noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 23

Ch. 24 / 24 Apr 09, 2022
Prev Next

Chapter Twenty-three

D REW was driving slowly and with trembling hands. Alam niya kung saan sila patungo. Dinaanan na nilang minsan ni Jace ang daang iyon. Napahikbi siya nang maisip ang asawa. She loved him. Oh, how she loved him.

At mapapahamak siyang hindi nito malalaman ang totoong damdamin niya. Nagpadalos-dalos siya. Isang pagkakamali ang ginawa niya pero huli na para sa pagsisisi.

At kung magpapadaig siya ngayon sa takot ay higit na kapahamakan ang sasapitin niya. Ang isip niya ay gumagana kung paano matatakasan si Grant. At bago pa man mabuo ang ideya ay mabilis niyang inirampa sa malalaking ugat ng kahoy sa gilid ng daan ang Jeep. Dahilan upang mapatagilid iyon. Sapat upang bumitaw si Grant at itukod sa windshield ang mga kamay.

Iglap niyang diniinan ang preno at patalong bumaba ng jeep at tumakbo palayo. Kasunod niya ang sigaw ni Grant.

“I’ll get you, Drew! Hindi ka makalalayo!”

Hinahabol niya ang paghinga nang huminto at magpalinga-linga. Ilang metro sa kaliwa niya ay natatanaw niya ang parola. If she would go there, she would surely die. Kung hindi man kay Grant, sa phobia niya. Sa malayong kanan, sa pagkamangha niya ay may natanaw siyang yate. Kung may yate, tiyak na may tao. Doon siya tumakbo. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ay lumitaw sa harap niya si Grant.

Dinaklot nito ang buhok niya at hinila siya patungo sa lugar na hindi niya gustong puntahan. “Gusto kong marinig na magmakaawa ka, Drew,” wika nito. “Gusto kong makita kang bumababa mula sa katayugan mo.”

She bit her lip. Mamamatay siya pero hindi niya bibigyan ng kasiyahan si Grant na gawin ang gusto nito. Patuloy ito sa paghatak sa kanya patungo sa parola. Parehong hindi nila napuna ang dalawang mountain bike na nakahiga sa damuhan.

Inubos niya ang lakas sa pagpupumiglas. Subalit muli ay sinampal siya nito. Napasubsob siya sa entrada ng parola.

“Huwag mo akong pahirapan, Drew!” humihingal nitong sabi. “Masasaktan ka lang!” Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso at hinatak papasok sa parola.

Isinara ni Grant ang nakabukas na pintong kahoy ng lighthouse at sapilitan siyang hinila sa loob. Drew inhaled and exhaled trying to gain back her strength. Nasa gitna na sila at akma siyang itutulak ni Grant sa naroroong papag na kawayan nang balyahin niya ito at sipain sa harapan. Sapo ang sariling napaupo sa papag si Grant kasabay ng pagmumura sa kanya.

Tinakbo niya ang unang pintong nahagip ng tingin. Iyon ang hagdanang bato patungo sa itaas ng parola. Hindi kailangang mag-isip ng mapagpilian. She would die anyway. But she would die fighting. Patakbong pinanhik niya ang hagdanang bato. Hindi siya miminsang dumulas sa sementong baitang at halos gumapang siya sa pagpanhik sa tuktok.

Humihingal na napahinto siya sa bungad ng pinto palabas. Pero saan siya pupunta? Paikot lamang ang platform na iyon sa buong parola. At hindi niya matiyak kung kaya niyang tumalon sa kamatayan kaysa sa mapasakamay kay Grant. Pikit-matang tinakbo niya ang gilid nang dalhin ng hangin ang pangalan niya mula sa ibaba ng parola.

“Drew!”

Mula sa siwang ng mga tabla ay natanaw niya si Jace na bumababa mula sa Cherokee nito. “Jace!” sigaw niya.

Sandali lang itong tumingala at tinakbo na ang pinto ng parola. Tumalikod siya upang bumalik sa pinanggalingan. Subalit siya namang paglitaw ni Grant sa likod niya. She moved a couple of steps backwards.

“Sino ang tinatawag mo?” patuya nitong tanong, nakangisi subalit naniningkit ang mga mata habang humahakbang palapit. “Pagkatapos ko sa iyo’y ihuhulog kita sa parolang ito, Drew... muli ay magiging laman ka ng mga peryodiko sa buong lupa. Pero hindi sa society page kundi sa mortuary...”

