noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 1

Ch. 2 / 24 Apr 09, 2022

Chapter One

Houston

“I DON’T think this is the time to flirt with another man, Andrea Monica,” ani Cameron habang tumatakbo sa treadmill.

Umikot ang mga mata niya sa pagbuo nito sa pangalan niya at sa tonong tila ba ito ang matanda. And she smiled to herself dahil mas bata ang pinsan sa kanya ng dalawang taon at kasalukuyan pang nasa unibersidad.

“And why so?” Tumaas ang mga kilay niya, tested the twenty kilos dumbbell, nang mabigatan ay ibinaba. “Besides, this isn’t a flirtation, my dearest cousin. I think I’m really in love!”

Cameron rolled her eyes. “For the nth time! Anyway, paano si Leandro?”

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Kumunot ang noo. Leandro. The name was giving her nightmares. Ni hindi pa niya ito nakakatagpo subalit sa nakalipas na siyam na buwan ay tila aninong laging nakasunod sa kanya ang pangalang iyon.

“What about him?” She almost snapped at her cousin.

“Nakalimutan mo na bang nasa graduation party mo ako nang sabihin ni Uncle Nick sa ilang reporter na engaged ka na kay Leandro?”

“Leandro. Leandro!” she spat the name.

Nang ianunsiyo iyon ng ama ay siyam na buwan na ang nakalilipas. She even thought it then as her father’s joke to ward off unwanted suitors. But she was wrong. Her father had never been more serious.

At hindi siya nawalan ng mga manliligaw sa kabila ng anunsiyong iyon. Dahil kahit minsan sa nakalipas na siyam na buwan ay hindi niya nakita kahit na anino ng lalaking inihayag ng ama niyang ipakakasal sa kanya.

“At sinong kaibigan ng pamilya? Paanong hindi ko kilala ang kaibigang ito ni Daddy?” dugtong niya. Ayon sa ama’y anak si Leandro ng kaibigan ng pamilya.

“May mga malalapit na kaibigan ang ating pamilya na hindi natin kilala, Drew, alam mo iyan. Ito iyong mga kaibigang hindi nakikisakay sa katayuan ng ating pamilya sa buhay. Yaong mga taong kung tawagin nina Daddy at Mommy na totoong mga kaibigan at naroroon sa panahon ng krisis.”

“My god, Cam, I don’t even know if the man exists. For all I know, paraan na naman iyan ni Daddy para huwag akong makipag-boyfriend.”

“Though it didn’t work, you can’t blame your father,” wika nito at binilisan ang pag-agapay sa treadmill dahil bumibilis na rin iyon. “The press tagged you as the playgirl heiress. Sa taong ito lang ay tatlong beses kang nagpalit ng boyfriend. And can you imagine Uncle Nick’s horror when you went dating with Brad Pitt?”

Malakas na tawa ang pinakawalan niya. “You call it a date? Gosh. He’s my friend and I just watched his commercial shoot. That was just it. And goodness, he’s married!”

Cameron rolled her eyes. “Kaya nga nasindak ang daddy mo, eh.” Unti-unti na itong naghahabol ng hininga, the treadmill went faster every three minutes. “Anyway, back to Leandro, I’m really intrigued with this man. We do not know anything about him, do we? Maliban sa salitang nanggagaling sa daddy mo. And for months now, you are engaged to a phantom.”

“A very rich phantom, I’m sure,” matabang niyang sabi.

Natitiyak niyang hindi siya ipagkakasundo ng ama sa isang hindi masalapi. That way, makatitiyak si Nick na hindi ang mamanahin niya ang pag-iinteresan nito.

“And the man’s conceited,” patuloy niya sa iritadong tono. “Sa loob ng nakalipas na mga buwan mula nang ianunsiyo ni Daddy ang engagement namin ay ni hindi siya gumawa ng paraan na makita o makausap man lang ako!”

“That surprised me, too,” Cameron said breath lessly. “To be engaged to an heiress isn’t an ordinary thing. At ano ang malay natin, baka naman tulad mo’y hindi rin niya gustong ipinagkakasundo siya ng mga magulang niya?”

“I only hope so.”

“Pero may palagay akong seryoso si Uncle Nick sa pagkakataong ito, my dear cousin. Hindi sasabihin ng daddy mo sa press ang tungkol sa engagement mo kung hindi siya seryoso.”

