noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 9

Ch. 10 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Nine

“I KINAHIHIYA mo ba ako, Jace?” she purred.

Hindi sumagot si Jace. He hated women who purred. At kakatwang hindi iyon ang nararamdaman niya para sa dalaga. Drew probably wasn’t even aware how seductive her voice was. At iyon ang unang pagkakataong tinawag siya nito sa pangalan niya. It ran through her tongue like honey. And he could feel the stirring of his loins.

“Anak ka ng may-ari ng hotel na ito. At kumikilos ka na parang mumurahing babae. Huwag kang gagawa ng bagay na magdudulot sa iyo ng kahihiyan. And those press people are like hound dogs.”

She pouted sensually. Itinuwid ang sarili at kumawala mula rito. “Oh, dear. The man sounded like my dad.” Humakbang siya upang mauna ritong lumabas patungo sa lobby subalit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay bumuway na siya.

Jace’s arm shot out and snaked around her waist, kasabay ng muling pag-flash ng camera sa kanila.

“Damn,” he hissed. Mabilis na inakay palabas ng lobby si Drew.

Sa parking lot ay ipinasok niya ang dalaga sa Cherokee Jeep. Agad humilig ang dalaga sa sandalan at pumikit.

Muli siyang nagbuga ng naiiritang paghinga at ikinabit ang seat belt dito. Acutely aware of her scent. Subtle and expensive and sexy. Sunod-sunod ang paghugot niya ng paghinga. Sinisikap kontrolin ang anumang damdaming bumabangon.

Isinara niya ang pinto sa bahagi nito at umikot sa driver’s seat. Pinaandar ang makina at inalis ang sasakyan sa lugar na iyon.

Ilang sandali pa’y nasa kahabaan na sila ng Roxas Boulevard patungo sa reclaimed area.

“NATITIYAK kong ipinahahanap na ako ng Daddy. Kanina pa kami dapat umalis patungong Sto. Cristo,” wika ni Drew makalipas ang ilang sandali.

“Kung ganoon ay ihahatid kita sa inyo.”

“Don’t you dare, del Mare!” she warned. Pagkuwa’y umiling. “I couldn’t believe my father’s marrying me off to a stranger... to another fortune hunter who happens to be a son of a family friend!” wika niya, itinaas ang mukha, welcoming the evening air. Ni hindi niya makuhang magmulat ng mga mata. Ngayon niya pinagsisihang uminom siya at magpaubaya sa estrangherong ito.

Don’t be stupid. He piloted the Lear Jet. He refused your impulsive proposal. Higit sa lahat, pinagkakatiwalaan siya ni Carillo. At ang sekretarya ng daddy mo’y hindi man lang kinuwestiyon kung bakit ito ang nasa lugar ni Carillo. Sa maikling salita, Mrs. Blanco knew this man, ang kabilang bahagi ng isip niya. At pinakalma siya ng isiping iyon.

“You haven’t met the man yet, Drew, pero hinuhusgahan mo na siya,” he said mildly. “At hindi ba’t mahusay ang ama mo sa pagkilatis sa mga manliligaw mo?”

“I really did believe so, until this man. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya at nakuha niya ang tiwala ni Daddy. Oh, I hate this opportunist!” Ang galit na nararamdaman niya’y mas nanggaling sa katotohanang ang pamamahala sa rancho ay ibinigay ng ama sa ibang tao kaysa sa kanya.

“But you will soon marry this opportunist, my dear.”

Subalit dala ng nainom ay hindi niya napansin ang talim sa tinig nito. “Over my dead body!” she said vehemently. “Take me back to the hotel, Jace. I have a suite there,” utos niya makaraan ang ilang sandali.

“Alam kong tatawag sa hotel si Daddy at kapag nalaman niyang wala ako sa kondisyong umuwi sa Sto. Cristo ay maantala ang pagkikita namin ng lalaking iyon. Oh, god, I hate to see his face and I’d die if he ever touched me!”

“Right away, ma’am,” patuyang sagot ni Jace, binilisan ang pagpapatakbo. Hindi nagtagal ay nagmaniobra ito sa isang intersection upang bumalik sa hotel nang mapunang tahimik nang nakahilig sa upuan si Drew.

Nilingon niya ito. She was sleeping like a baby. So beautiful, so young, so bored, and snobbish.

He shook his head, the need to laugh was overwhelming.

NAGISING si Drew sa mumunting ingay na hindi niya mawari. Inaantok pa siya at ibinaon ang mukha sa unan, but the noise was persistent. Napaungol siya at nagmulat ng mga mata.

For a while, she was disoriented. Nakabukas ang dalawang malalaking bintana at malamig na hanging pang-umaga ang pumapasok doon. Nakadama siya ng ginaw at agad na hinila ang isang malaking unan at niyakap.

From the open windows, she could see the evergreen tropical trees. She saw rays of sunshine penetrating through the leaves and branches of the trees. It was like watching a painting by the masters. Ang bintana ang pinaka-frame. Then her eyes moved to the window sill, caught a moving object.

Oh. Isang ibon ang naroroon. Another one flew from the outside and joined the first.

