Chapter Seven
I F JACE had always been in control of his emotions, ay hindi nang mga sandaling iyon. Nakita ni Drew ang pagkabiglang nagdaan sa mga mata nito.
He opened his mouth to say something, subalit inunahan niya agad ito at nagpatuloy sa sinasabi.
“Gusto kong malaman ni Daddy na ginamit ko lang si Grant upang hindi niya matukoy kung sino talaga ang lalaking pakakasalan ko. At tumutugma ang pangyayaring narito ka bilang reliever pilot. Maniniwala siya.”
Ang pagkabiglang nagdaan sa mga mata nito’y nahalinhan ng amusement. His mouth twitched.
“Kung hindi ko mismo narinig sa bibig mo’y hindi ako maniniwala! You live up to your reputation, princess.” He amazingly shook his head.
“And what do you mean by that?”
He chuckled. Kauna-unahan mula nang makita niya ito. He had perfect white teeth. Grant’s teeth were capped. And she wondered what attracted her to him.
“Huwag mo akong pagtawanan, del Mare! Hindi ako nagbibiro!”
“And you’re being ridiculous. Tinatanggihan mong magpakasal sa lalaking hindi mo pa man lang nakikilala, pero heto at inaalok mo akong magpakasal tayo gayong hindi mo naman ako kilala? Kung nakakalimutan mo’y ipaaalala ko sa iyo, princess, we’re perfectly strangers. Hindi dahil naipagtanggol kita kay Grant, you already thought I could be your hero.”
“Oh, I will never think of such thing,” she said acidly. “Ang lamang mo lang sa Leandro na iyon ay nakilala na kita.” She didn’t voice out that Leandro could be hideous or old or fat or had bad habits.
“And Hopkins vouched for you,” patuloy niya. “At itinuturing kang pamangkin ni Carillo. He’s been under my father’s employ for ten years now. And he’s trustworthy.”
“And so you assumed I am trustworthy, too. Well, you’re wrong, princess.” He grinned mockingly. “I am the devil incarnate.”
“Correct,” sang-ayon niya at ngumiti nang pagkatamis-tamis. “So you see, it’s a choice I am forced to make—a choice between the devil and the deep blue sea. Ikaw ang pipiliin ko, del Mare.”
Pumormal si Jace. “I’m sure you’re upset, matapos ang ginawa sa iyo ni Grant. Now, calm down, and tell me where to fly this jet.”
Gusto niyang tumili sa indulgement na nasa tinig nito. “Hindi ako pakakasal sa Leandro na iyon! Kahit na si Carillo ay babayaran ko para pakasalan ako at natitiyak kong hindi siya tatanggi!”
For a long moment he didn’t say a word. Tulad sa isang tahimik na panahon bago ang namumuong bagyo.
“Oh, don’t look at me like that as if I’ve grown two heads. I am offering you a job, del Mare, odd it maybe. But it is still a job.” Nangungumbinsi ang tinig niya.
“Meaning to say, babayaran mo ako para pakasalan kita?”
“Naturally,” wika niya, her chin lifted. “Now let’s discuss your compensation. Magkano ang gusto mong ibayad ko sa iyo?”
For an instant, Drew saw something deadly in Jace’s eyes. Naisip niyang bigla ang tigreng nasa likod ng pinto na inihalintulad niya rito kanina sa hotel.
A muscle in his jaw flexed. “Natitiyak mo bang...” He paused for a moment. “Ang ibig kong sabihin ay kung nasa matino kang kaisipan?”
Gusto niyang mainsulto. Walang nagsasalita nang ganoon sa kanya minsan man sa buhay niya. Subalit wala rin naman siyang inalok na lalaking pakasalan siya sa mismong araw na nakilala niya ito. So she couldn’t really be angry at him.
Umiling ito habang titig na titig sa kanya. “Inaantala mo ang paglipad ng jet na ito, Miss Navarro.”
“Oh, please!” She changed tactics, she tried to sound helpless and troubled. “Be practical. As I said, it is just a job. No more no less. Then we could come back here and file for an annulment.”