“Oh, I won’t be manipulated by my father, Cam,” paniniyak niya sa pinsan. “And I’m getting married, all right, pero hindi sa lalaking gusto ni Daddy para sa akin. Ako ang pipili ng lalaking pakakasalan ko.”

“Kasalanan mo rin naman kung bakit nagiging drastic si Uncle Nick sa pag-iisip na ipagkasundo ka sa anak ng kaibigan niya. Lahat ng ipinakilala mo sa kanya’y napatunayang iisa lang ang gusto sa iyo, ang mamanahin mo.”

“Ikaw ba? Sa palagay mo ba’y makatitiyak kang ang mga nanliligaw sa iyo’y hindi rin kayamanan ng pamilya ang gusto?” Hindi niya intensiyon ang counterattack na iyon. Ni walang halong galit ang tinig niya. She was bitterly stating a fact.

Cameron sighed her understanding. Ini-off ang treadmill, inabot ang nakasabit na tuwalya at umupo sandali upang bawiin ang paghinga.

“We’re learning from you, my dearest cousin,” she said cocking her head. “When do you think was the last time I attended family gatherings and parties na dinadaluhan ng mga taong nakakakilala sa atin?”

“Oh, well...” Mabilis na gumana ang isip niya subalit wala siyang matandaang social gatherings na present ang pinsan, malibang iyon ay pampamilya at sa mismong Alta t ierra ginanap.

And Cameron attended her graduation party nine months ago. Pero iilan lang ang mga bisita at kung tutuusin ay hindi naman ito nakihalubilo. Dinaluhan nito ang party niya dahil pinilit niya. At nakiusap pa ito sa kanyang huwag niya itong ipakilala bilang Navarro-Fortalejo na ipinagkibit lamang niya ng mga balikat.

“Ang huling pagkakatanda ko na nakikipagsosyalan ay noong nasa high school ako, Drew,” wika nito nang hindi siya makahagilap ng sasabihin. “Wala akong intensiyong ipakilala ang sarili ko bilang anak ni Zandro Fortalejo at Jennifer Navarro. And I’m enjoying it, my dear. And though Dad’s really against it, sinusuportahan ako ni Mommy.”

“Lucky you. Bakit ba hindi ko naisip iyon?” she said thoughtfully.

“Admit it, you love the social life, the glitters and the intrigues created by the press. Paraan mo iyon ng rebellion mo sa daddy mo. Na kung maaari mo lang gastahin ang lahat ng salapi ni Uncle Nick sa loob ng beinte-kuwatro oras ay ginawa mo na.”

“I’m so bored, Cam.” Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya at sinang-ayunan ang pinsan. Sumakay sa stationary bicycle at marahang pine-pedal iyon. “And to tell you frankly, I hated those guys na nabayaran ni Daddy!” And hurt, too, gusto niyang idugtong subalit inawat ang sarili.

Cameron laughed. “My poor, dear cousin. Well, at least, sa Leandro na ito ay nakatitiyak kang hindi ang mamanahin mo ang gusto niya.”

“Do you really think so?” Naghahamon ang tinig niya.

“I think so. Hindi ka ipagkakasundo ni Uncle Nick sa isang lalaking hindi katulad mo ang katayuan sa buhay.”

Hindi siya sumagot. Isinatinig lang ni Cameron ang iniisip niya.

“ANO NA naman ba itong nabalitaan ko, hija, na may boyfriend kang empleyado ng hotel?” Dumating kahapon ang ama mula sa Pilipinas para sa isang annual four-day meeting ng board ng MGN Hotel and Resort International.

“Kanino mo naman nabalitaan iyan, Daddy?” Bahagya lang niyang sinulyapan ang ama. Binigyan ng huling hagod ang sarili sa malaking salamin. Nang masiyahan ay nag-spray ng Paco Rabane’s Ultraviolet sa pulse points.

“Sa palagay mo ba’y maililihim mo iyon?”

Dinampot niya ang shoulder bag sa kama. Lumakad patungo sa pinto at nilampasan ang ama at bumaba ng hagdan. Dalawang buwan na siyang nagtatrabaho sa MGN Hotel-Houston bilang management trainee. She smiled drily. Dahil pinayagan siyang magtrabaho nito.

