Chapter Thirteen
H INDI niya gustong sumalo sa tanghalian. But that would make her appear like a schoolgirl. Bukod pa sa hindi papayag ang daddy niya. And to her annoyance, magkatapat sila ni Jace sa mesa.
Si Nick ay hindi itinatago ang kasiyahan habang ipinapaliwanag kay Jace ang gusto nitong mangyari.
“Two years ago, may mga contact na akong nagnanais na bumili ng mga kabayong pangarera. Subalit natapat naman iyon sa maraming suliranin sa kompanya. Naapektuhan ng world economic crisis.” Nagkibit ito ng mga balikat na tila ba sinasabing nalampasan nito ang krisis. Sumubo ng pagkain at makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita.
“Naisantabi ang hangad kong makapag-breed ng mga kabayong magagandang uri.” A nostalgic smile appeared on his lips. “I had once a good stallion, his name was Arab. I loved that horse but I got too busy with the company, napabayaan ko. In the long run, I gave the horse to my sister Jenny.
“Anyway, maybe I can activate my contacts. Ang mga kaibigan ko’y sa ibang bansa pa bumibili ng kabayo, hijo, na siyang ginagamit sa pangangarera. Kung magagawa nating mag-breed ng magagandang uri ng kabayo at i-train ang mga itong pangarera, mas mainam,” excited na patuloy ni Nick. “Binata pa ako’y pangarap ko nang gawin ang bagay na iyan. Subal it inagaw na ng kompanya ang buong panahon ko.” May panghihinayang sa tinig nito nang sabihin iyon.
“Sa palagay mo ba naman, Daddy, ay kayang gawin ni Jace ang sinasabi ninyong iyan?” matalim niyang tanong. “Ano ang alam niya sa kabayo gayong isa siyang piloto?”
Binalingan siya ni Nick. “Hindi ko ba nasabi sa iyo, hija, na bago naging piloto si Lean—Jace, ay isa muna siyang horse trainer sa isang ranch sa Colorado? And two of the horses he had trained won in the race.”
Napatuwid si Drew. Bahagyang nanlaki ang mga mata. Hindi niya alam iyon. Kunsabagay, hindi naman niya kilala si Jace para malaman ang anumang bagay tungkol dito. Hindi niya maiwasang hindi ito sulyapan.
Bagaman naiinis ay hindi niya maitatanggi ang attraction nito. His good looks only slightly marred by that faint scar on his forehead that slashed across his temple.
“I worked my way through college,” ani Jace na pumutol sa iniisip niya, a faint cynical smile played on his lips as he added lazily, “Hindi lahat ay may magulang na kayang magpaaral ng anak sa kolehiyo, Drew.”
Agad niyang niyuko ang pagkain sa harap niya upang itago ang inis at kalituhang naramdaman. Alam niyang pasaring sa kanya ang huling sinabi nito. At ni wala itong pakialam kahit na naririnig ng ama iyon. The man was too comfortable with her own father.
“Na ipinagtataka ko naman, Lea—Jace,” patuloy ni Nick, “dahil nabanggit ng lolo mo noong nabubuhay pa ito na handa niyang ipagbili sa akin ang lupang nasa hangganan ng Hacienda Montano kung kakailanganin mo ng salapi.”
“He didn’t have to. Alam kong hindi gugustuhin ni Lolo na ipagbili ang kahit na aling bahagi ng d el Mare Woods.” Sadness tinged his voice at muling napasulyap si Drew dito. Only his voice betrayed his emotion, his face remained passive.
“Para kay Gerardo ay higit kang mahalaga kaysa sa anumang lupa, hijo...” ani Nick sa nagsisimpatyang tinig. “Pero tama ka, hindi kailangang magbenta ng lupa ng lolo mo. Masipag ka, responsable, self-reliant. Admirable traits na hindi lahat ng lalaki ay nagtataglay. Kabaligtaran naman ni—”
Jace laughed wryly. Pumutol ang tawang iyon sa karugtong na sasabihin ni Nick. And Drew noticed that he had good teeth, white and even.
“I don’t think your daughter shared your opinion of me, Tito Nick,” wika nito, sinulyapan siya sandali bago ipinagpatuloy ang pagkain.
“My daughter won’t reconigze a good man from a bad one, Jace,” matabang nitong sabi.
Drew’s teeth savaged the soft inner flesh of her lower lip to stop herself from saying something she would regret later. Anger swelled in her chest. Wala siyang natatandaang nagsasalita nang ganoon ang ama ng patungkol sa kanya sa harap ng ibang tao.
“Nalimutan ko rin bang banggitin sa iyo, Drew,” patuloy ni Nick, unaware of her daughter’s anger, “na isang buwang nagtrabaho si… Jace sa San Miguel, sa rancho na minana ni Angeli mula sa Lolo Luis mo?”
Napahugot siya ng marahang paghinga. An “oh” formed soundlessly in her mouth. Naging empleyado si Jace ni Angeli Montano sa munting ranchong pag-aari nito sa San Miguel, Colorado!