Muli siyang humakbang paatras sa nanginginig na mga tuhod. May pakiramdam siyang nagsusugat na ang kamay niya sa pagkakakapit sa batong dingding. Natitiyak niyang hindi nito alam na nasa loob na ng parola si Jace.

“You won’t get away with this, Grant...” She was buying time.

“Ang matandang yaya mo lang ang testigo, and I’ll kill her—” Nanlaki ang mga mata nito. Lumampas sa mga balikat niya ang tingin.

Nilingon niya ang hinayon ng mga mata ni Grant upang mamangha ring tulad nito. “J-Jace?” Then she shook her head in amazement. The man looked like Jace but he wasn’t Jace. Nasa ibaba si Jace at iisa lamang ang pasukan at labasan ng parola.

Mula sa paikot pa ay lumitaw ang isang magandang babae. “Sabi ko sa iyo, may mga tinig akong narinig,” wika nito.

“May problema ka ba sa lalaking iyan, miss?” tanong ng lalaki. A muscle in his jaw flexed as he gave Grant a dangerous look. Nakadama siya ng deja vu sa tanong at sa nakikitang anyo nito.

Drew ran to him. Pumakabila sa likod ng dalawang estranghero. “He’s going to rape me!”

Ang babaeng katabi ng lalaki ay kinabig siya palapit dito, in a protective manner.

“Huwag kayong makialam!” deklara ni Grant na umilap ang mga mata.

“Drew!” sigaw ni Jace na lumitaw sa entrada, dalawang metro mula sa likod ni Grant.

Ang akmang paghakbang ng estrangherong lalaki patungo kay Grant ay nahinto. Gayundin si Jace sa akmang paglapit kay Drew.

Nalilitong umatras si Grant sa may barandilyang bakal at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking halos iisa ang mukha at manghang nakatitig sa isa’t isa. His presence was temporarily forgotten.

Grant moved closer to the railings. Sa isang paghakbang nito ay lumihis ang isang malaking tablang sahig. Nang umiwas ito ay nabali ang isa pang katabi nito. Nagpa-panic itong napasadsad sa railings na bakal. At dahil buong katawan nito ang nakasandig at doon ibinuhos ang timbang ay bumigay ang kinalawang ng mga rehas. Humulagpos ang isang bahagi at naalis sa pagkakahinang.

Sa mismong sandaling iyon ay sabay na kumilos ang dalawang lalaki at pinagsikapang parehong abutin ang tig-isang kamay ni Grant. But Grant panicked. The railings creaked and swung. Nagpipiglas at sumisigaw si Grant, sapat upang tuluyang mawala sa pagkakahinang ang kabilang bahagi ng bakal at bumigay. Hangin ang nasunggaban ng dalawang lalaki.

Kasabay ng pagyakap ni Drew sa katabi ay ang nakatutulig na hiyaw ni Grant na bumulabog sa mga ibon sa paligid.

Sa loob ng ilang sandali ay parehong sa matatarik na bato sa ibaba nakatunghay ang dalawang lalaki. Walang maririnig kundi ang hampas ng mga alon sa batuhan at ang ingay ng mga ibong-dagat sa himpapawid.

Si Jace ang naunang mag-angat ng tingin mula sa ibaba at tinitigan ang kaharap. It was like looking into his own reflection except that this man was darker. He was having mixed emotions.

Nag-angat ng mukha ang kaharap. Tulad niya ay buong pananabik nitong pinag-aralan ang anyo niya.

“Leandro...”

“Tristan...”

Sabay nilang binigkas ang kani-kanilang pangalan.

“What a memorable reunion!” bulalas ni Meredith. Nakangiti nitong inakay ang natutulala pa ring si Drew na hindi malaman kung alin sa mga pangyayari ang unang bigyan ng pansin. Gahibla na niyang naligtasan sa ikalawang pagkakataon ang kapahamakan sa mga kamay ni Grant. Umangat ang mga mata niya sa asawa.

“Are you all right?” Jace asked softly, then his face hardened when he saw the red mark on her face.

She ran to him and burst into tears. Jace held her close. “I love you, Jace. And I thought I’d never be able to tell you that. I’m sorry... I’m sorry.”

Hinagkan ni Jace ang ibabaw ng ulo niya. “Sshh...”

“Hindi tayo kakayanin ng marupok na parolang ito. Why don’t we all get down to a safer place?” suhestiyon ni Meredith.