“Ganoon lang ang turing mo sa pagpapakasal?” Sa kabila ng kontroladong emosyon ay hindi mapigilan ni Jace ang mamangha sa sinasabi niya.
“It’s a desperate measure,” wika niya kasabay ng pagkibit ng mga balikat. Hindi niya gustong salubungin ang mga mata nito. “Hindi ko puwedeng imungkahing magkunwari lang tayong mag-asawa. Maghahanap ng ebidensiya si Daddy na nagpakasal nga tayo.”
Nakita ni Drew ang marahang paghugot nito ng paghinga na tila nagpipigil sa kung ano mang damdaming nasa dibdib nito. Though she was sure anger was one of them. Nakita niya ang tila brilyanteng pagkislap ng maitim nitong mga mata na unti-unting sumisingkit.
“Paano mo natitiyak na gusto kong makipaghiwalay sa iyo sa sandaling makasal tayo?” Naghahamon ang tinig nito. “You’re a very rich young woman. Tulad ni Grant, maaari kong hangarin ang mamanahin mo. And I am telling you frankly, I am not a rich man.”
Isang paismid na ngiti ang pinakawalan niya. “Sa sandaling magpakasal ako sa iyo’y wala na akong mamanahin, del Mare. Titiyakin ni Daddy iyon. At maniwala ka sa akin. Kilala ko ang ama ko. At natitiyak kong kausap na niya ang mga abogado niya ngayon kaya ang sekretarya niya ang tumawag sa iyo.”
“Kung ganoon ay sa papaanong paraan mo ako babayaran?” tuya nito.
“I have my jewelry. At natitiyak kong sasang-ayon kang hindi biro ang halaga ng mga iyon kung ikukumberte ko sa cash ang ilan.” She tossed her head backward, hinawi niya ang buhok at inihantad ang suot na hikaw, and she wasn’t even aware how lovely she looked. Ni hindi niya napuna ang pagnanasang umahon sa mga mata ng kaharap habang nakatitig sa kanya.
Ipinakita niya ang hikaw. A flawless one carat each stone yellow diamond set, in princess cut. At suot niya sa daliri ang katernong singsing niyon na kuminang mula sa liwanag ng ilaw sa loob ng jet.
“This simple earring set alone is worth five million pesos.”
Kung inaasahan niyang kikislap ang mga mata ni Jace sa sinabi niya’y nabigo siya. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito.
“Grant was stupid,” she murmured disdainfully “Hindi niya ako pinatapos sabihin kung magkano ang halaga ng mga alahas ko.”
“Perhaps he wanted more.”
“Oh, there’s more.” Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya. “That idiot. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa lupaing minana ko sa grandmother ko—not my Lola Beatriz, but Monica Gascon. My father’s mother.
“I am talking about the Sto. Cristo Ranch. Bagaman bale-wala iyon kompara sa milyones ni Daddy ay kumikita iyon nang malaki mula pa nang araw na mamatay ang grandmother ko.”
“And you own it?”
Napatingin siya rito. Umaasa siyang mapukaw man lang niya nang kaunti ang interest nito. She had the feeling that he was asking questions just to indulge her. But then Jace could be a good actor. That or he was really unimpressed.
“Before I was born, inilagay ng grandmother ko sa testamento niya na mamanahin ng unang apo niya ang Sto. Cristo Ranch. All right, it’s an entail inheritance. Hindi maaaring ipagbili. Mamanahin ng magiging anak ko at ng magiging anak niya ang Sto. Cristo Ranch. Pero ang kinikita ng rancho ay sapat upang mabuhay nang maalwan ang kahit ilang tao. Pero hindi niya ako pinatapos magsalita.”
“You’re right, he was an idiot. Pero paano kung ang propriedad na sinasabi mo’y pag-interesan ko? Kahit ba siya entail. Sabi mo nga’y kumikita ang rancho.”
Her chin lifted, at sa nakatitiyak na tono’y, “Nalimutan ko bang sabihin sa iyong pipirma ka ng prenuptial agreement?” She smiled sarcastically. “Now, name your price, del Mare.”
