niya rito. Wala na roon ang panunuya. Ang maitim na mga mata’y lalo pa yatang dumilim habang taimtim siyang tinititigan.

Her lips parted in a soundless gasp when she realized that his hand was still on her breast. It moved softly against the swell of her breast.

And to her shame, tumutugon ang katawan niya. At nakita niya ang pagtaas ng sulok ng bibig nito bilang pagngiti, ng isang insultong pagngiti. Natitiyak niyang alam nito ang reaksiyon ng kanyang sariling katawan.

Drew wanted the marbled floor to open and swallow her, but it remained solid. With a groan of total humilation, tinabig niya ang kamay ni Jace at mabilis na tumalikod palayo rito, half-running.