noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 18

Ch. 19 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Eighteen

H INDI niya gustong gumising, may pakiramdam siyang noon lamang siya pumikit. Bukod pa roon, may isang magandang panaginip siyang gustong hulihing muli. And if she woke up, tuluyan iyong mawawala. It wasn’t every night that she dreamt of something wild and erotic.

Subalit hindi humihinto ang ingay na naririnig niya. Kinapa niya ang bahaging pinanggagalingan ng ingay. Her hand connected with something smooth and cool. She fumbled with it, her fingers curling around a handle and pulling. It was the phone. Sapilitan niyang sinagot iyon sa nakapikit pang mga mata.

“Hello.” Her voice sounded thick and fuzzy, tulad ng pakiramdam niya. Narinig niyang tumikhim ang nasa kabilang linya bago nagsalita iyon.

“M-Mrs. del Mare, good morning... Ma’am, si Hopkins ho ito...”

Si Hopkins ang nasa linya, ang copilot ng Lear Jet. She opened her mouth to give him a tongue lashing for waking her up. Nang biglang mahagip ng isip niya ang unang sinabi nito.

Mrs. del Mare.

Mrs. del Mare!

Napamulat siya. And cursed silently when the pain in her head intensified. Dumulas sa kamay niya ang telepono patungo sa dibdib niya. Kumunot ang noo niya nang mapunang hubad ang katawan niya mula baywang pataas.

That was odd. Hindi siya natutulog nang hubad!

Sinisikap niyang hilahin ang kumot mula sa baywang niya pataas upang takpan ang sarili subalit tila may umiipit doon. Surely it wasn’t her legs, dahil malaya iyong nakagagalaw.

Ang atensiyon niya ay muling natuon sa telepono dahil naulinigan niyang muling tumikhim at nag-hello ang nasa kabilang linya. Idinikit niya iyon sa tainga.

“Yes, Hopkins?”

“I–I’m sorry, Ma’am,” wika nito sa alanganing tinig. He ought to be sorry. Bakit siya kailangang gisingin nito? “Ang sabi po kasi ni Jace ay aalis tayo makapananghali pabalik ng Pilipinas. Ala-una pasado na ho pero wala pa ho akong natatanggap na instruction.”

Jace! Tuluyang nagising ang diwa niya.

“I’ll call you back, Hopkins!” wika niya at mabilis na ibinaba ang telepono sa cradle nito.

May ilang sandaling tumitig siya sa kisame. Inikot ang paningin niya sa buong silid. It was big and spacious. Ang interior decoration ay ginawa ayon sa isang maganda at mamahaling panlasa. Even the settee was a reproduction of a Queen Anne style. Everything around the spacious room was expensive.

Sinikap niyang bumangon subalit ang sakit ng ulo ay tumindi pang higit. The pain seemed to be centered right behind her eyes, radiating outward from there to make her entire body ache.

Bakit kailangang pati kabuuan ng katawan niya ay sumakit nang dahil lang sa sakit ng ulo? Lalo na sa bahaging—

Isang ungol ang naririnig niya sa kabilang panig ng kama. She froze, feeling her heart nearly stopped beating.

Her head was aching. Her body was tender in... some parts.

Wine. Dancing. Laughter.

Jace. Wedding. Mrs. del Mare.

Hardly daring to breathe, Drew turned slowly. Humihiling na ang narinig at ang alaalang unti-unting sumisiksik sa isip ay bahagi lamang ng panaginip niya.

Tumambad sa kanya ang isang matipunong likod. The tanned back contrasted with the snowy white sheets. Tanned, muscular, and very bare.

Sa nanlalaking mga mata ay naglakbay ang paningin niya sa kabuuan ng hubad at nakadapang katawan. She had an uninterrupted view of his tanned shoulders, and the long, naked length of his back before stopping at the sheet that was draped low on a pair of masculine hips.

May pakiramdam si Drew na unti-unti siyang kinakapos ng paghinga. Hindi siya magtataka kung anumang sandali ay mauupos siyang parang kandila.

Ang nangyari ay hindi isang panaginip! It had been all too real. Pinahintulutan niya ang sariling malasing. And then she and Jace...

She grasped for the sheet to cover her body. Sa paghilang ginawa niya ay nagising si Jace. She watched him stir, stretch and turn. Nakapikit pa ito nang ang braso ay agad na hinanap ang katawan niya sa katabing unan, na para bang natural na naroroon siya.

Nang walang mahagip ang kamay nito ay mabilis na nagmulat ng mga mata si Jace. He reached for her, lazily scooping her back across the bed to the warm curve of his body. He smiled down into her outraged eyes.

“Good morning, Mrs. del Mare... or is it afternoon already?” Ang isang kamay nito ay umangat pataas sa dibdib niya sa isang pamilyar na paraan, kneading one breast softly. Drew bit her lower lip to keep herself from gasping aloud. “Hmm... Wala akong natatandaan sa buong buhay kong nagising akong ganito kaganda ang araw.”

