noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 4

Ch. 5 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Four

M ARAHAS na nagpumiglas si Drew sa pagkakahawak sa kanya ng nakabunggo. “Easy, Miss,” he said softly. “You’re not looking your way.”

Huminto siya sa pagpipiglas. Nilingon ang pinanggalingan at nakita niyang kasunod niya si Grant.

“Let me go!” wika niya sa may hawak sa mga balikat niya.

“Come back here, hon,” malumanay na sabi ni Grant nang makitang may ibang tao sa pasilyo at hawak siya sa mga balikat. Humakbang ito palapit. “Let’s talk things—ikaw?”

Ang huling salita’y halos pabulong na lumabas sa bibig ni Grant kaya hindi iyon narinig ni Drew. Hindi rin niya nakita ang pagkamanghang nasa mukha ni Grant nang matuunan nito ng pansin ang lalaking nakahawak sa kanya dahil abala siya sa pagsisikap na mapakawalan ang sarili mula sa estranghero.

“Go away, Grant!” sigaw niya sa nagpa-panic na tinig at tumakbo patungo sa elevator.

She pushed the button savagely subalit nang tumingala siya ay nasa 12th floor pa iyon. Binalingan niya ang kabilang elevator, subalit tulad ng isa’y nasa itaas pa rin iyon at parehong nakatuon sa “up” ang arrow.

Wala siyang mapagpilian kundi ang hagdanan. Tinakbo niya ang dulong pasilyo patungo roon.

Si Grant ay tumakbo pahabol at nilampasan ang lalaking nakasunod ng tingin sa kanila.

Suot pa rin ni Drew ang stilletos niya at dahil tumatakbo ay hindi sinasadyang nasabit iyon sa isang tila nakausling bahagi ng carpet sa gitna ng hagdan at gumulong siya dalawang baitang patungo sa landing ng susunod na palapag.

Napaungol siya sa sakit at bago niya nagawang bumangon ay naroon na si Grant. Dinaklot nito ang buhok niya at hinila siyang patayo.

Halos sumigaw siya sa matinding sakit. Pagkuwa’y mahigpit siya nitong hinawakan sa braso at kinaladkad pabalik sa itaas.

“You bitch!” wika nito. “Pinahirapan mo ako. Pagbabayaran mo ito, Drew!”

“B-bitiwan mo ako, Grant! Sisigaw ako!”

“Sumigaw ka hanggang gusto mo, tingnan lang natin kung may makikialam sa atin. Remember we’re married, my dear,” he taunted angrily. “At nagpapasalamat ako sa pagpili mo sa hotel na ito.”

Sa itaas ng landing sa pagliko sa pasilyo’y muli nilang nakasalubong ang lalaking nabangga ni Drew. Tila hindi naman yata ito umaalis mula sa kinatatayuan. Sapat iyon upang ayusin ni Grant ang pagkakahawak sa kanya.

“Is there a problem, Miss?” This time, the deep male voice was cold, harsh, and touched with the faintest of Texan drawls.

Napatingala siya rito. Higit itong mataas kaysa kay Grant. At may magandang pangangatawan. He wore a white short-sleeved polo shirt and black pants. It looked like an aviation uniform, katulad ng suot ng piloto ng Lear jet.

Ang aviation uniform na suot nito’y lalong nagbigay-pansin sa malapad na mga balikat at matipunong katawan. Kasing-itim ng uwak ang buhok and was brutally cut short. His nose was straight and set above a sensual mouth and strong, square chin.

May manipis na pilat ito sa kaliwang bahagi ng noo na gumihit pababa sa may sentido. Funny, but the faint scar added to his good looks.

He was not movie-star-handsome as Grant was. But he had a Latin look. Pagkaitim-itim na mga mata na tila ba mawawala siya sa kadiliman ng mga iyon. Na lalo pang pinaitim ng makakapal na pilikmata. She didn’t think that a man should have eyelashes as thick as that.

“Mind your own goddamn business!” singhal ni Grant, though Drew detected the slight edge in his voice. “This bitch is my wife! Now get out of our way.”

Subalit tila ang nakikita ng lalaki’y si Drew lamang dahil nanatiling nakatuon sa kanya ang mga mata nito.

“Is there any problem, miss?” again he asked softly.