Sa kanilang magpipinsan bukod-tangi lamang siya ang hindi nakapag-part-time job sa panahong nag-aaral. At hindi dahil iyon ang gusto niya kundi iyon ang gusto ni Nick na hindi niya nakayang kontrahin.

At nang magtapos siya sa kolehiyo, iminungkahi niya sa ama na uuwi siya sa Sto. Cristo upang siyang mamahala sa rancho. Subalit sinisimulan pa lang niyang sabihin iyon ay tumatanggi na ito.

“Alam mo ang regulasyon sa kompanya, Drew,” mahinahong untag ni Nick sa pag-iisip niya at sumunod sa pagbaba sa hagdan. “Hindi maaari ang employer-employee relationship.”

Nasa ibaba na siya nang tingalain ang ama. “Oh, I am not Grant’s employer, Daddy,” she said, smiling sweetly. “Empleyado rin ako, `di ba? Besides, you’re the Chairman and CEO, you can always bend the rules a little. I am your only daughter anyway.”

Tumiim ang mukha ni Nick nang lingunin niya. Nakikita niyang unti-unti nang humuhulagpos ang hinahon na sinisikap nitong pairalin. Nagbawi siya ng tingin at nagtuloy sa breakfast room kasunod pa rin ang ama.

“Wala pang sumusuway sa patakarang iyan ng kompanya, Andrea Monica. And I am not about to start now just because you—”

“I love Grant, Daddy.” Umupo siya sa puwesto niya sa mesa. Nagsalin siya ng kape sa tasa, nilagyan ng isang cube na asukal at hinalo iyon ng kutsarita.

Isang marahas na paghinga ang hinugot ni Nick Gascon-Navarro at tinitigan siya nang matiim. Nahuhulaan na niya ang iniisip nito. She was almost twenty-three. Mula sa edad na katorse, she had fallen in and out of love as fast as she had changed her designer shoes.

Subalit hindi ikinabahala ni Nick ang mga naging boyfriend niya. Dahil hindi iyon lumalampas sa dapat lampasan. Gustuhin man niya ay hindi maaari. May bodyguard siyang nakasunod parati sa paghihimagsik niya. And yet she couldn’t do anything about it.

Isa pa ay bago pa nito matutulan ang latest boyfriend niya ay may panibago na naman siyang boyfriend.

At nitong nakalipas na mga panahon at nakikita nitong nagiging seryoso na ang affairs niya ay kumikilos na ang ama sa pamamagitan ng mga abogado nito.

May salaping katapat ang bawat lalaking makakatagpo mo, Drew. That was her father’s maxim.

Subalit kaiba ang kaso ni Grant. Ito ang pinakamatagal niyang naging boyfriend. At alam niyang inalok na ito ng pera ng isa sa mga abogado ng ama at tinanggihan iyon ni Grant. Na lalo lamang nagpangyari upang ipakipaglaban niya ang relasyon nila. Grant really loved her. Not just because she was a wealthy woman.

“Hindi mo nakuhang bayaran si Grant, Daddy. Isn’t that enough?” Dinala niya sa bibig ang kape at banayad na ininom.

Halatang nagpipigil ng galit si Nick nang muling magsalita. “Hindi ang lalaking iyon ang unang tumanggi ng bayad, Drew. Kilala ko ang mga ganoong uri. Naghihintay na taasan ko pa ang halagang iniaalok ko.”

“Well, I’m sorry to disappoint you, Dad. Grant loves me.”

“Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Andrea. Nag-usap na kami ng mama ni Leandro. Sa katapusan ng buwan ay uuwi ka sa Pilipinas para sa engagement ninyo.”

“Oh, forget it!” matigas niyang sabi. “Wala akong balak na makipag-engage sa lalaking hindi ko man lang nakita pa.”

“Makikilala mo siya sa sandaling umuwi ka sa Pilipinas. He is a busy man, hija, and—”

Isang ngiti na hindi naman umabot sa mga mata ang pinakawalan niya. Deliberately, ibinagsak ang tasa sa platito nito.

“Busy saan? Sa mga negosyo ng pamilya? Saang buena-familia siya nanggaling, Daddy? Paanong hindi ko siya kilala? Wala man lang sa pinsan ko ang nakakakilala sa kanya?”