Nakita niya ang paggalaw ng muscles sa mga bagang nito. May ilang sandaling nanatiling nakatitig sa kanya bago, “Hanggang kailan tayo mananatiling kasal?”
“Oh, don’t worry. Sa sandaling malaman ni Daddy na may asawa na ako natural na ang plano niyang ipakasal ako sa Leandro na iyon ay hindi na matutuloy. Then we could file for an annulment.”
“Paano kung hindi iyon ang plano ng ama mo at ng Leandro na ito?”
“Why are you so picky?” reklamo niya. “Believe me, kapag nalaman ni Leandro na binago ng Daddy ang testamento niya at na wala akong mamanahin ay hindi na siya magkakaintensiyong pakasal sa akin. Tulad din ng ginawa ni Grant.”
Muli, nakita niya ang pakikiraan ng galit sa mga mata nito. At muli rin ay iglap iyong naglaho.
“ Hindi lahat ng lalaki’y tulad ni Grant, Miss Navarro,” malamig nitong sabi. “At akala ko ba’y hindi mo pa nakikita ang Leandro na ito? Paano mong na isip na mamanahin mo rin lang ang gusto niya sa iyo?”
“He wasn’t interested in me personally, natitiyak ko iyon. My father will give this man a considerable share in the company. He said the man offered to pay for the share but I don’t believe him one iota. Paano siyang makabibili ng malaking share sa kompanya gayong isa lamang siyang working man?”
Jace shrugged his shoulders indifferently.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa kanya,” patuloy niya. “Kaya bago maging official sa susunod na board meeting ang paghirang ni Daddy sa kanya bilang isa sa board of directors, kailangang magpakasal ako sa iba. Though at least, Leandro was honest in one count.”
“So after all, may maipagkakapuri ka naman pala sa Leandro na ito. But out of curiosity, in what count was he honest?”
“He didn’t sugarcoat his attention by pretending to like and woe me.”
“So young and yet so cynical,” ani Jace. Nasa tinig ang banayad na simpatya. Then he added huskily, “And perhaps you underrated yourself, Miss Navarro. Hindi lang salapi ang maaaring hangarin sa iyo ng isang lalaki.”
Lumipad ang mga mata niya rito. At kung hindi siya nagkakamali’y alam niya ang ibig sabihin nito. Lalo at hindi naman itinago ni Jace ang pagnanasang nasa mga mata nito. A little shiver ran down her spine as she gazed into the depths of his eyes.
“Of course,” paismid niyang sabi. “Pero ang salaping mamanahin ko’y malakas humatak. My face is an added bonus. Now, how much do you want?” pag-ulit niya.
Matagal siyang tinitigan nito bago sumagot, “No, Miss Navarro. I won’t marry you.” At tumalikod ito upang magtungo sa cockpit.
Ang pagkamanghang nadama niya’y sandali lang at agad na humalili ang galit. Mabilis siyang humabol at hinawakan ito sa braso.
“Ang dami mong tanong! Hinayaan mo akong magsalita nang magsalita at ipaliwanag ang mga kondisyones ko. Pagkatapos ay tatanggi ka lang pala!”
Jace sighed patiently. “Miss Navarro, ginawa ko iyon para habang lumilipas ang mga sandali ay maisip mong isang malaking kalokohan ang gusto mong mangyari. Walang matinong babae ang mag-aalok sa isang lalaki na pakasalan siya sa unang pagkakataong magtagpo sila para lang iwasang mapakasal sa isang lalaking napili ng kanyang ama.
“At sa ginagawa mo ngayon, higit marahil na makatwirang isiping mas tama ang pasya ng iyong ama. Though I can easily take advantage of your offer, I guess one of us has to be sane.”
Nakatayo pa rin siya roon nang tumalikod ito at nagpatuloy sa paglakad. May pakiramdam siyang napahiya’t nainsulto siya. And she felt like screaming blue murder!
Nasa bukana na ito ng cockpit nang lingunin siya. “Now, where shall I fly this jet, Your Highness?” he mocked.
“To Bermuda Triangle, damn you, and I wouldn’t even care!”