noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 14

Ch. 15 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Fourteen

“G OOD morning, Yaya,” bati ni Drew nang lumabas siya sa dirty kitchen. Ipinagkrus ang mga braso sa dibdib dahil malamig ang hanging sumalubong sa kanya. Sumandal siya sa hamba ng pinto. Namamanaag pa lang ang araw sa likod ng mga bundok.

“Kay aga mong nagising!” ani Saling na bahagya pang nagulat nang malingunan siya.

Ngumiti siya. Ang mga mata ay itinuon sa pugon, pinagmamasdan ang pagsasayaw ng nagbabagang kusot. “Bakit pinahihirapan ninyo ang sarili sa pagpapakulo ng tubig diyan sa takure. What happened to the coffeemaker?”

“Nang maiba naman,” wika nito, bahagyang ngumiti. “Maraming taon ko nang hindi nagagamit ang pugon na ito, hija. Pinanabikan ko rin naman ang mga dati kong ginagawa. Ikaw, bakit kay aga mong bumaba?”

Nagkibit siya ng mga balikat. Pinuno ng sariwang hangin ang dibdib at pinagmasdan ang isa sa mga batang katulong na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod-bahay.

“Hindi ako gaanong nakatulog kagabi, Yaya. Siguro’y dahil hindi ako sanay na may ibang tao sa loob ng bahay.”

“Subalit hindi rito natulog kagabi si Leandro, hija,” impormasyon ni Saling.

Natanggal sa pagkakahalukipkip ang mga braso niya. “H-hindi ho rito natulog si Jace?”

Tumango si Saling at pumasok sa loob ng kusina, sumunod siya. Umabot ito ng tasa sa cupboard at sinimulan siyang timplahan ng kape.

“Pagdating mo kasi kahapon mula sa Alta Tierra ay dumeretso ka na sa silid mo at hindi na muling bumaba kaya hindi ko naman naipaalam sa iyo.”

Hindi niya hinintay na makaalis ang ama kahapon matapos silang mananghalian. Alam niyang mahaba pa ang pag-uusapan nito at ni Jace. Nagpaalam siyang dadalaw sa Alta Tierra, pinayagan naman siya subalit kasama ang bodyguard na si Guido at ito na rin ang nagmaneho ng sasakyan patungo roon.

Alas-singko pasado na nang dumating siya at nagpasabi sa katulong na hindi siya maghahapunan dahil busog pa siya sa inihanda sa kanya sa kabila. That was partly true. Half of the truth ay hindi niya gustong makaharap muli si Jace.

“A-ang akala ko’y ngayon ang unang araw ni Jace sa asyenda...” She hated the man, iyon ang sinasabi niya sa sarili. Subalit may gumuhit na kaunting pagtataka at panghihinayang sa dibdib niya nang malamang wala ito sa bahay-asyenda.

Nagkibit ng mga balikat si Saling. “Narinig kong nagpaalam sa ama mo at uuwi sa kanila. May mahalagang bagay yatang aasikasuhin muna. Kung hindi ngayon ay baka bukas na magsimulang magtrabaho si Jace.”

Hindi siya kumibo at marahang humigop ng kape.

“Gusto mo bang kumain na?”

“Mamaya na, Yaya, pagkagaling ko sa pangangabayo. Gusto kong libutin ngayong umaga ang asyenda. Matagal ko rin namang pinanabikan ang lugar na ito.”

“Siya, sige. Pero isama mo si Amalio.”

Ang tinutukoy nito ay ang groom sa kuwadra at gustuhin man niyang tumanggi at sabihing makapangangabayo siyang mag-isa ay natitiyak niyang hindi rin siya pakikinggan ni Saling. Mahigpit ang bilin ng ama na hindi siya mangangabayong mag-isa.

Bitterness rose in her throat. Siguro ay makatwirang tawagin siya ni Jace ng “princess.” Idagdag pa ang press na lagi nang nakaabang sa mga kilos niya, at nariyan ang bodyguard na si Guido na natitiyak niyang kanina pa nasa labas. At ngayon ay nariyan ang groom para samahan siya sa pangangabayo.