Huminga nang malalim si Nick bago sumagot. “Because you’ve asked the wrong cousins. Kilala nina James at Renz si Leandro.”

“I know all their friends, Daddy!”

“Ang sabi ko’y kilala, hindi ko sinabing kaibigan. But Leandro’s not their enemy either. Nagkataon lang na hindi ang uri ni Leandro ang nakikihalubilo sa sirkulong ginagalawan ng mga pinsan mong lalaki, hija.”

“And pray, tell me why?” sarkastikong sabi niya.

“He’s a working man, Drew.”

“A working man!” hindi makapaniwalang bulalas niya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ang ama. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Contrary to what you believe, Leandro’s family isn’t rich. Oh, may kaunting lupain sila at iyon ang pinagkukunan ng kabuhayan nilang mag-ina. When his grandfather died more than a year ago, he decided to resign from his high paying job in Texas and returned to the backwater. Her mother’s a teacher.”

A working man! At teacher ang ina. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa ama.

“And that is the man you want me to marry? Why, you surprised me, Daddy. Surely, kung ano ang layunin ng ibang mga naging boyfriends ko’y ganoon din ang lalaking iyon.”

Kumislap ang mga mata ni Nick doon. “Now, that’s where you’re wrong, hija. Kilala ko si Leandro. He is an honest man. May prinsipyo at integridad. Katunayan ay pagkakalooban ko siya ng share of stocks sa ating kompanya bilang regalo ko na rin sa nalalapit ninyong—”

“Share of stocks! Ibibigay ninyo sa Leandro na iyon?” Hindi matapos-tapos ang pagkamangha niya.

Nagkibit ng mga balikat si Nick. “Ang totoo niyan ay pinagpipilitan ni Leandro na bayaran ang share, `yong tama lang na kaya niyang bilhin. He has his pride, I understand that. Pero hindi niya alam na ipagkakaloob ko rin iyon nang libre. Tutal ay sa iyo din naman iyon mapupunta. But I want Leandro to sit on the board.”

She couldn’t contain her amazement. “Oh, great. This is great, Daddy!”

“And one more thing, hija,” patuloy ni Nick. “Mula sa katapusan ng buwan ay si Leandro ang mamamahala sa Sto. Cristo Ranch. I gave him full power. Nakalagay iyon sa kontrata. Nagretiro na si Manong Hilarion. He is over sixty, at hindi na niya kaya ang trabaho.”

“Y-you’re joking...” She almost choked. But looking at her father’s face, natitiyak niyang totoo ang sinasabi nito. At nagsisimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.

Hindi pa man siya nagtatapos sa kolehiyo ay hindi niya miminsang sinabi sa ama na gusto niyang sa rancho magtrabaho. She wanted to run the place. Iyon ang trabahong gusto niya, to raise and breed horses.

At ngayon, ang trabahong gusto niyang ipagkaloob sa kanya ng ama ay ibinigay nito sa ibang tao!

Hurt and disappointed, she felt like bursting into tears.

“At ni hindi mo man lang sinabi sa akin ang pasya mong iyan.” Her voice husky from controlled emotion.

“I would have discussed this matter with you. Pero abala ka sa pakikipag-date sa Grant na iyon.”

“That’s just an excuse, Daddy. Kung gusto mong ipakipag-usap sa akin ay walang makakaawat sa iyo!”

“All right, I was wrong in that count. Still, iyon pa rin ang magiging desisyon ko kung nauna ko mang ipinaalam sa iyo.”

“And you said I am naïve, Daddy...” aniya. “When all the while, Leandro’s having you eating at his palm.” Tumayo siya. Dinampot ang bag na inilagay sa kabilang silya.

“Drew, gusto kong magkita at magkausap kayo ni Leandro—”

“Tell him to go to hell, Daddy! I am not meeting him, let alone marry that bastard! At kung magpapakasal ako’y kay Grant iyon!” Pagkasabi niyo’y nagmamadaling tinalikuran niya ang ama.

“Ipatatanggal ko sa trabaho ang Grant na iyan, Drew! Alam ng lahat ang regulasyon ng kompanya!”

Halos takbuhin niya ang palabas ng pinto, hindi niya gustong humagulhol ng iyak sa harap ng aroganteng ama.