noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 21

Ch. 22 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Twenty-one

“H EY, SLEEPYHEAD, wake up.” Umungol si Drew at isinubsob ang mukha sa unan.

Isang tawa ang pinakawalan ni Jace. “We’ve missed dinner last night, sweetheart. And we’ve missed breakfast this morning. If we are going to miss lunch altogether, natitiyak kong hindi mo kayang humarap sa Mama at kay Yaya Saling.”

Sukat doon ay napabangong bigla si Drew at nang mapunang wala siyang saplot maski na ano ay hinagilap ang kumot at itinakip sa sarili. “What time is it?”

“Quarter to twelve.”

She groaned. “At kaninong kasalanan kung bakit ngayon lang ako nagising?!”

He smiled tenderly at her. She looked soft, warm, and devastatingly beautiful. Pagkatapos ay napangiwi nang makita ang namumulang puno ng dibdib niya. Banayad nito iyong dinama. “Ginawa ko ba ito?”

Niyuko niya ang sarili and wrinkled her nose. “Tatlong araw na ang stubbles mo.”

“Okay, I promise to shave after lunch. Pumasok ka na sa banyo at hihintayin kita sa dining room pagkatapos.” He bent and kissed her and went out of the room.

NASA ikalawang palapag na si Drew nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Binilisan niya ang pagbaba.

“Pag-aari ko ang lupaing iyon, Leandro. At karapatan ko ang anumang naisin ko, and those people have squatted on my property!”

“Hindi ka pa isinisilang ay nakatira na sa Baybayin ang mga taong iyon! Inalis mo sila roon nang dahil lang sa galit mo sa amin ng Mama!”

Nahinto sandali sa paghakbang pababa si Drew. Tinig iyon ni Grant. Hindi siya maaaring magkamali.

“Dahil ang isang ampon na tulad ninyo ni Concordia ay walang karapatan sa pag-aari ng matandang del Mare!”

Napasinghap si Drew doon. Ampon? Ano ang ibig sabihin ni Grant?

“Besides,” patuloy ni Grant, “ipinagbili ko na ang lupang iyon at hindi ninyo mabibiling muli dahil kasama iyon sa kontrata.” Isang ismid ang pinakawalan nito. “Bukod pa sa wala ka namang salaping ipambibili! At kahapon ay ang unang anibersaryo ng kamatayan ng matanda. At tulad ng nakalagay sa testamento ay mauuwi sa akin ang buong d el Mare Woods kapag hindi ka nag-asawa.”

“Grant...” It was Concordia’s voice.

“Sa akin pa rin mauuwi ang lahat ng ito, Concordia. Dahil ako ang tunay na apo... ang tunay na del Mare. Ang isang ampon na tulad ninyo ay walang karapatan kahit na kapirasong lupa sa propriedad ng matanda!”

“Hinati ng... ng Papa Gerardo ang lupain niya sa inyo ni Leandro, Grant, at—”

“Mas nakalamang ang ampon mo sa hatiang nangyari na hindi dapat!” asik nito, hinarap si Jace. “Hindi ipinahihintulot ng proviso na mag-asawa ka sa kung sino na lang, Leandro. Maliwanag ang nakalagay sa testamento. Dapat ay kilala ninyo ni Concordia ang pakakasalan mo, and your engagement must be announced, six months in the least. And you couldn’t just marry any woman, my lawyers would see to that.”

“You’ve been neglecting your homework, Grant,” ani Jace. Nilingon ang bahagi ng hagdan. “Meet my wife. No further introduction needed because you’ve known each other.”

Napalingon si Grant sa itinuro ng kamay ni Jace. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakatayo sa puno ng hagdan si Drew. “Ikaw!” bulalas nito. Ang pagkamangha at gulat ay lumatay sa mukha. Na tila ba isang aparisyon ang nakita nito.

“Hello, Grant.”

“What are you doing here?” Danger laced his voice.

“I live here, Jace’s my husband. We’ve married four days ago.”