“There’s no problem at all!” muling sagot ni Grant. “My wife and I are having a little tiff but nothing that can’t be solved by ourselves. And for pete’s sake, stay out of the way!” Nilingon nito si Drew at nginitian. “Isn’t that right, honey?”

Hindi niya makuhang sumagot. Ang itim na mga mata ng estranghero’y nanatiling nakatitig sa kanya; that cool, glittering stare held her transfixed.

“Do you need my help, Miss?”

Bigla’y napuno ng kalituhan ang isip niya. An old fable came to mind. Kung alin sa dalawang pinto ang bubuksan niya? Ang isang pinto’y kaligtasan, habang sa likod naman ng isang pinto’y naroon at nakahimlay ang isang tigreng may mangitim-ngitim at ginintuang balahibo.

“Tell me, miss, do you want me to leave you to—” Nilingon nito si Grant sa unang pagkakataon. And she could see disgust in his face, “this man?” The man’s mouth twisted impatiently.

“Leave us alone,” utos ni Grant. “I’ve told you, she’s my wife—”

“Wife?”

“Check with the front desk if you have doubts,” Grant said too abruptly. Ang kamay nito’y umangat sa balikat ni Drew at inakbayan siya.

Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan niya. Tila malayang nakadaloy ang dugo sa mga ugat niya nang matanggal ang pagkakapigil nito sa braso niya.

Sa pagkabigla ni Grant, she wrenched free at patakbong lumapit sa lalaki.

“H-he’s going to rape me!” mabilis niyang sabi. “Don’t let him come near me!”

Umangat ang mga kilay ng estranghero. Mula sa pagkakayuko sa kanya’y tumaas ang mga mata kay Grant.

“So, you heard the lady—”

“She’s no lady, damn you!” poot na wika ni Grant.

“Leave her.” Nasa tinig ng lalaki ang ultimatum. His eyes turned a shade darker as he looked at Grant na ang mga mata’y halos maglabas ng apoy sa matinding galit.

At alam ni Drew na hindi hibang si Grant upang hamunin ang lalaki na di-hamak na mas malaki at mas mataas dito. And there was something about the stranger that evoked fear on anyone who wished to defy him.

At natitiyak niyang nakikita iyon ni Grant. In fact, something flickered in his eyes... something like—recognition? And hatred.

“You’ll pay for this!” wika nito sa estranghero. Pagkuwa’y binalingan si Drew sa mga matang puno ng pagkasuklam. “You bitch!”

Napasinghap siya at wala sa loob na napaatras sa poot na nasa mga mata nito. Nakalingon ito sa kanila habang humahakbang patungo sa elevator at halos mabasag ang buton sa pagpukpok nito.

Tahimik na nakatingin sila rito habang hinihintay nito ang pagbaba ng elevator. At nang bumukas iyon ay nilingon nito si Drew at bago pumasok ay nagmura na kahit masamang babae ang tumanggap ng sinabi nito’y mapapasinghap.

And Drew was shocked. Hindi niya nakilala nang husto ang lalaking binalak niyang pakasalan. More than ever, now she was glad to have sent that taunting message for her father. At kung hindi nagalit si Nick at sumagot ay pagsisisihan niya habang-buhay kung sakaling nakasal sila ni Grant.

Ang estranghero’y dinalawang hakbang ang pagtungo sa elevator sa nagdidilim na anyo subalit bago ito umabot ay sumara na ang pinto niyon. Gayunma’y nahagip ng tingin ni Drew ang pagsenyas nito ng dirty finger sa lalaki.

At nahagip ng pandinig niya ang huling sinabi ni Grant. She heard something like “you cheated me, bastard! You took something that is mine for the second time.”

Second time? Baka nagkamali siya ng dinig. Nag-rumble na sa isip niya ang mga sinasabi ni Grant. Sa palagay nito’y dinaya niya ito.

Napasandal sa dingding ng pasilyo si Drew, itiningala ang ulo at pumikit, sabay hinga nang maluwag. She was stupid to have fallen into Grant’s charm... to have bought his sad story.

“Do you feel safe now?”

Again, came that masculine voice. Sandali niya itong nakalimutan. Muli siyang nagmulat. Dark eyes bored into hers.

“Y-yes. I’m safe now... I think so.”