“PAANO mong nalaman na Tristan ang pangalan niya?” tanong ni Drew nang pababa na sila.

“Before we got married, Matilda called my mother. Sinabi niya ang tungkol sa pagdating ng mag-asawa sa Las Vegas. Nagkasalisi kami. A matter of twenty minutes. Kung hindi tumawag si Henry ay baka nag-abot kami. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit hindi ko muna gustong umuwi tayo sa asyenda. Inaasahan ko ang pagdating nila anumang araw.”

“We would have come earlier.” s i Meredith sa likod nila. “But both the twins caught some virus. But they’re okay now.”

Nasa ibaba na sila nang ipakilala ni Jace si Drew kay Tristan. “My wife, Drew...”

“Si Meredith, ang aking asawa.” For a long moment no one spoke. The brothers stared at each other awkwardly. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Then Tristan cleared his throat. At sa gumagaralgal na tinig ay, “Hinanap kita... matagal na kitang hinahanap...” he whispered emotionally.

Jace smiled through misty eyes. “What took you so long?”

“Kailan lang ako nagmana ng malaking salapi,” ani Tristan, nilingon ang asawa. “Malaking tulong sa paghahanap ko sa iyo.”

Ginagap ni Jace ang kamay ni Drew at itinaas. “Mother’s ring.”

Sa smallest finger ni Tristan ay ipinakita nito ang kakambal na singsing. “Ang singsing ni Itay.”

Nagtatanong ang mga mata ni Jace. Hindi kayang iusal ang nasa puso at isip. Naroon ang pag-asa... at pananabik. Subalit malungkot na umiling si Tristan.

“Namatay sila kinabukasan din matapos ka naming iwan sa ospital. Inabot sila ng bagyo sa dagat...”

Tumingala sa langit si Jace at pinuno ng hangin ang dibdib. Lumapit si Tristan at nagyakap ang magkapatid. Both women gazed at the twins with tears in their eyes.

“We have a lot of catching up to do...” ani Jace, pinisil sa balikat ang kapatid.

Tumango si Tristan. “Naghihintay ang Monte Falco sa iyo, Leandro.” Ibinabadya ng tinig nito na hindi nito inaasahan ang anumang pagtutol.

Leandro Jace smiled. “Iniimbitahan ko nga pala kayo sa kasal ko...” dugtong nito at inakbayan si Drew.

“Kasal?” s i Tristan. “Akala ko ba’y mag-asawa kayo?”

“Oh, we are,” nakangising sagot ni Jace. “But we want a proper wedding. You, my big brother is my best man. And your wife’s the matron of honor.”

“At dalawa ang magiging ring bearers mo!” ani Meredith. “Come and see your nephews, Leandro.”

“Very soon,” sagot ni Jace. Hinayon ng tingin ang Cherokee. “Gamitin ninyo ang jeep at mauna na kayo sa bahay. May pag-uusapan lang kami ng asawa ko habang naglalakad.”

“PAANO mong nalaman ang nangyari?” tanong ni Drew, ang kamay ay nakahawak sa baywang ni Jace.

“I was so angry with you, Drew. Pero nang makaalis na kayo ay nag-isip-isip ako. Hindi ko magagawang hayaan kang umuwi at iwan ako. My god, I was willing to agree to your terms, huwag ka lang umalis.”

“I’m sorry, Jace...”

“Sumunod ako at alam kong aabutan kita dahil hindi mo kayang magmaneho nang mabilis sa hindi mo kabisadong lugar. Basa ang daan at nagulat ako nang makita kong hindi patungong bayan ang tracks ng pickup. I was sure you got lost. At nang matanaw ko ang pickup sa daan ay naisip kong nawalan ka ng gas. Pero nang makita ko ang nakahandusay na si Yaya Saling ay tila nawalang lahat ang dugo ko sa katawan. Isinakay ko siya sa pickup at sinundan ang bakas ng Jeep ni Grant.”

“I’m glad you came. Pinagsisihan ko ang ginawa kong pag-alis, Jace... please forgive me.”

He cupped her face and raised it to him. “Why, Drew?” he asked. Hurt in his voice. “Sinabi mo nang mahal mo ako... bakit mo ako iiwan?”

The pain in his voice knifed through her. “Kaninang umaga, nakita ko kayo ni Violy. You were kissing her...”

Angrily, he gave a sigh of relief. “She kissed me! Anyway, kung si Violy lang ang dahilan ng muntik mo nang pagkapahamak ay kalimutan mo na siya, Drew. Kung siya ang gusto kong pakasalan, `di sana’y noon pa.”