“What?” Magkahalo ang kalituhan at galit sa mukha nito. Umiling ito. “No. This couldn’t be! Bago pa man mamatay ang matandang Gerardo ay namirmihan na si Leandro dito. At ikaw, Drew, ay matagal nang sa ibang bansa naglagi. You could have not known each other. Ang lupain ng matandang del Mare at ng mga Navarro ay magkabilang dulo ng isla! Hindi kayo magkakilala. Isang masamang pagkakamali lamang ang pagkikita ninyo sa hotel!”

“That is where you’re wrong, Grant,” ani Concordia. “Magkaibigan sina Papa Gerardo at ang mga magulang ni Nick. Ang Sto. Cristo ay totoong isang malaking isla subalit ang mga Montano at del Mare ay taal na mga tagarito.”

Sa isang mahabang sandali ay nanatiling parang estatuwang nakatayo si Grant. He was deathly pale.

“Kung nagbabasa ka ng peryodiko,” Drew said drily, “sa halip na maghanap ng mayayamang maloloko mo, di sana’y nabasa mo ang engage ment namin ni Jace almost a year ago.”

“Y-you were engaged to him prior to our meeting?”

Kung hindi niya pinigil ang sarili ay magtatawa siya sa anyo nito… “The... announcement was made by my father on my graduation party, Grant.”

“At pinaglaruan mo ako! You bitch!”

“You know that’s not true,” depensa niya, biglang kinabahan sa panlilisik ng mga mata nito. “We would have been married by now, kung hindi ka lang naging gahaman at—” Napigil ang mga salita sa bibig niya nang marahas itong humakbang patungo sa kanya.

Napaakyat paatras ng isang baitang si Drew sa ginawa nito. Ang alaala ng pagtatangka at pananakit nito sa kanya ay sapat upang matakot siya.

“Lay a finger on her and I’ll kill you.”

The warning was spoken softly but Grant went dead still. Sumisingasing sa galit na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

“You’ll both pay for this!” banta nito kasabay ng marahas na hakbang palabas ng villa.

Inilabas ni Drew ang pinipigil na paghinga habang sinusundan ng tingin ang paglabas ni Grant ng villa.

“Are you all right?” tanong ni Jace nang makita ang pamumutla niya. Bahagya lang siyang tumango. Inabot ni Jace ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa balustre ng hagdanan at pinakawalan iyon.

“Grant can’t hurt you again, Drew,” wika nito, nasa tinig ang paniniyak.

PAGKATAPOS nilang mananghalian ay ipinasyal ni Jace si Drew sa bahagi ng lupain ng del Mare kung saan nakatayo ang isang sampung metrong taas na parola.

Hinahabol ni Drew ang hininga nang makarating sa itaas. At nang akayin siya ni Jace palabas sa paikot na platform ay napahawak sa may hambang bato si Drew at nagpilit pakawalan ang kamay sa pagkakahawak ni Jace.

“I–I don’t think so.” Hindi niya kailangang dumungaw sa railings upang malamang sa ibaba ay matarik na mga batong hinahampas ng malalaking alon.

Nagtatanong ang mga matang napatitig sa kanya si Jace.

“I–I’ve never been in a light house, Jace...” she said breathlessly, her hands grasping his shirtfront.

“Sa pagkakaalam ko’y may parola din sa isang bahagi ng Alta Tierra.”

“Yes,” aniya. “At kaya mo lang ako naisamang pumanhik dito ay dahil ang lighthouse na ito’y nasa loob ng tore ang hagdanan. Ang sa Alta Tierra ay nasa labas nakapaikot ang hagdanang bakal. And I’m afraid of heights.”

“May altophobia ka?” he asked gently, his face softened.

“I was six years old when they first learned about my fear. Sumama ako sa mga pinsan ko sa pagpanhik sa lighthouse sa Alta Tierra. I was so scared and beg off but they called me names. With my eyes closed I went up further, umikot ang tingin ko at nahulog ako ng limang baitang bago ako nasalo ni Renz na nasa likuran ko.”

“One of the reasons why your father is too protective of you.”

She frowned. Kumawala rito at humakbang papasok sa loob ng parola. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Nagkibit ng mga balikat si Jace at sumandal sa batong dingding. “Sinabi sa akin ng Tito Nick— ng Daddy, na masama ang loob mo sa kanya dahil sa akin niya ipinamahala ang asyenda...”

