noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 6

Ch. 7 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Six

H UMAKBANG siya pabalik sa kinauupuan at sa pagkakataong iyo’y umatras sa isang hilera ng mga upuan si Jace upang makaraan siya nang maluwag.

Kinuha niya ang shoulder bag sa upuan at humakbang patungo sa labasan ng jet nang hawakan siya nito sa braso. Napasinghap siya sa pagkakadikit ng kamay nito sa balat niya. As if a live wire touched her skin.

“What did your father mean when he said ‘without you’?”

Marahas niyang binawi ang braso, mas sa pagkamangha sa biglang naramdaman kaysa sa pag-iwas. “Wala kang pakialam!”

“Tell me, Miss Navarro. And I’ll decide whether to leave you here in Las Vegas or not.”

Her eyes went wide for a fraction. Banayad ang tono nito. Kauna-unahan mula kanina sa hotel. At mas kaya niyang pakitunguhan ang pagiging pormal, walang emosyon nitong pagsasalita, at ang pahaging na panunuya nito.

But not tenderness.

And l ord, at gusto niyang bumulalas ng iyak anumang sandali kung hindi niya aawatin ang sarili. Hindi niya kailangan ang simpatya mula sa isang estranghero.

Not when her scalp still ached, mula sa pagkakahila ni Grant sa buhok niya; ang braso niyang mahigpit na kinuyumos nito kanina’y nananakit pa rin; higit sa lahat, ang humiliation na naramdaman niya para sa sarili sa ganoong uri ng pagtrato.

Subalit hindi niya kayang isang tao na naman ang mawawalan ng trabaho dahil sa kanya.

“Y-you’re under my father’s employ, del Mare. Hindi mo siya masusuway.”

“I’ll determine that,” wika nito. Ang mga mata’y tila naglalagos sa kaibuturan ng mga buto niya sa pagkakatitig sa kanya.

Nagsisikip ang dibdib na umupo siya sa upuang malapit sa exit. Hindi niya gustong magpaliwanag dito, but she was so vulnerable at the moment, at hindi niya napigil ang sarili.

“N-nagpunta kami ni... ni Grant dito sa Las Vegas sa planong magpapakasal...” Tumingala siya rito. Kung ano man ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito’y hindi niya alam.

But his face remained passive.

“Dad warned me about him. H-hindi ako nakinig.” Nagkibit siya ng mga balikat, then added ruefully, “So okay, nagkamali ako ng pagkakakilala kay Grant. At napatunayan na naman ng ama kong mali na naman ang desisyon ko...” Itinaas niya ang dalawang kamay, in a helpless gesture.

She sniffed. “Pero hindi tamang manipulahin niya ang buhay ko. Na para bang wala na akong ginawang tama... na para bang isa akong bata!” tuloy-tuloy ang litanya niya, sinisikap pigilin ang pag-alpas ng luha.

Nagsama-sama ang sama ng loob at galit sa tinig. Kung kay Grant, o kay Nick, o sa sarili niya’y hindi niya matiyak. Marahil ay sa lahat na.

“Perhaps you are behaving as if you were a child,” sagot ni Jace. A hint of amusement in his voice.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Pero sandali lang iyon. Umiwas siya ng tingin at may ilang sandaling hindi kumibo. Sinisikap paganahin ang isip.

“I’m... almost twenty-three,” anas niya. “My father loves me, I know that for sure. Pero gusto kong makawala sa hawlang pinagkukulungan ni Daddy sa akin. Nasasakal ako sa pagiging overprotective niya. Naintindihan mo ba ako?” Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya iyon sa isang estranghero. Perhaps she was really upset.

“Poor little rich girl.”

It was a terrible cliche, at lalo pa yatang gumasgas sa paraan ng pagkakasabi nito.

“Don’t patronize me, del Mare,” she said, gritting her teeth. Tinitigan niya ito. Ang sinag ng panghapong araw na naglagos sa maliit na bintana ng jet ay tumama sa mukha nito.

His features were ruggedly handsome. He looked tough and self-assured. Capable of dealing with anything.

“I’ll fly this jet to Houston if that is where you want to go,” wika nito.