Tinalo pa niya ang mga royalty. Kung sa bagay ay hindi lang naman siya ang sinusundan ng press, ganoon din ang mga pinsang babae.

The price of wealth.

DALAWANG oras sa paglilibot sa asyenda si Drew. Alas-otso pasado na nang magbalik siya sa bahay-asyenda. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang MGN chopper sa may landing area.

Nagbalik ba ang ama?

Mabilis siyang bumaba ng kabayo at ibinigay iyon sa groom at nagmadaling pumasok sa bahay. Nagulat pa siya nang makitang nasa sala si Saling at nakahanda na ang mga gamit nila.

“Sino ang dumating, Yaya? Bakit nakababa ang mga maleta natin?”

“Ipinasusundo ka ng ama mo, Drew,” wika nito. “At huwag mo akong tanungin kung bakit dahil hindi ko alam. Hindi rin alam ng piloto. Mag-almusal ka na muna at pagkatapos mong mag-ayos ay lilipad tayo pabalik ng Maynila.”

“OH, YOU just miss him, Drew!” excited na salubong ni Sheila, ang assistant ni Mrs. Blanco nang pumasok siya sa opisina ng ama. Sa MGN building siya inihatid mismo ng piloto ng helicopter.

“I miss whom, Sheila?”

“A man. I have instructions from your father that he be directed up the penthouse. And he’s absolutely... absolutely—!”

Kumunot ang noo niya. “Absolutely what?”

“Oh, he’s tall and slim but with a muscular build...” She had a dreamy smile on her face, “if you know what I mean. He’s dark all over—hair, eyes, skin. And he has this brooding look...”

Kung may bisita ang ama sa penthouse ay malamang na mamaya pa sila magkakausap nito. “May ideya ka ba kung sino ang bisita ng Daddy, Sheila?”

“Hindi ko kilala, Drew.” Umiling ito kasabay ng nangangarap na ngiti sa mga labi. “But he looks like a god.”

She almost rolled her eyes. Matanda lang sa kanya si Sheila ng dalawang taon. Schoolmate niya ito noong high school at nang magtapos ay nag-apply sa MGN nang mag-advertise ang kompanya ng assistant ang sekretarya ng daddy niya. And the chit had the guts to give her name as reference. Though she was admitted in the company because she was qualified.

At bagaman impertinente ay mahusay ito sa trabaho ayon kay Mrs. Blanco.

“Sa palagay mo, gaano ako katagal maghihintay sa Daddy hanggang sa matapos ang appointment niya sa bisita niya?”

Sheila frowned. “Nasa loob ng opisina niya si Mr. Navarro, Drew. Kanina ka pa niya hinihintay.”

Oh. So the visitor must wait. Pero sino kaya ang bisita ng ama at sa penthouse pa pinaghintay?

NAPAPITLAG siya nang ihagis ni Nick sa harap niya ang mga peryodiko. Lahat ay sa iisang section nakahayag.

“Basahin mo ang laman ng peryodiko, Andrea Monica!” Dumadagundong ang tinig ni Nick sa loob ng opisina nito.

Nalilitong dinampot ni Drew ang isa sa dalawang peryodikong inihagis ng ama sa mesa. Tumambad sa kanya ang black and white photo nila ni Jace nang gabing nalasing siya. Ang mga braso niya ay nakahawak sa baywang nito at nakatingala siya rito. He was looking down at her.

The picture they projected was so intimate anyone would think she was waiting for him to kiss her. At napasinghap siya nang mabasa ang unang linya ng caption.

Only four weeks from her rumored marriage in Las Vegas to his father’s hotel employee, Grant Howard, who was reported to be a gigolo, Andrea Monica Navarro, tagged by the press as The Wild Heiress was seen last night in the arms of a gorgeous man coming out of the family-owned five-star hotel.

Who is this tall, dark, and breathtakingly handsome man?

Andrea Monica’s name has been linked with several men, including lately a well-known Hollywood actor, seen with her on one of her many shopping trips in Paris.