Agad siyang nagbaba ng paningin at lihim na napangiwi sa sakit. Masakit ang ulo niya sa pagkakahatak ni Grant sa buhok niya. Gusto niyang isiping natanggal na yata mula sa anit ang lahat ng hibla ng buhok niya.

At ang braso niyang mahigpit nitong hinawakan ay alam niyang mangingitim mayamaya lang. At ang dibdib niya’y bahagya pa ring nananakit mula sa marahas nitong kamay.

Kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ay gusto niyang bumulalas ng iyak. Mas na ang dahilan ay ang pride kaysa sa pisikal na sakit na nararamdaman.

“Hey, don’t faint on me,” wika ng estranghero.

Marahas siyang nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang mga kamay ng lalaki sa mga balikat niya. Tila siya napaso roon at napauklo.

“Relax, I am not going to hurt you,” wika nito na ipinagkamaling takot ang biglang pag-uklo niya. “Do you have a room here? Do you want me to take you there?”

“No. I’m fine!” she snapped. Tinabig ang mga kamay ng lalaki at itinuwid ang sarili.

She hated herself for the moment of weakness and for the self-pity na unti-unti sanang gustong lumukob sa kanya.

Nang titigan niya ang lalaki’y nakita niya ang pagtiim ng mga bagang nito. Pagkuwa’y walang kibong tumalikod ito at humakbang patungo sa elevator.

Nanatili siyang nakasunod dito ng tingin. Hindi malaman ang sasabihin. Bumaba ang elevator at bumukas iyon. Pasakay na roon ang lalaki nang tawagin niya.

“H-hey... don’t go yet!”

Napigil ang paghakbang ng estranghero papasok sa elevator. His mouth twisted, at sa walang emosyong tinig ay, “What else do you want?”

“Y-you’ve done me a... a favor,” wika niya sa alanganing tinig. She gasped softly as he looked into her eyes deeply.

My g od, the man intimidated her, as no one had ever done before.

“You’ve rescued me from being raped. He’s not my husband, yes. But we’re supposed to get married today and I’m glad... I’m glad that I never had to...” Nag-uunahan sa paglabas ang mga salita sa bibig niya.

Nakita niya ang pag-arko ng mga kilay nito at ang bahagyang pagkunot ng noo.

“Why are you telling me this?”

“Because I want to... to compensate you—I mean... h-how much do you want me to pay you for what you’ve—”

Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi sa biglang pagdilim ng mga mata nito. At may pakiramdam siyang anumang oras ay hihigupin siya ng karimlang iyon.

“You want to pay me?” he said in a deceptively soft voice na biglang naramdaman ni Drew ang pananayo ng mumunting balahibo niya sa batok.

“I–I don’t... I don’t really mind if—” she made a helpless gesture with her hands “—what I mean is you don’t get anything in this world for free and—”

“So the bastard was right,” putol nito sa sinasabi niya. His nostrils flared and Drew could detect the anger beneath the soft voice. “You’re a bitch.”

His last words. Tinalikuran siya nito at sumakay sa elevator na noon lang niya napuna na kanina pa nito pinipigilan ang pagsasara.

Now, what have I done? nanlulumong tanong niya sa sarili at muling inihilig ang ulo sa dingding sa pasilyo at ikinulong sa mga palad ang mukha.

May ilang sandaling nanatili siya sa ganoong ayos. She was trying to come to terms with what had just happened. Subalit ayaw gumana ng isip niya.

Nang maisip na maaaring magbalik si Grant ay mabilis siyang nagbalik sa hotel suite at nag-lock ng pinto. Pumasok siya sa banyo at naligo na tila ba maaalis ng tubig ang bangungot na nangyari sa kanya nang araw na iyon.

Paglabas niya ng banyo ay ibinalik niya ang suot niyang damit nang dumating sila sa hotel.

Nang makapag-ayos ay tumawag siya sa front desk sa ibaba at nag-request ng isang security guard. Maaaring nasa paligid lang si Grant at naghihintay ng pagkakataon.

Pagkatapos niyang makapag-check-out ay kasama pa rin niya ang security guard na pumasok sa boutique sa ibaba ng hotel at pinalitan ang suot ng signature jeans, blouse, at leather jacket upang matakpan ang pasa sa braso niya.

She tipped the security guard at sumakay ng taxi patungong airport.