Umiwas ng tingin si Drew.

“Natatakot ang daddy mo na baka ka masaktan, Drew. Kaya kahit sa pangangabayo ay lagi nang may nakasunod sa iyo.”

“That’s unbelievable!” aniya.

“Iyan ang totoo. Lalo na nang mawala ang... mommy mo. You’re an accident freak, you know,” he teased, giving her a sexy smile that she felt like begging him to kiss her. “You almost drowned when you’re small.” At ipinaalala nito sa kanya ang mumunting mishaps na nangyari sa kanya sa panahon ng kabataan at pagdadalaga niya. Tulad ng pagkahulog minsan sa kabayo... two mild accidents while she was driving... at kung ano-ano pang pangyayari na mas malimit siyang masaktan.

“My father told you all that?” Tumango si Jace. “But Dad can’t protect me forever!”

“I know that. He knows that. It may sound unreasonable, pero hindi mo maiaalis sa kanya iyon. You’re all that he has. Kung may mangyari sa iyo ay hindi niya kakayanin. He loves you so much.”

Biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya. Now she understood why all the restrictions when her safety was concerned.

Humakbang si Jace patungo sa gitna ng platform. “Come here, princess. Don’t be afraid, i won’t let you fall...” Iniangat nito ang mga bisig sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan ang asawa.

“Don’t look elsewhere. Come straight to my arms.”

She took a deep breath. Ginitian ng pawis sa noo. But she believed him. Hesitantly, humakbang siya palapit, ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa mga mata nito. Sa dalawang hakbang ay pumaloob siya sa mga bisig nito. He held her against him.

Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siyang nakahilig sa dibdib nito, felt the safety in his arms. Sa ibaba ay hinahampas ng mga alon ang batuhan, ang mga ibong-dagat sa paligid ay humuhuni, malakas na umiihip ang hangin. Subalit wala siyang naririnig kundi ang pintig ng puso ni Jace sa tainga niya.

Pinakawalan niya ang sarili at tumingala rito. “Sino ang nag-iilaw ng parola kapag gabi?”

“Hindi na ginagamit ang parolang ito matagal na. Kung inaabot ng gabi ang mangingisda ay tinutunton nila ang liwanag na nagmumula sa Alta Tierra. Higit iyong natatanaw dahil iyon ang pinakamataas na bahagi ng isla.”

Nilingon nito ang paligid ng kinatatayuan nila. “Marurupok na ang mga tabla at ang mga barandilyang bakal ay puno na ng kalawang. Pag-uwi natin ay ipagbibilin ko sa mga taong lagyan ng babala sa ibaba na mag-ingat sa pagpanhik dito.” Nagsalubong ang mga kilay nito nang makitang nakatitig siya rito nang husto, na para bang wala sa sinasabi nito ang atensiyon niya. “Something’s wrong?”

Her eyes searched his face for a moment. “May gusto akong itanong sa iyo... that is if you don’t mind...”

“Fire away.”

“`Yong... sinabi ni Grant tungkol sa iyo—”

She felt him stiffened. Then said drily. “ t he ‘ampon’ part, I’m sure.”

She swallowed an imaginary lump. Tahimik na tumango.

“Do you have a problem with that?” he asked coldly. “Mahirap na ang napangasawa mo’y ampon pa pala.”

Umatras siya pabalik sa loob ng parola sa nanginginig na tuhod. “If—if you don’t want to talk about it then forget I asked.” Pinagsisihan niyang itinanong iyon. But the question had been nagging her since this morning. Kanina sa tanghalian, bagaman masiglang nagkukuwento si Concordia upang maalis ang tensiyon ay nanatili walang-kibo si Jace. At siya ang nakikibahagi sa usapan paminsan-minsan.

Humarap sa dako ng dagat si Jace at itinukod ang mga kamay sa railings na bahagyang umuga. Tinantiya nito ang bakal at inalis ang mga kamay roon at sa halip ay namulsa.