“B-bakit mo gagawin iyon? I mean, you will risk losing your job!”

“Sa nangyari sa iyo kanina, you’re still in shock, Miss Navarro.” Sa pagkakataong iyon ay muling bumalik ang dating matalim na tono nito. Nakatiim ang mga bagang na niyuko ang braso niyang natatakpan ng mahabang manggas ng leather jacket, ang bahaging mahigpit na hinawakan ni Grant:

At bago pa siya makakilos ay hinawakan nito ang braso niya at inililis mula sa mga balikat niya ang jacket. Nahantad sa paningin nito ang nagsisimula nang mangitim na bakas ng mga daliri ni Grant.

Tahimik na nagmura si Jace. At nagtataka siya sa reaksiyon nito.

“Kung malalaman ng ama mo ang ginawa sa iyo ni Grant ay hindi siya papayag na hindi kita iuuwi. Pero natitiyak ko ring hindi mo gustong malaman niya, so I didn’t breathe a word to his secretary. And it’s my responsibility to take you back to Houston.”

“I can take care of myself!” she said defiantly. Pinakawalan ang braso at inayos na muli ang jacket.

“Kung ang nangyari sa iyo kanina ay katibayan kung paano mo kayang pangalagaan ang sarili mo’y—” Sadya nitong ibinitin ang sinabi at patuyang umiling. “Anyway, thank you for worrying about my job, Miss Navarro, but I’ll take you back to Houston.”

“Forget it, del Mare. Ayokong ilagay sa mga balikat ko ang pagkawala ng trabaho mo kung saka-sakali. Nawalan na ng trabaho si Grant dahil sa akin...” Akmang sasalungatin ni Jace ang sinasabi niya subalit mabilis niyang inunahan ito.

“In a way, kasalanan kong nawalan siya ng trabaho. Hindi ko siya dapat pinatulan lalo at alam ko ang regulasyon ng kompanya. But I was deceived.”

“I don’t believe somebody could easily deceive you, Miss Navarro,” wika nito. “You were trying to rebel against your father that is why you enjoyed going agaist his wishes to the extent of marrying a fool like Grant.”

Alam niyang iyon ang totoo pero wala siyang balak aminin iyon sa estrangherong ito.

“A pilot and a psychiatrist.” s arcasm laced her voice. “Anyway, del Mare, dalhin mo ang jet na ito sa Pilipinas nang wala ako, tulad ng utos ni Daddy. My father could be formidable, if challenged. So don’t stand on his way,” wika niya at lumakad na patungo sa exit.

“At sa paanong paraan, sa palagay mo, mabubuksan mo ang pintong iyan?”

Abruptly, muli siyang humarap dito. At sa nakikita niyang determinasyon sa mukha nito’y natitiyak niyang hindi si Jace ang uri ng taong mapapasunod sa gusto niya.

Unglamorously, ibinagsak niya ang sarili sa isa sa mga upuang naroroon. My god, hindi na ba siya makakawala sa mga lalaking gustong diktahan ang buhay niya?!

Una’y ang ama niya. Then there were his cousins. She was only too glad that James had married recently and his attention was obviously occupied by his pregnant wife. Nakawala siya mula sa pagiging istrikto nito.

And Renz was too protective of her as he was of his sister Cameron and cousin Nayumi that she felt like screaming.

Tapos heto at nang araw na iyon lang sila nagkakilala ng lalaking ito pero gusto nang diktahan ang buhay niya!

“So you feel responsible for me...” anas niya na tila ba ang kinakausap ay ang sarili. Unti-unti’y may ideyang pumapasok sa isip. Sandaling nag-isip at pagkuwa’y tiningala niya ito. “All right, listen, bibigyan ko ng kasiyahan iyang pagnanais mong maging responsable sa akin. I have a proposal to offer.”

“Why is it that I don’t feel good about this?” matabang nitong sabi kasabay ng pag-iling.

MAY KUNG ilang beses siyang nagbuntong-hininga na tila ba hirap makalabas sa bibig niya ang mga salita.

“Bakit hindi mo sabihin sa ama mo ang totoong nangyari?” wika nito nang manatili siyang nag-iisip ng sasabihin.