“B-bitiwan mo ako,” Drew said hoarsely. Gusto niyang kamuhian ang sarili sa mabilis na pagtugon ng katawan sa ginawa nito. “T-tumawag si Hopkins, dapat ay nasa jet na tayo.” Sinisikap niyang alisin ang kamay nito sa pagkakayakap sa katawan niya subalit hindi niya iyon matinag.

“Forget Hopkins.” His teeth bit her lobe gently. “We can stay the whole day in this room. At kung ako ang tatanungin mo, hindi ko gustong lumabas ng silid na ito sa loob ng isang linggo o di kaya’y—”

“Kailangan nating bumangon, Jace,” wika niya sa tinig na sinisikap maging pormal. “Gusto kong bumalik na ngayon sa Pilipinas..:”

Hindi sumagot si Jace, sa halip ay isiniksik ang mukha sa leeg niya, inhaling her warmth. “So, the playgirl and untamed heiress has—had,” he ammended softly, “an unimpeachable virtue. Forgive me, Drew, for thinking the worst of you...” Mariin nitong hinagkan ang balikat niya, pagkuwan ay napangiwi nang makita ang pamumula ng balat niya sanhi ng tumubong stubbles mula rito.

“No, I won’t!” tila batang padabog niyang sinabi. “Hindi dapat nangyari ang nangyari. After a couple of months, we would have filed an annulment!”

He grinned at her lazily. “You can only file an annulment for non-consummation of marriage.”

“Divorce then.”

One brow arched. “On what ground?”

“Oh, shut up, Jace!” Ang pagsisikap niyang makawala sa mga braso nito ay walang silbi. Nanatili pa rin siyang nakahiga. “Alam mong kaya tayo dito sa Las Vegas nagpakasal ay para madali ang divorce sa atin. At kagabi’y alam mong lasing ako!”

Inangat nito ang katawan at itinukod ang siko sa kama at tinitigan siya. “Alam kong lasing ka, Drew, pero hindi ganoon kalasing para hindi mo malaman ang nangyari sa atin. Mas lasing ka pa noong dalhin kita sa Villa del Mare mula sa Maynila kaysa kagabi. Marahil dahil kagabi ay unti-unti ang ginawa mong pag-inom.”

“I’ve trusted you. Tinanggap ko ang alok mong truce. You should not have—”

“You trusted me all right,” putol nito sa sinasabi niya. “At the same time you wanted me, bago pa man nangyari ang nangyari kagabi. Hindi lamang sa paraan ng pagtugon mo sa mga halik ko kagabi kundi sa ibang pagkakataong hinagkan kita.”

“H-hindi totoo iyan!”

“Iyon ang totoo. You practically begged to be kissed—touched. Anyway, ano ba ang problema, asawa kita?”

“Technically!” she spat.

Jace laughed. “Technically, legally, permanently. Do you understand?”

“No, I don’t!” aniya. “Alam mong hindi iyan ang plano ko. And last night, you took advantage of me,” she accused in a ragged voice.

Ang tawa ni Jace ay unti-unting naglaho. “We’ve made love more than once last night, princess. Ang nangyari kagabi ay pareho nating gusto at normal lamang para sa mag-asawa. Pagmasdan mong mabuti ang katawan ko, at nang makita mo kung ano ang ginawa mo sa akin.” Hinawi nito ang kumot na itinakip nito sa katawan kaninang tumihaya at abutin siya.

Embarrassed and horrified, Drew gasped. Two red marks were on the lower part of his chest.

“Move your eyes lower, wife,” he commanded drily.

She shook her head at mabilis na ibinalik sa mukha nito ang mga mata niya. “I–I have never... done anything l-like that in my whole life...” h alos hindi maglandas sa bibig niya ang mga salita. Alam niyang mapulang-mapula ang mukha niya sa matinding kahihiyan.

“I can believe that now,” he said curtly, at nang marahas nitong alisin ang kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan upang bumangon ay mabilis na umiwas ng tingin si Drew. Inabot ni Jace ang boxer shorts na nasa sahig at isinuot at pagkatapos ay tuluyang tumayo. “Ang ginawa mo at ang mga bali-balita sa peryodiko ang dahilan kung bakit kahit bahagya’y hindi ko naisip na wala kang karanasan.

“I am not an old-fashioned man, princess, and yet it feels good to know that there had been no other man before me,” wika nito at nilingon siya. “I would hate to think that I married a woman of loose moral character and easy virtue, kahit na nga ba isa siyang tagapagmana ng milyon-milyong salapi.”

Nagsiklab siya at kipkip ang kumot ay tumayo mula sa kama. “I wish I had given myself to...to... Grant!”

There was tension in him now. A dangerous glint crossed his eyes. Humakbang ito pabalik sa kanya. Hinawakan siya nito sa baba at marahas iyong itinaas.

“Grow up, love,” wika nito sa malamig na tinig. He bent his head and gave her surprised mouth a quick and cruel kiss. Pagkatapos ay bigla rin siyang pinakawalan na napaatras siya sa gilid ng kama.