“Limang taon ako nang maospital dahil sa acute bronchopneumonia. Ayon sa nurse na pinag-iwanan sa akin ay sandali akong iniwan ng mga magulang ko upang maghanap ng ipambili ng gamot at ipambayad sa ospital.

“Subalit bago sila makabalik ay nasunog ang ospital, sa mismong malapit sa pediatric ward. Sa pagkakagulo’y tinamaan ako ng basag na dextrose sa noo…”

“That’s where you get the scar...”

Tumango si Jace pero nanatiling sa karagatan sa ibaba nakatingin. “At kung hindi ako inilabas ng nurse sa ospital ay malamang na hindi rin ako nakaligtas, hindi dahil sa sugat sa noo ko kundi sa pneumonia at malnutrition.

“Ayon kay Matilda ay maraming beses siyang naghintay sa nasunog na ospital para sa mga magulang ko. Hindi niya alam kung ano ang nangyari but they never came. Sinabi niya ang pangalan ko sa mga imbestigador bilang isa sa mga nakaligtas. Kung ano ang nangyari ay walang nakakaalam. When Concordia saw me, agad niya akong kinupkop at dinala rito.

“Wala akong maalala sa pangyayaring iyon hanggang ngayon... May mga malalabong flashes sa isip ko tulad ng bulong ng pagmamahal at haplos sa aking noo mula sa isang babae at lalaking parehong walang mukha... at isang pangakong magbabalik mula sa isang batang lalaking kamukha ko. Ayon kay Matilda, may kakambal ko.”

“W-why can’t you remember?”

“Nang mamatay ang l olo, nakipagkita ako sa doktor... maraming factors ang sinabi niya. One is trauma, bukod pa sa pagiging musmos.” Pinuno ni Jace ng hangin ang dibdib. “Nalaman ko lang ang lahat ng iyan nang mamatay si Lolo Gerardo. Nang magkita tayo sa hotel sa Las Vegas ay dahil sinadya ko roon si Matilda Gomez, ang nurse na pinag-iwanan sa akin ng mga magulang ko. Ang sinasabi ko sa iyo ngayon ay ang kabuuan na ng mga ikinuwento niya sa akin.”

Itinaas niya ang daliri at tinitigan ang singsing sa kamay niya. “Ang... singsing na ito, may nakapangalan ditong Cornelia Falco. Who is she?”

“Ayon kay Matilda Gomez ang pangalan ng aking ina ay Cornelia Falco Monte. Ibinigay niya sa akin iyan nang dalawin ko siya. Ang sabi niya’y iniwan ng aking ina sa akin ang singsing na iyan. Nakaperdible iyan sa aking kamiseta... ang nag-iisang alaala ng aking pagkatao.” Tumiim ang mga bagang nito.

Sa mahabang sandali ay namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. “M-malaking bagay ba kung hindi mo na malalaman pa kung sino talaga ang totoo mong magulang?”

Humarap ito sa kanya. Ang maitim na mga mata ay lalo pang umitim. “Minahal at inari akong tunay na apo ni Lolo Gerardo... at ng Mama. Buong buhay ko’y wala akong natatandaang hindi ako maligaya sa piling ng mga taong umampon sa akin. Ang tanging gumugulo sa aking isipan ay ang paminsan-minsang flashes. Still, I could have forgone that. Iyon ay kung hindi ko nalaman ang tunay kong pagkatao.”

“You want to find them?”

“My parents were very poor. At ipinahiwatig sa akin ni Matilda na baka sadya akong hindi na binalikan ng mga magulang ko.” His throat constricted, pain crossed his eyes. At nakita ni Drew ang pagkislap niyon dahil sa pinipigil na luha.

She had totally forgotten her fears, na sa sala-salang tabla ay natatanaw ang matarik na ibaba. Sa dalawang hakbang ay nilapitan niya ito at niyakap.

“Oh, Jace.”

Subalit marahas siyang inilayo nito. “Hindi ko kailangan ang awa mo, Drew.”

“H-hindi iyon ang nararamdaman ko,” wika niya sa gumagaralgal ang tinig. “Alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang nawalan ng magulang na hindi alam kung ano talaga ang nangyari. But I have my Dad... and you have the del Mares.”