Iyon ang narinig at nagpagising sa kanya. Ang huni ng mga ibon sa pasamano ng bintana at sa paligid. Mula sa bintanang capiz ay lumipad ang mga ibon papasok sa silid.

Ibon? Bintanang capiz?

Nasa Sto. Cristo ba siya?

No, mabilis din niyang kinontra ang sarili. Ang Sto. Cristo ancestral home ay pina-renovate na. Hindi na capiz ang mga bintana roon kundi windowpanes.

Bagaman may mga puno sa paligid ng ancestral home, hindi iyon malapit sa bahay. Mas na mga puno ng niyog ang matatanaw sa paligid.

Nanatili siyang hindi kumikilos sa pagkakahiga habang umiikot ang paningin niya. Yari sa malalaking kahoy at tabla ang buong silid. Walang pintura kundi natural na flat varnish. Wala ring kisame ang silid na kinaroroonan niya. Ang malalaking kulay-itim na beams at trusses ay nagsala-salabat sa ibabaw niya, giving it an appearance of a generation house. At nagpadapo-dapo sa mga beams at trusses ang dalawang naghahabulang ibon.

Roofings were red, parang tisa.

Sa kabilang bahagi ng silid ay may malaking television set, a stereo component, CDs and VCDs na nakalagay sa rack ng isang antique cabinet. May natanaw rin siyang micropone.

Tinutop niya ang noo at sinikap alalahanin ang pangyayari nang nagdaang gabi. Iisang tao lang ang agad pumasok sa isip niya.

Jace.

Oh.

Mabilis siyang bumangon at agad na napuna ang suot. She was wearing an oversized white shirt. Kay Jace ba ang suot niyang T-shirt? Agad ang pag-ahon ng kaba sa dibdib at pinakiramdaman at niyuko ang sarili. She still had her panties on.

And of course, she would know. Malalaman niya kung may ginawa itong masama sa kanya.

At kung nagkataon mang may ginawa itong masama sa kanya’y kasalanan din niya. Kahit pa siya nalasing ay hindi siya pababayaan ng mga empleyado. Ihahatid siya ng mga iyon sa pribadong suite nilang mag-ama sa fifteenth floor.

But she’d trusted Jace last night. Hindi niya alam kung bakit, subalit sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagkatiwala niya ang sarili sa isang taong kung tutuusin ay estranghero sa kanya. Which was so very foolish.

At kung malalaman ito ni Cameron, she would be horrified. What more, kung malalaman ng pinsan na inalok niya si Jace na pakasalan siya sa unang araw na makilala niya ito?

Muli niyang sinuri ang sarili. Ito ba ang naghubad ng damit sa kanya at binihisan siya?

Agad ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa kaisipang iyon. Hindi siya makapaniwalang hinubaran siya nito. Na habang natutulog siya’y may mga matang naglalandas sa buong kahubdan niya. At paano kung... kung...

Hindi niya gustong isipin iyon. She was beginning to seriously doubt her sanity for trusting this stranger.

Tumayo siya at bumaba ng kama. Hindi malaman kung ano ang gagawin nang matanaw ang dalawang panel na pintong yari sa kahoy at salamin. Natatanaw niya mula sa salamin ang labas.

Lumakad siya patungo roon at binuksan ang dalawang panel ng pinto. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Agad niyang ipinagkrus ang mga braso sa katawan bilang sanggalang sa lamig.

It was an open balcony. Mahigit sa doble ang laki kaysa sa silid. Rough stone ang sahig bagaman malalaking kahoy ang poste at railings na nakapaligid. May magaspang at mahabang mesang kahoy at may mahaba ring bangko sa magkabilang bahagi.

At natambad sa paningin niya ang makakapal na punong nakapaligid sa buong bahay. The sunshine could hardly penetrate through the branches and leaves of the trees that served as a continuous canopy—a crown canopy.

She could smell rain forest and vegetations. Tumingala siya at pinuno ng sariwang hangin ang dibdib. After many years of living in the city, she missed the countryside. To be precise, she missed Sto. Cristo. Maraming taon na ang nakalipas mula nang huli siyang dumalaw roon.

Napahawak siya sa horizontal wood railings. Luma na ang malalaking kahoy at walang pintura bagaman sa anyo pa lang ng mga iyon ay alam niyang matigas at magandang uri iyon.

Sa pagkakayuko niya sa ibaba’y natanto niyang nasa ikatlong palapag siya ng bahay. At natitiyak niyang balkonahe rin ang katapat sa dalawang magkasunod na palapag sa ibaba. At totoong naglalakihang matatandang puno ang nakapaligid sa buong bahay.

Hanggang saan ang kapal ng mga punong nakikita niya? The place was so quiet, maliban sa huni ng mga ibon at pagaspas ng mga dahong hinihipan ng hangin.

Napalingon siya sa loob ng silid nang maulinigan ang mahinang katok. Hinihintay niya ang paglitaw ng bulto ni Jace. Subalit isang babae ang sumilip sa kanya sa pinto ng balkonahe.

“Gising ka na pala, hija?”

