noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 2

Ch. 3 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Two

Mirage Hotel, Las Vegas

“U SE THE en suite first,” ani Grant nang makapasok sila sa hotel suite. “Alam kong kayong mga babae’y kumokonsumo ng maraming oras sa simpleng pag-aayos lang.”

Napangiti si Drew. “Dahil gusto naming mga babae na laging maganda sa paningin ninyong mga lalaki.”

Sinuyod siya nito ng tingin. Something sparked in his eyes. She recognized it as lust.

“You know,” wika nito. “Hindi naman talaga tayo nagkaroon ng pagkakataong magkasarilinan sa nakalipas na mga buwan maliban ngayon.” Humakbang ito palapit sa kanya.

Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakahingalay sa kama. Dinampot niya ang shopping bag. “What time is it? Kailangang naroon tayo ng alas-onse.”

Umangat ang mga kilay nito at hinawakan siya sa braso. “Umiiwas ka ba?”

Kunwa’y nanlaki ang mga mata niya. “Umiiwas? Nagbibiro ka ba?” She laughed. Kaswal na pinakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito. “We have plenty of time for that, lover boy.” She fluttered her eyelashes. Pagkuwa’y nagmadaling lumakad patungo sa en suite.

Alam niyang sinusundan siya nito ng tingin. She walked casually. Maingat niyang ini-lock ang pinto upang huwag marinig iyon ni Grant. She didn’t need him to fuss. They would be married in just a couple of hours. But until then, she had no wish of starting their honeymoon.

Nag-retouch siya ng makeup niya and slipped into her red Donna Karan stilletos, isa pa sa madaliang pinamili niya sa Duty Free sa airport nang lumapag ang Lear Jet kanina.

Hinagod niya ng tingin ang sarili sa malaking salamin.

It was her wedding day. At bagaman gusto niyang malungkot na wala kahit sino sa mga kamag-anak niya ang nakakaalam sa gagawin niyang pagpapakasal ay hindi niya gustong sirain ang araw niya.

It wasn’t her dream wedding. Far from it. Subalit wala siyang magagawa. Itinulak siya ng ama na gawin ang bagay na iyon.

Nakilala niya si Grant tatlong buwan na ang nakalilipas nang magtrabaho siya sa hotel. Grant was a handsome twenty-eight-year-old blonde. Isa ito sa mga page boy ng hotel.

Most American employees at the hotel regarded her with polite hostility, lalo na ang kababaihan. Sa mata ng mga ito, siya ay anak ng milyonaryo at walang ginagawa kundi ang gumasta ng salapi habang ang iba’y labing-anim na oras ang ginugugol sa pagtatrabaho para mabuhay. At sa pananaw ng mga ito, nagtatrabaho lamang siya out of whims and caprices.

She thought it unfair dahil sinsero ang pagnanais niyang magtrabaho at nagtatrabaho siya nang maayos sa hotel. Bagaman makalipas lamang ang sampung linggo ay nag-resign siya dahil nakita niyang pinagbibigyan lamang siya ng ibang empleyado.

They weren’t really taking her seriously. Even the hotel manager indulged her as if she were a dumb millionaire’s daughter pretending to work.

Subalit hindi katulad ng ibang empleyado ng hotel si Grant. He was friendly, nice, charming, and sympathetic. And it didn’t take long for him to tell her that he loved her and showered her with chocolates and roses. Kaya naman bago natapos ang maikling panahong pagtatrabaho niya ay mag-boyfriend na sila.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. She smiled. She was beautiful, felt beautiful. And she was excited. Nasa labas ng en suite na iyon ang mapapangasawa niya.

And she would be Mrs. Grant Howard in less than two hours.

“Mrs. Grant Howard.” Binigkas niya iyon nang malakas.

It had a nice ring to it, so American. Ganoon pa man Pilipino si Grant. Ipinanganak at nagkaisip sa Pilipinas. Ayon dito, ang ina nito ay dating empleyado sa isang kilalang hotel sa Maynila at doon nito nakatagpo ang Amerikanong ama.

High school pa lang ito nang pumanaw ang ama at ang ina ay nag-asawang muli subalit muli ring nabiyuda nang maaksidente sa pinagtatrabahuhang minahan ang ikalawang asawa. Kaya naman naiwan dito ang responsibilidad sa ina at sa dalawang anak nito sa ikalawang asawa.

And Drew’s heart went out to him. Hinangaan niya ang hindi nito pagpapabaya sa pamilya. Kaya naman sa kabila ng pagtutol ni Nick ay pinanindigan niya ang relasyon nila ni Grant.

Her father’s threat to sack Grant didn’t stop her from seeing him. Hindi siya naniniwalang ipatatanggal nito ang kasintahan. Her father was a fair man. At hindi ito basta magrerekomenda sa hotel management na alisin si Grant nang dahil lang sa personal na dahilan.

Kaya naman patuloy ang pagkikita nila ni Grant kahit nang mag-resign na siya. Pagdating ng off nito’y niyayaya niya itong lumabas sila. She had been with him to the theatre, mag-stroll sa parke o di kaya’y manood ng football games.

At bagaman nagpupumilit itong magbayad tuwing lumalabas sila, hindi siya pumapayag. Grant was only an employee with a family in the Philippines to support. So to save his pride, she had always agreed on a dutch treat. At para naman hindi na ito gumagasta, minsan ay hindi na sila umaalis ng kotse kapag namamasyal.