“But you couldn’t have married her! Hindi iyon ang proviso ng lolo mo...”

“Ang proviso ni Lolo Gerardo sa testamento niya ay mag-asawa ako bago dumating ang unang anibersaryo ng kamatayan niya upang hindi mauwi kay Grant ang del Mare property. But not necessarily you. Ang mahalaga ay matagal ko nang kilala ang babae... o di kaya ay girlfriend ko na. Huwag lang kung sinong babae na kaya ko lang pakakasalan ay dahil sa proviso. At matagal ko nang kilala si Violy. In fact, I contemplated marrying her if only for my mother’s sake. But your father made that announcement a year ago, sa party mo.”

Nagkaguhit ang noo niya. “H-hindi iyan ang sinabi ni Daddy...”

“He lied. He wanted you to marry me,” he said arrogantly.

“Ang... utang ng asyenda?”

“The twenty million?”

“Iyon at ang kinita ng Hacienda Montano sa nakalipas na tatlumpong taong mahigit? Na dapat ay mauuwi sa iyo dahil nakasanla sa lolo mo ang asyenda?”

Kumunot ang noo ni Jace. “Walang ganoong usapan ang mga matatanda, Drew. Nang isanla ng Lola Monica mo ang isang bahagi ng asyenda, ang sinasabi ng kontrata na dapat bayaran ay ang utang lang mismo at ang accumulated interest. At kahit na iyan ay mababale-wala kung magpapakasal tayong dalawa dahil sa atin din naman mapupunta iyon.”

Napasinghap si Drew. “My... my father deceived me...” usal niya. “Pinaniwala niya akong magbabayad siya sa iyo ng napakalaking halaga kung hindi ako pakakasal sa iyo...”

Jace grinned. “At heto ako at naniwalang dinahilan mo lang ang twenty million kaya ka nagpakasal sa akin. At na talaga namang gusto mo akong pakasalan una pa lang. Kaya sinasakyan ko ang mga kalokohan mo.”

She glared at him. “Sinasakyan ang kalokohan ko! Of all the—”

Inilagay nito ang mga kamay sa baywang niya, hauled her against him. “Binabawi mo ba ang sinabi mo sa akin sa parola? O aftermath lang iyon ng takot mo?”

Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito. “I love you, Jace, must have loved you from the first moment I saw you. Sa tuwing maiisip kong muntik na akong magpakasal kay Grant ay nananayo ang balahibo ko.” Nilingon ang bahagi ng kinabagsakan ni Grant. Ni hindi niya ito matanaw mula sa matarik na mga bato. Sa kabila ng lahat ay hindi niya ginusto ang sinapit nito.

“Forget him, Drew. He’s dead,” matiim nitong sabi. Inakbayan siya nito at inakay paalis sa lugar na iyon.

Subalit nanatili siyang nakatayo roon. Namaywang. “Do I have to choke from you the words I want to hear?”

Jace gave a bark of laughter. Hinapit siyang muli at hinagkan. “I love you, my wild heiress. Sa pagkakatanda ko’y nasabi ko na sa iyo iyan at nang lingunin mo ako’y nagkunwa akong tulog na. I got so insecure that I have exposed myself to you, na baka pagtawanan mo ako... But when you cuddled me in your arms, hope rose. That you might have loved me, too.”

She smiled happily and kissed him. Iyon din ang nasa puso at isip niya nang sandaling iyon. “Will you really marry me again?”

“That was our plan.”

Kumunot ang noo niya. “Our?”

“Ng Daddy. I promised him that I’m gonna make you love me. And when you do, pakakasal tayong muli. With all the relatives in attendance. I’ve talked to your grandparents on the video phone, nang araw na sabihin ko sa iyong aalis tayo patungo rito. I had their approval.”

Gusto niyang mainis dahil mukhang napagka-isahan siya. But she was too happy and so much in love that no other emotion could get through her heart.

“I’m so happy for you and Tristan, Jace...”

“Yeah, me too. They have twins. Inaasahan kong kambal din ang ipagkakaloob mo sa akin, princess...” Inakbayan siya nito at nagpatuloy sila sa paglakad.

Hindi nagtagal ay natanaw nila ang Cherokee jeep na hinintuan nina Tristan at Meredith. Nasa labas na ang nahimasmasang si Yaya Saling.

WAKAS