Si Angeli ay bunsong kapatid ng Aunt Billie niya—Renz’ mother. Si Aunt Billie niya at si Angeli ay mga pinsang buo ni Nick. Ang ama nina Billie at Angeli ay kapatid ng Lola Monica niya, si Luis Montano, na maraming taon nang namayapa.
And guiltily, she admitted to herself that she hadn’t been to San Miguel for ages. It was too far from Houston. Subalit si Nick ay hindi maaaring hindi dumalaw sa nakababatang pinsan sa tuwing nasa ibang bansa ito.
At si Angeli, ay labinlimang taon ang kabataan sa Aunt Billie niya at siyam na taon naman ang katandaan sa kanya sa edad na thirty-one. Nag-asawa si Angeli sa edad na beinte-singko subalit makalipas lamang ang tatlong taon ay nakipagdiborsiyo ito sa asawa.
She was beautiful and stunning. Sa paglipas ng mga taon ay higit pang gumanda. Parang alak na nilaon. She was very good with horses as well as in everything but her marriage. Men never failed to give her a second look, isa sa mga dahilan ng diborsiyo nito sa seloso at possessive ex-husband.
Lumipad ang mga mata niya kay Jace. Bata lang marahil si Angeli ng dalawang taon dito. At ngayon ay nalaman niyang nagtrabaho ito sa rancho sa Colorado. Hindi basta-basta mababale-wala ni Jace ang atraksiyon ni Angeli. And her aunt was available. And he was a handsome man. Posibleng nagkaroon ang dalawa ng—
She abruptly reined her thoughts. At nanghilakbot siya na umabot sa ganoon ang iniisip. At nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niyang nakatitig din sa kanya si Jace.
She gasped in a faint shock. A smile tipped one corner of his lips, a decidedly masculine smile that told her he knew exactly what she was thinking.
Heat flooded her cheeks. At bago pa niya makuhang magyuko ng ulo ay muling nagsalita si Nick. “At bago ko nga pala makalimutan, Drew,” wika nito. “Ang silid mo sa ibaba ang ipinasya kong ipagamit kay Le—Jace.”
“Ang silid ko!” hindi makapaniwalang bulalas niya, naibaba sa pinggan nang wala sa loob ang hawak na kutsara at tinidor. “Dad, what are you talking about?”
“You don’t have to shout, Andrea, naririnig kita,” saway ni Nick. Bale-walang nagpatuloy sa pagkain. “Hindi mo na ginagamit ang silid na iyon sa ibaba mula nang magdalaga ka. At ang bahay na ito ay nagiging bakasyunan na lang natin sa loob ng maraming taon. And you, actually had never been here for the last five years or so.”
Hindi makapaniwalang nakatitig sa ama si Drew. Ang silid na tinutukoy nito ay ang playroom niya. Bagaman maraming taon ang binilang bago siya muling nasa bahay-asyenda ay mahalaga sa kanya ang silid na iyon. Katunayan, nang dumating silang mag-ama kahapon ay iyon ang una niyang binisita.
Nasa silid na iyon ang marami sa mga laruan niya mula pa nang munti siyang bata. That room held so many memories of her childhood days... with Alaina... with her cousins.
“W-why not give him the guest room, Daddy?” Halos hindi maglandas sa lalamunan niya ang mga salita.
“Nasa itaas ang guest room. At ang silid na iyon sa ibaba ang tanging may anteroom na siyang maaaring gawing opisina ni Leandro… Jace. I am thinking of practicality and convenience, Drew. Jace would soon be entertaining customers.”
Gustong tumayo ni Drew mula sa hapag-kainan at tumakbo palayo... kahit saan. Jace had robbed her of everything now. Hindi lamang ang pagnanais niyang pamahalaan ang asyenda, bagaman ngayon ay natitiyak niyang hindi rin naman ipagkakaloob sa kanya ng ama ang pamamahala sa asyenda, even the privacy of her old room were shattered.
Ipinagkaloob sa kanya ni Nick ang lahat ng bagay na maibigan niya mula pa nang maliit siyang bata. Lahat ng bagay na kayang bilhin ng salapi. And she was spending her father’s money like water. May iilang bagay lamang ang hindi ipinahintulot ni Nick na gawin niya, she wasn’t allowed to drive by herself; hindi siya maaaring mangabayo nang walang kasamang groom; at hindi siya maaaring magtrabaho.
Doon niya nakuha ang taguring “prinsesa” dahil sa ginagawang iyon ni Nick. She even had a bodyguard which her father had terminated when she made that stunt with Grant.
At maliban sa mga escapades niya sa mga naging boyfriends niya ay smooth ang relasyon nilang mag-ama. Until Leandro Jace del Mare.
There had never been a time that her father had hurt her like this. Sinulyapan niya ang lalaking siyang dahilan ng indifference ng ama sa kanya, nakita niya sa mukha nito ang pagnanais na magsalita. Subalit kung ano man iyon ay hindi na niya malalaman, Jace opted to keep silent.