“I don’t want you to ever touch me again!” she cried.

Jace gave an indulgent smile. “You’re becoming a bore, princess. I wonder what is it this time. We’ve proven already that you wouldn’t die if I ever touched you long before we did what I recall was... more than just touching.” He gave her a leering smile.

“Oh, I wish I never had to see you again!” nanginginig ang tinig na sabi niya.

“No such luck, Drew,” bale-walang sabi nito. “Mag-asawa na tayo, and as such, I am entitled to my marital rights.”

“No! That won’t happen again. I hate you, Jace. Ang nangyari kagabi’y hindi mangyayari kung hindi mo ako nilasing!”

He gave a bore sigh. “Now you’re lying, my dear.” Itinaas nito ang kamay patungo sa mukha niya. Pinaraanan ng thumb finger nito ang mga labi niya bago dahan-dahan iyong bumaba patungo sa leeg niya... pababa sa dibdib niya. Ni hindi makuhang huminga ni Drew. Then his thumb gently brushed one breast, sa paraang tila hindi iyon sinasadya. And yet her tender nipple came to taut life.

“You’re disgusting!” aniya. At nang dumako ang kamay nito sa laylayan ng kumot na hawak niya upang tanggalin iyon ay mabilis siyang umiwas, at pinulupot sa katawan ang kumot habang halos takbuhin nito ang anteroom bago pa niya bigyan ng panibagong kahihiyan ang sarili. Sinundan siya ng nakakalokong halakhak nito. Drew closed her eyes at isinandig ang ulo sa dingding ng anteroom. Nag-uunahan sa pagpintig ang puso niya mula sa iba’t ibang damdamin. From shame; from the savage and burning ache of desire that he awakened inside her; mula sa galit sa sarili, dahil iyon lang ang ginawa nito pero agad nang tumugon ang katawan niya, na lalo pang tumindi as memories of what happened last night was starting to intrude now. Malinaw na nagsasalimbayan sa isip niya.

Tama si Jace, hindi ang alak ang dahilan kung bakit ipinagkaloob niya ang sarili rito. Dahil hindi naman ganoon karami ang nainom niya.

Many times in the past, she rebelled against her father. Dahilan upang tagurian siyang Wild Heiress. Hindi miminsang iniugnay ang pangalan niya sa ilang kilalang personalidad. Karamihan sa mga nalalahathala sa peryodiko ay walang katotohanan subalit wala siyang ginagawang paraan upang pasubalian ang mga bali-balita. Kahit sa mga ambush interviews ay ipinagkikibit niya iyon ng mga balikat at matamis na ngiti lamang ang isinasagot.

In spite of her reckless ways, sa kabila ng peer pressure, lalo na noong nag-aaral pa siya, at sa bansang kinalakhan niya kung saan sa batang edad ay dapat na may karanasan ka na sa sex, ay hindi niya makuhang ipagkaloob ang sarili sa isang lalaki... gaano man kalaki ang atraksiyon niya sa lalaking iyon.

May ilan siyang naging boyfriend na totoong sa ilang pagkakataon ay pinukaw ang damdamin niya subalit hindi sapat upang hindi makapanaig ang moral values na itinanim ni Beatriz Navarro sa puso at isip niya.

But last night was different. Siguro dahil sa kaibuturan ng puso at isip niya ay alam niyang asawa niya si Jace—sa kabila ng konsekuwensiya ng kanilang pagpapakasal. Subconsciously, sa dance floor pa lamang ay alam na niyang iyon ang mangyayari sa kanila. Perhaps she even anticipated it to happen.

At hindi man iyon nangyari kagabi ay mangyayari din iyon isa sa mga araw na darating. She was his wife now, and Jace was the kind of man who would insist on his marital rights.

And denying him would be cheating.

Subalit hindi normal ang pagpapakasal nila. It was a marriage of convenience. After their marriage had served its purpose, she would file an annulment in a few months. That was her plan. So how could she possibly have allowed last night to happen?

She groaned in despair. Hindi ito ang uri ng buhay na pinapangarap niya para sa sarili. Bagaman hindi isang masayang ending ang buhay at pag-ibig ng ama at ina niya, she had always dreamed of love and happiness ever after. Tulad ng Lolo Franco at Lola Beatriz niya na magkasama sa pagtanda; ng Uncle Zandro at Aunt Jenny niya; ng Tito Lance at Tita Billie Rose niya.

Subalit ang kayamanang mamanahin niya ay lagi nang isang malaking hadlang sa paghahanap niya ng matinong lalaki.

Hindi ba at si Jace ay isang mabuting lalaki? And he was now her husband? Ano pa ba ang hinahanap niya?

But he doesn’t love me, she thought agonizingly. Ang dahilan lamang ng pagpapakasal na iyon ay dahil sa kapakanan ng ama at ni Jace. She was only a part of the deal—an important part of the deal.

Hindi niya dapat ipinagkaloob ang sarili rito.