She was a plump woman. May kaaya-ayang mukha. Must be in her early fifties but looked strong. Nakasuot ito ng pantrabahong damit. A light blue cotton blouse and faded blue denims. Maiksi ang buhok na kakikitaan na ng maraming puti.

Humakbang siya pabalik sa loob ng silid. “Magandang umaga ho.”

“Good morning. Ako si Concordia, hija,” pagpapakilala nito, a pleased smile on her lips. “I’m Jace’s mother.”

Napatango siya. Kahit saang anggulo niya ito titigan ay wala kahit na anong pagkakahawig si Jace sa ina. “K-kayo ho ba ang nag... nagpalit ng damit ko?”

Tumango si Concordia. And relief flooded her. “Ang sabi ng anak ko’y galing kayo sa hotel ng daddy mo at naparami ang inom mo.” Bagaman banayad, her tone suggested disapproval.

Alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Sa ibang pagkakataon ay wala siyang pakialam sa iniisip ng ibang tao sa kanya. Subalit hindi nang mga sandaling iyon. She couldn’t explain why she was so embarrassed.

“Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka niya idineretsong inihatid sa Sto. Cristo Ranch. Baka nag-aalala na si Nick.”

“Y-you know my father?”

Bahagyang kumunot ang noo nito sa tanong niya. “Of course, didn’t my son tell you?”

“N-nasaan nga ho pala si... Jace?” nalilitong tanong niya.

“Nasa ibaba. Hinihintay ka niya.” Humakbang ito patungo sa pinto. “Sumunod ka, hija, pagkabihis mo.” Itinuro ng mga mata nito ang damit niyang nakatupi nang maayos sa isang armchair at ang isang pinto sa may kabilang bahagi ng silid. “May sariling banyo ang silid na ito. Gamitin mo.”

PAGLABAS niya ng silid ay katamtamang laking landing ang bumungad sa kanya pagkatapos ay hagdanan na. Ibig sabihin ay iisang silid lamang ang nasa ikatlong palapag at marahil ay siyang pinaka-recreation room ng bahay. At nagsisilbi na ring guest room.

Sa ikalawang palapag ay malaking sitting room ang naroon, may wooden handrail at nakatanaw sa living room sa ibaba. Mula sa bubong sa ikatlong palapag ay nakabitin ang isang lumang chandelier na bakal.

At base sa mga nakasarang pintong nakikita niya ay mayroon iyong tatlong silid. Isa marahil doon ay kay Jace, at sa mother nito ang isa pa.

Nagpatuloy siya sa pagbaba. Tama ang hinala niya, isa iyong lumang bahay na yari sa mahuhusay na kahoy. Ang mga kasangkapan ay luma subalit well-maintained. And she could see some pieces of antique furniture, tulad na lang ng grandfather’s clock na nasa isang sulok ng sala. At sa isang sulok ay dalawang magkatabing rocking chair na yari sa solihiya at narra.

She smiled. Hindi niya maipasok sa imahinasyon na maupo sa dalawang silyang tumba-tumba ang Lolo Franco at Lola Beatriz niya.

The house was homey. At hindi maiwasang pumasok sa isip niya ang panahon ng kabataan. Bagaman nag-iisa siyang anak ay hindi siya nakaramdam ng lungkot dahil malapit silang magpipinsan sa isa’t isa. Alta Tierra had always been the place where reunions were held during summer vacations.

Subalit nang magsilaki na sila’y nagkanya-kanya na ang buhay. At sa ibang bansa na nagpipirmi ang Lolo Franco at Lola Beatriz niya dahil nagiging masasakitin na ang lolo niya.

Until now, she didn’t know how she missed those days, where everything was so simple and life was less complicated.

Mula sa kinatatayuan niya’y nalalanghap niya ang aroma ng pinakuluang kape. Humakbang siya upang sundan ang amoy nang marinig niya ang tinig ni Jace.

May kausap ito. She followed the sound of his voice. It led her to the patio. Nahinto siya sa paghakbang nang makitang babae ang kausap nito. She must be in her late twenties.

“Halos dalawang buwan ka ring nawala, ah,” wika ng babae, ang lambing sa tinig nito’y ikinataas ng kilay ni Drew. “Totoo ba ang nabalitaan kong nag-resign ka na sa pagiging piloto?”

Drew saw him shrugged his shoulders. “Kailangan ako rito, Violy. Matanda na ang Mama.”

“Pero hindi iyon ang dahilan kaya ka nagretiro sa pagpipiloto,” wika nito na nakalabi. “Nakarating sa akin ang balitang sa iyo ipinamahala ang—”

“Nakikinig ka sa bali-balita, Violy. Anyway, gusto mo bang makausap ang Mama? Nasa likod-bahay siya, sa mga orchids niya. Kanina ka pa niya hinihintay.”

It was a dismissal. Hindi malaman ni Drew kung maaawa o matatawa sa anyo ng babae. She pouted seductively at tumingala kay Jace sa isang pahiwatig—flirtation as old as the first woman.

“I’ll see you later, Violy, pagkatapos ninyong mag-usap ng Mama.”

“Aasahan ko iyan, Leandro,” wika nito bago lumakad palabas ng patio upang umikot sa likod-bahay.

Leandro?