Our sources in Houston have been trying to reach family patriarch, multi-millionaire Franco Navarro, to give comments about his granddaughter’s wild escapades with gorgeous, albeit unsuitable men. But Mr. Navarro wasn’t available for comment. This reporter though was able to hunt Grant Howard in Houston three days ago and he confirmed that there was no marriage between them and yet admitted that he and Andrea Monica spent a night in Mirage Hotel as husband and wife and gave this reporter a conspiratorial wink ...

“That bastard!” Her father roared savagely. Pagkatapos ay tatlong printed material ang inihagis nito sa harap niya. “And what is this all about?!”

Still speechless, dumako ang tingin niya sa inilapag ng ama. Hindi niya napigilang mapasinghap. Ang nasa harap niya ay de-kulay na larawan na kuha ng araw na muntik na siyang mapahamak sa mga kamay ni Grant.

Kinunan iyon nang palabas siya ng elevator ng Mirage Hotel sa Las Vegas; na kung sino man ang nagpadala niyon sa ama ay binilugan ang mga pasa sa braso niya. She was even caught by the camera wincing, habang ang kamay niya ay nakahawak sa isang bahagi ng ulo niya.

Ang isa pang larawan ay kinunan habang namimili siya ng leather jacket sa isang boutique sa ground floor ng hotel. Huminga siya nang malalim at itinaas ang dalawang paa sa settee at niyakap ang mga binti.

“Ano ang ibig sabihin ng mga larawang ito?!” hiyaw nito kasabay ng pagtaas-baba ng dibdib sa galit na bigla ay gustong mag-alala ni Drew sa kalusugan ng ama. “At ang mga pasang ito sa braso mo?” Pinukpok nito ng kamay ang mga papel. “Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?”

“Dad...” she cringed, but then raised her chin and pretended this was an ordinary scold.

“I could kill him for this, Andrea, and—”

“Dad, please!” mabilis niyang awat. This was a good deal worse than she had expected. Paroo’t parito ang ama, picking up and putting down objects from his table, na tila ba nag-iisip kung alin doon ang ibabato.

“H-hindi ako sinaktan ni Grant, Daddy... Yes!” Agad ang paggana ng isip niya. “Ask Jace. He was there.”

“Ano ang sinasabi mo?” Nick tried to control his fury, tinitigan siya.

“S-sa hotel kami unang nagkita ni Jace, Daddy. Sa oras mismo na matanggap ko ang... sagot mo sa fax ko. Grant was lying! We never spent a night together... H-he was... he was trying to stop me from leaving the hotel room when I got your fax message. Yes, that’s it! Humigpit lang ang hawak niya sa braso ko dahil nagmamadali akong lumabas ng silid. That was when I first saw Jace in the corridor. He was at the same hotel.”

Nag-uunahan ang mga salita sa bibig niya. Relieved at the same time. Hindi siya nakatitiyak sa gagawin ng ama kay Grant sa sandaling malaman nito ang binalak sanang gawin nito sa kanya.

She watched the veins swell in his forehead and she sank back onto the sofa. “Leandro was at the hotel at the same time, iyon ba ang ibig mong sabihin?”

“Y-yes, Dad,” mabilis niyang sagot. “You can ask Jace about it.”

“Hindi na kailangan,” wika nito makaraan ang ilang segundo. “Ang hindi ko maisip ay kung bakit nakaligtaan niyang sabihin sa akin na sa hotel kayo unang nagtagpo... o sadyang kinaligtaan,” dugtong nito at nagdududang tinitigan siya.

Umiwas ng tingin si Drew. Niyuko ng ama ang nakalatag na mga peryodiko. “Ang pagkakataong nasa iisang hotel kayo ay malaking bagay para pangatwiranan ang iskandalong ito...”

“A-ano ang ibig ninyong sabihin?”

“Pumanhik ka sa penthouse, Drew,” utos ni Nick sa kalmante subalit mapanganib na tinig. “Ipinatawag ko si Jace kagabi pa. Anumang sandali ay darating siya at si Concordia. Kung pinlano kong bigyan ka ng isang buwan para kilalanin siya nang husto’y hindi na ngayon. You and Jace will be married at once.”

“Daddy!”