Subalit nang magtungo siya sa hotel isang hapon ay nanlilisik ang mga matang sinalubong siya ng receptionist, si Abby Roberts. Kasing-edad ito ni Grant at hindi miminsang naaabutan niyang nag-uusap ang mga ito nang sarilinan. At hindi itinatago ng babae ang animosity sa kanya tuwing dumarating siya sa hotel.

“So you’re happy now, Miss Navarro,” wika nito sa mataas na tinig. “Grant’s out of job.”

“What are you talking about?” nakakunot-noong tanong niya.

“Don’t play dumb, Miss Navarro!” Puno ng pagkamuhi ang tinig nito.

“Miss Roberts,” she said patiently. “I wouldn’t be asking you if I knew what this is all about. Where’s Grant?”

“Packing his things,” wika nito. Kung patalim ang inilalabas ng mga mata nito’y baka kanina pa siya bumulagta sa sahig. “The manager sacked him. Thanks to you.”

May sinasabi pa ang babae subalit tinalikuran na niya ito. Sa opisina ng hotel manager siya nagtuloy at niliwanag ang sinasabi ng receptionist. Ang order na tanggalin sa trabaho si Grant ay nanggaling sa itaas, ayon sa manager. And that the manager had no idea who among the bosses in particular.

Subalit hindi kailangang hulaan kung sino sa mga board of director ang may kagagawan ng pagkawala ng trabaho ni Grant. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit sa ama. At nang abangan niya ito sa likod ng hotel building kung saan naroon ang employees’ lockers ay nakita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito.

“Grant... huwag kang magalit sa akin. Wala akong alam sa nangyaring ito.”

“What now, Drew? I’m out of job. Lalo na kitang hindi maililibre sa date natin ngayon,” wika nito sa tinig na puno ng kapaitan, galit, at sarkasmo.

“I don’t care!” sabi niya. Nilapitan ito at niyakap. “I have so much money and I’ll go to my grave in my old age and yet hindi ko man lang mababawasan iyon.”

“Lucky you,” matabang nitong sabi. “Subalit paano ako na ang tanging ikinabubuhay ay ang pagpapatulo ng pawis? Paano ang mga kapatid ko?”

“They won’t suffer, Grant, tinitiyak ko sa iyo. Because I’ll marry you,” she said impulsively.

“M-marry me?” hindi makapaniwalang pag-ulit nito sa sinabi niya. Inilayo siya mula sa pagkakayakap niya rito at tinitigan. “Tama ba ang narinig ko?”

“Yes, Grant. Magpapakasal tayo!” She raised a determined chin and saw his eyes sparkled. Then he bent and kissed her.

Subalit nang magkausap sila ng ama sa telepono at ipaalam niya rito ang balak na pagpapakasal kay Grant ay halos magliyab ang linya sa galit na inihahatid ng ama.

“Don’t defy me, Drew!” Nick said angrily. “Hindi ang lalaking iyan ang nararapat sa iyo. Pinaimbestigahan ko siya at nalaman kong siya at si—”

“Tulad ng laging ginagawa mo sa mga boyfriends ko!” putol niya sa sinasabi nito. Kung galit ang ama’y lalo siyang galit. “Wala naman talagang lalaking mabuti sa iyo para sa akin, `di ba?” Gumagaralgal ang tinig niya sa pinagsama-samang galit at sama ng loob.

“Dahil wala kang lalaking ipinakilala sa aking matino! Lahat ay oportunista, iisa ang puntirya, ang mamanahin mo! Listen, Drew, this Grant is Le—”

“So what?” she cried, muling hindi pinatapos ang ama. “We have so much, Daddy. At kahit pa marahil sampung oportunista ang makatagpo ko, hindi mauubos ang kayamanan mo!”

Narinig niya ang mabigat na paghingang pinakawalan ng ama. “Maraming charity institutions ang nakikinabang sa kayamanang sinasabi mo, Andrea,” wika nito. “Not to mention thousands of employees and their families all over the world,” patuloy ni Nick. “At dapat mong maunawaan na hindi lang para sa iyo ang salaping dugo’t pawis ang pinuhunan ko.

“Kundi para din sa magiging mga anak mo at sa magiging mga anak nila. Besides, why would you want to choose a man who only loves you for your money? Don’t you have any self-respect at all?”

The words hit her and she cried murder. “I hate you, Daddy! And whether you approve it or not, I’m marrying Grant. And you can’t stop me!” Ibinagsak niya ang telepono sa nagpupuyos na damdamin.

Mula sa Pilipinas ay lilipad agad patungong Texas ang ama niya, natitiyak niya iyon. Subalit hindi papasok sa isip ni Nick Gascon-Navarro na magpapakasal siya kay Grant sa Las Vegas.

Gamit ang Lear jet, she had flown to Las Vegas with Grant this morning. Laking gulat pa ni Grant nang hindi sila sa MGN Hotel tumuloy kundi sa Mirage.

Sinabi niyang pagkakataon niya iyon upang makita at masuri ang loob ng mga kalabang hotel. Isang mababaw na dahilan subalit hindi na nag-usisa si Grant.