“Hindi ko gagawin iyon! Nawalan ng trabaho si Grant at natuklasan ko kung ano ang uri ng pagkatao niya. Tama na iyon. I don’t want my father to take any unnecessary action against him. It was no big deal.”

“You call what Grant did to you as ‘no big deal’? Kung wala ako sa hotel nang sandaling iyon ay malamang na napagsamantalahan ka na niya,” he said harshly.

Again, she took a deep breath, tumingala rito at banayad na umusal. “Aside from the few bruises, no harm done. Thank you.”

He whistled. “The lady thanked me at last.”

“Anyway,” patuloy niya, binale-wala ang panunudyo sa tinig nito, “dahil hindi ko gustong sabihin kay Daddy ang tungkol sa ginawa ni Grant, iisipin niyang natakot akong mawalan ng mana kaya hindi natuloy ang pagpapakasal ko.”

“At hindi ba ganoon, Miss Navarro?” nanunuyang sabi ni Jace. “Lumaki at nasanay ka sa luho. How do you think you can live without your father’s financial support?”

“Do not underestimate me, del Mare!” she said angrily. “Lalong magkakaroon ng malaking dahilan ang Daddy na igiit ang gusto niya. Sa Pilipinas ay naghihintay si Leandro...” Tumingala siya rito at idinagdag, “he’s the man he wants me to marry.”

Walang reaksiyon mula rito. His face didn’t even move a muscle.

“My g od, I do not ever know who the hell he is. Kung kanino siyang anak... at kung anong uri ang pagkatao niya. For all I know, he is another fortune hunter that wormed his way into my father’s favor.”

“Bakit hindi mo itinanong sa ama mo kung anong uri ng pagkatao mayroon ang lalaking ipinagkasundo niya sa iyo? Natitiyak kong kilala niya ang… Leandro na ito.”

“Do you think I did not?” she sneered. “My father won’t listen. And imagine the man didn’t even bother to meet his supposedly intended? Not once!”

“He got so busy.”

Umangat ang mga mata niya rito. “What?”

“I mean, this man, he’s probably too busy. Besides, naisip mo bang baka hindi rin naman niya gustong magpakasal sa iyo at hindi rin niya gustong manipulahin ng kanyang ina ang buhay niya?”

“How do you know it’s his mother who’s trying to marry him off to me?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “Wild guess.”

“Siguro’y tama ka,” she said thoughtfully, “lyon din ang sabi ni Cameron sa akin... oh, that’s my cousin, na baka hindi rin niya gustong magpakasal sa akin. And if that’s the case, I hope he’d be man enough and refuse his parents firmly. Though I doubt it very much.”

“Bakit mo nasabi iyan?”

“Hindi pa man kami nakakasal, may pribilehiyo na siyang tinanggap mula sa Daddy. He is now the new ranch manager. My father gave him full power with my inheritance. I’ve seen and read the contract.” Hindi niya naitago ang galit at pagdaramdam sa tinig. “Ang dating manager, si Manong Hilarion, ay sa rancho na tumanda, pero hindi nagkaroon ng ganoong lubos na kapangyarihan.” She took a deep hurting breath.

“Enough of this man,” wika nito, his dark eyes surveyed her. Natitiyak ni Drew na may galit siyang nakitang nakiraan sa mga mata nito. Subalit bigla ring naglaho iyon. Nahalinhan ng tila pagkahapo. “So, paano kita matutulungan?”

May kung ilang sandali ang pinalipas ni Drew bago sumagot. Nag-aalangang tumingin siyang muli rito.

“G-gusto kong malaman ni Daddy na totoong nagpakasal ako nang sa ganoon ay hindi niya na ako mapipilit na ipagkasundo sa lalaking iyon.”

“You want me to lie to your father, is that it? And what made you think you could easily fool your own father?”

“You are right, of course. I can’t. This is where I need your help.”

“And how will I exactly do that?”

“I want you to... to marry me.” Ang huling sinabi’y napakabilis lumabas sa bibig niya. Na tila ba kapag nag-isip pa siya’y hindi makuhang lumabas ng mga salita sa bibig niya.