“Yes,” sagot nito sa bahagyang bumabang tinig. “Dapat kong ipagpasalamat iyon. And you’re right, hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Hindi rin alam ni Matilda iyon.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinitigan. “Ang aking asawa’y may malambot palang puso sa mga drama ng buhay, eh...”

“We don’t really know anything about each other, do we, Jace?”

Tumango ito. Subalit nagdikit bigla ang mga kilay nito nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. “Something else is bothering you?”

“Gumamit ng ‘ninyo’ si Grant nang sabihin niya ang salitang ampon. Ano ang ibig niyang sabihin?”

“Ang Mama ay hindi anak ni Lolo Gerardo, Drew...” Tinitigan siya nito na tila inaasahang may sasabihin siya. But she kept silent and waited for him to continue.

“She was eleven years old when Gerardo del Mare adopted her. Ang ama niya at ang ilan pang mga mangingisda ay namatay sa dagat nang makalimutang sindihan ang parolang ito minsang masama ang panahon...”

“Oh,” usal ni Drew, itinuon ang mga mata sa loob ng parola. “Nakita kong kumpleto ang lighthouse para sa isang tirahan. Sino ang nangangasiwa sa parola?”

“Ang mga magulang ni Concordia... Subalit nang gabing iyon ay hindi nagawang sindihan ng ina ni Concordia ang parola. Lolo Gerardo’s brother Crispin... raped her that night... sa mismong harap ng batang Concordia.”

Walang salitang maiusal si Drew. Nakatitig lang sa asawa sa panlulumo.

“Nang malaman ng ina ni Concordia ang nangyari sa asawa at sa mga mangingisda sa laot ay nagpakamatay ito...” yumuko ito sa ibaba, “sa mismo sa parolang ito, Concordia’s mother jumped to her death.”

Drew gasped in horror at wala sa loob na yumuko. Agad na umikot ang paningin niya at napakapit nang mahigpit kay Jace sa nanginginig na kalamnan.

Jace held her close. “Don’t look down,” he commanded.

Drew stayed in her arms for a long moment, pinalipas ang hilo at panghihilakbot bago muling nagtanong. “Ano ang nangyari sa Crispin na ito?”

“Pinatay siya sa umog ng mga taga-Baybayin nang malaman mula sa batang Concordia ang totoong nangyari.”

“Justice well-served,” usal niya sa nagpupuyos na dibdib. “At ang Crispin na ito ang lolo ni Grant, ang ama ng mother niya?” Tumango si Jace. “What happened to Crispin’s wife, ang grandmother ni Grant?’”

“Crispin’s young widow left town two years later. Subalit iniwan ang sampung taong anak na babae, Grant’s mother, kay Gerardo. Nang panahong iyon ay kamamatay din lang ng mag-ina ni Lolo Gerardo. Pero hindi ito tumalikod sa responsibilidad na naatang dito. Tulad ni Concordia ay pinag-aral din nito ang ina ni Grant. Ipinadala sa Maynila nang magkolehiyo.

“Subalit dumadalaw lamang ang mama ni Grant sa Sto. Cristo malibang nanghingi ng salapi. Nagtrabaho ito sa isang bar sa Pampanga. Doon nito nakatagpo ang napangasawang Amerikano, Grant’s father. Lolo Gerardo never met Grant until he was sixteen. At iyon ay upang manghingi rin lang ng salapi.

“Hindi interesado sa Sto. Cristo si Grant maliban sa salaping maiaakyat nito sa kanya. Kulang na lang ay tahasan nitong hingin ang pamana kay Lolo Gerardo. Labing-isang ektarya ang kabuuan ng del Mare property. Nang mamatay ang matanda ay ipinamana kay Grant ang tatlong ektaryang lupain sa Baybayin, kasama na ang fishing village na tinitirhan ng mga mangingisda. Umaasa si Lolo Gerardo na pagyayamanin nito ang fishing business but Grant sold the land to a real estate company when we were in Vegas four days ago.”

“Kaya nagagalit si Grant dahil hindi pantay ang hatian at nalaman niyang ampon ka lang...”

Tahimik na tumango si Jace.